Ano ang Darkweb?

Reading Time: 15 minutes

Gumawa na ako nito dati and sadly na demonitize kaya dinelete ko, dapat pala di ko ginawa un. Sayang effort. Wala na rin kasi ung project file at documents ko dahil 2018 ko pa ata niresearch un at hindi pa ako ganun ka indepth pagdating sa research, heck baka nga 2  or 3 sources lang ako nun. Pero ngayong nag evolve na ako sa tulong ng internet stone at google candy, mas na mamaximize ko na ang search engine. Tara at simulan nating tuklasin ang Darkweb.

Oo nga pala, hindi na natin ididiscuss ang mga services sa darkweb, baka mayellow icon na naman. Kung may kataunngan kayo, dahil nakapremiere to, masasagot ko kayo agad. Pero kung tapos na ang premiere, itype lang sa comment section at susubukan kong sagutin yan.

Internet:

Alam natin na ang pinaka lolo ng internert ay ang ARPANET, from ARPANET, nakilala na natin ang internet. 

Oo nga pala, disclaimer lang, sa mga nagsasabing ang darkweb ay kasabay ng arpanet, nagkakamali sila. Sabihin nyo pinadala kayo ni bulalord at ilink nyo itong video sabay sampalin nyo ng matauhan. Joke lang ung last part.

I know i know, sasabihin nyo ung transaction ng drugs ay gamit ang darknet, not really, wala akong makitang information na gumamit sila ng darknet at isipin nyo, kakagawa pa lang ng arpanet, nakadiskubre agad ng anonymity?

Okay, so to be clear, ang arpanet ay nadiskubre nuong mid 90’s, wala pang darknet nuon. Ang meron pa lang ay ang deepweb that time. Nuong nakapagcommunicate na ang computer to computer at nagkaroon na ng mga search engines dito na nabuo ang surface web.

Ang pinakahuling huli na pinanganak sa internet ay ang darkweb. Ang darkweb ay kinakailangan ng isang special software or browser bago mo sila ma-access. Ididiscuss natin in detail ang difference ng deep, surface at dark. So in chronological order, ang unang pinangak ay ang Deep Web, after couple of years, lumitaw na si Surface Web then on the year 2000, ang Darkweb ay nagpakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng tiantawag na Freenet.

Freenet:

Hindi ito free internet o ung mga vpn vpn na nakikita nyo sa facebook na 150 lang may freenet ka na. Iba ito. So ano ba ang freenet at bakit ko nasabing ito ang nagpakilala sa darkweb?

Nuong unang panahon pa kasi ng internet, wala tayong anonymity o to put it simply, lahat ng ginagawa sa internet ay nattrace whether manood ka ng anime, magdownload ng mp3, mag surf sa lazada, lahat yan nattrack with the use of cookies. Now, problema ito, lalo na sa mga taong ayaw nilang malaman ang kanilang ginagawa sa internet.

Isang Irish teenager ang nakaisip ng napakahusay na proyekto. Sya ay si Ian Clarke na isang estyudyante sa University of Edinburgh. Tinawag nya ang project na “A Distributed, Decentralised Information Storage and Retrieval System”. In laymans term, pwede kang magsurf sa internet with complete anonymity. Amazing diba?

Ang freenet ay isang peer to peer platform or software. Ito ang magsisilbing browser mo instead na firefox, chrome o iba pang browser.

Kaya lang dahil nga full anonymity ito, ibig sabihin, hindi mo maaccess ang mga favorite sites mo kagaya ng lolihentai, ay teka, mali ung script, asan ba delete dito. Ayan deleted na, sorry, sorry, ung mga favorite sites mo kagaya ng youtube, teka bagalan ko baka mali pagkakadinig mo, you… tube… yan ha. Facebook, google at iba pa.

Ang freenet ay may sariling contents, may sariling websites, links at iba. This is darkweb. Ito lang ang kayang magbigay ng full anonymity when it comes to browsing online, pero sympre ang caveat ay ung sites lang nila ang pwede mong iaccess. Dahil sa restriction na ito, pinanganak si THOR, hindi yang THOR na yan, ung sibuhyas ung tinutukoy ko. Nak ng teteng, hindi yan. Next slide na nga.

TOR:

Ang US Naval Research Lab o NRL ay nagsimulang bumuo ng tanong nuong 1995, kung posible ba na itago ang pagkakakilanlan ng isang tao sa internet o hindi mamonitor ang network at dito nga nabuo ang tinatawag na “The onion Routing” o TOR.

It took 5 years bago nasimulan ang pagdevelop dito. Nuong 2002 ang TOR network ay dineploy at nuong 2003 nagkaroon na sila ng mga volunteer nodes para masuportahan ang network.

Dito na nagsimulang magkaroon ng traction ang TOR at unti unting nakikilala. Maraming sumuporta sa TOR, maraming nagdonate at isa na dito ang gobyerno ng US, well majority ng funds ay mula sa kanila. May tanong ako sainyong mga darkweb surfers na gumagamit ng TOR, bakit sa tingin ninyo nagbigay ng pondo ang US government para sa anonymity eh ang gusto nga nila ay mamonitor ang network. Now let that sink in sa inyo na gumagamit ng TOR. Ingat ingat din.

Ang TOR hindi katulad ng freenet ay pwede mong iaccess ang mga regular websites. Ibig sabihin konektado ka sa internet pero meron kang “anonymity”. How come baby come? Papaano ang mga cookies? di ka ba talaga mattrack? Well, Kagaya ng sinabi ko sa naunang darkweb video, kapag nasa internet ka may mga traces kang maiiwan at mattrace at mattrace ka pero sympre kailangan ng napakaraming pera nun at mga high level hacker para lamang ibacktrace ang mga dinaanan mo. Pero there are 1 over 1000 odds na gagawin ito ng isang indibidwal unless kilang kilalang tao ka.

Moving on, papaano na gumagana ang TOR?

Ang TOR ay mayroong mga tinatawag na NODES, pwede kang maging nodes din ng isang TOR network kung gugustuhin mo, maraming tutorial sa youtube kung papaano ito gawin kaya di na natin ito didiscuss.

Ang TOR ay mayroong 3 layer proxy. Alam nyo naman na siguro ang proxy, kahit sa mga binyag sinasabi to. Ang 3 layer na ito ay Entry node, middle relay at exit node.

So halimbawa isesearch mo ang hidden wiki gamit ang TOR. Si TOR browser, ipapadala ang request mo sa isang entry node, ang entry node na ito ay pwede kahit saang panig ng mundo, hindi lang dito sa pinas. Pag pasok sa enty node, ipapasa nito sa middle relay at eventually pupunta ito exit node papuntang hidden wiki. Marerecieve ni hidden wiki server ang request mo at papadalhan ka nya ng response, ang response papasok muli sa 3 layer proxy, again, ito ay random. Dahil sa encryption nito, sobrang bagal ng TOR. kasi nga ilang nodes ang tatalunan nya bago makapunta sa destination nito.

Kaya kung gusto ka talagang itrack ng isang indibidwal, mahihirapan talaga sila dahil andaming proxy na dadaanan mo at bawat proxy ay encrypted kaya talagang dugo’t pawis ang ilalaan dito.

So kung ikaw ay normal lamang na tao kagaya ko, safe ang tor. Pero kung ikaw ay kilalang tao, well depende kung talagang tatargetin ka.

Anonymity:

Dahil sa success ng anonymity ng mga specialized browser, naging sikat ito sa crime world, sympre nga naman mas gusto ng mga kriminal na hindi sila nakikilala diba.

Pero bulalord hindi ba kapag nasa incognito ka anonymous ka na? Not really. Ano bang use ng incognito? Ang incognito totoo na hindi issave ang browsing history mo o ung cookies, kasama na ang mga passwords di mo masasave. Pero yan ay local lamang, ibig sabihin sa end mo lang, iba ang usapan pagdating sa network mo. Halimbawa na lang sa trabaho ka. In laymans term, madedetect ka pa rin ng network mo. Specifically mga infrastracture peeps.

Eh papaano naman ang mga private search engine kagaya ng Duck duck go? hindi ba anonymous din ang pagbrowse dun? Well not really, ang duck duck go ay halos katulad ng firefox o chrome, ang pinagkaiba nila ay iwasan ang mga 3rd party trackers.

Patalastas muna, para sa mas detailed nito, i would suggest panoorin nyo ang isang video na ginawa ko kung papaanong nalalaman ng facebook at google ang ating binabrowse.

So anong pinagkaiba nito sa ibang browser? Well ang google ay gumagamit ng behavioral advertising habang ang duck duck go ay gumagamit ng contextual advertising, ibig sabihin ang duck duck go ay nagseserve lamang ng ads base sa mga sinesearch mo hindi sa mga kiniclick mo.

Then we have TOR and Freenet na diniscuss ko kanina. Again, ang kaya lang mag offer ng full anonymity ay ang freenet.

Kaya nga ang mga whistleblowers at iba pang mga journalist ay ginagamit ang darkweb para kahit papaano safe ang kanilang realworld identity

Surface, Deep, Dark:

Sa isang buong iceberg ng internet. Mayroong 3 grupo ito. Ang Surface, deep at dark. Maraming nag-aakala na ang deep web ay ang dark web. Magkaibang magkaiba sila, at hindi porket gumamit ka ng duck duck go eh nasa dark or deepweb ka na. Basagin natin ang hoax na yan.

Basically ang Surface web ay lahat ng naaccess ng search engine. Ang search engine kagaya ng google, bing, msn, yahoo, ask jeeves ay gumagawa ng index of data sa pamamagitan ng spiders at crawlers. Ang mga spiders at crawlers, fun fact kaya spiders at crawlers ang tawag dito ay dahil ang internet ay kinukunsidera na isang malaking sapot o web, at ang mga crawlers at spiders ang naghahanap ng mga hyperlinks para istore sa search engine.

Think of the surface web as public. Now we go to semi private, ang deep web.

Ang deep web ang pinakamalaking portion ng internet. Kaya ko nasabing semi private ay dahil ang mga search engines ay kayang iindex ang surface level nito. Halimbawa ang facebok at twitter. Masesearch ito gamit ang search engine pero hindi nito madidisplay ang mga posts na nakaprivate kaya sya nasa semi private state.

Kasama na dito ang mga website na may login para makita ang mga contents. Ang timecard mo kung onlione mo ito inaaccess, ang mga databases ng kumpanya at marami pang iba.

Now we go to the private ones. Ang Dark web. Again, hindi porket gumamit ka ng TOR eh nasa darkweb ka na, hindi porket gumamit ka ng duck duck go ay nasa darkweb ka na. Maling pagiisip yan. Ang TOR kagaya ng sinabi ko kanina, kayang iaccess ang internet katulad ng isang browser.

Malalaman mong nasa dark web ka na kapag ang binabrowse mo ay may .tor sa dulong duo nito. Ibig sabihin ang mga websites na .TOR ay hindi naabot ng mga search engines at karamihan sa mga websites na ito ay home based lamang. Ibig sabihin walang mga datacenters, hindi sila 24/7 kaya kadalasan puro 404 pag nagbrowse ka sa dark web.

So in a laymans term. Ang surface web ay ang mga nabbrowse mo using your search engine. Ang Deepweb ay mga personal information ng isang pribadong indibidwal at ang dark web ay kinakailangan ng special browser kagaya ng TOR at Freenet para maaccess at hindi lahat ng naccess gamit ang TOR ay dark web na.

Danger:

Ang tanong, delikado ba ang dark web? Ang sagot, depende kung papaano mo ito gagamitin. Kung gagamitin mo ito dahil gusto mo ng full anonymity dahil natatakot ka baka makita binabrowse mo o mga sekreto mo, then darkweb is safe.

Kung ikaw ay nasa illegal side ng community, then, ingat ingat dahil maraming site sa darkweb ang peke, what i mean is hindi lahat ng nasa darkweb ay totoo. Marami ng naloko sa darkweb lalo na ung mga hitman hitman. Wait lang bago ka magreact. Hindi ko sinasabing walang hitman duon o illegal activities, ang sinasabi ko, dahil nga illegal, marami ring manloloko duon kaya ingat lang lalo na kapag bibili ka o magwawaldas ka ng pera sa isang  site sa darkweb.

Wag kayong magpapaniwala sa mga youtuber na kesyo delikado daw, kesyo papatayin ka pagnagaccess ka, kesyo ihahack ka. While some of that part is true, hindi naman pag pasok mo eh tututukan ka agad ng baril o kutsilyo, sympre depende kung saan ka mapapadpad, so ingat ingat lang sa pagbbrowse. Again, depende ito sa intent mo at depende kung click ka lang ng click ng hindi man lang nagbabasa.

Ayan ang wholesome information ng Darkweb. Akalain mo un, pwede pala akong gumawa ng wholesome info sa darkweb. Puro patayan kasi ang nakikita kong mga kinocontent, kesyo delikado daw etc.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang silbi ng gamot sa lagnat

Saan nagmula ang Halloween Part 1