Ang secret project ng CIA – MKULTRA –

Reading Time: 18 minutes

Topics

Central Intelligence Agency o CIA, so kilala natin ang agency na ito na isang mautak na organisasyon. Mula sa pagmanipula sa utak ng kalaban, tulad na lamang sa ginawa nilang panlilinlang sa mga pilipino noong 1950’s.

Ngunit hindi lamang ito ang nagawa ng grupong ito. Nakaisip ang grupong ito ng isang experiment tinawag nilang “MKultra”. Hindi ito para sa hayop, sa lugar, o sa enviroment. Ang proyektong ito ay para sa Tao.

History:

Ang MK-Ultra ay matatawag na Top-secret project ng CIA kung saan patago din ang mga ekspiremento na kanilang ginagawa. Tulad nga ng nasabi ko, sa tao, sa utak ng tao.
Ginamit nila ang mga tao sa america na karamihan ay ang mga walang alam at walang pakialam sa kanilang pinapasok na sitwasyon. Gamit ang ekspiremento na ito, malalaman nila kung ano ba ang nagagawa ng iab’t ibang klase ng droga tulad nlamang ng isa sa pinakasikat noong 1050’s na LSD (Lysergic acid diethylamide) upang gamitin na pang mind control, pagkuha ng inpormasyon at maaring gamitin bilang Psychological torture.

Noong 1950’s hanggang 1960’s sa kasagsagan ng Cold War. Natatakot ang gobyerno ng United States sa ideya na gumagamit ang mga agents ng Soviet, Chinese at ang mga taga North Korea ng tinatawag na mind control. Nag-aalala ang US ginagamitan ng mind control ang mga nahuhuling kakampi nila at binibrainwash ang mga ito.

Dahil dito, ang Director ng Central Intelligence Agency (CIA) na si Allan Dulles ay inabprobahan ang proyektong MK-Ultra noong 1953. Ang patagong proyekto na ito ay naglalayong makagawa ng isang technique;ang pagkontrol sa human behavior gamit ang isang drugs at iba pang pschological manipulator, na maaring magamit bilang panlaban sa mga nasabing bansa.

Ang proyektong ito ay sinubukan sa halos 150 na tao sa america, gamit nag psychedelic drugs, paralytics at electroshock therapy. Karamihan sa mga nagpresinta na sumama sa proyekto at pumayag na maging daga ng mga eksperto, ay hindi alam ang tunay na pakay ng experiment.

Noong 1964, ang pangalan ng proyekto ay pinalitan ng MKSEARCH. Karamihan sa mga test na ginawa mula noong 1953 hanggang 1964 ay sa mga unibersidad, ospital o di naman sa bawat kulungan sa US at Canada. Ngunit hindi alam ang eksantong bilang ng mga tao na dumaan sa eksperimento. Dahil nga naman isa itong sikretong proyekto at dahil na din pinatigil ang proyektong ito noong 1973.

About the Project:

Nilalayon ng proyekto na makagawa ng isang perfect “Truth Drugs”,kung saan gagamitin sa pag interrogate sa mga nahuling hinihinalang espiya ng soviet noong panahon ng giyera. Sa pangunguna ng Chemist at poison expert ng CIA na si Sidney Gottlieb. Ayon sa lalaking ito, ang paggamit ng LSD((lysergic acid diethylamide) at ang epekto netong hallucination ay makakatulong para sa pag brainwash at pschological torture sa tao, at upang tignan ang ilang posibilidad ng “Mind Control”.

Noong 1950’s ay binili ni Gottlieb ang “World’s Entire supply” ng LSD. Gamit ang pera na nagmula sa CIA na nagkakahalaga ng 240,000 dollars, nagawa niya ito. Ito ay sinimulan niya itong ipakalat sa madaming ospital, maliliit na clinics, mga kulungan at sa mga paaralan.

Sa ilalim ng ilang tao, nag simula ang CIA na magbigay ng pondo para sa mga mag-aaral ng Columbia University, Stanford University at iba pang kolehiyo. Ang pondo ay para sa pag-aaral ng mga maaring maging epekto ng iba’t ibang drug na gagamitin sa eksperimento. Matapos ang madaming pagsubok at pag-aaral, lumabas na iba-iba ang maaring maging resulta nito sa isang tao

Dahil sa kaunting kaalaman ng mga tao patungkol sa proyektong ito, marahil naki ito bilang isang katuwaan at nakita nila na hindi delikado kung ano man ang gagawin sa kanila. Nariyan ang mga may tama sa utak o “Mentally-impaired” sa isang state school, mga sundalo ng america, ilang pasyente na mga sexual psychopaths sa isang ward sa america at karamihan sa mga sumali ay ang mga preso. Ayon sa CIA, ang mga preso o ang mga nakakulong ang pinaka madaling akitin at pasamahin sa eksperimento. Pinangakuan nila ang mga gustong sumali ng extra recreation time o di kaya naman mababaan ang kanilang kaso.

Isang dokumento noong 1955, laman nito ang iba’t ibang epekto ng mga ginamit na droga sa iba’t ibang tao.
Unahin natin ang mga maaring magawa ng Substance o ng Droga sa isang tao. Ayon dito, ang Substance (Drugs) ay makakagawa ng illogical thingking at impulsiveness. Maari din pataasinang mentation o ang paraan ng pag-iisip at maaring din mag-iba ang pagtingin mo sa ibang bagay.

Lumabas din sa pag-aaral na matutulungan nito ang utak ng tao na tiisin ang lahat ng mga pagpapahirap, pananakit, at iba’t ibang threat habang ito ay pinapaamin sa isang bagay. Kaya din ng droga na saktan ang katawan ng isang taong nagtake neto. Maari itong mag cause ng disablement tulad ng legs paralysis, acute anemia at marami pang iba.

Hindi lamang pinapainom ng droga ang mga tao na kasama sa eksperimento, may ginagamit ang mga nag-ooberba upang malaman kung ano ang reaction ng iyon utak. Ilang mga bagay na ikakabit sa iyong ulo, at ang mga bagay na ito ay maaring makapag cause ng temporary o di kaya permanent na brain damage dahilan para mawalan ng alaala ang isang tao. Mula sa mga materyal na ginamit ay maaring magkaroon ng mental confusion, halimbawa; habang nakakabit sa ulo nila ang bagay na ito ay mahihirapan silang sumagot sa ano mang uri ng tanong.

Ang ilang physical methods ay maaring makapag produce ng shock at confusion upang hindi makapagsalita kung sino man ang tinatanong.

Other Drugs:

Bukod sa LSD, ginamitan din ng heroin, morphine, temazepam, mescaline, psilocybin, scopolamine, marijuana, alcohol pati na din ang sodium pentothal.

Ayon sa mag nag-aral at nakakaalama sa proyekto ay sinabi na ginagamitan ang mga mga taong kasama sa eksperimento ng Barbiturate IV (Isang uri ng synthetic drugs -used to relieve tension). Itinuturok nito sa isang braso at sa kabilang braso naman ay isang amphetamine IV. Ayon sa mga pag-iimbistega, inuunang iturok ang barbiture at kung makatulog na ito ay saka ituturok ang amphetamine. Dahil dito, magsisimula nang magsalita mag-isa ang tyao at maaring makakuha ng isang kapakipakinabang na sagot patungkol sa gustong itanong dito.

The Victims:

Kung tatawagin natin ang mag napasa-ilalim proyetko, sila ay mga biktima.

Dahil nga utak ang puntirya ng eksperimentong ito, karamihan nang mga nakalampas at matagumpay na natapos ang proyekto ay nakaramdam ng side effects matapos ang kanilang ginawa.

Ayon sa isang biktima

” [The testing] wasn’t being done to try to cure insane people, which is what we thought. It was being done to try to make people insane—to weaken people, and to be able to put them under the control of interrogators. ”.

Ang salitang ito ay mula sa kay Ken Kesey.

Sa hindi sinasadyang pangyayari, si kesey ay aksidenteng napasama sa eksperimento noong ito ay katatapos palang mag-aral ng kolehiyo sa unibersidad ng Stanford. Ayon sa kanya, napasama siya sa eksperimento dahil lamang sa kanyang kapit bahay na pschologist ba biglang nag back out bago pa ito masimulan. Si kesey ay isang outstanding Athlethe at isang tao na masasabing may moral na pinangangalagaan, dahil wala itong kahit na anong bisyo. Ayon kay kesey, noong una ay hindi siya naniniwala na ito ay isang proyekto sa ilalim ng CIA, ngunit matapos ang ilang taon. Nag-iba ang tingin ni Kesey sa proyekto.

Dahil sa kanyang matinong utak at maayos na pangangatawan,hindi malala ang naging epekto nito kay Kesey. Ayon pa sa kanya, nakatulong ang droga ginamit sa kanya upang magbigay liwanag na tumingin sa ibang bagay.

“We suddenly realized that there’s a lot more to this world than we previously thought . . . One of the things that I think came out of it is this, is that there’s room. We don’t all have to be the same. “

Dagdag pa ni kesey.

Ngunit hindi lahat ay kagaya ni Kesey na naging normal at positibo ang epekto sa utak at sa anumang bagay.

Ang isang infamous na ganster na si Whitey Bulger, ay naexposed sa LSD noong nakulong siya sa isang kulungan sa Atlanta. Kapalit ng kanyang pagpayag ay ang pagbibigay ng mababang parusa para sa kanyang mga kaso.

Sa loob ng 18months, kasama ang ibang inmates na naging subjest sa drug test. Inilarawan ni Bulger ang naging epekto sa kanya ng droga sa pagsusulat neto sa kanyang notebook.

“horrible LSD experiences followed by thoughts of suicide and deep depression. it would push me over the edge. ”

Nagkaroong ng anxiety si Whitey at natakot na sabihin sa iba ang epekto sa kanya ng droga dahil, natakot din siyang humingi ng kahit anong tulong dahil ayaw niyang madala sa ospital ng mga baliw.

“I was in prison for committing a crime and feel they committed a worse crime on me. ”

Ang sulat ni Whitey sa kanyang notebook.

Isa sa pinakakilalang biktima ng eksperimento, ay ang mismong taga CIA. Ang mga Technical Services Staff, na nagtatrabaho sa ilalim ng chemist na si Gottlieb. Ayon kay Gottlieb, ang paglalagay ng LSD sa mg atao ng hindi nila alam ay isang paraan upang malaman kung ano pa ang kayang gawin ng droga. Ayon pa sa chemist na ito, maari itong subukan sa isang taong mataas ang posisyon(syempre hindi sasabihin sa mataas na taong ito) upang makita kung ano ang mga kabaliwan na kanilang magawa. (Psycho ata ang chemist na ito)

Dahil dito, pinayagan ni Gottlieb ang mga tao niya na idrug ang isa’t isa ng hindi nila alam. Noong una ay, sinubukan ng mga agent ni Gottlieb na i test ito sa kani-kanilang bahay upang maobserbahan nila mismo kung ano ang maaring mangyari. Hindi lamang ito ang naisip na kalokohan ng mg ataga CIA, naisip nilang ilagay ito sa isang punch bowl nang magkaroon ng Christmas party ang samahan. Dahil dito, lumabas na malakas ang epekto ng LSD. Ayon sa isang memo,”produce serious insanity for periods of 8 to 18 hours and possibly for longer” at ang mga matataas na opsisyal ng CIA ay mahigpit na ipinagbawal ang kahit na naong LSD sa kanilang Christmas office parties.

Deaths:

Dahil sa sapilitang pagsira sa lahat ng records patungkol sa mga pag-aaral na ginawa, hindi alam kung ilan ang mga namatay sa proyekto na ito.

Ngunit ang pinaka kilalang tao na namatay dahil dito ay ang isang, US Army biochemist at biological weapons researcher na si Frank Olson. Dahil sa payag ni Gottlieb na magpakalat ng LSD sa loob ng CIA, nainom ni olson ang isang cocktail na naglalaman ng LSD na hindi niya alam. Ayon sa mga tumitingin sa pagkamaty ni Olson, ito ay isang Suicide dahil ito ay tumalon mula thirteen floor ng tinutuluyang hotel. Ang doktor na nagbabantay kay Olson ay nasa kabilang kwarto lamang, at natutulog. Pinaniniwalaan na dahil ito sa habang nagkaroong ito ng severe psychotic episode.

Ngunit ayon s apamilya ni Olson, ito ay pinatay. Pinaniniwalaan na pagkatapos niyang mapasa ilalim ng LSD ay delikado na nag buhay neto. Naniniwala ang pamilya ni Olson na na ang kanyang pagkamatay ay dahil sa kanyang trabaho. Dahil madami na itong alam patungkol sa mga highly classified CIA programs.

Bago ito mamatay, nag resign ito sa kanyang position bilang acting chief of the Special Operations Division sa Detrick, Maryland. Dahil sa mga malalang moral crisis patungkol sa kalikasan dahil sa kanyang biological weapons research. Isa pa ay nangangamba si Olson patungkol sa pag gawa ng assasination material na pinaniniwalaang gagamitin ng CIA. Pinaniniwalaan na gunmagamit ng mga biologuical warfare ang CIA sa kanilang mga patagong operasyon, at gumagawa ng mga eksperimento sa mga populated areas gamit ang mga biological weapons sa tulong ng mga former Nazi scientist.

Nagkaroon ng second autopsy sa katawan ni Olson noong 1994 ( patay na ay ginulo pa ) at lumabas na bago pa ito bumagsak mula sa bintana, ito ay wala nang malay o di kaya’y patay na. Ayon sa nag examined sa katawan ni Olson ay tinawag ang kanyang kamatayan bilang isang “Homecide”

Noong 1975, nakatanggap ang pamilya ni Olson ng settlement fee na 750,000 dollars. Mula ito sa U. S government at bilang formal na paghingi ng tawad ng presidente noon na si Gerald Ford sa pagkamatay ni Olson. Humingi din ng tawad ang Director ng CIA na si William Colby mula sa pagkakainom ni Olson ng Droga.

Noong November 28,2012, nag file ng kaso laban sa U. S federal Government dahil sa maling pagkamatay ni Frank Olson.

The End of the Project:

Noong 1963, ang lahat ng mga patagong test, at lahat ng mga taong kasama sa mga test patungkol sa gamot na LSD ay itinigil na. Ang isang miyembro ng CIA Inspector General’s staff na si John Vance ay nalaman ang ilang sikretong administrasyon na gumagawa ng test, kasama na ang mga walang kaalam alam na tao. Kinumbinsi ng mga taopng nasa likod ng proyekto ang CIA independent audit board upang maipagpatuloy ang nasabing proyekto. Nguniot hindi pumayag at umalma ang Inspector General na kailangan sundin ang bagong research ethics guidelines, dahil dito tuluyan na tinapos ang proyektong MK-Ultra.

Pinaniniwalaan na nakita ng Senator na si Edwar Kennedy ang congressional hearings sa pag iimbestiga sa mga epekto ng MK-Ultra. Dinala sa kongreso ang isang Ex-CIA employees upang tanungin kung paano nabuo ang proyekto, sino ang mga taong kasama dito, ilan ang lahat ng tao na kasama sa bawat eksperimento, ilan lahat ng biktima at kung patuloty pa din ba ang pagpapatakbo sa nasabing proyekto.

Dahil sa pag-iimbestiga, nalaman ng maraming tao kung paano tumakbo ang programa at nalaman nag ilan ang nakakatakot na resulta nito sa katawan at isipan ng tao.

Ilang taon magmula noong ideklara ng Presidente na si Nixon na ang drug abuse ay isa sa pinakamlaking kalaban ng lipunan. Dahil dumadami na din ang kaso ng mga adik at mga krimen na dahil sa pagtatake ng droga.

Sa patuloy na pag-iimbestaga ng gobyerno sa CIA, wala silang nakukuhang impormasyon patungkol dito. Ayon sa mga CIA staff ay hindi nila matandaan ang mga detalye patungkol sa nasabing human experimention. ( so in short, baka ginamitan din sila ng LSD ). Naghanap ng mga files, record, at iba pang ebidensya na makakapag sabi kung nao ang mga nangyari magmula noong sinimn ang operasyon sa proyekto, ngunit sa kasamang palad walang nakita dahil ang lahat ay nasira na . Ayon sa kumalat na balita, at mga nakuhang sagot sa mga pagtatanong. Sinabi ng MK-Ultra Director sa kanyang mga nahahawakan na

“it would be a good idea if [the MK-Ultra] files were destroyed. ”.

Pinaniniwalaan din na dahil sa kahihiyan ay para na din hindi na lumaki nag problema ng mga taong kasama sa proyekto at napagkasunduan na sunugin, sirain lahat ng mga maaring maging ebidensya patungkol sa MK-Ultra.

” A program born in secrecy would hold onto many of its secrets forever. “

Ayon sa ibang Conspiracy theories, pinaniniwalaan na ang assasin na si Sirhan Sirhan ay nasabin na nasa impluwensya ng hypnosis noong 1968 nang barilin nito si Robert F. Kennedy. Ayon sa attorney nitong si Lawrence Teeter, kinonekta niya ang kaso ni Sirhan sa MK-Ultra upang sabihin na ito ay ginamitan ng Mind Control.

Sources

Sources

  1. https://dochub.com/timesoftrouble/n9jr74/project-mkultra-experiments-on-human-subjects?pg=12
  2. https://www.history.com/topics/us-government/history-of-mk-ultra
  3. www.history.com/topics/us-government/history-of-mk-ultra
  4. https://www.history.com/mkultra-operation-midnight-climax-cia-lsd-experiments
  5. https://en.wikipedia.org/wiki/Project_MKUltra#Deaths
  6. https://dochub.com/timesoftrouble/n9jr74/project-mkultra-experiments-on-human-subjects?pg=7
  7. https://www.history.com/mkultra-operation-midnight-climax-cia-lsd-experimentshttps://dochub.com/timesoftrouble/n9jr74/project-mkultra-experiments-on-human-subjects?pg=15

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tinatawag na malas ang araw ng Friday the 13th?

Ang tunog mula sa impyerno