Ang pinakamalalang salot – Great Plague

Reading Time: 21 minutes

Black plague, great plague o black, ay responsable sa pagpatay ng 30 hanggang 60% ng populasyon ng europe sa pagitan ng taong 1346 hanggang 1353. Ang bubonic plague ay nagpalaganap ng matinding takot.

Hindi ko na to papatagalin pa mga boss dahil mahaba ang video na to. Simulan na natin.

History:

Ang salot ay originally mula sa Yersinia Pestis. Isa itong kuto mula sa mga daga at iba pang mga hayop na common na nakikita sa ibat’ibang bansa kagaya ng cenral at western asia, north india at kurdistan.

Nuong nagsimula ang salot, ang kamtayan ay unti unting dumarami pero hindi ito agad nakalabas sa publiko. Ito ay dahil ayaw maapektuhan ng england ang kanilang kalakalan sa ibang bansa. Kapag ang balita tungkol sa salot ay nakalabas, panigurado, ang mga barko ng england ay hindi na papayagang makapasok sa ibang bansa.

Pero sympre ang mga mayayamang residente ng london ay mayroon ng idea sa mga nangyayari sa kanilang bansa kaya’t nagimpake na ito at umalis sa bansa habang ang iba ay binalewala ito at nagpatuloy sa kanilang buhay.

Ang mga mayayaman ay pinayagang makalabas ng bansa, pero hindi ganito ang sinapit ng mga mahihirap. Walang nakalabas sa kanila. Hindi  rin naman sila makakaalis pa dahil mahihirap lang sila, saan sila pupunta? kaya wala silang ibang choice kundi magpatuloy sa buhay, gawin ang kanilang mga trabaho.

Nuong dumating na ang death toll ng 100 persons per week, nagkaroon na ng pangamba pati ang mahihirap at handa na silang iwan ang lahat kesa mamatay sa salot. Naging mahigpit ang england at bago makalabas ng bansa ay kailangan may approval, and guess what, hindi na nakakuha ng approval ang mga mahihirap.

Dahil sa patuloy na paglaganap ng sakit, nag bigay ng kautusan ang Privy council na lahat ng bahay na apektado ng salot ay kailangang ipasara. Ibig sabihin mga boss, papakuan ang mga bintana at pinto at ikukulong ang buong pamilya sa loob sa loob ng 40 araw. Pipinturahan din ang pintuan ng kulay pulang krus, indikasyon na ang bahay at mga nakatira dito ay dinapuan ng salot.

Naging kontrobersyal ito dahil pakiramdam ng iba, pinapatay na kaagad sila kahit na merong mga ibang miyembro ng pamilya na malusog naman. Si Nathaniel Hodges na isang phyisician nuong panahon ng great plague ay naniniwala na mas lalo itong magpapalaki ng death count pero wala syang magawa para kalabanin ang utos. Naniniwala ang England na para ito sa nakabubuti ng nakararami.

May mga reports na ang buong pamilya kasama ang maliliit na bata ay kinukulong sa sarili nilang bahay. Ang mga anak nakikita kung papaano lamunion ng salot ang kanilang magulang at may mga pagkakataon naman na nauuna ang anak. Eitherway, maraming namatay kundi sa salot, namatay dahil sa gutom.

Ang pagquaquarantine ay sobrang nakaapekto sa paglala ng salot. May isang account tungkol sa isang pamilya na kinulong sa kanilang sariling bahay dahil ang kanilang katulong ay nagkaroon ng spot sa balat nito. Gumaling naman ang katulong pero hindi sila pinalabas hanggat hindi natatapos ang 40 days. Hindi nagtagal, ang nanay ay nagkaroon ng sakit dahil sa sobrang tagal na nakakulong at nuong nalaman ito ng mga opisyales, nadagdagan na naman ang kanilang pananatili sa bahay dahil marereset ulit ito ng 40 days.

Habang tumatagal ang sakit ay kumalat na din sa ibang myembro. Mind you mga boss, hindi pa ito ung salot, ung mga normal na sakit lang katulad ng lagnat at iba pa. Ito marahil ay dulot ng walang mailiwalas na hangin na punapasok, wala ding excersice at hindi makalabas ng bahay.

Matapos ang 2nd quarantine, pumunta ulit ang mga doctor para inspectionin ang pamilya, pero sa pagkakataong ito, hindi na sila swinerte dahil isa sa mga taong ininspeksyon ang kanilang bahay ay may dala ng salot kaya’t ang buong pamilya ay namatay.

Hindi lang yan ang kagimbal gimbal na pangyayari nuong great plague. Isang shipment ng mga gamit na damit ang piandala sa eyam, derbyshire. Galing ito sa london at dala dala nito ang salot.

Ang mga tao ay nagsimulang magkasakit at alam nila na ang tanging paraan para di kumalat ang salot ay mag self quarantine sinla. Kaya ang namumuno nuon ay tinulungan ang mga taong ikulong ang kanilang mga sarili. 80% ng populasyon ng nasabing nayon ay namatay.

Misinformation:

Nuong unang panahon, wala pang idea ang mga tao sa kung ano ang black plague, ang iba nagsasabing galing sa mangkukulam. Dumating sa pagkakataon na mayroong kumalat na tsismis na ang dahilan daw ng black plague ay kuto mula sa aso at pusa. Pero hindi ganun mga boss, dahil ang mga kutong ito ay sa daga matatagpuan.

Nuong kumalat ang tsismis na ito, agad naglabas ng kautusan na patayin lahat ng mga aso at pusa. Unknowingly na mas nakakatulong ang mga to dahil pinapatay ng mga aso at pusa ang mga daga na syang nagdadala ng mga salot. Sa pagpapatay ng mga kawawang hayop, mas lalong lumaganap ang salot. NAsa mga  200,000 pusa at 40,000 aso ang pinatay.

Hindi lang yan ang maling impormasyon na nagkalat. Nuong mid 1600’s hindi pa uso ang mga medical equipment at ang mga doctor ay mano mano pagdating sa pagiidentify ng sakit.

Nuong nagkaroon ng great plague, may kumalat na tsismis na ang syphilis ay nagbibigay ng immunity sa salot, ung tipong maglalaban ang syphilis at ang salot sa katawan. Yan ang paniniwala ng mga doctor nuong panahon ng great plague.

Isa sa pinaka kilalang misinformation tungkol sa black death ay ang pinadalang statement kay King Philip VI of France mula sa mga medical council ng paris. Ayon sa mga ito, ang black death ay isang hindi inaasahang pagkakahanay ng 3 planeta sa langit at ang black death ay mula sa hangin.

Nuong nalaman ng mga tao na ang sakit ay mula sa hangin, ang iba ay agad pumunta sa ilalim, when we say ilalim, ito ung mga kanal mga boss. Malalaki ang mga kanal nuon,kasya ang isang tao. Naniniwala sila na ang hangin ay hindi makakababa dahil mas malakas ang mabahong amoy ng mga kanal. Pero sympre in the end mas lalo lang lumala dahil hindi man sila nadale ng black death, ang sakit naman mula sa kanal ang tatapos sa kanila.

Isa sa pinagrabeng misinformation ay ang pagpatay sa mga jews. Ang gobernador ng baway lungsod ay inipon lahat ng jews, pinapasok sa isang bahay at sinunog ito.

Ito ay dahil sa impormasyon na kanilang nakalap. Isang grupo kasi ng hudyo ang tinorture at sympre natakot ang mga ito at sinabing sila ang nasa likod ng paglaganap ng salot. Libo libong hudyo ang namatay dahil sa pag-amin na ito.

Nuong nakarating ito sa papa, si Pope Clement VI ay nagissue ng dalawang papel letters. Ang una ay ang pag kundena sapagpatay sa mga hudyo at ang pangalawa ay ang kautusan na protektahan ang mga hudyo hanggat maaari.

Spread:

Pag tinanong sa inyo ano ang dahilan ng black plague, mostly sasabihin nyo ay dahil ito sa dagi. While it can be true, dahil ito ang unang nakita ng mga eksperto na dahilan ng pagkalat ng salot pero meron pang mas maliit sa daga na syang carrier ng bubonic plague at kung napanood nyo ang unit 731 na video na ginawa ko, pamilyar na kayo dito. Ito mga boss ang Yersinia Pestis o ung mga kuto.

Pero ang peste na ito ay mula native sa asia, so papaano itong nakapunta sa europe?

Isang nakikitang dahilan ay ang Silk Road. Hindi yang silk road ng deep web, silk road sa china. Ito kadalasan ang main road para makipagkalakalan sa ibang mga bansa o mga tao. Ito rin ang naging main road ng mga sakit.

Ayon sa mga historians at epidemiologists, posibleng ang salot ay nagsimula sa china o mongolia at tinahak ang silk road hanggang sa marating nito ang Crimea nuong 13th century.

Kilalang kilala si Genghis Khan nuon dahil sya ang sumakop sa eurasia. Pero sympre walang forever at binawain din ng buhay si Genghis Khan. Ang kanyang nasasakupan ay nahati sa kanyang mga anak.

Isa dito ay ang golden horde kung saan nasasakupan nito ang Siberia at eastern Europe kasama din dito ang crimean peninsula. Isang grupo ng mangangalakal ang binagyan ng special privileges para makntrol ang syudad ng kaffa. Ginawa ito ng mga mongols para magkaroon ng access sa european markets, pero nuong nagkalabuan na ang mga mongols at italian, sinugod ng mga mongols ang kaffa.

Hindi rin nakaligtas ang mga mongols sa black death pero ginamit nila ang salot na ito para magkaroon ng upperhand. Imbes na itapon ang mga namatay dahil sa black death, ang ginawa nila ay inipon nila ito at nilagay sa catapults at sabay tinapon sa kaffa. Hindi nakaligtas ang mga mangangalakal dito na umatras papuntang sicily.

Ang pagsugod sa kaffa ay ang isa sa mga dahilan kung bakit kumalat ang black death sa europe.

Isa sa pinakanakapagpalakas ng epekto ng blackdeath ay walang iba kundi ang climate change. Bago pa lumaganap ang black death, ang summer nuon ay mainit-init at ang winter ay hindi gaanong malamig at dahil dito, naging masagana ang ani ng mga tao, Ito mga boss ay mula 900 hanggang 1300.

Nuong pumasok na ang black death, naniniwala ang mga eksperto na dahil ito sa pagtulak ng nothern hemisphere sa mas malamig at maulan na panahon, at dahil dito mas kakaunti ang mga ani at mas malamig, ang kalusugan din ng mga tao ay naging mahina sa mga sakit.

Bago mangyari ang black death o great plague, dumating muna ang great famine. Ang taggutom ay tumama sa european continent mula italy hanggang russia nuong 1315. Ito ay dahil nga sa nabanggit ko kanina, nagkaroon ng extreme wheher shift.

By the year 1317, hinog na ang mga tao para tabasin ng black death dahil sa biglang pagbabago ng panahon, humina ang mga immune system ng mga ito.

Symptoms:

Ang unang sintomas na nadapuan ng salot ang isang tao ay magkakaroon ito ng tinatawag na buboes. Kadalasan lumilitaw ito isang linggo matapos maexposed sa virus. Ang buboes mga boss ay isang napakalaking bukol, halos kasing laki ng itlong ng manon na kadalasang matatagpuan sa singit, kilikili o leeg. Sensitibo rin ang mga ito.

Ilang araw matapos nito, mas lalong lala ang narramdaman ng biktima dahil magkaakroon sya ng bukol o pigsa sa buong parte ng kanyang katawan at ang buboes ay magsisimulang maglabas ng dugo at nana.

Habang tumatagal ang biktima ay magsisimula ng magdugo, hindi lang sa buboes kundi sa lahat ng parte ng kanyang katawan dahil ang virus ay kumakalat na sa katawan nito. Kadalasan dumudugo ang mata, ilong at kahit pwet ng biktima.

Kaya ito tinawag na black plague ay dahil sa sintomas na pinapakita nito. Kapag ang virus ay nakapasok na sa bloodstream ng biktima, magkakaroon na ng pagbabago, ang immune system ay babagsak at mas magiging prone sa sakit. Pero hindi lang yan ang epekto ng sakit dahil ang biktima ay nagbabago rin ang kulay ng katawan, kadalasan makikitang nangingitim ang kamay, paaa o ilong ng isang biktima.

Pero bago lumitaw ang buboes, magkakaroon muna ng intial symptom ang isang biktima at ito ay ang trangkaso, panginginig, pagkahina at pagpapawis.

Cure:

Hindi naman basta basta sumuko ang mga tao nuong dinapuan sila ng black death, ang iba gumawa ng mga kakaibang bagay, inaakalang magagamot sila nito.

Isa sa pinakapopular na treatment ay ang aromatherapy. Naniniwala kasi nuon na ang mabangong amoy ay lalabanan ang mabaho at hindi ito makakapasok sa isang tahanan. Kaya ang mga tao nuon ay kadalasang nagdadala ng mga mababangong bulaklak para hindi sila lapitan ng sakit. Pero ending, hindi ito umepekto dahil nagkasakit pa rin sila.

Dahil nga dark times nuon, ang mga tao ay sumandal sa relihiyon. Naniniwala ang ibang mga tao na ang salot ay isang parusa mula sa panginoon o hindi naman kaya sinusubok sila ng panginoon.

Kaya ang ibang mga deboto nuon kumuha ng latigo at hinampas ang kanilang sarili, ung nakikita nyo tuwiong mahal na araw, ganun mga boss. Habang ginagawa nila ito, humihingi sila ng tawad sa panginoon.

Alam nyo ba mga boss ang bloodletting? Ito ung pagkuha ng dugo para magamot ang isang sakit o mapigilan ito. Ginamit din ito nuong dumating ang black death, in fact popular ito sa euurope nuon, ginagamit itong panggamot ng gout at goiter.

Pero hindi naman lahat kayang mafford ang blood letting kaya ang iba ay pumupunta sa mas natural na paraan. Ang linta. Side note mga boss, isa itong painless at natural method ng blood letting pero meron din itong mga side effects kagaya na lang ng pwedeng maipasa ang sakit na nakuha nito.

Ang ihi ay naging popular nuong panahon ng black death, sa katunayan, in demand ito. Ang mga sinapuan ng salot kadalasan ay naliligo sa ihi dahil naniniwala sila na pinapagaling sila nito. Pero sympre hindi ung ihi ng may sakit. Ang isang taong hindi infected ay nilalagay ito sa isang garapon o bote at saka ibebenta na para bang isang orange juice.

Although hindi ito umepekto nuong middle ages, magpasahanggang ngayon ginagamit pa rin ito bilang treatment sa iba’t ibang sakit, mula acne hanggang multiple sclerosis. Ewan ko pero hindi ba mas nakakalala ng acne ang ihi dahil madumi un?

Kapag nag search ka sa internet ngayon ng sintomas ng sakit ng ulo, magugulat ka na lang cancer na pala. Yan ang power ng internet, pero hindi na bago ang ganitong kwento. Kahit nuong middle ages ang mga ibang tao ay nagbibigay ng kanya kanyang suhestyon sa paggamot ng black death.

Isa na nga dito si Thomas Vicary, isang english doctor na syang nagimbento ng technique. Ang mga tao nuon ay kumukuha ng isang manok at ilalagay nila ito sa kanilang namamagang lymph nodes. Ung tipong uupuan ng mga manok ung parang nilimliman, ganun mga boss.

Kapag ang manok ay nagkasakit, huhugasan nila ito at uultin ang proseso hanggang sa ang manok o ang biktima ay gumaling.

Aftershock:

Ang mga tao nuon kinekwestyon ang mga opisyales ng kanilang bayan pero hindi lang yan ang kanilang kinikwestyon dahil pati ang simbahan ay kinekwestyon din nila. Marami ang naging skeptic dahil ayon sa kanila, kung talagang mahal ng panginoon ang kanyang mga nilikha, bakit sya nagpadala ng sobrang paghihirap.

Isa ring nakakuha ng atensyon ng mga skeptics ay ang mga clergy, dahil kahit sila mismo, silang mga alagad ng panginoon ay pinahirapan din ng black death. Nasa 39-49% ng mga clergymen sa england ang kinuha ng black death.

Dahil na din sa sobrang dami ng mga namantay, ang ibang mga syudad ay halos mukhang inabandona na. Ayon sa Chronicle of Henry Knighton, matapos ang black death, ang mga straktura, aliit o malaki ay unti unting nasira dahil wala ng nakatira dito.

Nuong 1349 nagsimula ng humupa ang black death pero hindi ito tuluyang nawala. Nanatili ito hanggang 1360’s at muli na anmang lumitaw ng 1368. Sa taong 1368 at 1369 mas naapektuha ang mga bata dito.

Sa pagitan ng 1373 at 1378 ang pangapat na salot ay dumating. Marami muling namatay na mga londoners.

By the year 1390 umatake muli ito, ang mga naging biktima ay mga angbibinatang lalaki.

Taong 1407, muli itong inatake ang london at nasa mga 30,000 kataoo ang namatay.

Nagkaroon din ng batas na ikulong ang mga trabahador. Ito ay dahil sa shortages ng trabahador dahil nga sa black death. Ang mga trabahador nuon nakapili ng ibang trabaho dahil open na ang posisyon na un, pero sapaglipat nila, mababakante naman ang isang posisyon. Ang iba naman pumupunta sa ibang lungsod para makahanap ng mas mataas na kita.

Sa taong 1388, nagpasa ng batas na bawal lumabas ang isang trabahador ng walang work permit. Ito ay para mapanatili ang mga trabahador sa kani knailang bayan at tulungan itong makaahon imbes na iwanan.

Benefits:

Ngayon pumunta naman tayo sa last part. Ang benefits. Yes maraming naging benefits sa panahon natin ang black plague.

For one, binigay sa atin nito ang Grim Reaper. Yes mga boss, ang black death ang nagpalaganap ng itusra ni kamatayan. Hindi na iba nuong panahon ng great plague ang makakita ng nabubulok na katawan o mga kalansay. Kaya naman nabuo ang isang kalansay na may hawak na karit na syang kumukuha ng buhay, mahirap man o  mayaman.

Pinalakas din nito ang ating kalusugan, you see mga boss para tayong mga saiyans kung pamilyar kayo sa dragon ball. Hindi ba pagnatatalo ang saiyan mas lalong lumalakas. Ganun din tayo, kapag tayo ay naexposed sa isang kakaibang sakit, ang katawan natin ay magdedevelop ng panlaban para sa sakit nayon.

Ayon sa pag-aaral, ang mga ka apo apohan ng mga europeans na nakasurvived sa black death ay mas resistant sa sakit. Ang mga taong nasa family line ng nakaranas ng black death ay nakadeveloped ng pangdepensa sa ganitong klaseng sakit kaya’t hindi sila basta basta tinatablan.

Ang literacy ay bigla ring tumaas matapos ang black death. Dahil kahit mga monghe ay hindi pinatawad ng mga ito. Ang mga monghe nuon na literal na kinokopya ang mga libro ay tinamaan din.

Ang mga professor na fluent sa latin ay marami rin ang nasawi kaya’t ang mag marurunong sa latin ay napromote para maoccupy ang posisyon sa mga university. Habang angmga lower to middle class ay wala ng professor na marunong maglatin. By yhe year 1362 ang salitang english ay dineklarang official language ng england sa korte at by the year 1385 ito na ang ginagamit sa mga schools.

Ang salitang quarantine ay nagmula din sa panahon ng black death. Ang quarantine by definitiona ay ihawalay ang may sakit sa malusog. Ang salitang quarantine ay mula sa quarantino at ang quarantino naman ay mula sa salitang quaranta ibing sabihin forty.

Ito ang dahilan kung bakit mayroong 40 day isolation. Ito marahil ay inspired mula sa biblical events na tumagal ng 40 days, kagaya ng great flood. Ang konsepto na paghiwalayin ang maysakit sa malusog ay existing na nuon pa, i just want to be clear mga boss, angsa litang quarantine lang ang tinutukoy ko dito.

Ang black death ay malakas din ang naging impact sa religion dahil nga kahit sino ay inatake nito, wala itong pakialam kahit tagasunod pa ng panginoon. Kaya naman ito rin ang nagpahina sa poste ng romana katolika at ito ang naging dahilan ng westen great schism. Ang great schism mga boss ay ang paghihiwalay ng roman catholic na tumagal mula 1378 hanggang 1417 at ito ang naging dahilan ng pagbuo ng protestant reformation.

Alam ko sobrang haba nito mga boss, sa mga nakarating sa puntong ito maraming Salamat sa inyong panonood at pagtyatyaga. 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Livyatan

4 horsemen