in ,

Ang lindol na umatake ng gabi at kumitil ng maraming buhay sa pinas

Ang ating bansa ay nakakaranas ng maraming lindol at maraming pagbaha sa taga ng panahon. Ngunit marami na ang nakalimot patungkol sa isang pinaka kilalang disaster na nangyari sa ating bansa noong 1976. Isang pangyayari na yumanig sa buong pilipinas noong panahon na iyon. Alamin natin kung ano nga ba ang nangyari,at kung anong kaganapan ang siyang gumising sa mga tao noong 1976.

History:

PHILLIPINES - EARTHQUAKE AND TSUNAMI OF AUGUST 16,1976 IN THE PHILIPPINE  ISLANDS - The Moro Gulf Tsunami - Dr. George Pararas-Carayannis

Ayon sa mga report, August 17, 1976 noong naganap ang isang malakas na lindol mula sa Cotabato Trench. Ang malakas na lindol na ito ang siyang dahilan upang yumanig ang isla ng Mindanao na siyang pinaka malaking isla ng Pilipinas.

Dahil sa lindol, nasundan din ito ng tsunami na mula sa Gulf ng Moro hanggang sa Celebes Sea na siyang pumatay ng halos walong libong katao sa mga coastal communities mula sa north at south ng Zamboanga at Lanao. Inabot din nito ang hilagang bahagi ng Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat at maging ang katabi nitong isla na Sulu.

Pinaniniwalaan nga na ito ang pinakamalalang lindol at maging tsunami sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Dahil sa sobrang lakas nito ay nakasagap din ang Indonesian Hydrographic Office ng ilang kakaibang wave activity at naapektuhan ang kanilang isla na Borneo at maging Sulawesi.

Midnight Killer:

Ayon sa Phivolcs o Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ang lindol ay tinawag na Midnight Killer. Ito ay dahil ang lindol ay tumamam ng dis-oras ng gabi o halos sampong minuto matapos sumapit ang alas dose ng gabi.

Ang oras kung saan karamihan sa mga tao ay tahimik na natutulog at mahimbing na sa kanilang higaan. Ngunit ang mga ito ay ginulo ng magnitude 8 na lindol at niyanig hindi lamang ang buong Mindanao, ngunit umabot din sa ilang bahagi ng Visaya.

Inireport nga na ang epicenter o pinagmulan ng lindol ay mula sa siyudad ng Lubak sa Sultan Kudarat na siyang nasa rehiyon ng Celebes Sea. Noong taon iyon ay ilang ulit na din nakaramadam ng lindol ang lugar. Ayon sa record ng Phivolcs, anim na lindol ang kanilang nairecord mula sa parehong epicenter at tinawag nila itong Foreshocks bago pa man maganap ang pinaka malakas na lindol.

Pero bukod pa sa anim na ito, dalawang lindol din ang tumama sa Zamboanga City na ang epicenter nito ay malapit lamang sa pinaka main epicenter ng midnight killer. Ngunit ang dalawang lindol na ito ay hindi nairecord ng PAGASA observatory mula sa Quezon city at maging sa mga local na field station. Dahil dito, walong lindol ang naganap at nagtataglay ng 1 hanggang 5 intensities bago tumama ang magnitude 8 na lindol.

Noong ang lindol ay umabot sa Moro Golf, naging dahilan ito upang mapagsimulan ng isang pinakakintatakutan na pangyayari ng mga tao, ang pagkakakroon ng tsunami. Makalipas ang halos dalawa hanggang limang minuto na paglindol, hindi alam at halos hindi kaagad naireport ang isang paparating na 9 meters na alon mula sa karagatan. Ngunit ayon naman sa ibang mga eksperto na silang nag obserba sa lugar, halos 4.5 meters lamang ang taas o halos 14 hanggang 15 feet ang taas ng alon na tumama sa lugar.

Halos 700 kilometers ng coastline kasama ang Pagdian City, Cotabato City, Zamboanga City at maging Lebak sa Sultan Kudarat ay inabot ng napakalaking alon. Inireport nga na halos walong libong katao ang namatay kasama na din ang mga hindi pa natagpuan mula sa pagkakalubog at hindi na kailanman nakita pa.

Matapos ang lindol, halos 40 aftershock ang nairecord ng siesmic network ng PAGASA. Naireport naman na mas maraming aftershock ang nairecord at naramadaman sa mga local na lugar at halos lahat ng aftershock ay nagataglay ng intensity na aabot hanggang VI.

Ang mga aftershock nga mula sa Cotabato City ay binantayan ng Commission on Volcanology o mas kilala na ngayon bilang Phivolcs. Doon ay nairecord nila ang halos 140 aftershock gamit ang tatlong component na Hosaka seismograph at ang single-component Kinemetrics seismometer.

Tectonic Settings:

11.5 Plate Tectonics and Volcanism – Physical Geology, First University of  Saskatchewan Edition

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang tectonics plates mula sa Celebes Sea at Sulu Sea Region, sa pagitan ng Philippine Island at southern Philippine trench mula sa northeast at ang Borneo naman na nasa southwest ay nagkaroon ng activity.

Lumabas na ang rehiyon na ito ay nagtataglay ng malalalim na basins at bold submarines ridges na pinaniniwalaang resulta ng mga malalakas at malakihang pag dedeform ng mga continental at oceanic crust at mga block types na pinaniniwalaang nagmula sa mga malakas na pag-aalburuto ng mga bulkan. Makikita nga sa Pilipinas ang halos 22 active volcanoes.

Lumabas din sa pag-aaral na maraming fault zones ang makikita sa rehiyon na maaring makapagbigay o pagsimulan ng malakas na lindol at maging dahilan din ng pagkakaroon ng tsunamis. Nakita din mula sa Sulu Trench na nasa Sulu Sea at sa Cotabato Trench ang dalawang major fault zones na kinilala ng mga eksperto bilang dalawa sa pinaka delikadong fault sa rehiyon. Ayon sa mga eksperto, ang Cotabato trench ay isang rehiyon ng mga subduction na silang umaabot sa Celebes Sea at sa Moro Gulf.

Ayon sa Phivolcs, makikita sa historical catalog ang mga nagdaaang lindol mula noong nakalipas ang isang daang taon. Ang mga ito ay naganap sa parehong rehiyon na silang nagtataglay ng malalakas at mahihinang siesmicity record.

Damages:

Moderate earthquake near Tangshan, China reminds the 1976 disaster (also  felt in Beijing today)

Ayon sa Filipiknow, ang kaganapan na ito ang siyang nagpakita at nagpatotoo na ang bawat isla, lugar at rehiyon sa Pilipinas ay kulang sa awareness patungkol sa mag natural disaster. Ang bansa ay kulang sa paghahanda at kulang sa ideya kung ano ang kanilang kailangang gawin kung sakiling mangyari ang nakakatakot na pangyayari, tulad ng isang tsunami at nang isang napakalakas na lindol na umatake sa gabi.

Naireport na halos 95 percent ang mga nangamatay na tao dahil sa malaking alon na tumama sa lugar. Ngunit ayon sa mga report, karamihan sa mga taong nakatira malapit sa karagatan at maging sa siyudad ay mga trained swimmers. Kahit na ang isang tao ay trained at professional swimmer, wala itong laban sa mga kahoy, mga putik at iba pang malalaking bagay na kasama ng rumaragasang mataas na alon.

Karamihan nga sa mga namatay ay mga babae at mga bata. Bukod sa mga namatay na tao, maraming malalaking gusali din ang nasira ng lindol. Tulad na lamang ng isang concrete wood na Chinese School gymnasium sa Catabato na naitayo noong 1962 ay bumagsak at nasira ng lindol. Mag hotel, mga theathre at maging mga simbahan sa lugar ay nasira at napuruhan ng malagim na kaganapan na ito.

Ang Pagadian City ang siyudad na siyang pinaka nasalanta at naapektuhan ng lindol at maging tsunami at ang siyudad na din na ito ang siyang nakapag record ng maraming pagkamatay.

Naireport naman ang State ng South Cotabato, walang pagkamatay na nairecord dito, ngunit naitala ang halos dalawang daang kabahayan na natumba at nasira ng lindol. Mula naman sa Western Moro Gulf, naireport na labis nang naapektuhan ng tsunami at naging dahilan upang mamatay ang maraming tao.

Mula sa isla ng Basilan, na siyang nakaranas ng halos 14 feet na alon ay naitala ang halos 56 na pagkamatay ng tao. Mula naman sa isla ng Jolo, naitala ang 89 na patay at halos 107 na kataong nawawala.

Dahil sa pangyayayri na ito, nagkaroon ng maraming pagbabago mula sa planong paghahanda ng ating bansa. Ito ang nagtulak sa presidente noon na si Ferdinand Marcos na i revise ang provisions ng National building code, isang taon matapos ang malagim na trhedya.

Taong 1978 naman noong gumawa si Marcos ng National Disaster Coordinating Council o mas kilala na ngayon bilang National Disaster Risk Reduction and Management Council. Dahil nga ang Pilipinas ay isang archipelago na makikita sa Pacific’s ocean Ring of fire, ito ay prone at malapit sa tsunami at lindol.

Ang iba’t ibang trench na matatagpuan na palibot ng Pilipinas ang siyang makakapagbigay ng lindol at tsunami. Ayon sa Phivolcs chief na si Solidum, ang tsunami sa Pilipinas ay mas delikado at mas malala pa sa mga tsunami na nararanasan ng bansang Japan at Indonesia.

Dagdag pa nito, ang tsunami sa Pilipinas ay mas mabilis dumating kung ikukumpara sa tsunami sa katabi nating bansa. Pinaniniwalaan na ang dahilan nito ay ang pagiging malapit ng trench sa shorelines.

Kung ang trench nga ay mas malapit sa shoreline, ang pagmumulan ng tsunami ay mas malapit din at ang layo at ang pagdating nito ay mas malapit at mas mabilis.

Lumabas naman sa pag-aaral na ang isang lindol na nagtataglay ng magnitude 6.5 ay maaring makapag bigay ng tsunami na halos 4 meters na makakapatay naman ng halos tatlong libo at isang daang katao. Ito ang lumbas mula sa 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency.

Ang kinatatakutan ngang pangyayari ng mga Pilipino ay ang pinaniniwalaang the Big one na magsisismula sa Manila. Kung sakaling ang ang West Valley Fault ay gumalaw, mangyayari ang inaasahan ng mga eksperto na 7.2 magnetude na lindol.

Ito nga ang pinaghahandaan ng eksperto ng mga sa Pilipinas.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/pBdKczauor8

Report

Written by bulalordyt

What do you think?

Leave a Reply

Ito ang dahilan kung bakit mortal na magkaaway ang pusa at daga

Ito ang dahilan kung bakit hinijacked ni Augusto Lakandula ang eroplano