Ano ang Astral Projection?

Reading Time: 9 minutes

Astral projection, marami sa atin ang gustong subukan ito pero marami din sa atin ang hindi nakakaalam kung papaano ito gawin. Hindi, hindi to ang video na hinahanap ninyo kung gusto ninyong matuto, ang ididiscuss po natin ay ang astral projection hindi kung papaano ito gawin kaya sana walang magtatanong na bulalord, papaano bang gawin yan. No, just no.

Astral Travel:

Ang astral projection o astral travel ay isang term para ilarawan ang intentional out of body experienced. Pause po muna, para sa mga hindi pa nakakapanood, gumawa po ako ng near death videos kung saan diniscuss po natin ang out of body experience.

Ang astral prol projection ay ang paghihiwalay ng astral body at physical body, kung saan pwede ka ng makapaglakbay kung saan mo man gusto. Ayon sa mga iba’t ibang turo, particularly ang esoteric, occult at mystical ay naniniwala na meron tayong 5 subtle bodies, ito ay ang etheric body, emotional o astral body, mental body at causal body. Bawat subtle bodies ay may kanya kanyang chakra at aura. Bawat subtle bodies ay may kanya kanyang plane of existance. Kagaya ng astral body, nageexist ito sa astral plane habang ang etheric body naman o physical body ay nageexist sa phsical plane. Malinaw tayo sa mga bodies bodies na yan ha.

Sa astral projection, ang concious mind ay aalis sa physical body at pupunta sa astral body. Kadalasan nakakakita ang mga nakakaranas ng astral projection ng isang liwanag mula sa kanilang physical body at nakakakabit ito sa kanilang astral body na para bang isang umbilical cord.

Para makaranas ng intentional out of body experience, kailangan relaxed ka, komportable sa iyong suot at nakaupo o nakahiga. Hindi lahat marunong sa astral projection dahil karamihan sa atin, takot na mangyari ito, naniniwala na ang iba na posibleng hindi ka na makabalik pa hanggang sa iyong pisikal na katawan ay madegrade at mamatay.

Naranasan nyo na ba ung natutulog kayo tapos bigla kayong magigising dahil feeling nyo nahulog kayo with matching sipa pa o tikwas ng kamay. Ayon sa mga pyschics, ito mga boss ay dahil sa astral projection. Ang ating concious mind ay lilipat sa astral body pero bigla tayong magigising at pakiramdam natin na nahuhulog tayo. Hindi rin natin ito naalala dahil ang mga panaginip ay kadalasan nakakalimutan na kapag gumising.

Models:

May 2 models ang astral projection, ang mystical at phasing model.

Ang phasing model ay nilathala ni Robert monroe, ayon sa kanya, imposible na ang isang tao ay umalis sa kanyang katawan. Naniniwala din ito na ang astral plane at ang physical world ay mga lugar lamang sa isang napakahabang spectrum ng conciousness. Kapag ang isang tao ay nagproject, ito ay nagphase lamang o lumipat sa ibang yugto o lugar ng conciousncess. Para sa mga naguguluhan, think of yourself as a radio at ginagamit natin ang knob para makasagap ng ibang signal diba, ganun ang phasing model, kumbaga nasa ibang signal ka lang.

Ang pangalawang model ay ang Mystical model kung saan iba’t ibang mga sistema ng paniniwala. Pero ang modelong ito ay sumasangayon na ang astral projection ay nangyayari sa labas ng ating pisikal na katawan. Sa modelong ito, pinaniniwalaan na mayroong mahinang enerhiya na dinadala na ating conciousness palabas ng ating katawan. Sa librong projection of the astral body, dinetalye ni carrington at muldoon kung papaano napapasa ang conciousness sa secondary energy para makapaglakbay sa astral planes. Ayon naman kay Robert Bruce, ang subtle body ay nakalabit sa physical body sa pamamagitan ng umbillical cord like, ito mga boss ung dinidiscuss natin kanina. Ayon kay Robert, ang cord na ito ay isang chakra. Wow. Baka sa susunod nyan mag summoning technique na tayo. o kaya rasengan. Pero kidding aside mga boss. Maraming naniniwala na meron talaga tayong mga chakras. Siguro naman pamilyar na kayo jan.

Type:

Kagaya ng model, meron ding ibat’ ibang types ng projection. Ang Astral, Etheric at mental projection.

Let’s start with the astral first.

Kapag nagtravel ka sa astral projection, ang mga paligid ay posibleng magbago, from populated, pwede itong maging unpopulated. Pwede ring maging artificial ang mga paligid or natural, maganda o nakakatakot. Sa mundong ito, ang mga physical laws ay walang silbi dito at kadalasan nakakalipad o nakakalutang ang naglalakbay dito.

Ang manlalakbay ay pwedeng makapunta ng ibang lugar, posible din na makapagtravel sa disntant past o sa future. Pinaniniwalaan din na ang space and time ay hindi nageexist sa astral plane o sa mga higher planes. Wala ding eksplanasyon kung papaanong nageexist ang mga environments gayang wala namang spatial dimensions at papaanong nalalaman ang pagkakasunod sunod ng pangyayari kung walang oras sa astral realm.

Ayon sa librong astral dynamics, marami sa atin ang nakakapaglakbay sa astral realms pero hindi natin ito alam at ito ay nagrerepresenta ng ating mga panaginip.

In contrast sa astral projection, ang traditional out of body experience ay ang pagalis ng isang nilalang sa katawan nito kadalasan in a ghost like form or others refer to it as spirit form. Ito mga boss ang etheric projection. Tinatawag ito ni robert bruce bilang real time projection at ang ating mundo o physical realm ay tiantawag naman na real time zone. Kapag ang isang nilalang ay nakaranas ng out of body experience, lalabas ito sa kanyang katawan subalit nasa real time zone pa rin ito. Once maging spirit form posible ng makapaglakbay sa astral zone o manatili sa real time zone. Kapag nanatili ang spirit sa real time zone, makikita nito ang mga nangyayari in real time, kaya rin ito tinawag na real time projection.

Lastly ang mental projection. Ito mga boss ang projection ng astral body papuntang mental plane sa pamamagitan ng mental energy o ang ibang proseso para makapunta dito. Ang subtle body sa  mental plane ay ang ating mental body, when we say mental body, ito mga boss ang ating intellectual conciousness. Ang kapaligiran ay kadalasang makulay, sa katunayan parang kaleidoscopic ito. Ang pinagkaiba nito ay ang mga mathematical functions at mga iniisip natin ay magmamanifest physically. Ang buffer zone sa pagitan ng astral at mental plane ay tinatawag na akashic records kung saan ito ang parang silid aklatan ng ating isip, ang nakaraan, nangyayari at hinaharap.

Catholic view:

Ang astral projection ay pinagbabawal sa mga katoliko. Dahil ang kaluluwa ay sagrado, kung saan nilalaman nito ang ating iniisip, alala, emosyon, paguugali at paniniwala. Ang kaluluwa ng isang tao, kapag nahiwalay sa kanyang katawan ay vulnerable sa mga masasamang espiritu dahil walang proteksyon ng diyos at posibleng atakihin ng mga demonyo.

Naniniwala din ang ibang mgakatoliko na ang realm na nilalakbayan ng mga kaluluwa dito sa ating mundo ay tinatawag na third heaven at ang third heaven ay pinamumunuan ng masasamang espiritu kung saan pinapadala ang mga demonyo para abusuhin ang mga nanlalakbay sa lugar na yon.

Source 1

Source 2

Source 3

Source 4

Source 5

Source 6

Source 7

Source 8

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Paano kung wala tayong anino?

Totoo ba ang Atlantis o isa lamang itong kwento?