Ano nga ba ang bucegi mountain?

Reading Time: 10 minutes

Boss Andrie eto na ung request mo, salamat sa walang sawang pagcomment patungkol sa topic na ito. To be honest, ngayon ko lang narinig ang bucegi mountain at upon researching, nakakaintriga naman pala talaga ang lugar na ito, no wonder gusto mong itopic natin.

Name:

Ang bucegi mountain ay nasa romania, sa timog ng brasov. Ang exact origin ng pangalan nito ay pinagdedebatihan parin ng philologist. Para sa mga hindi pamilyarr ang philology ay ang mga eksperto na nagaaraal sa mga text o written records, ang kanilang establishment, authenticity at origins.

Ang Buceag o bugeac ay ang pinaniniwalaang sournce ng pangalan nito, ito ay mula sa lengwahe ng mga local na nakitra sa kabundukan. Ang archaic version ng pangalan na bucegi ay buceci na ginagamit ng mga matatandang nakatira sa bundok.

Zalmoxis:

Ang mga dacians ay sumasamba sa diyos na si Zamoxis na pinaniniwalaang naninirahan sa isang kweba sa banal na kabundukan ng kogainon, na ngayon ay kilala natin sa tawag na bucegi mountain. Ayon kay herodotus, si Zalmoxis ay isang totoong tao, sa katunayan isa syang alipin na pinalaya ng greek mathematician na si Phytagoras. At nuong tumagal ay nagkaroon ng sariling kayamanan dahil na din sa na absorb nya ang kaalaman ni phytagoras at dito nga gumawa sya ng underground chamber.

Dacians:

Ang mga dacians ay ang mga sinaunang tao sa rehiyon ng dacia, sila ay mga indo europian tribes. Nuong nagsimula ang pangalawang Dacian War, 105-106 AD, sumugod ang mga romans para sakupin ito. End of fall nuon, Ang mga dacians ay pinamumunuan ni Decebal at ang sa romans naman ay ang isa sa mga heneral ni Trajan kung saan matapos ang pagsakop sa dacia ay naging ruling governor ng bagong roman province.

Ang pakikipagdigmaan ay tumagal ng araw. Nuong tumongtong na ang gabi, dito na nakita na namamayagpag ang pwersa ng mga romans dahil na din sa dami ng mga ito. Ang Great Dacian priest nuon na si Vezina ay nakitang nakikipaglaban sa battlefield, dahil dito humina ang moral ng mga dacians dahil isa itong senyales mula sa kanilang great god na si Zamolxis.

Para hindi matalo, inutusan ni Decebalus na bumalik ang mga dacians at ang mga ito ay unti unting nawala na para bang kinain ng lupa. Ang mga romans hindi basta bastang sumuko, sinundan nila ito hanggang sa hindi na nila makita. Lahat ng mga sumunod sa mga dacians, iisa lang ang sinabi, wala silang nakita. Ilang araw din nanahimik ang mga dacians.

Nuong mga panahong iyon nagtaka ang mga romans kung papaano ang mga dacians ay nakapunta sa kanilang meeting place sa mga kaalyado nito ng hindi dumadaan sa danube para atakihin ang roman castles. Subalit dahil na din sa mga alyansa ng romans, nalaman nila na ginamit ng mga ito ang isang tunnel ng bundok kaya imbes na magtravel sila paakyat at pababa, isang tunnel lang ang kanilang dinaanan at nakarating sa kabilang side nito.

Underground Tunnel:

Pinaniniwalaan nuong 2003 ang pentagon ay nagpalakad ng military at geodesic programmes gamit ang satellites at namangha sila sa kanilang nakita. Ang satellite ay nagbigay ng imahe sa bundok na merong dalawang major energetic blocks. Ang blocks na ito ay pinaniniwalaang gawa sa artificial energy. ang una ay ang opposite end ng tunnel na dinuscuss natin patungkol sa mga dacians at ang pangalawa ay nasa gitna ng bundok.

Nagtaka ang taga pentagon dahil ang tunnel ay nakazigzag papunta sa sentro ng bundok at ang significance ng 26 angle ng pag gawa dito. Dahil ang structure ay parallel naman sa lupa. Ang loob nito ay mayroong dome shape at ayon sa iba, ito ay eksaktong eksakto ang pagkakagawa.

Sphinx:

Ang Bucegi plateau ay kilalang kilala sa natural monument nito. Ang Sphinx, tinawag itong sphinx dahil well, kung titingnan mo sa unang tingin may resembalnce talaga ng sphix. Ayon sa mga eksperto, ito ay naform dahil sa soil erosion dahil sa malakas na hangin at habang tumatagal ay nagkaroon ito ng formation.

Ayon naman sa ibang mga theorist, ang monument na ito ay hindi natural kung hindi manmade. May isang advance civilization na gumawa nito at posibleng ito ang mga dacians. Ginawa nila ito para magbiagy pugay kay Zalmoxis na sinasamba nila bilang isang diyos. Regardless mga boss, kung ito man ay natural o manmade, talagang kakaiba ang itsura ng formation na ito.

Ayon sa mga kwento, ang lugar kung saan anduon ang sphinx ay isang sagradong lugar. Dito nagaalay ang mga dacians para sa kanilang diyos. Dito rin ayon sa kwento, sinakripisyo ni Decebal ang kanyang anak para magpadala ng mensahe  sa panginoon.

Sa katunayan mga boss, hindi lang ito ang megalith formation sa romania, meron ding isang rock formation na malapit din dito tinatawag itong Heaven’s mouth. Nuong 1999 ang private research institute ng bucharest ay nakakita ng isang ramp approx 1 square kilometer kung saan mayroong kakaibang magnetic anomaly. Pinangalanan itong heavens mouth dahil kapag pumunta ka dito, mawawala ang iyong pagod, ang sakit ng ulo at iba pang sakit ng katawan at mas magiging masigla ka.

Legend has it na sa lugar na ito nagkakaroon ng pagtitipon tipon ang mga wizards at witches.

Meron ding isa pang rock formation na malapit sa heaven’s mouth, ito ay tinatawag na old ladies. Sa katunayan malapit lang ang mga ito sa kilala nating sphix. Ayon sa kwento, kada spring, isang malaking bagyo ang darating at kapag ang kidlat ay natamaan ang mga rock formations na ito, mabubuhay sila at pupunta sa Garden of the sphinx.

Although may ilang rock formations na malapit dito, kakaiba ang sphinx dahil sa hugis na rin nito. Tayong mga tao ay laging namamangha sa mga kakaibang imahe na nakikita natin sa wild. Although ang mga theorist at mga lokal ay naniniwala na ito ay man made, ayon sa mga geologist, ito ay dahil sa barasion phenomeno at sa tagal na din ng panahon.

The Cave:

Ang pangalan ng kweba ay mula sa dacian language na “jalomut” na ang ibig sabihin ay “to cry”. DAhil ang kwebang ito ay pinaniniwalaan na isang lugar kung saan ang mga dacians ay ipinagdiriwang ang kamatayan bilang isang malaking kaganapan dahil ito ay pagtawid ng isang buhay sa kabilang lugar.

Ang kweba ay may 3 levels. Ang una ay para sa mga tourist na hugis S at ang 2 sumunod naman ay mahirap tahakin.

Ang unang level ay maraming pangalan pero mas kilala ito sa tawag na Grota Pustnicului na ang ibig sabihin ay The Monks Vault, maraming naniniwala na ang kweba ay nadiskubre ng isang monghe na si Father Teofil matapos nyang mapanaginipan ang lugar na ito at pinuntahan nya. Ang isang kilala pang pangalan ay Grota Lui Zamolxe o Zamolxe’s Vault. Ayon naman sa iba, ito daw ang ginawang taguan ng mga dacians kapag sila ay inaatake at dito rin nagdarasal.

Sa lugar na ito may mga kakaibang atraksyon, kung saan merong isang parang timba na puno ng tubig. Ang nakakapagtaka, pag tinanggal ang tubig, magkakaroon ng tulo ng tubig mula sa kisame ng kweba at titigil ito kapag puno na ulit ito ng tubog.

Isa pang atraksyon ay ang Hades Well, walang makapagpaliwanag kung bakit ang mga ilaw ay bigla na lamang namamatay sa lugar na ito.

Ang second level ng kweba ay mayroong dalawang dacian tombs at ang third level ay mayroong glaciar lake.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

11 points

Leave a Reply

Loading…

0

Papaanong nadikubre ang Bucegi mountain?

DNA Ancestry Conspiracy