Ano ang Sleep Paralysis?

Reading Time: 9 minutes

Naka experience na ba kayo ng sleep paralysis? Yung tipong ang sarap ng tulog mo tapos bigla na lang naalimpungatan ka at hindi ka makagalaw? Yung tipong pakiramdam mo gising ka pero ang katawan mo hindi sumusunod sayo? yung parang may bumubulong sa tenga mo habang nangyayari ito?

Sleep Paralysis:

Ano nga ba ang sleep paralysis? Maraming siyentipiko ang kinukunsidera na ito ay ang saglit na panahon na hindi mo magagalaw ang iyong katawan. Pwede itong mangyari pagkapikit mo ng mata, sa kahimbingan ng tulog o bago ka magising. Pinaniniwalaan ng marami na ang sleep paralysis ay tumatagal. Pero ang totoo, ang sleep paralysis ay tumatagal lamang ng ilang segundo.

Ang sleep paralysis ay hindi na iba. Pero karamihan sa atin hindi ito naiintindihan at ang ibang nakakaexperience dito ay talaga namang nakakakilabot kapag kinkwento nila. Pero ayon sa pag-aaral ang sleep paralysis ay hindi nakakasama sa ating kalusugan. Mga boss, gusto ko lang iclarify na ang bangungot ay hindi sleep paralysis, iba po ang bangungot.

Unang nadokumento:

Hindi lingid sa kaalaman natin na ang ibang nakakaexperience ng sleep paralysis nagasasabi na merong bumubulong o hindi naman kaya meron silang nakikitang anino na papalapit ng papalapit habang pinipilit nilang gumalaw.

Ang unang documentation ng karanasan na ito ay nuong 17th century na isinulat ni Isbrand Van Diembroeck, isang dutch physician. Ayon sa kanyang report, ang kaso na ito ay tungkol sa isang babae, edad 50, malusog at malakas. Subalit nagrereklamo ito sa kanyang nararanasan tuwing gabi.

Ayon kay Isbrand, nuong patulog na ang babae, sinabi nito na naniniwala ang babae na ang demonyo ay nasa itaas nya, o hindi naman kaya isang asong malaki ang nakaupo sa kanya, o kaya isang magnanakaw na sinasakal sya at dahil dito hindi sya makapagsalita o makahinga. Dagdag pa ng babae, pag sinubukan nyang igalaw ang kanyang mga kamay hindi ito sumusunod sa kanya. At ito nga ang kauna-unahang klarong dokumentasyon ng sleep paralysis.

Paniniwala:

Pinaniniwalaan na ang sleep paralysis ay nangyayari kapag ang iyong katawan at kaluluwa ay hindi nag fully align. Kaya dahil dito, nasa loob ka ng iyong katawan subalit wala kang kontrol dito. Maraming naniniwala na ang sleep paralysis ang patunay na merong buhay sa labas ng pisikal na katawan.

Walang nakakaalam kung anong dahilan ng sleep paralysis pero maraming nagsasabi nararanasan nila ito kapag madaling araw. Ayon naman sa mga scientist, mahirap magestablish ng rason kung ano ang nagttrigger ng sleep paralysis.

Sleep Cycle:

Para mas maintindihan natin ang sleep paralysis, kailangan muna nating intindihin ang sleep cycle.

Mayroong 4 stages sa pagtulog.

Kapag ikaw ay natulog, ang iyong paghinga, tibok ng puso at brain activity ay babagal. Nangyayari ito dahil ang iyong katawan ay nagsisimula nang magrelax at magpahinga. Ang isang normal na pagtulog ay may pattern. Unang una gising pa ang iyong diwa hanggang sa ito ay maglalakbay at papasok ka na sa light sleep, susundnan naman ito ng deep sleep at pagkatapos nasa dream state ka na o mas kilala sa tawag na Rapid Eye Movement. Ang cycle na ito ay karaniwang nangyayari sa loob ng isat kalahating oras.

Kapag pumasok ka na sa estado ng Rapid Eye movement, tumatagal ito ng 10 minuto hanggang isang oras. Dito mo mararanasan ang mga panaginip na iyong maaalala sa paggising. Sa puntong ito rin bibilis ang tibok ng iyong puso at kusang pag-galaw ng ilang parte ng iyong katawan. Dito rin tumitigal ang karamihan sa iyong katawan pwera na lang sa iyong mata. Pumapasok ang katawan natin sa tinatawag na temporary paralysis, ito ay para hindi natin masaktan ang ating mga sarili kapag tayo ay nanaginip. Ngayon siguro nagtataka kayo kung papaano napaparalyze ang katawan. Ok. Next slide please!

Takot:

Merong dalawang chemical na may sala dito mga boss. Ang GABA at glycine. Ang mga chemical na ito ay ang GABA at Glycine. Ito ang nagbibigay ng signal sa ating utak na syang nagsisignal sa mga neurons na mag switch off. Ang ating kontrol bumabalik bago pa tayo tuluyang magising. Kapag nagising ka bago pa matapos ang REM, ang iyong utak ay hindi agad makakaspagbigay ng signal sa iyong katawan kaya mawawalan ka ng kontrol at dito na papasok ang sleep paralysis.

May mga report na nakakaramdam sila ng presensya sa kanilang sleep paralysis. Minsan demonyo, minsan anino. kadalasan may mga report pa na hindi sila makahinga na para bang may nakadagan sa dibdib nila o hindi naman kaya may sumasakal. Isang ekspenasyon dito ay hallucination. Isang hallucination na para bang totoong nangyayari.

Karaniwan ang taong nakakaranas ng sleep paralysis at may kaalaman dito, alam nila na isa lamang itong hallucination at unti unting mawawala ang kanilang takot. Dahil ang takot ay nawawala, ibig sabihin hindi ito bilogical reaction. Ang biological basis ng sleep paralysis ay ang mataas na actibidad sa amygdala. Ang centro ng emosyon ng ating utak.

Ang dahilan ng pagkakahirap sa paghinga ay dahil na din sa epekto ng sleep paralysis. Hindi dahil may nakadagan o may sumasakal. Kundi ang iyong katawan ay nasa temporary paralysis pa rin, ibig sabihin ang iyong air passage ay hindi pa fully functional.

Reports:

Maraming mga surveys ang lumabas tungkol sa sleep paralysis. May ibang nagsasabi na 25-30% ng ating populasyon ay nakaexperience na ng mild sleep paralysis ng hindi lang isang beses. Ayon din sa report 8% ng ating populasyon ang nakakaranas nito ng madalas. Ang sleep paralysis ay pwedeng mangyari sa kahit anong edad pero kadalasan itong nangyayari sa puberty stage.

Panganib:

Maraming mga nagtatanong kung delikado ba ang sleep paralysis. Hindi. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ito bangungot. Iba ang bangungot sa sleep paralysis, oo nakakatakot sya lalo na kung hindi mo makontrol lalo nat kung merong presensya pero gayunpaman, makokontrol mo ito hindi kagaya ng bangungot na wala kang choice kundi sumunod sa agos.

Ayan mga boss ang patungkol sa sleep paralysis. Personal exerperience mga boss, sinubukan ko nang kontrolin ito pero hindi ako nagtagumpay. Ang ginagawa ko humihinga ng malalim at isasabay ang aking pagkilos sa paghinga, paulit ulit ko itong ginagawa hanggang sa magising ako. Ang sleep paralysis ko ay lamok. wag kayong matawa mga boss, totoo un, ung para bang merong lamok na papalapit ng papalapit sa tenga ko tapos nakakarindi kasi ang ingay nito.

Isang epektibong paraan, tested ko para sa akin. Again mga boss, para sa akin. Sa tuwing nararanasan ko ang sleep paralysis, pag natulog ulit ako nangyayari ulit ito sa akin. Pero, kapag uminom ako ng kahit isang basong tubig bago matulog o pagkatapos kong maranasan ang sleep paralysis ay nakakatulog na ako ng maayos. Kayo mga boss, anong pinakamalalang sleep paralysis experience nyo?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

New Year – Origins

Angel’s Hierarchy