Ano ang Corona Virus?

Reading Time: 28 minutes

Topics

Neto lamang nakaraang taon, well noong nakaraang buwan lamang bago pa pumasok ang taong 2020. Isang problema pa ang humabol bago pa pumasok ang bagong taon.

Neto lamang December 31,2019, isang virus ang napabalitang kumalat sa isang lugar sa China. To be exaction, ito ay sa bayan ng Wuhan na matatagpuan sa China. Dito unang nakita ang pinaniniwalaang sakit na maaring pumatay at maaring dumikit sa kahit sinong tao…. Ang Corona Virus.

Ayon sa mga balita at mga report patungkol sa virus na ito, bago pa man makilala at bago pa man makagawa ng ilang hakbang upang mapigilan ito sa pagkalat ay huli na ang lahat dahil inaasahan na ito ay kumalat na sa iba pang kalapit na lugar ng Wuhan kung saan ito unang nakita.

Ngunit paano ito nahanap ?
Saan ito nagmula ?
Mayroon bang gamot upang gumaling sa virus na ito?

Kilalanin natin ang kinakakatakutang virus na ito na laman ng balita at mga posts ngayon sa facebook.

The Virus:

Ayon sa medical news, ang corona virus ay hindi lamang isang virus. Ito ay isang pamilya ng virus na maaaring makasira sa respiratory ng isang hayop at maging sa isang tao. Kung ang isang buhay na nilalang ay tinamaan ng ganitong virus, maari itong magsimula sa isang simpleng sakit at hindi mapapansin hanggang sa ito ay Malala na. Kumbaga aakalain mo na isang simpleng lagnat lang, sympre bilang mga pinoy, iniinda natin yan, iniisip natin na lagnat lang yan, pinoy tayo. Pero hindi natin alam na unti unti na pala itong kumakalat sa katawan natin.

Ayon sa pag-aaral, ang virus na ito ay unang nadiskubre noong 1937. Ito ay mula sa mga iba’t ibang uri ng mga ibon, kasama na din ang isang manok at isang turkey na mayroong nakakabahala at malalang bronchitis virus. In layman’s term, ang mga uri ng ibon na ito ay may malalang sipon.
Mula noong ito ay madiskubre, iba’t ibang pag-aaral na ang nagawa patungkol dito.Lumabas na ang mga hayop tulad ng mga maliliit at malalaking daga, isang aso, pusa, mga kabayo, kambing at maging sa mga baboy ay maari netong maapektuhan at mapatay ang nilalang na dadapuan nito. Mula sa virus na ito, maaring maramdaman ang halos 15-30 percent ng ilang kilalang lagnat.

Ito ay pinangalanan na “Coronaviruses” dahil sa itsura ng nagsama-samang viruses na mukhang isang corona, kung ito ay titignan mula sa isang microscope.

Noong 1960’s, kinilala ang unang Human coronaviruses o HCoV. Ayon sa research, ito ay nakita sa ilang pasyente na nakakaramdam ng ilang pagsisipon at ilang pag-ubo. Noong 1965, dalawang eksperto na sina Tyrrell at Bynoe ang pinagaralan ang ilang virus na tumama sa respiratory tract ng isang batang lalaki na nakitaan ng isang normal na lagnat. Ang virus na nakita ay binigyan ng pangalan, ito ay ang B814 at ito ang uri ng virus kung saan namumuhay sa embryo tracheal organ tissue ng isang tao.

Noong sumunod na taon nakilala na din ang mga virus na maari ding makaapekto sa katawan ng isang tao. Ang dalawang sakit na kinikilala bilang OC43 at 229E ang tumatama sa katawan ng isang tao. Pero sa pagtagal ng panahon ilang virus na din ang kumalat mula sa ibang bansa, at kinilala ang SARS-Cov bilang pangatlong virus na maaring tumama sa isang tao.

Ang virus na ito ay tumama na sa iba pang bansa sa loob ng ilang taon, at pumatay na din ng maraming buhay ng mga tao.

Ayon sa ilang research, ang isang uri ng corona virus ay isang virus na madalas na nakikita sa ilang hayop. Ngunit pinaniniwalaan na ang virus na ito ay nag-eevolve at tumatama sa isang tao tulad na lamang ng mga nakaraang pangyayari. Hanggang ngayon ay inaalam pa din ang dahilan at ilang posibleng kkayahan ng mga virus na ito upang pahirapan at pumatay ng isang tao.

Types of Corona Virus:

Hindi lang pag sinabing corona virus eh corona virus na nakikita natin sa balita. Hindi, kagaya ng isang normal na organismo, ito ay may iba’t ibang uri din.
Ayon sa research, ang Corona viruses ay mahahati sa apat na grupo. Ang apat na grupo na ito ay iba’t iba at nagsama-samang virus. Nariyan ang Alpha na kung saan nakukuha ang mga sakit tulad nang 229E at NL63, ang Beta na kung saan ang mga sakit tulad nang OC43 at HKU1. Kasama na din sa Beta ang mga virus na nakilala sa buong mundo ang MERS-Cov at ang SARS-Cov. Ang Pinaka huli ay ang Gamma na madalas makuha sa mga manok o sa kahit anong ibon at ito ay ang Avian virus.

Ngunit mula sa mga bagong pag-aaral, lumabas na mayroong ding Deltacoronavirus. Ito ay nakukuha din mula sa mga ibon at hanggang ngayon ay patuloy pa din itong pinag-aaralan.

Severe acute respiratory syndrome (SARS-Cov):

Kung ating mapapansin, noong 2002 ang bansang China ay pinag-simulan din ng isang nakakabahalang Virus. Ito ang tinatawag na Severe acute respiratory syndrome o SARS-Cov. Ang virus na ito ay isa sa mga uri ng Coronaviruses. Mula sa simpleng lagnat hanggang ito ay mapunta sa pneumonia.

Ang virus ay nagsimula sa Guandong Province na makikita sa China. Ngunit dahil sa dami ng taong naapektuhan nito, ito ay umabot sa Hong Kong at nakalabas na din sa kanilang bansa at naminsala sa halos tatlongput’ pitong bansa.

Mula sa simpleng pag-ubo, panlalamig; ilang pagloloko ng tiyan at pagkawala ng hininga, at isama pa ang pananakit ng ilang parte ng katawan ay ilan lamang sa sintomas nito. Pagkalipas lamang ng isang linggo maari nang makakuha ng isang malalang sakit katulad nang pagkasira ng baga, puso at atay na magiging dahilan upang ang isang tao ay hindi na magtagal pa sa mundo.

Noong kumalat ang virus na ito. Tumama ito sa halos 8,098 na katao at pumatay ng 774 na katao. Karamihan sa tinamaan nito ay mga taong nasa tamang edad at mas madaming napatay na matatanda. Ang mga matatanda na nasa edad 65 ay hindi kinayan ang sakit na dulot ng virus at hindi na nakaligtas. Makalipas ang sang taon, ang virus ay nakontrol mula sa pagkalat.

Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV):

Noong 2012, isang lalaki na naka confine sa ospital ng Saudi Arabia na mayroong acute pneumonia at mayroong komplikasyon na nakita sa kanyang atay. Mula sa mga plema na nakita at kinuhang sample ay nakita ang paglaki ng mga kinikilalang cytopathic virus.Mula sa mga komplikasyon na ito, ito ay kinilalang isang uri ng Coronaviruses.

Ito ay kumalat pa sa halos dalawamput’ limang bansa kasama na ang United states. Ang mga pasyente na nakitaan ng ganitong sakit ay mayroong lagnat, ubo at hirap sa paghinga.

Novel Corona Virus:

Nito lamang Disyembre noong nakaraang taon, isang bagong Virus nanaman ang lumaganap sa isang probinsya ng China. Ito ay hindi SARS-Cov o MERS-CoV na kumalat noong mga nagdaang taon.

Para sa mga eksperto, ito ay isang uri ng Coronavirus ngunit ito ay kakaiba at hindi maihahantulad sa iba pang virus na nakilala at napag-aralan na nang mga eksperto. Para sa mga eksperto, ito ay isang bagong virus na tumama sa katawan ng isang tao.

Ayon sa mga report, ito ay nakuha mula sa isang palengke na makikita sa probinsya. Mula sa mga pagkain na ibinibenta sa mga palengke, at ito ay ang mga lamang dagat. Ayon sa isang infectous diseases expert na si Mark Rupp, ito ay maaring galing sa buhay na hayop na ibinibenta sa palengke ng Wuhan na binili ng isang tao. Mula ditto ay maaring nagsimula sa tao ang nasabing virus.

Ayon sa mga balita, ang mga bansa tulad nang Taiwan, South Korea, Thailand at Japan ay inabot na din ng bagong virus na ito. Ayon sa paunang report, halos limapu’t siyam na katao ang naunang naapektuhan nito sa probinsya. Noong January 11, namatay ang pinaka unang biktima ng nasabing virus.

Mula sa simpleng pag-ubo, na mapupunta sa lagnat at hirap sa paghinga; ito ay ang paunang sintomas ng virus hanggang sa mapupunta ito sa sakit na pneumonia.
Sa paglipas ng araw, tumaas na sa 80 katao ang nakumpirmang dumadanas nito. Mula noong ang virus na ito ay nakilala, nadagdagan pa ito nang nadagdagan at umabot na sa halos tatlong daang katao ang nakakararanas ng virus. Ang mga biktima na ito ay mula lamang sa mga kalapit na lugar ng probinsya na Beijing, Shanghai at Guandong.

Netong January 20, 2020 ay umabot na sa anim ang namatay.Kasama na dito ang matandang lalaki na 66 years old at isang 48-year old na babae. Halos mga matatanda ang napapabalitang tinamaan at pinapahirapan ng virus. Noong January 22,2020 umabot na sa 440 na katao ang naapektuhan ng virus.

Symptom and Cure:

Ang corona virus ay maaring pagkamalang simpleng lagnat lamang. Ang mga taong nakakaranas ng palagiang pagkati ng loob ng ilong, sipon, pananakit ng lalamunan at ulo na mapupunta sa isang lagnat ang nakikitang unang mga sintomas ng sakit na ito.

Ang pakiramdam na ito ay tatagal ng ilang araw, at maari na itong lumala kung hindi naagapan. Ayon sa mga eksperto, wala pang gamot ang nadidiskubre upang makapatay sa virus na ito. Mula sa mga malalalang kaso ng SARS-Cov at MERS-CoV, ang virus na ito ay kumitil na nang napakaraming buhay. Ayon sa mga pag-aaral, ang lagnat ng isang tao ay maaring maagapan at magamot, ngunit kung ang virus ay kumalat na sa katawan; wala nang paraan upang ito ay mapigilan, im sorry to say pero mirakulo na lang at lakas ng immune system ang magiging basihan kung gagaling ang isang tao.

Para sa mga matatanda at maging kabataan na mahihina ang immune system, ang virus ay madaling masisira ang kanilang katawan at magiging dahilan upang magkaroon ng respiratory tract illness tula ng pneumonia at bronchitis.

Pass to Human:

Sympre we all know na napapasa ito ng hayop papunta sa atin, pero ang tanong, napapasa ba ito ng isang tao o ung human to human interaction?
Ayon sa mga eksperto, ang virus na ito ay maipapasa sa mga tao. Hindi naman inaasahan na ito ay madaling kumapit at madaling makaapekto sa isang tao. Naireport na halos labing apat na medical staff na gumagamot at nag-aalaga sa mga pasyente na dumadanas dito ay naapektuhan na din.

Ayon sa mga eksperto, kung ang isang tao na dumadanas nito ay mahawakan man lang, o malanghap ang ubo, mula sa pag bahing ng pasyente at kung ito ay makalanghap ng isang walang sakit na tao, Ito ay madali nang maapektuhan. Ang isang corona virus ay maari ding makuha mula sa isang bagay na hinawakan ng isang taong mayroon nito. Pakikipag kamay, pagyakap at kahit anong physical contact ay delikado na para sa isang tao. Kung ang kamay mo ay hindi pa nahugasan at hinawak mo ito sa ibang parte ng iyong katawan o ibang tao, ito ay kakalat pa sa iba.

Ayon isang pag-aaral patungkol sa bagong virus na ito, kung pagsasama-samahin ang mga biktima mula China at ibang bansa. Aabot na halos sa isang libo at pitong daan katao na ang dumadanas nito.

World Effect:

Dahil sa makabagong teknolohiya, madali nang malalaman kung ang isang tao ay mayroong lagnat base sa temperatura ng katawan nito. Dahil huli na ngang malaman ang virus na ito, huli na din upang maalarma ang ilang bansa.

Ang probinsya ng Wuhan ay popular na para sa mga taga ibang bansa, maging ang Beijing at Shangahi. Ang mga maaring biktima na tinamaan nito ay nakauwi na sa kanilang bansa bago pa ito malaman ng mga eksperto.

Ang iba’t ibang airpot sa iba’t ibang bansa ay patuloy na inoobserbahan ang lahat ng mga taong pumapasok sa kanilang bansa upang maagapan ito kaagad at mabigyan ng sapat na atensyon.

Patient From other Country:

Noong January 13,2020 ang Ministry of Public Health ng bansang Thailand ay nagbigay ng kumpirmasyon mula sa isang pasyente mula sa Wuhan ,China.

Ayon sa report ng World Health Organization, ang pasyente ay isang 61-year old na chinese na matandang babae na naninirahan sa Wuhan City. Noong January 5 ang matanda ay nakaranas ng lagnat at panlalamig, nakaranas din ito ng pagsakit ng lalamunan at pagsakit ng ulo. Tatlong araw matapos niyang maramdam ang mga bagay na iyon ay lumipad ito papuntang Thailand. Kasama ang limang pamilya at labing’anim na katao, sila ay nagpunta sa Thailand na mula mismo sa Huwan.

Pagkadating pa lamang sa airport ng grupong ito sa Thailand, nakitaan na ito ng kakaibang temperatura mula sa thermal surveillance. Dahil dito, dinala kaagad ang matandang babae sa isang ospital at sinimulang obserbahan ang kanyang nararamdaman. Ayon sa biktima, nakasanayan na netong magpunta sa isang palengke na makikita sa Wuhan, ngunit ito ay hindi nakapunta sa mismong palengke na pinaniniwalaang pinagsimulan ng virus.

Lumabas sa resulta ng mga ginawang test ay positbo ito sa Corona Virus. Ito ay pinauwi muli sa kanyang tahanan sa Wuhan China upang makakuha ng sapat na kagamutan. Ayon sa report, ang matandang babae ay patuloy pa ding nagpapagaling sa ospital na kanyang kinalalagyan.

Mula sa iba pang report na mula sa bansang Thailand, walong manlalakbay pa ang nakitaan ng kakaibang temperatura at dinala kaagad sa malapit na ospital. Noong ito ay inobserbahan, wala sa mga ito ang naging positibo sa nasabing virus. Ang walong pasahero ng ay kasama pa ang halos 182 katao na nakasakay sa sinasakyan nilang eroplano at ginawan din ng pag-aaral at test ang mga taong ito.

Nito lamang January 15,2020, ang Ministry of Health, Labour and Welfare ng bansang Japan ay nagbalita na sila ay mayroong pasyente na nakumpirmang mayroong NCov. Ang lalaki ay nasa edad na 30 at namumuhay sa Japan. Ayon sa background ng pasyente, ito ay pumunta ng Wuhan noong nakaaraang Disyembre at nagkaroon ng lagnat noong January 3,2020 habang nanatili sa Wuhan. Ayon sa report, ang lalaki ay hindi nakapunta o nakaka kain ng kahit ano mula sa palengke na sinasabing pinag-mulan ng virus. Hindi din ito nakahawak ng kahit anong hayop mula sa Wuhan.

Ngunit base din sa pagtatanong, ang lalaki ay nagkaroon ng physical contact sa isang taong dumadanas ng pneumonia. Noong ito ay bumalik sa Japan at nagpatingin sa eksperto, hindi ito nakitaan ng isang malalang sakit. Ngunit dahil sa sobrang lala ng kanyang pag-ubo, pagsakit ng lalamunan at mataas na lagnat, ito ay muling bumisita sa ospital at nagpatingin sa mga eksperto. Ang lalaki ay nakitaang ng abnormal chest x-ray.

Dahil sa findings, hindi alam kung ano ang sakit ng lalaki kung kaya’t ito ay inilagay sa isang obserbasyon. Nito nang January 15, ito ay kinumpirmang pasyente ng Ncov. Ngunit ayon sa World Health Organization, mula noong i discharge ang lalaki ay maayos na ang kalagayan nito.

Kada taon, halos isang daang libo na tao ang nakakarating sa North Korea upang bisitahin at kilalanin ang mga magagandang lugar na mayroon dito. 80 percent sa mga taong ito ay Chinese. Mula noong umusbong ang balita sa virus, ang North korea ay gumawa ng hakbang upang makaiwas ang kanyang mga mamamayan mula sa malalang virus.

Ayon sa CNN, ang North Korea ay nagsara mula sa mga maaring bisita nito mula sa iba’t ibang bansa.
“the state was making nationwide efforts to block this virus from entering.”.
Noong January 21, isang 52-year old na matandang babae na nakatira sa Macao ang nakumpiramang dumaranas ng virus. Ayon kay Dr. Lei Chin-ion na isang Director ng Macao Health Bureau. Ayon sa background ng pasyenteng ito, ito ay galing nang Wuhan at dumating sa Macao noong January 19. Ito ay nakasakay na din sa mga pang publikong sakayan tulad ng isang train at isang bus.

Ayon pa pasyente, hindi siya nagkaroong ng kahit anong physical contact sa kahit sinong tao noong siya ay nasa Wuhan hanggang sa ito ay makabalik sa kanyang tahanan.

Noon ding January 21 sa Taipei, isang pasyente din ang napabalitang kumpirmadong positibo sa korona Virus. Ayon sa Focus Taiwan, isang Taiwanese na babae na nagtatrabaho sa Wuhan ang bumalik sa kanilang bansa at nakitang positibo sa virus.

Mula noong ito ay lumapag sa Taiwan Taoyuan International Airport, ito ay nakakaramdam na ng lagnat at agad na inilagay sa isang quarantine. Ayon sa report, 55 years old ang babae at ito ay nakaranas ng pag-ubo, lagnat at hirap sa paghinga matapos makarating sa airport ng Taiwan. Ayon pa sa report, ang babae ay nagsimulang magkaroon masasamang pakiramdam noong January 11, ngunit ayon din dito hindi ito nakapunta at nakakain ng kahit anong pagkain mula sa palengke ng Wuhan.

Mula sa chest x-ray nakitaan ito ng pneumonia at positibo sa sakit nag Ncov. Ayon kay Chen Shih-chung na siyang Minister of Health and Welfare ng Taiwan, ang mga taong nakasalamuha nito sa eroplano na umabot sa halos tatlongpu’t apat na pasahero at labin dalawang crew member ay inilagay din sa quarantine.

Nadagdagan pa nang dalawa ang Taiwan na pinaghihinalaang mayroong dalang virus, ang mga ito ay patuloy pa ding pinag-oobserbahan.

Kung ang North Korea ay nakapag sarado kaagad at naiwasan ang pagpasok ng nasabing virus, ang South korea ay hindi nakaligtas dito. Well, hindi naman napapabalitang kumalat ito, ngunit isang pasyenteng positibo sa virus ang nakapasok sa lugar na ito.

Ayon sa reuters, isang 35-year old chinese women na mula Wuhan ang lumipad pa Incheon South Korea noong linggo. Ayon sa South Korea’s Centers for Disease Control o KCDC
“The confirmed patient was identified in the quarantine phase and there is no community exposure. Those that have come in contact, including passengers and aircraft crew, are currently being investigated,”

Ito lamang ang ibinigay na pahayag ng mga eksperto, at hindi na naglabas pa ng ibang impormasyon. Ngunit ayon sa ilang balita patungkol sa kakilala ng babae, ito ay nakakaramdam na nang lagnat, panlalamig at ilang muscle pain noong ito ay nasa Wuhan pa lamang.

Ang ospital ng Wuhan ay nagbigay lamang ng isang gamot na panlagnat at hindi inobserbahan ng maayos ang nasabing babae.

Nito lamang nakaraan, isang lalaki na galing Wuhan ang bumalik sa US ang nakitaan ng kakaibang temperatura sa kanyang katawan at hanggang ngayon ay patuloy pa din itong inoobserbahan.

Wala pang buong impormasyon na naibibigay patungkol sa kaso ng lalaking ito. Ayon lamang sa ilang report, nakabalik na ang lalaki bago pa maganap ang health screenings sa US airport. Ito ay nagpunta sa isang ospital bago pa makaramdam ng ilang pagsakit ng katawan.
Patuloy pa din ang pag-alam kung sino-sino ang nahawakan at nakasalamuha ng lalaki.

In the Philippines:

Mula noong lumaganap ang Virus, ang Pilipinas ay isa na sa mga bansang delikado na pasukin neto. Nito lamang January 21,2020 nireport ng Department of Health ang kaso ng isang bata sa lugar ng Cebu. Ayon sa DOH, nireport nito sa media ang kaso ng isang limang taon na lalaki at Chinese nationality. Ito ay kanilang inoobserbahan hanngang ngayon.

Ang batang lalaki ay nakitaan ng ilang paunang sintomas ng virus, ayon sa report ng DOH
“is still experiencing cough but is currently stable,”
Ang specimen at ilang blood sample ng bata ay ipinadala sa Australia upang mapag-aralan at malaman kung ito ba ay positibo sa Coronavirus.

Ayon sa balita, tatlong Chinese Nationality din ang nakitaan ng kakaibang temperatura at nagpapakita ng ilang sintomas noong ito ay lumapag sa airport ng Kalibo sa bayan ng Aklan.

Ayon sa balita at ilang interview, ang tatlong lalaki na ito ay hindi sabay-sabay na dumating sa airport ng Aklan. Kinuhaan na din ng ilang dugo at specimens ang tatlong lalaki upang mapag-aralan at maobserbahan ang mga ito.

Ayon din sa balita, isang turista na nasa edad dalawampu’t siyam ang dinala sa ospital dahil ito ay nilalagnat, inuubo at nilalamig. Ngunit hindi nagtagal ay ito ay nairelease dahil sa pagbaba ng kanyang nararamdaman. Noong sabado naman isang tatlong taon na batang babae at isang chinese Nationality ang dinala ngunit pinalabas din ito kaagad.

What happens now:

Ayon kay Brendan Murphy na siyang chief medical officer ng Australia, “You cannot absolutely prevent entry into the country of a disease like this. The incubation period is probably a week, It’s about identifying those with a high risk and making sure people with a high risk know about it and know how to get medical attention.”

Dagdag pa ni Brendan, kung hindi pa magpapatupad ng isang alarm patungkol sa virus na ito; patuloy na dadami ang kaso at patuloy itong tataas at maaring ipagsawalang bahala na lamang ng mga tao ang mga kakaibang pakiramdam na dinadanas ng kanilang katawan.

Ang ilang eksperto sa US ay nagtutulungan upang makagawa ng isang vaccine upang makatulong na maibsan ang ginagawa ng virus sa katawan ng tao. Ayon kay Peter Hotez na isang vaccine scientist
“The lesson we’ve learned is coronavirus infections are serious and one of the newest and biggest global health threats,”

Dahil ang virus ay pumasok na sa halos anim na bansa, ang World Health Organization ay magsasagawa ng malaking meeting kasama ang ilang bansa upang mapag-usapan ang mga maaring gawin at kailangang gawin upang ang virus na ito ay hindi na patuloy pang kumalat.

Dahil sa nalalapit na ang Chinese New Year, inaasahan ang pagdagsa sa iba’t ibang bansa ng mga Chinese at inaasahan na din ang pagdagsa ng iba’t ibang tao sa China. Dahil dito, naghahanda na ang bawat bansa upang masuri ng mabuti ang mga taong lalabas at papasok sa kanilang bansa.

Ang ilang uri ng Coronavirus ay hindi naman nakakamatay, ngunit dahil sa pag eevolve at pagmumutate nito mas lalo itong nagiging delikado para sa nakararami.

Kung ikaw man o may kakilala kang dumadanas ng ilang pagsakit ng katawan, pag-ubo. Nakakaranas ng pagsama ng pakiramdam, ang mga maipapayo lamang ay magpahinga at manatili sa kanilang mga tahanan. Sa ganitong paraan, mabilis na gagaling at hindi na makakapanghawa sa ibang tao.

Kung malala na ang iyong nararamdaman ay magpatingin na sa isang doktor upang makakuha ng ilang gamot na maaring inumin. Mula sa mga gamot na ito, hindi na lalala at maaring mamatay ang mga virus sa iyong katawan. Isa din sa laging pinapayo ng mga eksperto ang palaging pag-inom ng tubig.

Matuto din tayong maging malinis sa ating katawan upang maiwasan ang kahit anong bacteria o virus na kumakapit sa ating katawan. Alamin kung ang iyong kinakain ay mula ba sa isang malinis na pagawaan na hindi kontaminado at walang history ng kahit anong sakit. Madali lang naman ang maghugas ng kamay hindi ba.?

Ugaliin din magtakip ng bibig at ilong sa tuwing uubo o hahatsing sa harap o likod ng mga tao. Huwag tayong iinom ng basta-basta sa pinag-inuman ng ibang tao na mayroong lagnat.Ang mga ginagamit na tissue ay itapon din sa tamang lugar upang hindi kumalat pa.

Kung ang mga ito ay iyong gagawin, ikaw ay hindi makakahawa at maari ding makaiwas sa mga taong mayroon nito. Conclusion ditto mga boss, wag masyadong paranoid, oo ang sakit ay nagmumula sa isang simpleng sipon at ubo pero may kasama naman ito kaagad katulad ng pagsakit ng lalamunan at iba pa. Kung napansin mo ang mga sintomas na ito, mas maganda ng magpatingin sa doctor lalo na’t kahit sa simpleng pagkain ng mga isda at karne ay makukuha natin ito.

#StaySafe.

SOURCES

Corner Moto
Pogi Ako
Ryan Calinao
Wehler Bulfa
Sugo General TV

CNN Philippines
Authorities monitoring 5-year-old boy with coronavirus

Bloomberg Markets and Finance
China Puts City on Lockdown After Deadly Virus Outbreak

Manila Bulletin Online
SARS-like virus spreads in China, nearly 140 new cases

UNMCEDU
Mark Rupp, M.D., infectious disease, biocontainment unit expert

TRT World
Coronavirus Outbreak: Three US airports will screen passengers from central China

CNA
Wuhan pneumonia outbreak: Japan confirms first case of infection

Piano Horror
A Light Shining In Darkness
Evil Among Us
Night in Black and White
Lurking in the Shadows
Abandon Faith
Safe Haven
Lost in Blackwood Forest


Myuuji
Haunted by Screams
It’s a small small world

Chrono Cross
Radical Dreamers

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Psychedelic experience

Bakit minsan lumalaki ang buwan?