Ano ang kwento sa likod ng Gloomy Sunday?

Reading Time: 12 minutes

Topics

Noong 1933, isang 34 hungarian-born na si Rezső Seress ang nakabuo ng isang malungkot na tunog mula sa piano at tinawag na “Gloomy sunday”. Sinabi na nagawa niya ito ng iwan siya ng kanyang kasintahan at dahil sa sobrang lungkot ay naisulat niya ito. May ilang nagsabi na hindi iniwan si seress ng kanyang kasintahan ngunit ang kanyang kaibigan na si Laszlo Javor na kung saan iniba ang lyrics mula sa kaguluhan sa mundo papunta sa isang malungkot na pag-ibig. Matapos ang 35 na taon mula maisulat ang kanta, noong 1968 pinagtangkaan mismo ni seress ang kanyang buhay sa pagtalon sa bintana ng kanyang tinitirahan sa budapest ngunit hindi dito natapos ang kanyang buhay, at para tuluyang matapos ito ay sinakal niya ang sarili gamit ang isang wire hanggang sa siya ay mamatay.Sinabi na dahil sa hindi na maulit ni seress na makagawa ng isang kanta na kasing sikat ng “Gloomy Sunday” ay nadepress ito at naisipan tapusin ang kanyang buhay “I stand in the midst of this deadly success as an accused man. This fatal fame hurts me. I cried all of the disappointments of my heart into this song, and it seems that others with feelings like mine have found their own hurt in it.” isa sa mga sinabi ni seress bago niya tapusin ang kanyang buhay.

Sad Sunday:

Sinasabing unang narecord ang kanta noong 1935 kung saan may orihinal na mensahe patungkol sa nangyayari sa malalang nangyayari sa lipunan na ang tunay na title ay “Vége a világnak” o “The World Is Ending”. Ilan sa tunay na lyrics ng kanta ay

“Meadows are coloured red with human blood/There are dead people on the streets everywhere,”

Sinabi na ibinuhos ni seress ang buong puso, lungkot at lahat ng dissapointment sa buhay sa kantang ito nugnit ang kanyang kaibigan na si Laszlo Javor ay nilapatan ito ng ganitong liriko. Pinangalana

“This will be the last sunday, my darling, please come!
There will be a priest, a casket, a wake and hearsecloth!
There will be flowers waiting for you, even now, and a casket.
Under the blooming trees this journey will be my last,
But my eyes will be open, so I can see you one last time.
Don’t be afraid to look at me, I will bless you, even in death.”

Kung saan maiintindihan na ang kwento ay patugkol sa isang lalaking magpakamatay dahil sa pag-iwan sa kanya ng kasintahan at nais niyang dalawin o puntahan sa huling sandali.

Sinabing sumikat ang kantang ito at naisalin sa iba’t ibang lenggwahe at kinanta ng ilang sikat na personalidad tuld nila Billie Holiday noong 1941 na mayroong lyrics na,

“Soon there’ll be candles
And prayers that are said I know
Let them not weep
Let them know that I’m glad to go
Death is no dream
For in death I’m caressin’ you
With the last breath of my soul
I’ll be blessin’ you”

at halos na irecord ng 79 time ng iba pang singer.Sina Sinead O’Connor, Mel Tormé and Sarah Vaughn.

Kung titignan ang ibig sabihin ng sunday sa iba’t ibang lugar o bansa. Sa bansang Hungary ang ibaig sabihin ng sunday ay huling araw sa isang linngo.

Sucide song:

Ang key ng kanta ay nasa C minor kung saan malungkot ang tung na kalalabasan at dinagdagan pa ng isang malungkot na lyrics ay maari nang maitulak ang isang tao papunta sa kamatayan. Sinabi na halos tatlongpu’t na beses itong pinapatugtog sa radyo a loob ng isang araw.Isa itong napakagandang kanta kung hindi lang nagsimula at dumami ibalita ng mga taong nagpakamatay dahil sa kantang ito.

Ayon sa ilan halos nasa isang daan o higit pa ang nagpakamatay dahil sa kanta ngunit 19 lamang ang na pagpapakamatay na mayroong ebidensya na dahil ito sa gloomy sunday. Mayroong isang hungarian shoemaker na nag-iwan ng suicide note na ang nakasulat ay isa sa lyrics ng kanta, mayroong dalaga na nilunod ang sarili at nakitaan na hawak nito ang isang papel na naglalaman ng kanta. Isang lalaki naman ang nagbaril ng sarili matapos sabihin sa kanyang mga kapamilya na hindi daw maalis sa kanyang utak ang kanta, mayroong nagbiti, may na overdosed habang nakikinig sa kantang ito. Sinabi na dahil sa mga nangyari ay tinawag itong “Hungarian Suicide Song”. Dahil na din sa mga suicide na nangyari ay ipinabanned ng BBC ang kanta sa mga radyo o sa kahit saang maaring marinig ng tao sa US at UK kung saan ito sumikat hanngang sa taong 2002. Ngunit pinapatugtog pa din ng mga radyo ang instrumental version.ang ilang establishimento ay itinigil din ang pagpapatugtog neto dahil sa na din sa takot sa mga mag mangyari.

Sa isang pag-aaral, sinabi na isa sa pinaka maraming kaso ng suicide ay ang bansa ng hungaria kung saan 49.9 sa kada 100,000 na tao noong 1984 ang nagpakamatay at sinasabi na coincidence lamang na sa pagsikat ng kantang gloomy sunday ay dumami ang kaso ng pagpapakamatay. Sinabi na kaunti lamang ang posibilidad na magpakamtay ang isang tao ng dahil sa isang kanta o isang palabas. Ang ilang kaso ng pagpapakamatay sa US noong panahon na iyon ay wala ding kinalaman sa kanta.

Hungary:

Sa panahon ngayon ang hungary ay pangatlo sa pinaka madaming kaso ng suicide sa buong mundo. Hindi malaman kung ano ang pinakdahilan kung bakit madami ang nagpapakamatay sa bansang ito. Ang mga pasyente noong 1982 na 95 ay tumaas ng 136 noong 1997 at ang mga nagpapacheck up ay tumaas ng mula 731 000 noong 1980 at tumaas ng 1,190,000 sa taon ng 1997. Dahil dito ay dumami din ang mga psychiatrists mula 550 n1986 hanggang 800 noong 1997.

Karamihan ng nagpapakamatay ay nasa kabataang edad at hindi ito nababago mula 1960 hanggang 1980 kung saan isa pa din sa pinaka malaking problema na kinakaharap ng bansang ito.

Music in Life:

Sinasabing nag musika ang tinatawag na “greatest creation of mankind” dahil sa pagkamalikhain ng gumawa neto, isa itong paraan upang maiparating at maiparamdam sa ibang tao ang gusto nating sabihin. Sa iba ay ginamit ang musika upang makatakas ng kahit saglit sa gulo ng mundo. Ang musika ay maari tayong pakalmahin at pasayahinSinasabi na kapag tumugtog ka ng isang instrumento, mailalabas mo dito kung ano ang nararamdaman o pinagdadaanan sa buhay kahit na walang salita ang lumalabas sa iyong bibig.

Maaring ibahin ng musika ang mood ng isang tao ng ilang saglit lamang halimbawa, kung ikaw ay masaya at nakarinig ka ng malungkot na kanta; bigla na lamang lulungkot ang iyong pakiramdam. Isa ang musika upang matulungan na baguhin ang ating mood mula sa malungkot papunta sa masaya kung ikaw ay makikinig sa masayang kanta. Maari din itong gamitin bilang theraphy o music therapy kung saan ginagamit ito sa mga taong may sakit na cancer o sa mga bata na mayroong ADD o yung mgataong may depression. Maraming hospital ang gumagamit ng music therapy sa panahon ngayon.

Music and Suicide:

Ang Depresion at suicide ay isa sa pinagtutuunan ng pansin sa panahon ngayon dahil sa pagdami ng kaso neto. Sinasabing 800,000 ang namamatay kada taon sa gulang na 15-29. Kung titignan isa sa pampalipas oras ng mga nasa ganitong edad ay ang pakikinig ng kanta o music,pinakita sa isang pag-aaral na halos dalawa hanggang tatlong oras ang naiilalaan lamang sa pakikinig ng musika lalo na kung may problema o di naman ay malungkot ito. Dahil dito, sinisisi ang musika sa pagpapakamatay ng isang kabataan na mayroong depression.

Sinabi na madami din ng kaso ng pagpapakamatay dahil sa kanta, nariyan ang isang british farmer noong 2008 kung saan tinapos ang kanyang buhay nag-iwan ng isang note kung saan nakasulat ang ilang lyrics ng kantang Epiphany ng American rock band Staind, noong may 4,2000 isang 17-year-old na binata ang nagbigti sa kanilang garage matapos ang first anniversary of the Columbine High School shootings, ang kanta ng Blink 182 ay paulit ulit na pinapatugtog ng binata na mayroong lyrics na “I never thought I’d die alone. I laughed the loudest who’d have known?”, wala itong note na iniwan at madami ang nagtaka sa pagpapakamatay neto at ang dose anyos na anak ng isang sheriff na kilala sa kanilang lugar bilang atleta ay pinapakinggan din ang nasabing kanta at natagpuan din itong nakabigti.

Sinabi na walang matibay na ebidensya na ang relasyon ng isang kanta at ng depression ay maaring maging dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao, ngunit marami ang nagsabi na ang pakikinig sa isang malungkot na kanta ay makakapagpalungkot din sa isang tao. Sinabi na mahilig ang tao sa malungkot na kanta, mahirap ipaliwanag kung bakit nga ba gusto ito ng mga tao ngunit may ilang paliwanag na nagsasabing dahil ito sa magandang tunog ng kanta, nakikita ng tao ang knayang sarili sa kantang pinapakinggang neto o di kaya ay naiisip ng tao na siya mismo ang nasa kanta dahil dito ay mararamdam neto ang pakiramdam na nasa kanta. Sinasabi na ang isang malungkot na kanta ay maari din na makapagpalabas ng isang positibong emosyon tulad ng compassion at empathy.

Ang pag iintindi sa isang kanta ay para maintindihan ng listener ang gustong iparating ng isang kanta. Sa isang research na ang tao na may kakayahang iintindihin ang mismong sinasabi ng kanta ay mas nag-eenjoy sa pakikinig imbis na sila ay malungkot din. Sa ibang tao na nakakaramdam ng lungkot sa isang kanta ay hindi tumatagal ang pakiramdam na ito. Lumalabas na kaunti lamang ang nasabing depress at nakikinig sa malungkot na kanta at nakikinig lamang sila kapag may malungkot na nangyari.

Ang pakikinig ng musika ng may kasama ay maaring mabawas sa lungkot na nararamdaman, imbis na magpacontol tayo sa musika ay maari nating gamitin ito upang magkaroon ng energize feeling, personal growth at positibong interaksyon sa ibang tao.

Sabi nga, marami na ang kantang naisulat at sinisi sa pagkamatay ng ilan ngunit bakit mas kilala ang “Gloomy Sunday”? Hindi man sigurado kung ano ba talaga ang dahilan ng mga pagpapakamatay dahil ba ito sa sobrang lungkot neto at ang mga gumawa neto ay parehong malungkot na kung saan pati ang ibang tao ay nahawa sa kanilang lungkot at naudyok na tapusin anmg kanilang buhay, o dahil ba sa mga malungkot netong lyrics at may mensahe tungkol sa pagpapakamatay.Hindi man malaman ang tunay na dahilan ay mananatili itong isang misteryo.

Sources

SOURCES

  • https://blog.procollabs.com/role-music-plays-life/
  • https://www.mentalfloss.com/article/28525/songs-killer-strange-tale-gloomy-sunday
  • http://cozyloft.us/blog/the-true-meaning-of-gloomy-sunday/
  • https://www.treblezine.com/gloomy-sunday-hungarian-suicide-song/
  • https://www.npr.org/2014/09/05/346060222/gloomy-sunday
  • https://www.snopes.com/fact-check/gloomy-sunday/
  • https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/13811119508258984?journalCode=usui20
  • https://www.cambridge.org/core/journals/the-british-journal-of-psychiatry/article/decreasing-suicide-in-hungary/B66F351CEF7EF0B4664D2C71C904940E/core-reader

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ang pagkabuhay at pagkamatay ng Dinosaur – Dino extinction-

Bakit tinatawag na malas ang araw ng Friday the 13th?