Animal of the week – Titanoboa

Reading Time: 8 minutes

Hindi na iba sa atin ang mga malalaking ahas, ang mga malalaking sawa. Pero mas minulat ang ating imahinasyon ng mga pelikula kagaya ng anaconda the movie na kung tutuusin ay imposibleng mangyari. Subalit mga boss milyon milyong taon na ang nakakaraan, merong isang napakalaking ahas na nabuhay kasama ng mga dinosaurs. Ang titanoboa.

Habitat:

58 million years ago ang cerrejon ay kakaiba kumpara sa panahon ngayon. Ito ay isang immense swampy jungle kung saan karamihan ng naririto ay malalaki. Ang mga puno ay may malalaking dahon. Ang ulan dito ay umaabot ng 150 inches kada taon kumpara sa 80 inches sa amazon natin ngayon.

Ang mga namumuno sa gubat na ito ay isang nakakamanghang halimaw. Mayroon itong laki na umaabot sa 40 feet at may bigat ng isang tonelada. Ito ang pinakamalaking ahas na nabuhay sa mundo, ang titanoboa. Ang halimaw na ito ay jatulad ng isang boa constrictor pero mas katulad ito ng mga water dwelling anaconda. Kung saan nagaabang sa tubig ng kanyang mabibiktima. Ang mga siyentipiko ay tinawag itong titanoboa cerrojonesis. Ang pangalang titanoboa ay hango sa titanic at boa.

Discovery:

Ang pagkadiskubre ng titanoboa ay nangyari uing 21st century sa Cerrejon, isang coal mine sa northern part ng colombia. Ang naging dahilan sa pagkakadiskubre nito ay nangyari nuong 1994. Nakita ni Henry Garcia, Isang geologist, ang isang unfamiliar fossil at kinuha nya ito at bingyan ng pangalan na “petrified branch” at nilagay sa isang displace case.

Ilang taon matapos nito, nuong 2003, ang colombian undergrad geology student na si Fabiany Herrera ay nasa cerrejon dahil sa isang field trip, dito nadiskubre nya rin ang fossilized plant remains. Dahil sa mga nakita nya at ang area na ito ay hindi pa naeexplore ng mga paleontologists, agad nagorganisa ng expedition para dito.

ISa sa mga researcher na ito ay si Scott Wing, isang curator ng fossil plants sa smithsonian National Museum of natural history. Si Scott wing ang nakadiskubre na ang mga fossils ns inaakalai nila garcia at herrera ay hindi isang fossil ng halaman. Pinadala nya ito sa isa pang expert na si Jonathan Bloch, isang paleontologists ng university of florida. Si Bloch naman ang nakadiskubre na ang fossil ay isang parte ng jawbone ng isang hayop.

Pero hindi pa ito tuluyang na identify bilang isang fossil ng ahas hanggang sa dumating ang 2007. Isang shipment ng mga fossils na may label na crocodile ang inenspect at dito nga nadiskubre nila ang kaperahs na vertebrae ng previous fossil. Nakakita sila ng 100 snake vertebrae mula sa 28 na hayop na kanilang kinulekta. Dito nagkaroon na ng pagkakataon na ang mga paleontologists na maestimate ang laki ng prehistoric snake na ito.

Lumipas ang maraming taon, dumating ang 2012, isang napakaimportanteng discovery ang nadagdag sa titanoboa. Nadiskubre ang bungo nito. Mga boss hindi katukad ng bungo ng tao ang bungo ng mga ahas, ito ay mga fragile objects, kadalasan nasisira kapag namatay na ang ahas kaya naman ang discovery na ito ay extremly rare.

Size:

Ang titanoboa ang may hawak sa pinakamalaking ahas sa buong mundo. Ang modern day giant anaconda na pinakamalaking naitala ay 25 feet at may bigat na 500 pounds. Habang ang Titanoboa naman ay kayang lumaki ng 42 feet at may bigat na 2000 pounds.

Bago pa nadiskubre ang titanoboa, ang pinakamalaking ahas ay may sukat na 33 foot at isa na rin itong prehistoric animal, ang gigantophis.

Climate:

Alam nyo ba mga boss na ang dahilan sa paglaki ng titanoboa ay dahil sa mainit na panahon? Oo mga boss. Sa katunayan ang mga fossils ng mga halaman ang nagpapatunay ns ang gubat ay may humid temperature na nasa 90 degrees o mas mataas pa.

Ang mga cold blooded animals ay nagrerely sa external heat source. Kapag malamig ang panahon mas mabagal sila. Kapag mainit mas mabilis at nasa full potential ang mga ito. Pero kapag laging mainit, ang metabolism ng cold blooded animal ay nasa maximum din. Dito napupunta ang extra energy nila sa kanilang katawan at mas lumalaki ito dahil kaya na nilang isustain ang mas malaking pangangatawan.

Pero sympre ang ibang mga scientist ay hindi naniniwala sa theoryang ito dahil kung sakali ngang totoo ito, bakit ang mga lizards sa mga maiinit na kagubatan ay hindi lumalaki?

Extinction:

Sa katunayan mga boss, walang nakakaalam kung bakit sila nagextinct. Mayroon lamang dalawang theorya patungkol dito. Unang una ang climate change. Dahil sa paglamig mas naging favorable ang paglabas ng mga maliliit na ahas. Ang mga malalaking reptiles ay unti unti ring nawala at pumalit ang mas maliliit na mga reptiles. Dahil na din sa rapid drop ng temperature, ang pag bagsak ng metabolismo ng titanoboa ay napektuhan din.

Ang habitat ay nabago na sya ding dahilan ng extinction ng titanoboa. Ang mga rainforest ay umunto at nagkaroon na ng mga grasslands. Dahil sa kakaunti na lang ang rainforest, nawala na paunti unti ang titanoboa. Again mga boss ito ay theory lamang, wala pa ring solid evidence ng kanilang extinction.

Pop Culture:

Dahil na din sa discovery nito, maraming attention ang nakuha nito lalo na ang mga snake lovers. Sa katunayan mayroon itong life size statue na naka exhibit sa smithsonian Museum. Gumawa din sila ng documentary patungkol sa titanoboa at nagsimulate ng paglalaban ng titanoboa at trex at posible na matalo nito ang t-rex.

Makikita rin ito sa larong ARK: Survival evolved pero kakaiba ang model nito dahil nilagyan nila ito ng frill na katulad sa frilled lizard ng jurassic park.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Maria Labo – Urban Legend

Ilang taon na nga ba ang Great Sphinx?