Ano ang Multiverse Hypothesis?

Reading Time: 14 minutes

All right multi verse or whatever you call it. Ang dami daming nagrequest nito. Sadly di ko kayo agad napagbigyan, hayaan ninyo’t babawi ako sa inyo ngayon. Isang buong video para lamang sa multiverse theory. Di na natin papatagalin pa ito. Simulan na natin ang mahaba habang video.

Definition:

There was darkness and then there was light! and poof it became koko crunch. Joke lang, pero kung tatanungin ko kayo, anong alam nyo sa universe. Malamang sasabihin nyo multiple galaxies planets and stuffs. Even so it comes from the word, Uni, meaning 1 lang.

What if there merong mga parallel universe of mutiple universe?

Ano bang alam natin sa universe, bigbang inflation alam natin yan for sure pero bago mag bigbang, anong meron? Ang ating universe ay accessible lamang thru telescope sa ngayon at ang kayang abutin lamang nito ay 90 billion light years.

Ayon sa multiverse theory, ang ating universe ay isang maliit lamang sa subset ng multiverse. Just to be clear medyo may kaibahan ang parallel universe sa multiverse, parallel universe is fiction, multiverse however has theories. Altho nagagamit diun ang salitang parallel universe sa multiverse. Sana clear tayo dito.

Medyo lumusong tayo ng kakaunti, i will try to explain as best as i can so kung may naguluhan please comment it out.

Inflation:

Ayon sa siyensya, 13.8 billion years ago nangyari ang bigbang at hanggang dito lamang ang impormasyon na kaya nating madetect. Kahit na ang universe natin ay infiniti ang observable universe naman ay finite ibig sabihin may hangganan ang pwede nating makita.

Ayon sa idea ng theoritical physics, ang ating universe ay isang maliit na butil lamang sa mas malaking multiverse.

Ang ating universe ay expanding, we know that for fact. Yes fact ito dahil nasusukat ng mga eksperto ang mga properties ng galaxies ang kanilang distansya simula nuong huli itong tiningnan, ang kanilang posisyon kung saan na sila after a year or couple of months at base sa resulta, papalayo sila ng papalyo, which means, ang ating universe ay nageexpand.

So imagine this, ang lobo, hindi ba kailangan ng hangin para magexpand? At one point nuong wala itong hangin, maliit ito, pero nuong nalagyan na ng hangin, lumaki na. That applies to our universe. Nuong pinakasimula isa lamang itong maliit na bagay mas dense at nangyari nga ang bigbang.

Kung pagbabasehan natin ang inflation, bago nangyari ang bigbang, ang universe ay hindi puno ng particles, anti particles o radiation, instead ito ay puno ng enerhiya na kaparehas ng kalawakan at ang enerhiyang ito ang naging dahilan sa pagexpand ng kalawakan. Dumating ang pagkakataon na ang inflation ay natapos at ang lahat ng enerhiya ay naconver sa matter at energy at ito nga ang simula ng hot bigbang.

Hindi ko sinasabing tapos na ang inflation. what i am saying is, ang inflation ay nangyayari pa rin pero may mga rehiyon o parte sa ating universe na natapos na ang infation.

Okay sa naguluhan halimbawa, ang pamilya mo, 2 kayong magkapatid, tapos nagkaroon ka ng anak ang kapatid mo hindi. So ang inflation ay tumigil na sa kapatid mo pero sayo nagpatuloy ang inflation. Wala na akong ibang maisip na example pero sana you get the point.

Ang parte ng universe na naoobserve natin ay ang parte kung saan natapos ang inflation. Pero beyond that ay mayroon pang unobservable universe. Kaparehas ng sa atin, hindi rin tayo nila nakikita.

4 Levels:

Si Mark Tegmark na isang cosmologist ay nagbigay ng taxonmy ng universe sa labas ng ating observable universe at ito ang kanyang paglalarawan.

Sa level 1, ang mga ibat ibang universe ay nakaarrange sa taas ng bawat isa at ito ay tinawag na hubble volumes. Lahat ng universe dito ay may kaparehas na physical laws at constants. Ayon sa model na ito, ang iba’t ibang universe ay may pagkakaiba pero meron ding halos kahalintulad sa atin.

Sa Level 2 naman ang mga universe ay may iba’t ibang physical laws and constants at ito ay patuloy na mag iinflate pero merong mga rehiyon na titigil sa pag inflate at gagawa ng distinct bubbles na parang mga nasa loaf bread. Ito ung mga butas sa tinapay, imaginine nyo na lang na ang tinapay ang universe at ang butas na yon ang tumigil sa pag inflate. Sa butas na yon, mayroong mga maliliit na level 1 multiverses.

Sa level 3 naman ito ay kilala bilang many worlds interpretation of quantum mechanics. Dito mo makikita ang mga dopple gangers mo. In short ito yung katulad sa ating universe. Halos katulad lamang ito ng Level 1 pero sa level 1, walang doppleganger.

Ang level four naman ay tinatawag na ultimate ensemble. Dito pinagsama sama ang level 1-3. In short, ang universe sa level 4 ay pwedeng may kaparehas na physical laws at pwede ring magkaiba.

Many Worlds:

Ang mga physicist na nagaarala sa quantum level ay nay nakitang kakaiba. Isang halimbawa na lamang ang photons, kung saan ito ay isang particle at isang wave.

Ayon kay Hugh Everett. Kapag ang physcist ay sinukat ang photons, ang ating universe ay mahahati sa posibleng dalawang kalabasan nito para maccomodate ang posibleng resulta.

Ibig sabihin sa isang universe, nuong sinukat ng scientist at photon, sa particle nya ito ginawa habang ang isang scientist naman sa ibang universe sinukat nya ito sa wave form. Ito rin ang naging eksplanasyon kung papaanong nasusukat ang photon sa isa pang state nito.

Medyo kakaiba ang theory ni everett pero kung ito nga ay totoo, ibig sabihin lahat ng action na ginawa natin ay nagccreate ng panibagong uiniverse. Ibig sabihin may mundong buhay si hitler, may mundong hindi rin sya naging pinuno.

Pero hindi tayo aware sa ating doopleganger. So papaano natin nalaman na posible ang theory na ito? Well, there is a thought experiment na nangyari nuong 1190 whioch theoritically prove or disrprove an idea. Tinawag itong Quantum suicide.

Quantum Suicide:

Brief summary lang ito.

Isang lalaki ang nakaupo, nakatutok sa ulo nito ang isang baril pero hindi ito ordinaryon baril dahil ito ay nakalagay sa isang machine na sumsukan ng pagikot ng quantum particle.

Sa tuwing kakalabitin ang gatilyo, ang quantum particle ay masusukat. Depende sa kalalabasan ng sukat, ang baril ay puputok o hindi. Kapag ang quantum particle ay sinukat gamit ang clockwise motion, ang baril ay puputok kapag counterclockwise naman hindi ito puputok.

Kinalabit ng lalaki ang gatilyo pero hindi ito pumutok, kinalabit nya muli pero hindi na naman. Pauluit ulit nya itong ginawa at paulit ulit na hindi pumutok ang baril.

Now bumalik tayo sa pinakauna, ang pagsukat naman ngayon ng pagputok ng baril ay clockwise. Kinalabit ang gatilyo then boom. Patay ang lalaki.

Pero hindi ba ginawa na ito, at hindi puiumutok. Well ayon sa many worlds theory sa bawat kalabit ng gatilyo ng lalaki, gagawa ito ng isa pang mundo at sa mundong ito ang lalaki ay namatay ng kalabitin nya ang gatilyo. 

Unknowingly ang parallel self nito ay paulit ulit na namamatay. Ito ang tinatawag na Quantum suicide. Just to be clear, ito ay thought experiment, ibig sabihin wala talagang nangyaring pamamaril.

Hypothesis:

Ang mga eksperto ay hindi pa alam kung anong hugis ng space-time pero hinala nila ito ay isang flat shaped na walang katapusan ang haba. Pero kung ang space time ay #may4ever, eh di ibig sabihin at some point in time uulit ito dahil ang mga particles ay mayroon lamang numbers of ways na pwedeng maarrange sa space time.

In short kung tayo ay mabubuhay ng matagal, at some point in time, makakasalamuha natin ang isa pang version natin. Well in fact, since infinite ang space time, magkakaroon ng infinite na ikaw. Ito ang tinatawag na infinite universe Hypothesis.

Dahil nga ang observable universe ay kaya lamang maobserbahan hanggang sa dulo ng liwanag, which is 13.7 billion years at dahil nga ang spacetime ay infinity, ang lahat ng nasa ating universe ay nuling uulit at a certain point of time which will create another set of universe.

Sa isang Hypothesis na tinatawag na bubble universe ay may tinatawag na eternal inflation. Ang inflation ay ang pagexpand ng ating universe matapos ang bigbang. Parang isang lobo na nilalagyan ng hangin. Ayon sa mga eksperto, may mga ilang pockets of space na hindi na nagexpand habang ang iba ay nageexpand pa rin, dahil dito magkakaroon ng maraming “bubble universe”

Ibig sabihin, sa ating universe kung saan natapos na ang inflation, na syang naging dahilan ng pagform ng stars at galaxies ay isang maliit na bula lamang sa npakalaking space at ang iba dito ay patuloy na nageexpand. At ang iba sa mga bubble universe na ito ay posibleng katulad sa atin.

Ang daughter universe Hypothesis ay mula naman sa quantum mechanics.  Ayon sa Laws of probabability, sa bawat desisyon na gagawin natin, magkakaroon ng maraming universe bawat universe na ito ay may iba’t ibang desisyon na pinili mo. Halimbawa pag gising mo, pipili ka ng kakainin mo, noodles, itlog, o hotdog, ang pinili mo ay itlog. Dahil sa desisyon na ginawa mo, magkakaroon ng 2 universe kung saan ang pinili mo ay itlog at ang isang universe naman ay ang hotdog ang pinili mo.

Maraming eksperto ang nagdedebata kung ang mathematics ay ginagamit lamang para ilarawan ang universe o ang math ay kasama sa fundamentals ng pagbuo ng realidad at ang ating nakikita sa universe ay isang imperfect perceptions ng totoong mathematical nature nito. Malabo ba? Well ayon kay Max Tegmark na syang nagpropose ng mathematical universe Hypothesis, ang universe ay isang napakalaking mathematical object. Para sa mga naguluhan pa din, hindi ba ang isang object ay composed by atoms? Ang universe ay compsed by math.

Therefore ayon sa theoryang ito, mayroong mga universe na may kanya kanyang mathematical structure.

Lastly we have the parallel universe theory. Ito ay nag mula sa string theory. Ayon sa string theory mayroong tinatawag na braneworlds at ito ang mga parallel universe na malapit lamang sa atin.

Ang ideang ito ay nagmula sa posibilidad na may mas marami pang dimension bukod sa alam natin na 3 space at 1 time. Posibleng merong mga ibang 3 dimensional brane of space na nasa higher dimensional space.

Cold Spot:

Hannggang ngayon wala pang kasagutan ang mga scientist dito. Around 1.8 billion light years, mayroong isang spot na mas malamig kumpara sa mga nasa paligid nito.

Ang akala ng mga astronomers ito ay dahil sa mas kakaunti ang matter sa area ng space na yon. Tinawag nila itong massive supervoid at ito ay nasa 10,000 galaxies lamang.

Ayon sa pag-aral mayroon lamang 2% chance na ang cold spot na ito ay nabuo randomly. Ibig sabihin may dahilan ang cold spot na ito. Ayon sa isang researcher na si Tom Shanks, marahil ang cold spot na ito ay bunguan ng dalawang universe. Ang ating universe at isang bubble universe.

Totoo nga ba ang multi verse? Para sa mga ibang eksperto totoo ito pero wala pa ring konkretong ebidensya. Nanatili pa ring mailap ang ebidensyang magpapatunay na baka nga, merong ikaw na dapat ay naging presidente. Kayo, naninwala ba kayo sa multiverse?

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mas mahina sa kuryente yung mga flatscreen TV?

book of chariots of the god