Ano ba ang Near Death Experience?

Reading Time: 10 minutes

Common na sa atin ang NDE o near death experience. Karamihan sa atin narinig na ang mga kwento lalo na ang mga mga malalapit sa ating buhay na minsan ng nakaranas ng kamatayan.

Kadalasan maririnig natin na ang buong buhay ay parang isang liwanag na mabilisan nating nakita, ang iba naman nagsasabi na meron daw isang liwanag at inuudyok silang pumunta rito habang ang iba nakikita ang mga mahal nila sa buhay na yumao na at hinihintay sila nito.

Pero ano nga ba ang mga ito, ito ba ay totoong supernatural experience o dala lang ng atiing hallucinations? Meron nga bang buhay sa kabila ng kamatayan o ito ay ang pagadapt o pagbabago lang ng ating utak sa darating na kamatayan?

Etymology:

Ang equivilant french term ng experience of imminent death ay prinoposed ng isang french psychologist at epistemologist na si Victor Egger. Nuong 1890 nagkaroon ng pagpupulong ang mga philosophers at psychologist tungkol sa mga kwento ng mga climbers, ang kanilang panoramic life review kapag sila ay nahulog.

Nuong 1892 naobserbahan at nareport ang mga serye ng muntik ng pagkamatay sa pamamagitan ni Albert Heim. Ito rin ang kauna unahang pagkakataon na inilarawan ito bilang clinical syndrome.

Ang term na near death experience ay ginamit na ni John C. Lilly nuong 1972 pero mas nakilala ito sa libro ni Dr. Raymond Moody na life after lfe na pinublished nuong 1975.

Pero hindi na bago ang Near death experience, sa katunayan nilathala din ni plato ang kwento tungkol dito. Isang sundalo na nagngangalang Er ang nakaranas ng near death experience bago ito mamatay sa pakikipagdigma. Ayon sa sundalo ang kanyang kaluluwa ay nilisan ang katawn nito at pumunta sa langit para duon sintensyahan.

Characteristics:

Sa lahat ng mga nakakaranas ng near death experience halos pare parehas ang kaninang nirereport. Pero depende pa rin ito sa isang tao base  sa kanyang kultura, relihiyon at sa mismong taong nakakranas nito.

Ayon sa mga nakaranas ng NDE, karaniwan nakakaita sila ng sobrang liwanag na ilaw, pero ang ilaw na ito ay hindi masikit kadalasan sinasabi din na medyo mainit ito na para bang sila ay nasa langit.

Ang iba nakaranas ng ibang realm o dimensyon. Pero dito na papasok ang religious belief na kadalasan sinasabi nakapunta daw sila sa langit, nakita ang mahal nila sa buhay sa langit at meron ding mga worst cases kung saan sinasabi na nakita nila ang impyerno. Pero bihira lang mangyari ang ganun mga boss.

Ang iba naman nagigising daw sila sa isang tunnel, isang madilim na tunnel kung saan sa dulo ay may liwanag. Kadalasan din nakakita ng mga espiritu at mga kilalang tao habang papunta ito sa liwanag.

Ang ibang nakakaranas ng NDE ay nagsasbi na meron daw silang naririnig na boses, kadalasan isang lalaki na mayroong malalim na boses at sinasabi na hindi pa nila oras yun at kailangan nilang bumalik sa kanilang katawan. Naniniwala ang iba sa mga nakaranas nito ay ito ang panginoon.

Nakakaranas din ang iba ng tinatawag na panoramic life review kung saan lahat ng ginawa mo nuong nabubuhay ka ay nagflflashback. Ang iba nagsasabi din na hinahatulan sila ng mga espiritu na malapit lang sa kanila.

Ang obe o out of body experience ay naiuugnay din sa NDE kung saan ang nakakaranas nito ay nakikita nila ang kanilang mga sarili, narkaratay. May mga pagkakataon din na ang kaluluwa ay nakakalipad at nakakaalis ng kwarto kung saan anduon ang katawan nya, may mga reports din na nakapunta sila ng space. Gayunpaman, may pagkakaiba ang Out of body at near death dahil ang near death ay mararanasan lang kapag malapit ng mamatay ang isang tao habang ang Out of body experience ay posibleng maranasan pag gumamit ng droga o mga gamot na posibleng magparanas sa kanila nito.

5 Stages:

Ayon sa pagaaral na ginawa ni Kenneth ring, merong 5 stages ang nakakaranas ng newar death experience at ang unang una ay kapayapaan, sumunod ay ang paghihiwalay ng katawan sa kaluluwa, matapos ang paghihiwalay papasok ito sa napakadilim na lugar, ang pangapat ay makakakita ito ng isang liwanag at susundan nya ito, ang huling stage ay ang pagpasok sa nasabing liwanag.

Ayon naman kay Charlotte Martial na isang neuropsychologist na mayroong 154 NDE cases, hindi fixed ang event na ito. Kadalasan pabago bago ito.

Dagdag pa ni Kenneth Ring, ang mga sumusubok magpakamatay ay kakaunti lang ang nakakaranas ng near death experience kumpara sa hindi inaasahan. Ayon pa sa kanyang pag-aaral ang mga nakaranas ng NDE ay nagkakaroon ng pagbabago sa buhay kung saan mas pinapahalagahan na nila ito.

Pleasurable and Distressing:

Kagaya ng nabanggit ko kanina ang stages ng NDE ay naihahalintulad din sa 4 phases. Meron din itong pleasurable at distressing. First let us discuss the 4 phases of pleasurable NDE’s.

Ang isang phase ay ang disassociation kung saan ang nakakaranas ng NDE ay wala ng link o kaugnayan sa katawan nito in a sense, detached na ang kanilang kaluluwa. Kadalasan ito ay inilalarawan bilang mapayapa, hindi na  nakakaramdam ng sakit. Kadalasan nawawala ang kanilang sensasyon kagaya ng paningin, pandinig at pakiramdam.

Ang naturalistic phase naman ay alam ng mga nakakaranas ng NDE ang kanilang kapaligiran. May mga ibang reports din na nagsasabing meron silang kakaibang abilidad kagaya ng nakakita sa mga pader o mga harang at nakakarinig ng mga iniisip ng mga tao na malapit sa kanila.

Ang supernatural phase naman ay kadalasan napupunta sa ibang mundo o lugar, kadalasan ang langit. Dito nakikita nila ang mga mahal nila sa buhay at nakakapagusap ng hindi man lang nagsasalita, ibig sabihin mga boss, ang kanilang mga isip lamang ang naguusap. Nakakarinig din ito ng mga magagandang musika, mga musika na hindi mula sa ating mundo. Ang mga nakakaranas ng supernatural phase kadalasan ay nagrereport na nakakita sila ng liwanag at ang liwanag na ito ay isang nilalang kung saan nararamdaman nila ang pagmamahal nito.

Ang huling phase naman ng NDE ay ang pagbalik sa katawan o ang ating phusical body. Kalahati ng nakakaranas ng pleasurable NDE ay nagdadalawang isip kung sila ay babalik pa sa kanilang katawan. Kadalasan bumabalik ang mga ito dahil sa pagmamahal ng naiwan nila sa mundo ng nabubuhay. Habang ang iba naman bigla na lang magigising na nasa katwan na nila.

Ngayon pumunta naman tayo sa types of distressing NDE, meron tayong 4 na type, ang powerlessness, nothingness, torment at worthlessness. Ang unang una ay ang powerlessness type, kaparehas ito ng phases ng pleasurable NDE pero wala silang kapangyarihan dito, o hindi makapalag habang ito ay nangyayari sa kanila kaya sinusubukan nila itong labanan dahil natatakot ang mga ito o nagagalit.

Ang nothingness type naman ay pakiramdam nila hindi sila nageexists, na para bang magisa lang sila sa isang napakadilim na lugar, walang kakilala, walang lumalapit, walang kasama.

Ang torment type naman mula sa salitang torment ay mga pinapahirapan sila. Kadalasan napupunta sila sa isang napakapangit na lugar, nakakatakot. Dito nakikita din nila ang mga nakakatakot na nilalang, maingay ang kapaligiran at meron din silang mga nakikitang tao na pinapahirapan din. In short mga boss, ito ay naiuugnay sa imopyerno.

Habang ang worthlessness type naman ay karaniwang nawawalan sila ng kahalagahan sa sarili nila dahil ang kanilang experience ay hahatulan sila ng isang mataas na nilalang, at sa kaso nga ng mga NDE and diyos at ang hatol nito ay hindi maganda.

May mga pagkakataon din na ang mgadistressing NDE ay nagiging pleasurable NDE, ayon sa mga report, kapag humihiling sila ng tulong sa may kapal, naging pleasurable ang kanilang experience. Base sa pagaaral na ginawa, bihirang bihra na ang pleasurable NDE ay maging distressing.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Isa bang dwende o isang demonyo ang tyanak?

Ang kwento ng Tikbalang