Ano ba ang soul selling?

Reading Time: 10 minutes

Soul Selling, hindi na iba sa atin ang salitang ito. Sa katunayan maraming naniniwala na karamihan sa mga singers o mga artista sa hollywood ay ibinenta ang kanilang kaluluwa sa dyablo kapalit ng kasikatan. Ano nga ba ang soul selling, ano ang repercussions ng devils pact? Sa katunayan diniscuss din ito sa bible kung saan si satanas ay sinubukang linlangin si hesu kristo.

Mga boss, hindi po ako satanista, ginawa ko ang video na ito as per request ng mga viewers. This video is informational and only made to give out information. You as the viewers will be the judge, assuming you are open minded. Oo nga po pala, sa mga religious viewers, onion skinned, closed minded people, please do not watch, kasi may mga certain topics ito na posibleng makaoffend sa inyo. Kung sakali mang magcomment kayo in any way or form na over the boundaries, i will block you. You have been warned.

Pact:

Ang devils pact ay isang pledge na pagsisilbihan mo ang isang demonyo o ang mga alagad nito. Ang kasunduan pwedeng verbal o written pero ayon sa lore, ito ay sinusulat sa virgin parchment at pinipirmahan gamit ang dugo. Ang diablo ay bibigay ang kahilingan ng isang tao kapali ang kaluluwa nito. May iba naman na ang kasunduan ay ang pagpatay ng anak nito o hindi naman kaya pag alay dito sa demonyo. Sa katunayan maraming midwives nung middlage ages ang inakusahan na isang mangkukulam dahil maraming bata ang namamatay ng ipinanganak ito.

Ayon sa witch trials at inquisitions na nangyari nuong middle sages, kapag ang diablo ay nakipagkasundo,magiiwan ito ng isang marka indikasyon na ang taong ito ay nakipagkasundo sa demonyo. Pinaniniwalaan din na ang spot kung saan nanduon ang marka ay mawawalan ng pakiramdam, in short, hindi na ito makakaramdam ng sakit sa parteng iyon.

May ibang nagsasabi na ang pact ay pinipirmahan gamit ang dugo ng taong nakipagkasundo, habang ang iba naman ay naniniwala na gumamit lamang ito ng red ink at ang iba nagsasabi na ito ay dugo ng hayop. Ayon sa libro ng malleus maleficarum o hammer of the witches, lahat ng mga witch at warlock ay mayroong kasunduan sa diablo, be it satan o sa mga alagad nito. Ayon naman sa demonology, mayroong specific na buwan, araw at oras para tawagin ang isang demonyo, ang pact ay kailangan eksakto sa oras. Hindi lang yan, ang bawat demonyo ay may specific function, depende sa itatanong ng conjurer.

Reasons:

Before we go further let us discuss the reasons mga boss. Obviously, we have number 1, ang fame. Ito ang common reason ng mga tao kung bakit inaalay ang kanilang kaluluwa sa diablo. Sympre pag kilalang tao ka na, papasok na ang yaman, kapangyarihan at respeto.

Next on the lists ay ang kayamanan, sure sa fame posible tayong makakuha ng kayamanan din pero may mga taong gusto lamang yumaman at ayaw ng fame, isa ito sa mga dahilan kung bakit binibenta ng tao ang kanyang kaluluwa.

Then we have revenge,  May pagkakataon na naabused ang isang nilalang, walang magawa dahil hindi nya kayang lumaban. Dahil dito, ang taong iyon ay magreresort sa pagbebenta ng kanyang kaluluwa para lamang makapaghiganti.

Power, isa rin ito sa mga dahilan ng soul selling. Sino ba naman ayaw ngkapangyarihan, ung tipong isang salita mo lang kailangan itong sundin.

Immortality, Maraming pagkakataon na ang tao ay gustong matuloy pa ang kanilang buhay, lalo na’t mat matinding karamdaman, kaya naman tumatawag ang mga ito sa diablo para mas maextend pa ang buhay.

Kinds:

Ayon sa mga demonologist, mayroong dalawang klase ng pact. Ang private pact at ang solemn public pact. Ang private pact ay ang mga vow na ginawa ng mga witch, kadalasan sa tulong ng isa pang mangkukulam. Dito dinidiclare nila ang allegiance nila sa diablo publicly. Ang detalye ng kasunduan ay nakuha nuong ang mga mangkukulam ay sumalang na sa torture.

Habang ang public pact ay isang seremonya sa isang simbahan o hindi naman kaya outdoors. Kung ito ay ginawa sa simbahan, ang diablo ay hindi lilitaw subalit kung ito ay sa labas lang, ito ay magpapakita.

Ayon naman sa magical grimoires, ang pact ay mayroong unilateral at bilateral. Ang unilateral ay pumayag ang demonyo na pagsilbihan ang conjurer without any condition, ang bilateral ay ang paghingi nito ng kondisyon kadalasan ang katawa o kaluluwa ng conjurer.

Reversal:

Kung ang pagsamba sa panginoon ay kailangan ng pledge of service at ang pagtanggap dito para mailigtas, then surely, ganun din ang opposite nito, ang diablo. Ayon sa demonology, ang mga taong nakipagkasundo sa diablo ay kailangan irenounced ang knialng christian faith at baptism at mangako sa diablo na magsasacrifice ng nbaptized children ay magbibigay ng annual tribute at kapiraso ng kanilang kasutan. Ang demonyo bibigyan ito ng bagong pangalan at mamarkahan gamit ang kanyang mga kuko. May ibang pagkakataon naman na ang demonyo ay tatanggalan ng damit ang conjurer at pagkatapos ay ipapahalik ang pwet nito.

Lahat ng alam nating seremonya ay kabaligtaran sa diablo. Ang mga cross ay nakabaliktad pagkatapos ay tatapaktapakan, ang conjurer ay magsisign gamit ang kaliwang kamay nito at ang demonyo ay bibigyan ng marka sa kaliwang bahagi ng katawan.

Satanism:

Sa modern satanism, ang mga followers nito ay kailangang pagilbihan si satanas sa pamamagitan ng kasunduan. Ang church of satan ay hindi nirerequire na ang mga members na dumaan sa pact bago maging isang satanista. Ang church founder na si anton szandor lavey ay nagsabi na ang devils pact ay isang thread na ginawa ng mga kristiano para takutin ang mga tao at hindi umalis sa paniniwala nito.

Magic:

Sa mga magical grimoires, normal na ang mga instructions kung papaano magkakaroon ng pact sa isang demonyo. Ayon sa grand grimoire, kung ang magician ay hindi kayang i master ang magic circle at ang blasting rod, ang pact sa isang demonyo ay talagang kailangan. Kung kaya naman imaster, adviseable pa rin na magkaroon ng kasunduan. Ayon din sa libro, hindi pwedeng makipagpact ang magician sa mga major demons kagaya nina lucifer, beelzebub at astaroth, pwede lang makipagpact ang magician sa mga lieutenants nito.

Cross road demons:

Sa mga fan ng supernatural, malamang alam nyo na ang tinutukoy ko, si crowley, ang hari ng mga crossroads. Anyway hindi un ang ididiscuss natin, altho kaya ko nabanggit kasi ang palabas na yon ang nagpamulat sa lore ng crossroad pacts.

Symbolic ang crossroad, Sa folklore, ang crossroad ay inilalaarawan bilang lokasyon sa pagitan ng dalawang mundo. Base sa ideayang ito, ang mga demonyo ay mas mabilis na makakatawid sa ating mundo kung sa crossroad gaganapin ang isang pact. Ayon naman sa english tradition, ang mga crossroad ay ang lugar kung saan nililibing ang mga kriminal o mga nagsuicide. DAhil nga nasa crossroads sila at malayo sa settlement, ang mga kaluluwa ay malilito at hindi makakatawid sa kabilang mundo. Dito posibleng nagsimula ang idea ng crossroads demon, dahil ang mga patay ay posibleng mga nakikipagdeal para makakuha ng kaluluwa at makatawid sa kabilang buhay.

Breaking the pact:

Ang mga kasunduan ay hindi naman irrevocable at ang redemption ay posible pa rin, ayon sa mga demonologist. Ayon sa mga kwento, may pagkakataon na ang birheng maria o si hesu kristo ang nagiintervene. May mga pagkakataon din na hindi ito nababali katulad nalamang ng kwento ni faust, kung saan ididiscuss natin sa susunod na video. Para mabali ang kasunduan, kailangan irenounce ang pact, sunugin ang kasunduan kung hawak hawakpa ito o ideklara na nirereject ito, sirain ang lahat ng charms, talisman at mga gamit na konektado sa black magic.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit alam ng experto kung kailan mangyayari ang Solar eclipse?

Mga kwento ng pagbebenta ng kaluluwa “Alleged”