Ang tunog mula sa impyerno

Reading Time: 8 minutes

Naglitawan na naman ang mga urban legend. Isang recording daw galing sa impyerno. Nalaman ko ito nuong ako ay nagsstart pa lang sa IT industry. Mahilig kasi ako magbasa nuon kaya nacurious ako.

Honestly nuong unang nabasa ako convince na convince ako na totoo ngang tunog ng impyerno un. Natakot ako nuon sa maniwala kayo o hindi.

Kung napanood nyo na to sa iba. Well, i am 100% na meron pang mga data o information na hindi nila nakalap. Alam nyo naman dito sa channel, kahit na boring na details eh sinasama natin. Gusto ko kasi malaman ninyo hindi lang ang juicy details pati ang ingridients lalo na’t kung hoax ang pinaguusapan. Kaya’t simulan na natin ito.

Urban Legend:

Magsimula muna tayo sa kwento. Ayon sa kwentong ito ang isang grupo ng russian geologist ay nag drill o bumutas sa ilalim ng nagyeyelong lupain ng siberia. May lalim ito ng 8.9 mile. Alam ko numbers, so kung ilalagat natin sa perspective, From babuyan islands to saranggani ay mayroon lamang humigit kumulang sa 1000 mile, ibig sabihin, almost 8 pinas ang lalim nito.

Balik tayo sa kwento, so nuong umabot na sila ng 9 mile, dito na nagkaroon ng problema. Ang drill ay umikot ng mabilis, indikasyon na nasira ito.

Ang project manager na si azzacov ay nagdesisyong magbaba ng mga heat resistant microphones at kasama nito ang mga measuring tools.

Nagulat daw sila sa temparatura dahil umabot ito ng 2000 degrees fahrenheit. Numbers ulit so para sa comparison, halos kasing init ito ng isang magma. Inexpect ng mga scientist na malapit na sila sa gitna ng ating mundo dahil nga sobrang init nito.

Pero nagbago ang kanilang pananaw ng marinig nila ang narecord ng mga microphones. Mga humihiyaw na mga boses ng tao. Dahil dito naniwala sila na ang mundo ay hollow at ang gitna nito ay ang impyerno.

Ayon sa kwento agad na inabandona ang project at ang ibang mga trabahador ay binigyan ng sedatives para makalimutan ang mga pangyayari.

Umpisa pa lang andami ng plot holes diba? and yet andaming naniwala dito. Ang location, ang objective, kahit ang pagbaba ng mic, imaginine ninyo bakit kailangan magbaba ng mic sa napakalalim na hukay? Naalala ko tuloy yung mga fake ghost video eh. Kunwari di sinasadyang mavideohan pero antagal ng nakatutok sa spot na un.

Isa pa wala pang microphone na capable tumagal ng 2000 degree fahrenheit. Ang kaya lamang nito ay nasa 360 degrees at ito ay matutunaw na.

Anyway.

Hole:

Meron naman talagang nangyaring paghuhukay. Pero hindi ito sa siberia. Ito ay sa kola peninsula at ito ang may hawak sa pinakamalalim na hukay. Kilala ito sa tawag na kola superdeep borehole.

Pero may problema, dahil sa proyektong ito, walang supernatural na naganap let alone nagbaba ng mic para irecord ang kung ano mang maririnig duon.

Ang purpose ng project ay ma examine ang minerals sa ilalim ng ating mundo, maitest ang bagong drilling equipment at sympre kasama na dito ang bragging rights na ang russia ang may hawak sa pinakamalalim na butas sa buong mundo.

So, meron naman palanag katotohanan. Nilagyan lang ng dagdag bawas ang kwento. Pero bakit? Bakit kailangan gawan ng kwento?

Hoax:

Ang kwentong ito ay unang lumitaw nuong 1989 at pinublish ng TBN o trinity broadcasting network. Isa itong christian network. Pinublish nila ang kwento at pinamagatang Scientists discover hell.

Ang balita nuong 1989 ay wala pang audio recording. Pero hindi nagpatumpik tumpik ang mga religious sects dito dahil nagbigay agad sila ng flyers, plamplets at booklets tungkol sa pagpapatotoo ng impyerno.

Isang linggo matapos nito, may nadagdag pa sa kwento, ayon kay Rendalen, isang norweigna teacher at ang nagdagdagbawas din sa kwento. Isang demonyong may pakpak ang lumabas sa butas at kasabay nito ang apoy at usok at ito ay nakasulat ng i conquered.

Nuong nakuha ng TBN ang bagong impormasyon, agad silang nagupdate ng kanilang balita at nilagyan na ito ng litrato ni satanas na umaakyat sa usok.

Subalit binawi din ni Rendalen ang kanyang kwento. Ayon sa kanya gawa gawa lamang nya ito at isang tawag lang sa kanya ay aamin na sya. Pero wala namang nagtanong sa kanya.

12 years matapos ang unang publication. 2002, nabuhay muli ang balita pero this time, may kaakibat na itong recoridng. Ayon Art, pinadala sa kanyang programang coast to coast AM ang recording matapos marinig ang kwento ng isa nyang listener tungkol sa hell hole. Ayon sa sulat, ang kanyang uncle daw ay isa sa mga nagtrabaho duon sa siberia at nairecord ng kanyang uncle ang mga nakakakilabot na boses.

Plinay ito ni Art sa kanyang radio station at simula nuon kumalat na na parang apoy sa amazon rainforest ang balita.

Root:

Si Rich Buhler na isang host sa christianity today ang nagimbestiga tungkol sa urban legend na ito dahil na din sa dami ng taong tumatawag at humihingi ng karagdagang impormasyon.

Ang team ni  Buhler ay napagalaamn na ang pinakasource ay ang finnish newspaper na tinatawag na Ammennusastia. Pinaniniwalaan na  ito ay isang respetadong scientific newspaper. Kaya’t ang evangelical Minister ng texas nuon na si R.W. Schambach ay pinadala ito sa TBN nuong nabasa nya ang tabloid.

Well, turns out na ang Ammennusastia ay hindi scientific bagkus isa itong Evangelical Lutheran magazine at ito ay nagpublish sa finland sa pagitan ng 1974 hanggang 1989.

Tinawagan ng grupo ni Buhler ang newspaper na ito at tinanong kung saan nakuha ang balita. Ayon sa kanila, isang staff member ang nagsulat ng artikula at ito ay nabasa nya lamang sa etela suomen sanomat sa isang seksyon ng newspaper kung saan ang mga readers ay pwedeng magcongribute ng kahit anong gusto nila.

So thats it, isang kwento na nagpsalin salin na wala naman talagang solido o konkretong ebidensya.

Audio:

So sympre alam na natin na hoax pero saan ba talaga galing ang tunog na yon?

Ayon sa maraming website, ang audio recording daw ay mula sa isang 1972 movie na baron blood. While that is true, turns out kinuha ito sa iba’t ibang sources.

Ayon kay JC Wood na isang youtuber, kiunuha ito mula sa quiet please at baron blood. Niloop at nilagyan ng background noise  then voila, meron na tayong hoax.

Kaya kung mapapanood nyo man ito sa ibang youtuber at convincing ang mga kwento at pananalita, sabihin nyo pinadala kayo ni bulalord. Its okay to be wise. Its not okay to be dumb, dumdum.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang secret project ng CIA – MKULTRA –

Ang librong kumitil ng libo libong babae…. Malleus Maleficarum