Ano ba ang Ygdrassil, Bakit ito tinawag na world tree?

Reading Time: 7 minutes

Another Mythology na naman tayo mga boss. Ang topic natin, Ygdrassil. Ano nga ba ito? Bakit ito tinawag na world tree?

Ang Ygdrassil ay ang malaking puno na sentro ng Norse cosmology kung saan ito ang nagkokonekta sa 9 worlds.. Kapag ang ygdrassil ay yumanig, ito ang senyales ng katapusan, ang ragnarok.

Etymology:

Ang pangalan ng ygdrassil, mula sa salitang yggr o terrible. Isa ito sa napakaraming pangalan ng diyos na si Odin. Habang ang drassil naman ang ibig sabihin ay horse. Kaya ang Ygdrassil ay Hodse of odin. Isang refence nuong sinaccrifce nito ang kanyang sarili para madiskubre ang mga runes kung saan tinali nito ang kanyang sarili sa puno sa loob ng siyam na araw. Dahil dito tinatawag din ito odin’s gallow o Horse of the hanged.

Sa sinaunang tula, ang voluspa, ang ygdrassil ay “the friend of the clear skiy”, sa sobrang taas nito ang korona nito ay abot na ang alapaap. Ayon naman sa tulang havamal, ang puno ay napapaligiran ng malalakas at mababingis na hangin lalo na sa taas. Habang hindi alam kung hanggan saan ang ugat nito dahil ang ugay ng ygdrassil ay nagsstretch out hanggang sa underwolrd kung saan wala pang nakakakita bukod sa mga shaman na may kakayahang makita ang underworld, bago sila mamatay.

Origins:

Sa old norse, ang ygdrassil ay inuugnay sa isa pang pagalan, ang mimameidr. Kung papaano ito nagsimula ay hindi na nagdelve in pa ang authoir, in short hindi ito malinaw. Pero ayon sa mga norse mythology researchers, ang sacred tree of life ay mula sa isang balon na tinatawag na urd.

Three Roots and Three Wells:

Ang Ygdrassil ay mayroong 3 malalaking ugat. Bawat isa dito ay nakakoneta sa isang mundo. Ang 3 ugat na ito ay nagkokonekta sa Helheim, Jotunheim at Asgard.

Ang unang ugat ay nagtatapos sa asgard, sa pinakamataas na sanga ng sacred tree. Ang ugat na ito ay mayroong balon na ang tawag ay urd na ang ibig sabihin ay origin o past. Tinatawag din itong well of fate at binabatayan ng 3 norns. Bawat araw, ang mga diyos ay nagtitipon tipon sa well of urd para sa council.

Ang 2 ugat ay nagtatapos sa Jotunheim. Ang ugat na ito ay binibigyan sustansya ng mimisbrunnr o well of wisdom kung saan binabantayan ito ng higanteng si Mimir. Si Mimir ay ang pinakamatalino sa buong cosmos at umiinom din sya sa balon na ito kada araw.

Ang 3 ugat ay nagtatapos san helheim o nifelheim. Ang lugar na ito ay mayroong pinakamatandang balon. Tinatawg itong hvergelmir kung saan ito ang source ng 11 ilog. Ang lalaking usa na si Eikthyrnir ay kinakain ang mga sanga ng ygdrassil at mula sa kanyang mga sungay ay dumadaloy ang tubig papunta ng hvergelmir at in turn ang hvergelmir ang nagbibigay ng tubig sa lahat ng ilog. Sa balon na ito, maraming ahas na nagbabantay at binabantayan din ito ni nidhogg.

Creatures:

Bukod kay nidhogg at Eikthyrnir, may mga ibang nilalang pa na nakatira sa world tree. Isa na nga dito sai Ratatosk. Si Ratatosk ay isang squirrel. Ang trabaho nito ay mensahero, seriously boss un talaga. Sya kasi ang nagdadalang ng mensahe kay nidhogg mula sa isa pang nilalang.

Si Nidhogg ay galit sa isang agila na nakatira sa pinakataas ng puno at si ratatosk ang nagdadala ng sulat back and forth sa dalawa. Ang mga sulat na ito ay puro insulto sa bawat isa.

May 4 pang lalaking usa na sina dvalinn, duraphror, duneyrr at dainn na sya ring kumakain sa sanga ng world tree. Sila ang nagrerepresenta ng 4 winds.

9 Worlds:

Sa mga sanga at ugat ng Ygdrassil ay nageexist ang nine wolrds o realms. Bago pa mag exist ang ibang mga realms, meron ng dalawang primordial worlds, ang Nifelhem at muspelheim. Ang realm ng fire and Ice. Ang dalawang ralsm ay pinaghihiwalay ng tinatawag na bottomless abyss o ginnungagap.

Ang init ng muspelheim ay tumatagos pa rin at ang yelo ng nifelheim ay unti unting natutunaw. Ang patay mula sa natutunaw na yelo ng nifelheim ang bumuo sa unang nilalang, si ymir. Hindi ymir ng attack on titan ha. Nagkaroon na ng frost giants sa nifelheim habang sa muspelheim naman ay mga fire giants.

Ang asgard ay ang realm ng mga aesir, ang pantheon gods ng mga norse. Dito nakatira sina thor, odin at balder. Ang asgard ay nasa itaas na sanga ng ygdrassil. Ang mga taong namamatay ng nakikipagdigma ay mapupunta sa lugar na ito. Habang ang mga magagaling na mandirigma at bayani ay pinapadala sa valhalla para maghanda sa ragnarok.

Ang Midgard ay ang earth ng norse. Ito ay nasa ibaba lang ng asgard, tirahan ito ng mga tao at ito lang ang visible realm dahil ang ibang mga realm ay mostly invisble. Isang rainbow bridge ang nagkokonekta sa asgard at midgard at tinatawag ito bifrost.

Ang jotunheim ay tinatawag din Utgard, ito ay tirahan ng mga higante at tinatawg din silang the devourers. Isa itong mabundok at punong puno ng kakahuyan. Sinisimobolo ng lugar na ito ang wildness, chaos, disorderliness at nonconformity. Ang mga devourers ay mga malalakas na nilalang at laging gusto ng kaguluhan.

Ang vanaheim ay lugar ng mga vanirs, sila ay mga diyos din na nagrerepresenta ng fertility at wisdom. Ang mga vanir ay ibang tribo ng diyos, hindi sila katulad ng aesir ng mga asgard.

Ang afelheim naman ay ang lugar ng mga light elves. Walang eksaktong depiksyon kung anong klaseng mga elves sila. Pwedeng mga demigod o hindi naman kaya mga anghel katulad sa kristianismo.

Ang nidavellir o svartalfheim ay ang lugar ng mga dwarves. Nakatira ang mga ito sa ilalim ng lupa at mahuhusay na metal workers. Sila din ang nagtayo ng golden Galls.

Lastly ang Hel o helheim, Ito ang lugar ng mga patay. Ang helheim ay located din sa nifelheim. I’ve discussed this sa video ni hel, kaya di na tayo magdedelve in pa dito.

Kung papaano ito nakaarrange sa world tree ay thru our imagination na lang mga boss dahil walang map o kahit images ng nine worlds. Ang mga nakikita nyo online is just artist imagination, sa 3 tula ng norse, walang visualization ng 9 worlds.

Ito na lang muna sa ngayon mga boss. Sana ay may natutunan kayong bagong impormasyon sa video na ito.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Saan ba galing ang Deadly Sins (7 Deadly Sins Part1)

Freemason Part 1 – “Origins” – Totoo ba si Hiram Abiff o isang kwento lang?