Ano ang sakit na Alice in Wonderland?

Siguro naman ay halos lahat tayo ay napanuod ang palabas na Alice and Wonderland noong tayo ay mga bata pa. Ang palabas nga na ito ay tungkol sa isang bata na nakapasok at nakakilala ng iba’t ibang nilalang mula sa kanyang mundong pinasukan.

Dito ay maari itong maging maliit at maari din itong malaki. Mula sa pag-inom ng isang inumin at paglangahap ng isang usok, ang batang si Alice nga ay nakakakita ng iba’t ibang mga bagay at pangyayari. Sa lahat ng kakaibang nangyari sa batang si Alice, muli itong nagising sa tabi ng kanyang kapatid na parang ang lahat ng nangyari ay panaginip lamang.

Ang kwento nga na ito ang pinaka kilalang kwento at napapanuod ng mga btang 90’s noon. Ngayon, ano naman itong isang syndrome na siyang ipinangalan sa palabas na ito.

Ang Alice Wonderland syndrome. Halina’t at alamin natin ito.

AWS:

Alice in Wonderland Syndrome

Ayon sa Neurology Times, ang tinatawag na Alice in Wonderland Sydrome o AWS, ang siyang pinaka nakakamanghang maaring mangyari sa utak ng isang tao. Lumbas nga sa mga pag-aaral na halos 10 to 20 percernt ng populasyon sa mundo ay dumadanas ng ganitong uri ng syndrome.

Lumabas din sa mga pag-aaral na ang mga sintomas ay mararanasan lamang ng ilang beses sa buhay ng taong nakakaranas nito. Ang British psychiatrist na si John Todd ang nagbigay ng pangalan sa kondisyon na ito nuong 1955.

Ito nga ang ginamit na pangalan ng psychiatrist dahil sa kakaibang sintomas na ipinakita at dinadanas ng kanyang mga nagiging pasyente. Ayon nga sa mga eksperto, ang mga sintomas na naibibigay ng AWS ay ang pagkakita ng isang tao mula sa isang lugar, bagay o hayop at ang pagbabago ng laki nito.

Ang mga makikitang normal na straight lines ay makikita ng pasyente na bako-bako at maging ang mga bagay o gamit na hindi naman gumagalaw, para sa mata ng pasyente ay gumagalaw ang mga ito. Bukod pa dito, maari ding makita ng pasyente ang pagkagulo o pagka distort ng mukha ng isang tao na kanyang tinitignan.

Ang pagbabago ng kulay sa paligid o maari din makita nila ito bilang sobrang liwanag at ang pagkaka-stretch ng mga bagay bagay sa paligid. Ito ang mga sintomas na nararanasan ng mga AWS Patient.

Causes:

Alice in Wonderland syndrome: “Who in the world am I?”

Ayon sa mga eksperto, hindi sigurado kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng AWS ang isang tao. Magmula nga noon ay pinag-aaralan nilang mabuti ang kondisyon na ito.

Ayon sa Doctor Decides, ito ay isang neurological condition na nagmumula sa signal na nagiging daan upang makapag komunikasyon ang mata at ang ating utak. Dahil dito ay nagkakakroon ng mga distorted images ang mga taong nakakaranas nito.

Ayon sa ilang mga pag-aaral, pinaniniwalaan ng mga doktor na ang kakaibang electrical activity na nagagawa ng utak, ay siyang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng abnormal na pagdaloy ng dugo sa parte ng utak na siya namang nakatoka o nagpapagana sa pag-intindi ng mga nangyayari at mga nakikita ng isang tao.

Pinaniniwalaan ng mga doktor ang kaganapan na ito ang maaring isa sa posibleng dahilan ng AWS. Ayon sa Health line, lumabas mula sa isang pag-aaral na halos 33 percent ng taong nakakaranas ng AWS ay nakakaranas din o dumanas ng isang infetion.

Lumabas na sa 33 percent na ito, anim na porsyento ang nakaranas ng migraines at ilang mga head trauma. Ang mga natirang porsyento naman ay walang ibang mga pangyayari na naganap sa kanilang ulo, dahilan upang hindi malaman ng mga eksperto ang pinagmulan nito.

Ngunit ayon sa mga eksperto, maaring may kinalaman dito ang pagka stress ng isang tao, ang pag inom ng mga cough medicine, mga hallucinogenic drugs, ang pagkakaroon ng sakit na epilepsy, stroke at maging pagkakaroon ng brain tumor.

Ang pagkakaroon ng migraine o pagsakit ng ulo ng ilang matatanda na nakakaranas ng AWS ay siyang posibleng dahilan kung bakit ito nararanasan. Lumabas naman sa ilang pag-aaral na ang mga bata na nagpapakita o nakakaranas ng Alice in Wonderland syndrome ay mayroong 50 percent na tsansa na magkaroon ito ng ilang infection tulad na lamang ng pagkakaroon ng palaging pagsakit ng ulo habang ito ay tumatanda.

Madalas nga, imbes na tanungin ang mga pasyente kung ano ang kanilang nararanasan, mas ipinapaliwanag ng mga eksperto sa pasyente ang kanilang maaring makita sa tuwing mayroong nagpapatingin sa kanila. Matapos nilang masigurado na ito ay isang Alice in Wonderland Sydrome, saka pa lamang nila ito ikokonekta sa posibleng migraine na dahilan nito. Ayon nga sa mga eksperto, mas madami pa ang bilang ng nagpapatingin sa doktor na tandang tanda nila ang kanilang nararansan at nagsasabing sila ay nakakaranas ng alice in wonderland syndrome, kung ikukumpara sa bilang ng totoong nakakaranas ng kondisyon na ito.

Ayon sa mga doktor, kahit nga ang syndrome na ito ay nagiging dahilan upang makakita ng kakaibang bagay at imahe ang isang tao, hindi ito kinikilala bilang mental illness o cerebrovascular disease.

Hindi man ito isang sakit sa utak, ngunit ang paniniwala ng mga doktor na kung paulit-ulit at palaging nangyayari ang ganitong kondisyon sa isang tao, maaring senyales ito na naapektuhan ang occipital lobe lesion o isang intoxication na nagtataglay din ng kakaibang subtance ang central nervous system ng utak ng isang tao.

Diagnosing:

I Had Alice in Wonderland Syndrome - The New York Times

Hindi lamang isang uri ng test ang isasagawa sa taong nagtataglay ng Alice in wonderland syndrome, ngunit kailangan nitong dumaan sa maraming proseso. Nariyan ang MRI scan, upang mas makitang mabuti ang organs at tissue at maging utak ng isang tao. Isasagawa din ang tinatawag na Electroencephalography o EEG na siyang makakapagbigay ng sukat sa nagagawang electrical activity ng ating utak. Ang huli ay ang pagkuha ng dugo sa pasyente. Sa paraang ito ay malalaman kung mayroon bang ilang infection at ilang viruses na maaring nakakaapekto sa iyong utak.


Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga nakakaranas ng ganitong uri ng kondisyon ay ang mga bata. Ito ang dahilan kung bakit halos walang pasyenteng nada-diagnose ng ganitong karamadaman. Dahil ang naibibigay lamang ng epekto ng AWS ay panadaian lamang, hindi ito napapansin ng isang murang isip at para sa kanya ay normal lamang ang lahat.

Treatment:

Treatment options for IBD | IBDrelief

Madalas ay ginagamot ito ng mga eksperto kung paano gamutin ang sakit na migraines. Ang mga gamot tulad ng mga antidepressants, mga anticonvulsants, mga beta blockers at calcium channel blockers ay magagamit upang magamot ang kondisyon. Ayon sa pag-aaral, kung ang pasyente ay nakakaranas ng AWS dahil sa kanyang temporal lobe epilepsy, maari siyang bigyan ng gamot katulad ng mga topamas, neurotin lamictal at maging Phenobarbital. Ang mga gamot na ito ang ibinibigay sa mga taong dumadanas ng epilepsy at maari din itong makatulong upang mawala ang naibibigay na sintomas ng AWS.

Dahil nga ang hallucination na nararanasan ng isang pasyenteng mayroong AWS ay palaging nararanasan tuwing umaga, hindi ito ganuon kadelikado at pinapayuhan lamang na ipahinga ang katawan at maging ang utak, ayon sa mga doktor. Matatakot nga ng panadalian ang mga pasyente dahil sa kanilang nakikita, ngunit tulad ng nasabi ko kanina, ito ay panadalian lamang at mawawala din kaagad.

Dahil sa pinaninwialaan na stress din ang isang dahilan ng AWS, ang payo ng doktor ay magpahinga. May ilang samahan din at mga programa na maaring puntahan ng mga AWS patient. Dito ay mas maiintindihan nila ang kanilang sitwasyon at kung paano nila ito haharapin kung sakaling umatake muli ang sakit na ito.

Pinapayo din ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain gaya na lamang ng mga prutas, gulay, isda, karne at maging mga poultry food. Dahil ang migraine o headache ay maaring magsimula sa gutom, ang pagkain ng sapat sa araw araw ay makakatulong din upang maiwasan ang AWS.

Ipinapayo din ng mga eksperto ang pag-iwas sa mga gawain na nagiging dahilan o nagbibigay ng sakit sa ulo. Tulad na lamang ng pag-inom ng alak, mga processed meat, mga sweetener at iba pang mga MSG. Sa ganitong paraan ay maaring maiwasan at maaring mawala ng tuluyan ang Alice in Wonderland syndrome na nararanasan ng isang tao.

Nalaman natin kung ano ba ang isang alice in Wonderland sydrome. Ang ilang mga pagkakita at ilang mga hallucination ay hindi nangyayari basta-basta at nang walang dahilan. Maaring sa nagyon ay hindi pa alam ang eksaktong dahilan ng syndrome na ito, ngunit maaaring sa pagdaan ng panahon ay magkaroon ng tiyak na sagot patungkol dito.

Ang tanong ko lang, ikaw ba ay nakakaranas din ng ganitong kondisyon? Kung sakali ay maari nang magpatingin sa doktor upang malaman kung ano nga ba ang kalayagan ng iyong utak. Huwag din kalimutan na magpahinga upang mapahinga din ang ating utak sa lahat ng stress na iyong pinagdadaanan.

Ang laging paalala ng mga doktor,hindi lamang ang pisikal na katawan ang dapat ingatan ngunit maging ang ating mental na kalusugan.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/8lhxXQDamG0

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ganito ang ginawa ni Holmes para matago ang kanyang mga pinatay

Ito ang dahilan kung bakit mortal na magkaaway ang pusa at daga