Ano ang dahilan bakit hindi agad nakabalik sa buwan?

Reading Time: 14 minutes

Well, dapat tapos na ang moon landing videos natin. Apparently maraming nagtatanong sa inyo, bulalord bakit hindi na nakabalik ulit sa buwan, o kaya naman, fake ang moon landing dahil hindi na sila nakabalik. My friends let me tell you a quick fact. There are 12 humans that stepped on the moon. Hindi lang isa, hindi dalawa. 12. So bumalik sila pero some of you might not be satisifed. So let us discuss that.

I won’t be putting a disclaimer as i did on the other videos sa moon landing kasi again, this is proving that the moon landing is real, therefore i am giving you my opinion. Bias opinion to be exact kasi nga naniniwala ako sa moon landing.

Simula nuong 1969 hanggang 1972, nagkaroon ng 5 apollo missions. Since then hindi na sila bumalik pa sa buwan, so that begs the question, bakit sobrang tagal nilang hindi nakabalik? So let us start the beggining.

Intent:

September 12th 1962, sinabi ni US president John F Kennedy na, “We choose to go to the moon”. Ayon kay Kennedy, pinli ng US na pumunta sa buwan dahil ito ay isang malaking challenge nunon, im sure pamilyar na kayo sa space race.

Simula nuong early 1960, ang nasa ay nakapagpadala na ng mga astronauts sa orbit. Ito ay ang project mercury. Sa proyektong ito, 6 na astonaut ang pinadala sa orbit. Nuong dumating ang 1966, 2 10 astronauts naman ang pinadala sa LEO o Low earth orbit bilang parte ng Project Gemini.

From the looks of it, nakalabas na ang mga kano sa outerspace however, para maipadala ang mga ito sa buwan, kailangan nila ng panibagong kagamitan. Pero bulalord diba nakalabas na sila sa outerspace, so bakit kailangan pa ng panibagong rocket. Good point, kaya lang mga boss, ang ginamit nilang rocket ay ang redstone at atlas na single stage lang at ang Titan 2 na two stage ay kaya lang ipadala ang mga ito sa orbit.

Saturn Rocket:

Kailangan makagawa ng NASA  ng isang rocket na capable maipadala ang mga astronaut sa buwan at maibalik ito sa mundo. Dahil dito, nagawa ang Saturn rocket.

Ang saturn rocket mga boss ay isang 3 stage launcher at isa sa pinamalakas na rocket ng mga panahon nayon. Sa katunayan walang nakatapat sa performance nito hanggang sa recently lang, ang SLS o space launch system at space X.

Ang spacecraft na pinadala sa buwan ay mayroong 3 modules at merong 3 stages. Hindi lang to isang rocket na basta pinadala sa buwan at duon din babalik ang mga astronaut, yan kasi ang paniniwala ng iba sa atin, kaya akala nila imposibleng makapunta dahil hindi na makakabalik pa ang mga astonaut. So please, listen carefully as i discussed their uses.

Ang 3 stages ay ang propulsion nito. Hindi ba sa mga live feed nakikita natin ang mga rockets ang lalaki, pero in fact after lumabas ng space gatiting lang ang pinaka brain nito. Ito mga boss ay dahil sa gravity o ung force na naghihila pababa. In order for the rocket to get to the moon or even outerspace, maraming fuels ang kailangan. If you look closley on the image, merong mga stages right?

Ang first stage ay ang pinakamalaki dahil ito ang magbibigay ng boost para makaangat. Once na maubos na ang fuel ng first stage, makukuha na nila ang desired altitude at speed. Hence hindi na nila kailangan ang parts na un, dahil magpapabigat lang sa kanila ito so therefore, kakalas ito sa space craft. Ang first stage ay babagsak sa atlantic ocean.

Nowe go to the 2nd stage. Same scenario, dahil nga wala pa sila sa desired location, gagamitin nila ang second stage for another boost. Once maubos idesengage nila ang gamit na ito dahil wala na ring silbi sa mission.

The 3rd and final stage, ito ang magpapalipad sa mga apollo sa earths orbit. Dahil nga nasa space na, lulutang na lang sila. The engines will be powered down, tapos iaadjust nila ang trajectory.

Okay so ang 3 module ay ang CM command moduel, SM, Service Module at ALM Apollo Lunar module or sometimes called lunar module only. Ang command module ang pinaka main kung saan dito ang mga astronauts. Habang ang Service module naman ang nagsisilbing propulsion o ung nagpapaandar sa kanila. Lastly ang apollo lunar module, ito ang sinakyan nila para makapaglanding sa buwan at makabalik sa lunar orbit.

Ang Apollo lunar module ay mayroong dalawang section ascent stage at descent stage which is self explanatory but still i’ll explain para sa hindi pamilyar. Ang descent stage ay ang pagbaba ng astonaut sa buwan at sa module rin na ito nakalagay ang kanilang mga kagamitan. Habang ang ascent stage naman ay ang pagakyat ng mga astonaut pabalik sa command module.

Simple lang naman ang plano, First stage, boost papuntang atmosphere. 2nd stage earths orbit, last stage translunar trajectory. Once na sa translunar trajectory, ang Apollo lunar module ay kakalas para lumapag sa buwan. Kapag natapos na ang mission then ang apollo lunar module ay iiwan ang parts ng descent at ang matitira na lang ay ang ascent pataas. Hence ito ang nakikita nating sa video na umaakyat ang ang paa nito at ibang parts ay naiwan. Once nasa CSM ulit, babalik na ito sa treansearth interjection, meaning pauwi ng mundo. Kapag malapit na sa earth, ang Command module at service module ay mag seseperate. Ang command module ay papasok ng atmosphere ng earth habang ang service module ay maiiwan sa space.

So what would happen on the parts? well, alone, sa space. In fact nuong September 3 2002, isang amateur astronmer na si Bill Yeung ay nakakita ng isang bagay na palutang lutang sa ating orbit. Nuong inobserbahan ito, nakita na ito ay ang parte ng Saturn Rocket na nilaunch nuong 1969.

Ayan, sana naman naklaro sa inyong mga nagtatanong bakit hindi buong rocket ang bumalik matapos ang moon landing.

Not Recycable:

Kung nagawa nuon bakit hindi magawa ngayon? Yan ang karaniwang tanong ng mga hoaxers. Bakit nga ba hindi na nakabalik ang nasa sa buwan after apollo 17?

Let us analyze the details of the mission. Ayon sa 1974 Nasa authorization hearings, Ang apollo mission ay nagkakahalaga ng 25.4 billion USD ng mga taxpayers nuon yan mga boss ha, kung icocompare natin ngayon, nasa 120-144 billion dollars ang katumbas due to inflation.

Now the question would be, saan napunta ang bilyong bilyong tax? Well napunta ito sa development ng rocket at spacecraft na sobrang lakas to the point na kaya nitong dalhin ang mga astronauts at mga gamit at supplies nito, kasama na ang moon buggies at iba pa sa isang trip lamang. Dahil dito kailangan nito ng napakaraming fuel at kailangan napakalaki para lamang mapagkasya ang fuel nito.

Ang mga kagamitan na ito ay expandable. Meaning, ang use lang nito ay maidala sa buwan at maibalik sila dito. Ang bawat stages ng saturn ay either lumubog sa dagat matapos maubos ang fuel o hindi naman kaya nasa outer space, patuloy na naglalakbay. Ganun din ang lunar module. Meaning to say, ang gamit ng apollo is not long lasting, its not reusable. It is expendable. Walang space stations, walang refueling depots, walang lunarbase, kaya nga lahat ng kagamitan ay one time use lang.

Ang saturn v ay hininto ng matapos ang gamit nito, lahat, simula sa infrustructure, design at parts. Lahat ito na decomissioned. Hindi dahil sa may alien sa buwan, hindi dahil sa hindi talaga sila lumapag. It is because of the costs mga boss.

Ang apollo program is not to maintain, rather, ang entire purpose nito ay maipadala ang tao sa buwan as soon as possible. So in a sense, wala sa isip ng nasa at iba pang mga engineers at scientist na gawin ito in a long term. Also, if they took the long term approach, mas mauunahan sila ng russians. Dahil decades pa ang itatagal bago maipadala ang tao sa buwan dahil posibleng magkaroon ng space station sa low earth orbit at ito ang magsisilbing departure at arrival para makapunta sa buwan.

At dahil nga napatunayan na ng amerika na sila ang nanguna, now they have to think of it sa long term. Kailangan nila mag cost cutting, hindi madali ang billions of dollars taxes na mapunta lang sa space race. Sure dati kasi merong goal, merong pinapatunayan. Ngayon tapos na at napatunayan na, they have to step back and think of the long term.

Dito na papasok ang reusable space craft and space stations. Ang nasa gumawa ng space shuttle kung saan meron itong dalawang solid rocket boosters at merong OV o orbital vehicle. Habang ang russians naman ay gumawa ng buran spacecraft.

By the year 1971 hanggang 1986, ang russia ay nag launch ng 6 salyut space stations at nuong 1986 hanggang 1996 naman ang Mir. Habang ang nasa naman ay gumawa ng skylab nuong 1973 hanggang 1979. Dahil tapos na din ang labanan ng dlawang bansa, by the year 1990 gumawa ang parehas na organization at iba pang mga space agencies ng ISS o international space station.

Political:

Some of us know that trump administration wanted to go back to the moon. Ang problema dito, matatapos na ang termino ni trump at hindi naman sigurado na mananalo sya sa susunod na eleksyon. Kagaya ng ibang mga government unit, ang nasa ay humihingi rin ng budget sa gobyerno, sympre kung hindi ito pagbibigyan ng presidente walang mangyayari. Now here is the problem…

Sabi ni Trump gusto nya bumalik sa buwan ang mga kano by 2023, eh sa 2020 tapos na ang kanyang termino. Kagaya na lamang nang nangyari nuong 2004, ang bush administration, inatasan ang nasa na gumawa ng paraan para mareplace ang space shuttle na magreretiro na din at the same time makabalik sa buwan.

Ang Nasa nagpropose ng program na tinawag na constellation program at gagamit sila ng rocket na tinawag na Ares at spacecraft naman na orion.

Ang NASA gumastos ng 9 billion sa loob ng 5 taon para sa designing, building, researching at testing ng hardware. Pero nuong umupo si barrack obama, binasuura nito ang project constellation dahil sa hindi na estimate ng maayos ang gastos ng proyekto pero pinirmahan naman nito ang SLS rocket.

Dahil sa pabago bagong administrasyon, at pabago bagong directives, ang nasa ay hindi na nakabalik pa ng buwan. Another thing to consider is the end of space race, matapos na maprove ng americans na sila ang una they did the moon landing again and again up util apollo 13 where most of the world loose interest kasi nga tapos na ang kompetisyon, may nanalo na.

Ayan sana naging malinaw sa inyo ang dahilan kung bakit hindi agad nakabalik. Hindi dahil sa hindi na kaya, hindi dahil sa hindi talaga nakalanding. Kundi dahil nagiisip ang mga engineers at scientist, hindi basta na lang magpadala sa buwan, it requires planning, cost cutting and most importantly political. The president has the capability to call it off, hindi ang nasa, so kung bakit hindi sila nakabalik agad, its not nasa. Its the administration.

Hanggang dito na lang muna mga boss. Maraming salamat sa panonood, sana ay may natutunan kayong bagong impormasyon sa video na ito.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9
Source 10

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang mga centaurs?

Totoo nga ba ang Dogman o isa itong prank na naging totoo?