Ano ba ang Chupacabra? Isa ba itong imahinasyon o totoong nilalang?

Reading Time: 9 minutes

Ang video pong ito ay request ni Jinmark at iba pang mga viewers.

Marami sa atin kilala ang chupacabra lalo na’t ung mga mahihilig sa mga foreign movies. Panigurado narinig nyo na to. Karaniwan din itong naliling sa jersey Devil dahil sa kaparehas na hitsura nito. Sa katunayan, magsearch lang kayo sa youtube ng chupacabra andami nyo ng mahahanap, kesyo nakita daw, kesyo totoo daw. Pero mga boss ang cryptid na ito ay hindi pa rin napapatunayan. Kagaya ng aswang, kapre at iba pang mythological at cryptid creature ay nanantiling misteryo.

Description:

Ano ba ang chuoacabra? Ang chupacabra mga boss ay mayroong iba’t ibang deskripsyon, depende sa lokasyon at nakakita pero meron itong kaparehas na pagkakahalintulad, ang makaliskis na balat. Para syang isang reptile, ung balat nya mga boss ha. Habang ang ibang nakakita naman nagsasabi na meron itong mga matutulis na balahibo sa likod nito, ung tipong parang katulad ng iguana.

Ayon sa mga nakakita, may laki ito na umaabot ng 3 hanggang 4 na talampakan at parang isang kangarro kung tumayo at maglakad. Mukha rin itong isang mabangis na aso.

Kapag ang chupacabra ay umatake, mayroon itong 3 pangil na tutusok sa biktima at mula sa tatlong butas na ito, sisipsipin ng chupacabra ang dugo ng biktima hanggang sa maubos. Dahil sa bite marks nito, naniwala ang ilan na hindi ito normal na nilalang na kadalasan ay mayroon lamang dalawang bite marks.

Discovery:

Nuong March 1995, 8 tupa ang nakitang patay sa isla ng puerto rico. Pero may kakaiba dito, dahil ang 8 tupa ay wala ng dugo. Nuong ito ay ininspeksyon, meron itong kagat sa kanilang mga tyan. Pero hindi basta kagat lang dahil hindi nagmamatch ang bitemarks nito sa kahit anong hayop dito sa mundo natin. Ito ang kaunaunahang reports ng chupacabra.

Dumationg ang buwan ng agosto. Muli na namang umatake ang kakaibang nilalang nito. Ayon sa report, mayroong humigit kumulang 150 hayop na pinatay at hinigop din ang dugo. 

Dahil na din sa pangangamba na hindi nila alam kung anong klaseng nilalang o halimaw ang umaatake sa kanilang mga hayop, nagdulot ito ng takot sa mga residente. Ang mga local vet ay agad na pinag-aralan ang mga hayop pinatay at dito nila nalaman na ang atake nuong marso ay kaparehas ng atake ngayon.

Mayroong 3 butas ang mga pinatay na hayop at base sa kanilang pagaanalisa, kasing laki ito ng isang straw at mayroong lalim na 3 to 4 inches. Ayon sa mga nagreport, ang kanilang mga alagang hayop ay wala ng dugo nuong natagpuan nila.

El Vampiro de Moca:

 

Hindi na iba ang ganitong pag atake. Sa katunayan nuong 1975 buwan ng pebrero, ang kaperahas na pag atake ay naitala. Umatake ang isang nilalang sa Moca, Puerto Rico at binansagan nila itong El Vampiro de Moca o The Vampire of Moca. Inatake ng nilalang na ito ang 15 baka, 3 kambing, 1 baboy at 2 gansa, teka… gansa? pambihira naranasan nyo bang mahabol ng gansa? Daig pa pitbull nyan kung makapanghabol, talagang malakas ang el vampiro na yun kunga ganon.

Pero kidding aside, ang mga media nuon ay isinisi ito sa mga askal. Pero may kakaiba at imposibleng askal ang may gawa ng pag atake dahil nakakita sila ng isang baka na ang kagat ay sa ulo nito. Which is hindi ganun umatake ang mga aso, karaniwan sa leeg ito sumasagpang o sa katawan.

El Chupacabra:

Di nagtagal ay binigyan nila ng pangalan ang nilalang na ito. Tinawag nila itong chupacabra dahil na din sa kakaibang pag atake nito. Ang Chupacabra mga boss ibig sabihin Goat Sucker.

Maraming naglabasan na nakakita kuno ng nilalang na ito, pero karamihan sa kanila ay mga hoaxers lamang o gusto lamang sumikat. Pero merong isang sighting na nangibabaw sa lahat. Ito ang eyewitness na si Madelyne Tolentino.

Sya ang kaunaunahang eyeweitness na nakapagbigay ng full description ng nasabing nilalang kagaya ng bipedal daw ito o nakatayo sa dalawa nitong paa. Meron itong maitim na mata at mayroong mga spikes sa likod nito. Ang paglalarawan na ito ay hindi nag match sa kahit anong kilalang hayop.

Kagaya nga ng nabanggit, iba’t iba ang paglalarawan sa nilalang na ito. Isang college student ang naglarawan din  dito, meron daw itong malaking mata na hugis itlog, nakalabas ang mga pangil nito, at mayroon ding mga spikes sa likod. Ang iba nagsasabi pa na para itong kangaroo kung maglakad o tumatalon talon in that case. Pero lahat ng ito ay na discredit bilang mis sightings.

Nuong early 2000 nagbago na naman ang chupacabra, kung nuong una ay bipedal at parang kangaroo ang movement, ngayon ang sabi ng mga eye witnesses ay kaparehas nito ang isang canine o isang aso kung maglakad. Meron itong makaliskis na balat.

May ibang mga magsasaka at ibang mga tao na nakakita ng chupacabra at napatay nila ito, pero nuong ito ay inanalyzed ng mga eksperto, isa lamang itong normal na hayop na mayroong parasites.

Hoax:

Si Madelyne ang first eyeweitness na merong detailed report at pinaniwalaan ito ng marami, sa katunayan ang skeptic at researcher na si Benjamin Redford ay nagsimula ng kanyang sariling imbestigasyon tungkol sa nilalang na ito at ang kanyang nalaman ay isinulat nya sa kanyang librong, ‘The Vampire Beast in Fact, Fiction, and Folklore.’

Lahat ng ininterview ni Benj ay nagtuturo sa iisang eye witness, si Madelyne. Ang kanyang report ay sobrang detalyado at accurate na kahit mismo si benj ay nagsaming imposibleng gawa gawa nya lamang ito. Pero merong isang kritikal na impormasyon na naglaglag kay madelyne.

Napanood nyo na ba ang pelikulang species mga boss? Pinalabas sya nuong July 1995. Ang pelikulang ito ay tungkol sa alien human hybrid na ginawa ng isang team ng scientist na nakareceived ng transmission sa deep space. So bakit ko ito nabanggit? Ito ang kritikal na impormasyon na sinsasabi ko mga boss. you see, ang appearance ng hybrid na specie sa pelikula ay kaparehas na kaparehas ng paglalarawan ni Madelyne. What could be the odds right?

Oo nga po pala sa mga nagulahan, first reported ng el chupacabra March 1995, 2nd Report August 1995, Ininterview si Madelyne August 1995. Ang species pinalabas July 1995. You do the math.

Dahil dito mas lalong lumabo ang pagkakilanlan sa nilalang. Ito ba ay totoong nilalang o epekto lang ng isang imahinasyon ng isang babae na kumalat dahil sa media? 

Ayon kay Benj, hindi sya naniniwala na ginawa ito ni Madelyne bilang prank o gusto lang sumikat. Bagkus naniniwala si Benj na malaki ang epekto ng napanood nitong pelikula at nuong nakakita ito ng nilalang sa kanynang bakuran, naalala nya dito ang napanood nya sa pelikula. In short mga boss, para kay Madelyne totoong nakita nya ang chupacabra, pero ito ay gawa gawa lamang ng kanyang isipan.

Hanggang dito na lang muna mga boss. Susunod na video natin sa topic na ito ang mga posibleng dahilan ng pag atake. Sympre, naestablish na na naimpluwensyahan lang ito ng pelikula still it doesn’t explain the bite marks at ung mga atake. We will get into those on the next video mga boss.

Salamat sa panonood. Sana ay may bago kayong impormasyon na natutunan sa video na ito.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9
Source 10

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Isang diyosa nga ba si Medusa, o isang halimaw?

Kumakatok