in ,

Ang presidente ng Pinas na kumalaban kay Hitler

Noon lamang May 2019, isang palabas ang siyang ipinanuod sa bansa at maging sa iba pang bansa.A ng kwento kung paanong ang isang Pilipino ay gumawa ng paraan at naglakas ng loob kalabanin ang kinatatakutang si Adolf Hitler.

Alamin natin kung paano ba iniligtas ni Manuel L. Quezon ang mga Jews sa kamay ni Hitler.

Antisemitism:

Anti-Semitism: What is it and why are the Labour Party talking about it? -  CBBC Newsround

Ayon sa AnneFrank.org. Ang tinatawag na Antisemitism ay malaki ang epekto mula sa pag-iisip ni Hitler at ng Nazi Ideology. Pinaniniwalaan na magmula pa noong hindi ipinapanganak si Hitler, mayroon nang nagaganap na diskriminasyon at pagpatay sa mga Jews na kadalsan ay dahil sa kanilang relihiyon.

Magmula noong Middle ages, nakikita ng mga Kristiyano ang pananampalataya ng mga Jews bilang hindi maayos,may mali at kailangan itong ayusin at itama. Dahil dito, ang mga Jews ay pinipilit na maiconvert bilang isang Kristiyano, dagdag pa dito ay pinagbabawalan din silang kumuha ng isang propesyon.

Taong 19th century naman noong ang mga relihiyon ay hindi masyadong tinuunan ng pansin. Pero nuong taon ding un ay lumaganap ang paniniwala patungkol mga Jews na dapat ay tinuturing silang ibang tao at hindi mga Germans. Dahil sa kanilang lahi, kahit na sila ay magpaconvert pa, mayroon pa ring diskriminasyon na nagaganap.

Walang eksaktong sagot kung kailan nga ba nagsimula ang pag-iinit ng dugo ni Hitler sa mga Jews. Ang Mein Kampf ay isang political manifesto na isinulat ni Hitler, dito ay inilarawan niya ang kanyang pagiging antisemite o pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Jewish people. Ayon nga sa sulat ni Hitler, ang lahat ay nagsimula noong siya ay nagtrabaho bilang pintor sa Vienna noong 1908 hanggang 1913.

Maraming historian ang naniniwala na ang paliwanag na ito ay ginawa lamang ni Hitler noong nagaganap na ang kaniyang pagpatay sa mga Jews. Ang paliwanag na ito ang siyang ibinigay niya sa mga tao upang sumang ayon sa kanyang desisyon. Hindi man malinaw ang kanyang eksplenasyon, ang ilang mga historian ay naniniwala na noong nasa murang edad pa lamang si Hitler ay nagkaroon ito ng ideya patungkol sa pagiging Antisemitic. Lumabas naman na noong ito ay nagtatrabaho bilang pintor, ang kanyang suki ay isang Jew na laging bumibili sa kanyang mga ipinipinta.

May ilang teorya naman na lumalabas at kumakalat patungkol sa pagkagalit ni Hitler sa mga Jews. Ang iba ay naniniwala na ito ay nahihiya sa kanyang dugo na nahaluan ng pagigig Jew. Ang iba naman ay nagsasabi na ito ay nagkaroon ng trauma mula sa mga Jews noong nagkaroon ng poison gas attack noong first world war. Ngunit ang lahat ng ito ay walang patunay dahilan upang hindi tanggapin ng nakakarami.

Kinilala naman ang dalawang Austrian politicians na silang malaki ang naibigay na impluwesnya sa pag-iisip ni Hitler. Una na dito ang kinilalang si Georg Ritter von Schönerer na isang German nationalist. Pinaniniwalaan na ayon kay Georg, nararapat na ang mga rehiyon sa Austria Hungary na silang nagsasalita ng German ay dapat mapasama at idadag sa German empire. Ito ay naniniwala din na dapat ang mga Jews ay hindi kailanman makikilala bilang isang German Citizen.

Pangalawa naman ang isang Viennese mayor na si Karl Lueger na nagbigay ng kaisipan kay Hitler kung paano ang pagiging antisemitism at ang social reform ay maaring maging daan sa tagumpay. Mula nga sa Mein Kampf, kinilala ni Hitler si Lueger bilang isang “the greatest German mayor of all times”.

Taong 1920 noong ikinumpara ni Hitler ang mga Jews sa isang germs o isang dumi. Ipinahayag ni Hitler na ang mga sakit na hindi makontrol ang pagkalat ay kailangan gawan ng paraan. Ang paraan na kanyang imumungkahi ay ang pagpatay o pagsira mismo sa pinagsisimulan nito. Doon nga ay ipinaliwanang niyang hindi mawawala ang impluwensya na naibibigay ng mga Jews kung ang mga ito ay hindi nawawala at patuloy na dumadami.

Dahil dito ay nagsimula ang malakihang pagpatay sa mga Jews noong 1940’s. Naitala nga na halos anim na milyong Jews ang napatay ni Hitler sa loob lamang ng limang taon.

Manuel L.Quezon:

Manuel L. Quezon - Wikipedia

Si Manuel Luis Quezon y Molina o mas kilala bilang Manuel L. Quezon ang siyang kinikilalang pangalawang presidente ng Pilipinas. Ang presidente na ito ay kinilala sa pagpapatupad ng maraming batas at maraming polisiya sa bansang Pilipinas.

Kilala din ito sa kanyang labis na pagtuon ng pansin patungkol sa social justice. Maging sa pagpapatupad ng minimum wage sa mga trabahador at ang walong oras na pagtatrabaho ng mga ito. Pagbibigay ng mga public defenders para sa mga indigent na defendants sa korte, pag reredistribute ng mga agricultural land para sa mga tenant farmers at maging pagpondo sa napakaraming paaralan sa halos buong lugar ng bansa.

Pinaniniwalaan din na si Quezon ang siyang nagtalga ng “Taglog” bilang national na lengwahe ng mga Pilipino at kasama din dito ang salitang Ingles.

Ngunit dahil sa kanyang malalang sakit na Tuberculosis, ang pangalawa at matapang na pangulo ng Pilipinas noong August 1,1944 ay sumikabilang buhay at inilibing sa Arlington National Cemetery sa US. Kaya ito nailibing sa US dahil noong lumala ang kanyang sakit ay ay nanatili ito sa United States, ngunit ang kanyang labi ay ibinalik at iniuwi sa Pilipinas matapos maganap ang second world War.

Quezon And The Jews:

Little known Philippines' WWII rescue of Jews was capped by US interference  | The Times of Israel

Dahil sa takot ng ibang bansa sa pamumuno ni Hitler at maging sa Nazi Party, ang pagpatay sa mga Jews ay hindi agad napigilan at halos walang tulong na nakukuha o pagtatanggol na nakakamit ang mga taong ito.

Ang dalawang magkapatid na Frieder na Jewish businessmen na taga Cincinnati na isang major city sa US ay nabalitaan ang nangyayari sa mga Jewish na nasa Germany noon. Ang magkaptid na ito ay bumuo ng plano upang mailigtas ang mga Jewish at ang kanilang nahingian ng tulong ay walang iba kung hindi ang kanilang mga kalaro sa Poker na sina, US Colonel Dwight Eisenhower, US High Commissioner Paul McNutt at ang presidente ng Pilipinas noon na si Manuel L. Quezon.

Dahil dito, ipinatupad ng presidente ang “Open Door” policy. Ano nga ba ang Open Door Policy?

Ang Open Door Policy ay patungkol sa pagbubukas ng Pilipinas sa halos 10,000 Jews refugees na galing Germany. Ngunit hindi naging madali ang pagpapatupad sa polisiya na ito dahil maraming Philippine government officials at maging US officials ang mariin na tumututol dito. Ayon sa mga government officials, ang mga Jews ay mga komunista na silang nais sakupin ang buong mundo.

Ngunit ang pangulo ay hindi natinag at pinilit na matuloy ang plano. Sinigurado ni Quezon sa magkapatid na matutuloy ang kanilang plano na mailigtas ang mga Jews. Ayon nga kay Alex Frieder “He (President Quezon) assured us that, big or little, he raised hell with every one of those persons. He made them ashamed of themselves for being the victim of propaganda intended to further victimize an already persecuted people.”

Kumbaga, tumayo si presidente quezon sa kanyang desisyon at pinamukha o pinarealize sa taong tumataliwas sa kanyang desisyon na ang mga jews ay mga biktima at hindi mga kalaban.

Ang kanilang plano nuon ay sampong libong Jews ang kanilang mapapadala sa pilipinas pero halos isang libo at dalawang daan lamang ang kanilang naiuwi sa noong 1938. Mula sa mga Frieder, ang mga Jews ay nabigyan ng Visa upang makapagtrabaho sa isang cigarrette Factory sa Pilipinas. Bukod pa dito, nabigyan din ng bahay ang mga magpapamilya at maging ang bata ay naipasok din sa paaralan.

Bukod sa lahat ng ito, pinaniniwalaan na ibinigay din ni Quezon ang kanyang sariling lupain sa Mindanao at Marikina upang mapag tayuan ng tahanan ng mga Jewish refugees.

Matapos ang pangalawang pandaigdigang digmaan, ang mga Jews na silang nasa Manila ay malayang nakabalik at naka uwi at hanggang ngayon ay hindi kinakalimutan ng mga Jews ang nagawa ng Presidente ng Pilipinas para sa kanila.

Taong 2009 noong ipakilala at ipakita sa mamayan ng Israel ang isang “Open Doors” monument na nakatayo sa Israel’s Rishon Lezion Memorial Park. Pinaniniwalaan na ito ang siyang magpapaalala na minsang tinulungan ng Pilipinas at minsang nakaroon ng koneksyon ang dalawang lahi.

Taong 2013 naman noong isang documented story ang ipinalabas at pinamagatan itong “Rescue in the Philippines”, isang palabas at kwento ng mga Jewish survivor na nanatili sa Manila. Dito ay ikinuwento nila kung paano sila tanggapin ng mga Pilipino na parang iisang lahi at pamilya lamang ang mga ito.

Kinilala naman ang isang anak ng Jewsih survivor sa Manila na si Margot Casell Pins na siyang nagbigay ng paunang tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Tacloban noong 2013 kasama ang American-Jewish Joint Distirbution Committee.

Taong 2014 naman noong ang Israel ay nagbigay ng suporta sa ating kababayan na si Rose Fostanes upang maipanalo nito ang reality singing competiton na X Factor Israel.

Nito lamang May 2019 ay naipalabas ang pinamagatang “Quezon’s Game” na siyang umaalala kung paano natulungan ng Presidente ang mga Jews. Dahil nga nalimutan na nang mga Pilipino kung paano tumulong ang ating bansa mula sa mga pinapatay na relihiyon kaya’t muli itong inalala. Ang palabas na ito ay nanalo ng halos 25 internationals film awards.

Dito ay naalala hindi lamang ng mga taga Pilipinas, ngunit ng lahat ng taong nananuod nito sa iba’t ibang parte ng mundo na minsan ay nagpakita ng tapang ang Presidente ng Pilipinas at kinaharap ang siyang pinaka kinatatakutan na tao sa kasaysayan ng buong mundo.


Madami na tayong nakalimutang tao at nakalimutang bagay na kanilang ginawa sa kanilang buhay.Marami man ang nakalimot nito,may tao pa rin natitira upang ipasa at ikiwento sa iba ang kanilang nagawa.

Doon ay hindi sila makakalimutan at mabubuhay ang kanilang ala-ala mula noon,hanggang ngayon.

 

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/T94l_4sItm0

Report

Written by bulalordyt

What do you think?

Leave a Reply

Ito ang totoong dahilan bakit nabuo ang halo halo

Ito ang dahilan kung bakit itong tinawag na CORPSE FLOWER