Ang paglamon ng bituin sa kapwa nito

Reading Time: 11 minutes

Topics

Narinig nyo na ba ung nagaaway daw na bituin? Hindi pa? Well bakit hindi ka updated?

Nito lamang nakaraang araw, ang mga eksperto ay nakakita ng isang kakaibang bagay mula sa kalangitan. Ang isang kakaibang gas cloud na ayon sa kanilang pag-oobserba ay mula sa dalawang bituin.

Ayon sa European Southern Observatory, gamit ang Atacama Large Millimeter/submillimeter Array o ALMA at ang tinatawag na Atacama Pathfinder EXperiment; naobserbahan ng mga ito ang isang binary star system. Ang isang binary star system ay isang pag-oobserba sa dalawang bituin na umiikot lamang sa iisang orbit. Ang dalawang bituin na ito ay tinawag na HD101584.

Ang dalawang bagay na ito ay makikita lang naman na halos 6,806 light-year ang layo nito mula sa constellation of Centaurus. Ayon sa pag-aaral patungkol dito.Ayon sa astronomer sa Chalmers University of Technology na si Dr. Hans Olofsson

“In HD 101584, a nearby low-mass companion star was engulfed by the giant,”

Ang dalawang bituin na ito ay isang red giant at ang isa naman ay isang red dwarf o isang white dwarf na mahina magpakita ng isang liwanag; ang maliit na ito ay umiikot sa malaking bituin kada 150 hanggang 200 days. Ayon sa mga obserbasyon patungkol sa dalawang ito, ang isang bituin ay patuloy na lumaki at ang isa naman ay hindi. Dahil sa pangyayaring ito, ang malaking bituin ay mas lalo pang nalapitan ang maliit na bituin dahilan upang ito ay umikot papaloob sa red giant at masira ang outer layer ng malaking bituin.

Dahil sa pangyayaring ito, pumutok ang kalahating parte ng malaking bituin at naglabas ito ng gas na kumalat lamang sa kanilang paligid. Ang gas na kumalat ay nagbigay ng kakaibang itsura mula sa kalangitan at naging ddahilan din upang magkaroon ng ilang jets of gas na nabuo ng mula sa pangyayari.

“As a deadly blow to the already defeated gas layers, these jets blasted through the previously ejected material, forming the rings of gas and the bright bluish and reddish blobs seen in the nebula.”

Hanggang ngayon ay inaalam pa din ng mga eksperto kung paano nangyari ang ganitong pangyayari na ngayon lamang nila nasaksihan.

Doppler effect and Doppler shift:

Ang mga eksperto ay gumagamit ng ilang bagay upang mas maintindihan ng mabuti ang nangyayri sa labas ng ating mundo. Ang mga bagay na ito ang nagbibigay sa kanila ng ilang hint kung paano gagalaw, paano mamatay, at kung ano pang maaring mangyari sa isang bagay na mayroon sa labas ng kalawakan.

Ang ilang bagay na makikita sa ating kalawakan hindi natin makikitaan ng kulay dahil sa layo ng mga nito, ngunit ang mga eksperto ay nakagawa ng isang paraan upang mabigyan at mailarawan ang mga bagay na ito. Ang kinikilalang doppler effect o doppler shift, ito ay ang tunog upang malaman kung malapit ba o malayo. Ayon sa mga eksperto, mula sa tunog malalaman ang wavelength ng bagay na ito.

Kung ang tunog ay mababa, ito ay mayroong mahabang wavelength; kung ito naman ay mayroong mataas na tunog, ito ay mayroong maikling wavelength. Kapag ang bagay ay mayroong mahabang wavelength ang bagay na ito ay papalayo sa ating ating mundo at ito ay kulay pula, kung ito naman ay mayroong maikling wavelength, ang kulay nito ay kulay asul at papalapit sa ating mundo.

Representation of the color:

Ang mga eksperto ay naglabas ng isang litrato upang ipakita ito sa media at ipaliwanag ito. Makikita sa litrato ang mga kulay berde, pula at asul, pero wait lang, ang mga kulay na ito ay isa lamang presentaion upang malaman ang kung anong uri ng gas ang nakapaligid mula sa lugar ng pagsabog.Ang mga kulay na ipinakita sa mga larawan ay isa lamang paraan upang makita kung hanggang saan ang inabot , anong uri, at gaano kalaki at gaano kablilis ang gas mula sa pagsabog.Sa totoo ay isa lamang itong usok mula sa kalangitan na nakita ng mga eksperto.

Ayon sa ilang report, ang imahe ay ginawa mula sa isang carbon dioxide. Makikita ang kulay asul na kung saan ang paliwanag ng mga eksperto ay ang gas at ilang mga bagay na papalapit sa mundo. Ang kulay pula naman na makikita sa imahe ay ang mga bagay at gas na papalayo sa ating mundo, at ang berde na makikita sa gitna ay maaring papunta o maari din na palayo sa ating mundo, hindi pa alam kung saan pupunta ang bagay na ito dahil hindi ito naringgan ng doppler effect.

Asymptotic giant branch:

Ang isang intermediate mass star na mas kilala bilang asymptotic giant branch o AGB. Ito ay isang bituin na sa madaling salita ay nalipasan na nang kanyang panahon. Ang isang bituin ay lumiliwanag dahil sa gas na mayroon ito, ang hydrogen at ang isang helium; sa tagal ng panahon, ang isang bituin ay papasok na sa stages kung saan tinatawag na thermally pulsing. Dito, hindi na regular ang pagsasama ng isang hydrogen at helium shells kung saan nagiging madalang na lamang ang paglalabas ng liwanag nito.

Ang ganitong parte ng kanyang buhay ay tatagal ng halos 104–105 years. Dahil na din dito, nakakapag bigay din ito ng isang heavy mass loss mula sa isang bituin dahilan upang makabuo ng isang planetary nebula.

Ayon sa research, ang tinatawag na post-AGB ay isang pagkabuhay muli ng isang star na namatay bilang isang wife dwarf. Ang HD101584 ay pinaniniwalaang isang post asymptotic giant branch. Sa muling pagkabuo nito, mapapalibutan muli ng helium ang carbon-oxygen core ng isang bituin. Kung ang helium na ito ay muling umapoy, ang thermal pulse nito ay gagana muli o makakapaglabas muli ito ng isang liwanag at ito’y muling magiging isang AGB na isang helium burning at hydrogen-deficient na bituin.

A Dead phase:

Ang lahat ng bituin sa ating kalangitan ay namamatay, ayon sa mga eksperto pati ang ating araw ay maaring mamatay. So, ang isang bituin ay mamatay kung ito ang buong gas nito ay nagamit na at ang ilang enrhiya na umiikot at dumadaloy mismo sa loob ng core nito ay tumigil na.Ito ang senyales na mamatay na ang isang bituin. Ayon sa Nasa ang mga nuclear reaction na nagaganap sa labas ng core ang dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang isang patay na bituin at hindi na ito mapipigilan na masira o sumabog.

So, kung mamatay ang isang bituin, mabubuo muli ang isang batang bituin mula sa isang malaking ulap ng alikabok at ilang gas. Ang bituin na ito ay isang mainit na bola na pinapainit ng thermonuclear reactions na nangyayari mismo sa loob ng core nito. Depende sa mass na kanilang dinadala, maari itong maging isang white dwarf , neutron star o hindi naman maging isang black hole again depende sa mass nito.

Sa pagpapatuloy ng buhay nito ay mamatay din ito at muling sasabog at bubuo muli ng isang bituin mula sa kalangitan.

Premature Death of a star:

Ang isang bituin ay maari ding mamatay ng maaga kung ito ay nakakuha ng isang napaka raming mass o nakapakaunting mass mula noong ito ay nabubuo pa lamang sa mula sa isang ulap ng gas. Dahil dito, maaring makarating sa isang kritikal na kalagayan ang isang bituin at maari itong dumaan mula sa isang gravitational collapse.

Ang mga gas clouds at ilang mga bagay pa ay magsasama-sama upang makabuo ng isang maliit at isang mabigat na bagay upang makapaglabas ng isang init o isang gravitational energy. Dahil sa internal pressure, ito ay magiging isang “protostar.” Ito ang matatawag na early stage ng isang bituin na kung saan ito ay lulutan lamang sa isang spinning disk ng ilang alikabok at ilang gas na tinatawag na “protoplanetary disk“.

Ang mga bagay na ito na nakapaligid sa batang buituin ang magiging katulong niya upang makakuha ng isang tamang mass at magsisimula na itong lumiwanag at matatawag na “pre-main sequence” (PMS) star.

Kung ang isang star ay hindi nakakuha ng isang sapat na mass, maari itong maging isang brown star kung saan makikita natin bilang isang orange red mula sa kalangitan tuwing gabi. Ang bituin na ito ay mamatay ng paunti-paunti at mawawala na lamang sa loob ng halos ilang milyong taon.

Pero may mga extreme cases naman kagaya ng HD101584. Ang pagkamatay ng bituin nito ay premature. You see, ang mass ng red giant ay papalaki ng papalaki dahil ditto ang mas maliit na kasama nito ay naoutgrow nya na at sympre alam naman natin na ang mga stars at planets ay may kanya kanyang gravity dahilan para sumalpok ang red dwarf sa red giant. Pero bago pa tumama ang red dwarf sa red giant, nakaranas ang red giant ng massive outburst dahilan para ang mga gas clouds nito ay tumilapon at dahil Nawala na ang outer gas clouds ang core nito ay exposed na at ito nga ang Nakita natin sa imahe.

Sa ngayon clueless pa ang ating mga eksperto kung papaano ito nangyari pero ito ay nagbigay ng panibagong data sa kanila kung papaano namamatay at nageevolve ang mga sunlike stars.

Sources

Sources

  • https://www.space.com/rainbow-space-cloud-created-by-star-showdown.html
  • https://www.space.com/22509-binary-stars.html
  • https://www.sciencedaily.com/releases/2020/02/200205084159.htm
  • http://www.sci-news.com/astronomy/peculiar-binary-system-hd-101584-08090.html'
  • https://www.youtube.com/watch?v=jjy-eqWM38g
  • https://www.syfy.com/syfywire/hd-101584-a-binary-star-casts-out-a-bizarre-hourglass-of-gashttps://link.springer.com/referenceworkentry/10.1007%2F978-3-642-11274-4_125
  • https://www.wikiwand.com/en/Asymptotic_giant_branch
  • https://www.nasa.gov/audience/forstudents/9-12/features/stellar_evol_feat_912.html
  • http://thescienceexplorer.com/universe/many-ways-star-can-die

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Dante’s Purgatory

Ang ark of covenant nga ba ang trono ng panginoon dito sa mundo?