Ang pagkabuhay at pagkamatay ng Dinosaur – Dino extinction-

Reading Time: 26 minutes

Topics

Isa sa pinaka matandang kwento na nabubuhay sa ating mundo, ang mga malalaking nilalang na nabuhay noong wala pang tao sa mundo, minsan silang nagwala, lumakad, pumatay at nagparami.

Tyrannosaurus Rex, Triceratops, Velociraptor at Brachiosaurus ang ilang mga pangalan na ito ang pinaka kilalang lahi ng mga malalaking nilalang na ito. Malamang ay napanuod mo na din ang mga ito sa iba’t ibang palabas, mayroong masama at mabuti. Mayroong nakakaiyak at mayroong nakakatawa. I still remember the land before time na minsan ko ding iniyakan nuong bata ako.

Sa panahon natin ngayon, ang mga ito ay buto na lamang, ang iba ay nalimot ng kawalan ang iba ay napreserved sa ilalim ng lupa. Ang iba’t ibang malalaking buto ay nahukay sa iba’t ibang bahagi ng ating mundo. Karamihan ay nahukay sa mga high dessert at mga badlands ng North America, China and Argentina. And yes walang dinosaur dito sa pinas dahil nuong naging isla ang pinas, wala ng mga dinosaurs, 5 million years namatay na ang kahulihuling dinosaurs bago lumitaw ang ating bansa sa mundong ibabaw.

History:

Sympre may magtatanong sa comment section, bulalord sino ba ang nakadiskubre ng unang dinosaur o sinong nagpangalan sa dinosaur. Kaya’t uunahan na naming kayo. Let’s dive into the history mga boss.

Ayon sa research, ang pag-aaral sa mga nilalang na ito ay nagsimula noong 1820’s. Ito ay nagmula noong nakahukay ang ilang eksperto ng mga malalaking buto na noon ay tinawag nilang “Megalosaurus” o “Big lizard“.

Noong 1842, ang mga malalaking buto na ito ay nabigyan ng pangalan nang isang English biologist, comparative anatomist at paleontologist na si Sir Richard Owen. Pinangalanan nya itong Dinosour. ang “Deinos” ay nagmula sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay “Terrible” o nakakatakot at ang “Souros” naman ay mayroong ibig sabihin na lizard.

Ang biologist na si Owen ay pinag-aralan ng mabuti ang mga nakuha niyang buto, ayon sa pag-aaral ang mga buto na nagmula sa magkakaibang lahi ay kinilala niyang Megalosaurus, Iguanadon “iguana tooth” at Hylaeosaurus “woodland lizard”. Ang mga ito ay mas malaki pa sa mga tao at sa iba pang mga hayop na nabubuhay sa panahon ngayon. Hindi tulad ng ilang mga reptiles na gumagapang upang makalakad, ang mga buto na kaniyang nakita ay pinainiwalaang may kakayahan na makatayo at makalakad. Ang ilang pag-aaral ay nagpapakita ng resulta na ang mga malalaking nilalang na ito ay mayroong tatlo o higit pang vertebrae na makikita sa kanilang balakang.

Pinaniniwalaan na ito ay nabuhay lamang ng halos 175 million years sa ating mundo. Isang malaking sakuna ang pumatay at umubos sa lahi ng mga ito noong lumipas na 65.5 million years.

Era of Dinosour:

Bulalord, kelan ba talaga nabuhay ang mga dinosaurs? Well, ito na un, para sa may katanungan na katulad nito, please listen carefully.

Magmula noong mahukay ang mga buto ng mga nilalang na ito, iba’t iba na ang mga naisagawa upang makilala pa ng husto ang mga hayop na ito. Ang pamumuhay ng mga dinosaur ay hinati ng mga eksperto sa tatlong Era. Nariyan ang Triassic, Jurassic at Cretaceous. Naniniwala ang mga eksperto na noong unang panahon , ang bawat kontinente sa mundo ay magkakadikit; at sa pagdaan ng panahon, ang mga ito ay unti-unting naghihiwalay.

Unahin natin ang Triassic Period. Ito ang panahon na kung saan hindi pa magkakahiwalay ang bawat lupa sa ating mundo. Ang isang buong lupa na ito ay tinawag na “Pangaea“. Pinaniniwalaan na ang klima noong panahon na ito sobra ang init, at halos lahat ng lugar ay disyerto. Ayon sa mga research, ito ang panahon kung saan ang mga dinosaur ay unang nag-evolved. Dahil nga ang balat ng isang reptile ay hindi nakakalabas basta basta ang tubig sa kanilang katawan, ang mataas at malakas init ng paligid ay kaya nilang tagalan.

Dahil sa dalas ng mga paglindol at mga pagputok ng mga malalaking bulkan, ang buong lupa noong unang panaon ay nahati sa dalawa. Ayon sa research, ito ang pagtatapos ng Triassic era at dito din nabuo ang North Atlantic Ocean.

Dahil sa ilang sakunang naganap, karamihan sa lahi at mga uri ng hayop ay namatay at ang iba ay naubos na nang tuluyan. Dahil ang mga dinosaur ay kinikilalang malalaki at matitibay, ang kanilang lahi lamang ang halos nakaligtas sa ilang pangyayari. Dito ay nagsimula na nilang pangunahan ang buhay sa mundo; ang kanilang uri ay nadagdagan at patuloy na dumadami sa dumadaan na panahon. Ito ang Jurrasic period; dito ay nagkaroon ng dalawang bahagi ng kalupaan. Ang Laurasia na makikita sa hilaga at ang Gondwana na makikita sa timog na bahagi ng mundo.

Dahil sa patuloy na pagbabago ng klima at temperatura, ang iba’t ibang mga halaman ang tumubo. Dala ng mga madalas na pag-ulan, tumubo ang mga halaman tulad na lamang ng mga Ferns at mga horsetails sa iba’t ibang parte ng mundo. Dahil sa mga halaman na ito, nagsimula ang pag-eevolve ng mga tinatawag na Apatosaurus, Diplodocus at Brachiosaurus o mas kilala natin bilang ang mga dinosaur na mahahaba ang leeg. Ang mga nilalang na ito ay kinikilala bilang isang hervibore o plant eating animals, at pinaka malaking hayop na nabuhay at lumakad sa ating mundo.

Ang mga lahi na ito ay patuloy na lumaki at patuloy na pinangunahan ang mga lugar na kanilang pinamamahayan. Noong dumating ang Cretaceous period, ang mga lupain sa mundo ay patuloy na sa pagdami at iba’t ibang isla na din ang mga umusbong. Dahil dito, ang ilang uri ng dinosaur ay nabuhay at lumaki ang ibang parte ng mundo. Nagsimula na din ang pag-eevolved ng ilang mga hayop at mga insekto sa mundo.

Conquered:

Noong Jurassic at Cretaceous era, hindi lamang ang mga hervibore dinosaur ang nanguna. Nandyan na din ang mga carnivore na dinosaur; tulad na lamang ng mga velociraptor, carnota T-Rex, Ito lang naman ang lahi ng dinosaur na mababangis at pinaniniwalaan na walang gustong kumalaban.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang pinaka-unang dinosaur ay kasing laki lamang ng normal na aso again ito ung mga pinakauna. Ngunit dahil nga sa kanilang pag-eevolved, ang mga ito ay lumaki at lumakas. Kinikilala ang “Eoraptor” bilang pinaka-unang dinosaur na nabuhay sa mundo. Dahil ang mga dinosaur ay natutong maglakbay sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ang mga ito ay kumalat na din at doon nagsimulang magparami ng kanilang lahi .Isa na dito ang pagpapadami ng lahi ng mga tyrannosaurs. Ngunit bago pa mabuo ang isang Tyrannosaurus, ang isang nilalang na tinatawag na Allosaurus ang pinaka unang kinatakutan ng mahihinang nilalang noon.

Di nagtagal, napunta sa Tyrannosaurus rex o T-Rex ang trono na ito. Ang isang T-Rex lang naman ang kinilala bilang isa sa pinaka malaking carnivore na nabuhay sa mundo. Kung makakapanood tayo ng isang palabas patungkol sa nilalang na ito, lagi natin makikita na mag-isa lamang itong naghahanap ng kaniyang pagkain. Ngunit maling depiksyon ito, hindi porket Malaki ay magisa nang naghahanap, no. Sa katunayan, ang mga ito ay parang velociraptor na grupo grupo kung magahanap ng kanilang pagkain.

Ang pagiging maliit na hayop noon ay isa sa pinaka mahirap na bagay, dahil ikaw ay maaring maging tanghalian o di kaya’y hapunan ng isa sa mga ito.

First extinction hypothesis:

Malamang ay mayroon ka ng ideya kung paano sila namatay, para sa mga hindi pa nakakaalam; narito at ipapaliawanag ko.

Ayon kay J.David Archibad, bago pa magsimula ang 19th century naubos ang dinosaur na taliwas sa paniniwala ng western culture ang pagkaubos ng isang hayop o ng isang halaman. Ayon sa mga ito, hindi hahayaan ng Diyos na mawala na lamang ang kanyang mga ginawang nilalang. Ngunit ang kanilang paniniwala ay nawasak noong lumabas ang resulta sa pag-aaral ng isang French paleontologist na si Georges Cuvuiere. Ayon sa pag-aaral neto, ilang uri ng hayop ang nabuhay noong unang panahon ang hindi na makikita at nabubuhay sa panahon ngayon.

Sa kanyang pag-aaral, ginamit niya ang dalawang uri ng elepante na nabubuhay sa panahon ngayon. Ito ay dalawang fossils na kanyang nahukay na pinaniniwalaang niyang kamag-anak ng mga elepante. Ang fossils na kanyang nahukay ay kinilala niyang Mastodon at mammoth. Lumabas na maraming pag-kakaiba ang nakitang sa resulta at ayon din sa kanya ang nahukay niyang mga fossils ay hindi na matatagpuan sa panahon ngayon, dahil wala nang uri neto na nabubuhay sa kahit anong lugar ng mundo.

The Cretaceous Extinction Event:

Sa tagal ng panahon, madaming extinction event na ang pinagdaanan ng ating mundo. Ngunit ang pinaka kilala ay ang dahilan kung bakit nawala ang mga minsang kinatakutan ng maraming nilalang noong unang panahon. Ang extinction ng Dinosour. So, ang extinction na ito ay matatawag na Cretaceous-Tertiary Mass Extinction o K/T Extinction. Matatawag din itong “Great Dying” dahil hindi lamang ang mga dinosaur ang naubos ngunit madami pang nilalang ang minsan nabuhay kasama nila ang nawala sa mundo.

Siguro ang tanong ng iba sa inyo, bulalord ano ba ang tunay na nangyari?

Ayon kay Jonathan Tilly, pinaniniwalaan ng karamihan ng mga eksperto na ang umubos sa mga dinosour ay ang pagbagsak ng malaking bulalakaw sa ating mundo noong panahon din na iyon. Sa matagal na pag-aaral at ilang mga paghahanap ng ebidensya kung paano ito nangyari, pinaniniwalaan ng isang international team na maari na nila itong ipaliwanag ng mabuti.

Ngunit bago pa ito,naglabasan na din ang iba’t ibang teorya patungkol sa pagkamatay ng mga nilalang na ito. Nariyan ang pagkamatay sa lamig dahil sa pagbabago ng klima; pagkakatuyo at kawalan ng tubig sa mundo; pagkamatay sa init dahil sa mga bulkan na minsan ay sumabog. Ang iba ay nagsabing ang mga ito ay namatay dahil sa ilang mga nakakalalasong halaman na tumubo noong unang panahon.

Ang ilang paniniwala ay nagsabing nagkaroon ng malakihang pagkalat ng radiation sa mundo, doon ay hindi natagalan ng dinosaur at nang iba pang mga hayop at duon ay namatay na ang mga ito. Ayon pa sa ilang teorya, maaring nagbago ang gravity sa mundo o hindi naman ay nagbago ang magnetic field. Ang ilan naman ay sinisisi ang dahilan sa hindi normal na paglaki ng iridium sa isang sedementary rocks, at nagkaroon ng isang super nova malapit sa mundo. Mula sa pagsabog, tataas ang solar proton flux na dahilan upang masira ang ozone layer na siyang pumuprotekta sa mundo mula sa ultra violet radiation.

Ngunit ayon sa isang team ng mga researcher, nahanap na nila ang totoong dahilan kung ano ba talaga ang pagkamatay ng mga nito.

Ang mga eksperto ay naghanap at nangalap ng mga impormasyon patungkol sa mga pagbabago ng klima, pagputok ng ilang bulkan at pagtaas ng katubigan noong Cretaceous period bago pa tumama ang malaking bulalakaw. Pinag-aralan din ng mga ito ang Biodiversity o ang bilang ng mga dinosaur kung saan tumama ang bulalakaw.

Noong matapos ang malaking sakuna, hindi naubos ng tuluyan ang mga dinosaur. Ang ilan sa kanila ay nakaligatas ngunit namatay din kalaunan. Lumabas sa mga pag-aaral ng ibang fossils na kanilang nahukay ay mula sa mga malalaking hervibore na patuloy na lumiit sa paglipas ng panahon at namatay.

Ayon sa pag-aaral ng ilang mga eksperto, hindi lamang malakas na pagsabog ang dala ng isang malaking bulalakaw sa ating mundo. Ngunit mula dito, nagkaroon ng pagbabago sa klima at panahon sa mundo. Ang bulalakaw na ito ay nag-iwan ng isang malaking bakas na atin pa din makikita sa panahon ngayon; sa bansang mexico.

Dahil sa bulalakaw, naganap ang malalaking tsunami sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama na ang malakas na paglindol. Dahil sa bulalakaw na ito, iba’t ibang gas ang lumabas sa mundo dahilan upang ang ulan na bumagasak ay maging acid rain kung saan pumatay sa mga halaman at lumason sa mga nilalang na nabubuhay sa karagatan. Nagsimula na din ang ilang mga pagkalat ng apoy, dahil dito ang mundo ay nabalutan ng mga makakapal na ulap na ang laman ay puro buhangin at mga alikabok. Dahil sa kapal ng usok, natakpan neto ang sikat ng araw dahilan upang mabago ng tuluyan ang temperatura sa lugar at mamatay ang mga halaman na nagsisilbing pagkain ng ibang hayop na nakaligtas sa pagsabog.

Ang pangyayaring ito ay matatawag din bilang “Cascading Extinction“. Matapos neto, ang bulalakaw ang naging dahilan upang mawasak at mawala ang 80% na nabubuhay na nilalang sa ating mundo.

Extinction Debate:

Ngunit kahit nakapagbigay na nang magandang dahilan at ilang paliwanag kung paano talaga nawala ang mga malalaking nilalang sa mundo, ang iba ay hindi pa din naniniwala patungkol dito. Ang makikitang impact crater sa mexico na tinatawag na Chicxulub crater. Dahil ang crater na ito ay kasing tanda nang nasabing panahon kung kailan tuluyan nawala ang ma dinosour.

So, kung aaralin ang crater na ito, halos kasing laki ito ng isla ng Manhattan. Ayon sa pag-aaral, ang impact na hatid ng bulalakaw na tumatama dito ay nag-iwan ng butas na may laking 180 kilometers wide at halos 2 kilometers Deep.

Noong una, maraming eksperto ang nagsasabing ang Chicxulub crater ay isa ngang impact crater. Ayon sa ilang eksperto, ang lalim na nagawa ng bulalakaw ay halos isa hanggang kilometro lamang. Ngunit walang patunay na bulalakaw nga ang tumama dito, sa tulong ng mga makabagong gamit. Nakita ng mga eksperto na ito ay mayroong gravitational at magnetic anomalies. Ngunit ang tanong na ito ay agad din nawala, dahil sa ilang paghuhukay gamit ang mga drills; nakuha ang ilang mga sample na magpapatunay na galling nga ito sa isang bulalakaw.

Hindi dito natapos ang mga pangbabatikos sa asteroid extincton. Ayon sa ilan, naghahanap sila ng sapat na katibayan upang mapatunayan ang tiyak na araw kung kailan talaga tumama ang bulalakaw sa Chicxulub crater. Ayon kay Gerta Keller ng Princeton University, maaring mas nauna pa ang kamatayan ng mga dinosour bago maganap ang pagtama ng bulalakaw. Ngunit sumagot naman ang ibang eksperto na mali ang ginawang pag-aaral ni Gerta kung kaya’t ang lumabas na resulta mula sa kanyang pag-iimbestiga ay mali.

Hindi na ata matatapos ang mga katanungan at mga kontrobersya patungkol sa pagkawala ng mga dinosour, ayon sa ibang scientist; ang mga sinasabing naging epekto ng bulalakaw ay pinagtuunan din ng pansin ng mga tumutuligsa dito. Ayon sa mga ito, paano naubos ang mga alikabok na kumalat sa kalangitan at naging dahilan upang matakpan ng ilang taon ang ating mundo at naging dahilan ng pagkamatay ng iba’t ibang halaman sa mundo.Ayon sa mga tagapag-tanggol ng teorya, ang hangin na ito ay hindi naman nagtagal at nawala din dahil sa mga pag-ulan. Dahil sa mga pag-ulan, ang mga alikabok sa hangin ay nabasa at tuluyan nang luminis ang hangin.

Survivor:

Pag-usapan naman natin kung sino-sino ba ang mga nakaligtas at nagpatuloy sa pamumuhay magmula noong matapos ang lahat ng bagay na ito. Alamin naman natin kung sino-sino ba ang mga ito.

Ayon sa ilang pag-aaral patungkol sa pamilya ng mga palaka, ang siyam sa sampung uri ng mga palaka ay pinaniniwalaang nabuhay noong naganap ang mass extinction. Ayon sa mga bagong pag-aaral mula sa halos siyamnapu’t limang genes ng mga palaka; lumabas na 44 sa 55 na pamilya ay nasabing nagmulapa sa noong panahon ng Cretaceous at Paleogene periods.

Ayon kay David Wake na isang herpetologist,

These frogs made it through on luck, perhaps because they were either underground or could stay underground for long periods of time

Sa panahon ngayon, ang mga palaka ay mayroong halos 6,700 na species na nabubuhay sa mundo. Kasama na diyan ang mga tao, iba pang hayop, at mga halaman. Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng iisang pangamba, nangangamba sa kung ano ang mangyayari kung mangyari muli ang malakihang mass extinction.

Mula sa mga gawain ng tao, sa paiba-ibang klima ng ating mundo na maaring maging dahilan neto. Ayon nga kay Wake

This certainly draws renewed attention to the positive aspects of mass extinctions: They provide ecological opportunity for new things. Just wait for the next grand extinction and life will take off again. In which direction it will take off, you don’t know.

Fossil record:

Ang mga fossils ng mga dinosaur, ang isa sa dapat nating pasalamatan. Kung ang mga ito ay hindi nahukay, malamang ay hindi natin malalaman na nabuhay ang ito noon. Mula sa fossils, nalalaman ng mga eksperto kung ano ang klase ng mga ito, ano ang kanilang uri at kung ano pa ang kailangan malaman patungkol dito.

Mula sa mga fossils na nahuhukay sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ito ay isa sa tumutulong upang patuloy na mapag-aralan kung ano ba talaga ang pumatay sa mga ito. Ngunit dahil nga sa tagal ng panahon, ang mga fossils na nahuhukay ay sira na at minsan ay mahirap ng makilala. Ang karamihan sa mga natatagpuang buong fossils ay mula sa North America.

Ngunit, hindi makakalayo sa batikos ang mga fossils na ito. Ayon sa ilang batikos, paiba iba ang naibibigay na resulta ng mga fossils na kanilang nakikita patungkol sa pagkamatay neto. Isa pa ang kawalan ng ebidensya na nabuhay nga ang isang long-necked sauropod dinosaur, ngunit ang North America ay walang maipakitang buto ng mga ito. Dahil sinasabing ang mga ito ay nabuhay sa iba’t ibang parte ng mundo, naghahanap ang iba ng ebedensya na nabuhay din ito sa North America. Nariyan pa ang tunay na laki ng mga ito na sinasabing mas malaki pa sa isang tao, at hindi malaman kung ang nahukay ba nilang fossils ay isang matanda o isang batang dino.

Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga katanugan ay unti-unti nang nabibigyan ng mga kasagutan. Ilang pag-aaral pa ang isinasagawa upang mabigay ang mga tamang kasagutan at matibay na ebidensya patungkol sa mga bagay na ito.

Bible and the Dinosour:

Ang ilang pagtatalo patungkol sa existence ng isang dinosour ay patuloy padin pinagdedebatihan ng mga iilang tao. Kahit na mayroon nang naipakitang buto sa kanila, hindi ito sapat upang paniwalaan na ito ng tuluyan. So, kung ang bible ang tatanungin kung paano na extinct ang mga dinosour; maaring makita ang kasagutan sa isang kwento na mula sa Genesis.A ng “The Great Flood“.

Dahil nga gustong tapusin ng Diyos ang lahat ng kasamaan na ginagawa ng mga tao, ginawa niya ang malaking pagbaha na ito. Ayon sa ilang naniniwala patungkol dito, noong gawin ng diyos ang malaking pagbaha na ito, kasama sa hindi nakaligtas ang mga dinosaurs. Dahil nga ang mga ito ay masyadong masama at malaki, isinama ito ng Diyos na mawala sa malaking baha na kanyang ginawa. Nalunod ang mga ito. Dito ay maipapaliwanag kung bakit maraming buto ang nakikita sa mga matataas na lugar.

Ngunit ayon sa mga paniniwala patungkol sa nilalang na ito, nabuhay ito noong hindi pa nabubuhay ang tao sa mundo.

May ilang nagtatanong, bakit gumawa ang diyos ng isang nakakatakot na nilalang. Ngunit kung hahanapin ang isang salitang naglalarawan sa nilalang na ito; wala kang mahahanap na ganito sa bibliya. Ayon sa nag-aaral ng bible, madaming mga nilalang ang hindi nabanggit ngunit makikita natin na buhay at gumagalaw sa panahon ngayon.

Ayon sa mga eksperto, ang mga ito ay patuloy na lumalaki sa paglipas ng panahon. Ang iba ay umaabot sa 20 feet high, 85 feet long at mayroong bigat na halos 50tons. Sinasabi ng siyensya ay nabuhay ang mga ito noong tayo ay hindi pa nabubuhay sa mundo. Ngunit kung magbabasa ng bible, makikilala ang mga taong nabuhay sa panahon kung kailan nabuhay ang mga ito.

Again, science peeps, this is a bible argument. Nandyan si Adam, ang unang tao na ginawa ng Diyos; nabuhay lang naman ito nang halos 930 years. Si Methuselah na nabuhay nang halos 969 years. Si Noah na gumawa ng malaking barko ng Diyos, nabuhay ito nang 950 years. So, kung ang mga dinosaur ay patuloy na lumalaki base sa kanilang tanda at pamumuhay, malamang ang mga taong aking nabanggit ay lumaki na din na halos kasing laki nila.

Ang ilan ay naniniwala na isa sa nabanggit na nilalang sa bibliya ay maaring isang Dinosaurs. Ang nilalang na Behemoth at Leviathan. Sa matagal na pag-aaral, hindi alam kung anong klaseng nilalang ang mga ito.Ang alam lamang ay kung paano ito inilalarawan sa bibliya.

Ayon sa Job40:15-18-24.

Look now at the behemoth,which I made along with you; he eats grass like an ox.
See now, his strength is in his hips, and his power is in his stomach muscles.
He moves his tail like a cedar; the sinews of his thighs are tightly knit.
His bones are like beams of bronze, his ribs like bars of iron.
Though he takes it in his eyes, or one pierces his nose with a snare.

Kung ikukumpara natin ito sa isang dinosaur, malamang ay mabubuo sa isipan mo na isa itong long necked sauropod. Ngunit para sa iba, ang mga ito ay maari isa lamang hippopotamus o di kaya’y isang elepante.

Kilalanin pa natin ang isang nilalang, ang Leviathan. Ayon sa Job41:1-14-25

Can you draw out Leviathan with a hook, or snare his tongue with a line which you lower?
Can you put a reed through his nose, or pierce his jaw with a hook?…
Can you fill his skin with harpoons, or his head with fishing spears?…
I will not conceal his limbs, his mighty power, or his graceful proportions.
Who can remove his outer coat? Who can approach him with a double bridle?
Who can open the doors of his face, with his terrible teeth all around?
When he raises himself up, the mighty are afraid; because of his crashings they are beside themselves.

Para sa iba, ang tinitukoy na nilalang dito ay isang buwaya. Ngunit ang ilang katanungan, ang isang buwaya ba ay kayang tumayo kagaya ng paglalarawan na “When he raises himself up”?. Ang isang buwaya ay walang kakayahang makatayo sa kanyang sariling paa sa lupa. Oo sa tubig Nakita na natin ito sa mga science documentaries, pero we can assume na nuong sinabing when he raises himself up ay hindi ito sa tubig.

Ayon sa research, ang malaking pagbaha ang naging dahilan kung bakit lahat ng mga mababangis at malalaking nilalang ay hindi na nabubuhay sa panahon ngayon. Ayon din dito, dahil alam ng Diyos na walang laban ang m ga tao sa lakas at laki neto, ito ang naisip niyang paraan upang mapigilan ang pagdami ng mga nito.

So, kung ito ay totoong nabuhay o hindi. Magpasalamat na lang tayo at hindi natin ito naabutan. Kung sakaling ang mga ito ay ating maabutan, malamang tayo ang magiging isa sa pangunahing pagkain ng mga nito.

Sources

This is your modal header title

  1. https://www.businessinsider.com/how-dinosaurs-took-over-world-2018-7
  2. https://www.scribd.com/doc/264577125/scientists-explain-how-asteroid-impact-led-to-dinosaur-extinction
  3. https://www.astrobio.net/meteoritescomets-and-asteroids/debating-the-dinosaur-extinction/
  4. https://www.futurity.org/frogs-evolution-extinction-1476372-2/
  5. https://www.scribd.com/document/290593951/The-Extinction-of-the-Dinosaurs
  6. https://www.bibleinfo.com/en/questions/are-dinosaurs-mentioned-bible

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Illuminati, makademonyo nga ba? Signs and Symbols (Dark)

Ano ang kwento sa likod ng Gloomy Sunday?