Ang kwento sa likod ng kilalang pelikula ng disney

Topic requested by the following:

Dark na original stories ng mga Disney princesses.

Snow white, Rupunzel, Sleeping Beauty, The little Mermaid, Alladin, at syempre hindi mawawala si Cinderella. Ang mga ito lang naman ang kinalakihan mo at malamang ng mga kapatid mong babae. Ang mga palabas na ito ay naipalabas na mula cartoons, na naging 3D, at hanggang sa totoong tao na mismo ang gumanap. Ngunit ang kwento ay iisa lamang, iisang istorya at napapaniwala na ang lahat ng bagay ay mayroong happy ending.

Pero teka? happy ending nga ba?

Alam nyo ba ang tunay na kwento sa likod ng mga happy ending ng mga palabas na ito?
Ano nga ba ang nakapaloob sa tunay na kwento?
Isa nga ba itong kwentong pambata na kakapulutan ng magandang aral o makakapag bigay ng kakaibang takot sa isang musmos na isipan.

Para sa magrereklamo na hindi ito totoo, fair warning lang, ito po ay historical truth. Ang mga maririnig nyong kwento ay mula sa original stories ng mga Disney princess at Disney movies. Kaya kung ayaw mong masira ang masayang kinamulatan mo sa mga Disney movies na ito, I would suggest na wag ka ng manood. Iba na lang.

Ang topic na ito ay nirequest ni Yves Flores.

History of the Grim Brothers:

Brothers Grimm - Wikipedia

Una sa lahat, kilalanin muna natin ang pinaniniwalaan na nagsulat ng mga kwentong ito. Mula sa isang lawyer, lumbas ang panganay na si Jacob Ludwig Carl Grimm noong January 4, 1785 na sinundan naman ng kanyang kapatid na kinilala bilang si Wilhelm Carl Grimm na ipinanganak noong February 24,1786. Bukod pa sa dalawang ito, nagkaroon pa nang anim na lalaki at isang babae ang mag-asawang Grimm.

Ang magkapatid na Jacob at Wilhelm ay pinaniniwalaan na hindi mapaghiwalay, kahit na noong pumasok na sa isang law university noong 1802 ang panganay na si Jacob. Ang nakakabata niyang kapatid na si Wilhelm ay sumunod sa kanya noong 1803. Dito na nagsimula ang pangongolekta ng mga tula, kwento, mga paniniwala na naipasa na sa iba’t ibang bibig, pamilya, mga bata. Ang unang libro na kanilang nailabas ay ang tinatawag na “Children’s and Household Tales” o mas kilala natin sa panahon ngayon bilang “The Grimms Fairytale” na pinublished noong 1812 na naglalaman ng halos walumput’anim na kwento at paniniwala, ngunit ayon sa ilang mga research maraming kwento ang hindi pa naisama ng magkapatid sa loob ng libro.

Ang magkapatid na ito na parehong German professors, linguists, historians, at mythologists ay naglabas muli ng ng halos pitongpung kwento at naglabas muli ng mga marami pang mga kwento hanggang mabuo nila ang dalawang daan na kwento kasama na ang halos sampong kwento patungkol “Children’s Legends. Ito lang naman ay kumalat sa iba’t ibang parte ng kanilang bansa. Ang mga kwento patungkol sa isang hari, tungkol sa isang hayop na nagsasalita , tungklol sa mga mahika at iba pang mga kakaibang paniniwala ay nailagay at nagawan na nila ng kwento.

Ang libro lang naman na ito ay pinaka maimpluwensiyang libro na isinulat sa bansang Germany at isinulat mula sa salitang German. Noong ikinasal si Wilhelm sa kanyang asawa na si Henriette Dorothea (Dortchen) Wild, hindi ito naging hadlang para sa dalawang magkapatid. Si Jacob ay tumira at tumuloy sa tahanan ng mag-asawa upang maipagpatuloy pa ang paggawa ng kwento.

Unang namatay si Wilhelm noong December 16, 1859 sa edad na 73, samanatalang si Jacob ay namatay sa edad na 78 noong September 20, 1863. Dahil ang mga libro ay naisulat lamang sa German na sallita, ito ay naitranslate lamang noong 1826 ng isang manunulat nan kinilala bilang si Edgar Taylor na kanyang pinamagatan sa ingles na German Popular Stories. Mula noong ay nagsunuran na din ang iba pang isinalin sa salitang ingles na mga kwento at ito ay kumalat na din sa ibang bansa.

Disney and The Grimms Fairy Tale:

Disney vs Grimm! Origins of Fairy Tales: Snow White – Geek Girl ...

Ang ilan sa mga naikwento ng dalawang magkapatid ay hindi masyadong angkop para sa isipan ng mga bata, kung kaya’t ang disney na mismo ang bumago sa kwento. Dinagdagan o di naman kaya’y binawasan. Ang kwento ni Snow White ang unang nagawa ng animated na palabas ng Walt Disney noong 1937, sinundan ito ng Cinderella, Sleeping Beauty at ni Ariel sa little Mermaid.

Kilalanin na natin ang tunay na kwento sa ilang mga palabas na nagawa ng Disney.

Snow white:

Director Tarsem Singh Offered THE BROTHERS GRIMM: SNOW WHITE ...

Ang kwento tungkol sa isang napakanis, at napaka gandang babae na anak ng isang hari at reyna. Ang kwentong pinamagatan na Snow White and the Seven Dwarfs. Kung hindi mo pa ito napapanuod, ito ay patungkol sa isang hari na namatayan ng asawa at naiwan sa kanya ang kanyang napakagandang anak. Dahil sa taglay na kagandahan ngkanyang anak na babae, pinangalanan niya itong Snow white.

Base sa palabas, ang hari ay nakapangasawa ng bagong babae na hindi niya alam na isa pa lang mangkukulam. Ang palaging tanong nito sa kanyang dalang salamin ” Magic mirror, on the wall, Who is the fairest one of all?” oo nga po pala, hindi po un mirror mirror on the wall, redundant na un kumbaga paulit ulit, magic mirror ang talagang sinabi ni evil queen dun. Ayaw nyong maniwala? Roll clip.
Ito na yata ang pinaka kilalang kataga mula sa palabas na ito. Ang laging sagot ng salamin ay ang mismong mangkukulam ang pinaka maganda sa lahat, ngunit ito ay nagbago noong lumaki na si snow white.

Noong sumagot ang salamin na si Snow White ang pinaka maganda sa lahat, nagalit at naiingit ang mangkukulam kung kaya’t nakaisip ito ng paraan upang mawala ang kanyang karibal. Isang mangangaso ang kanyang ipinatawag upang patayin si Snow White. To make it short, hindi napatay ng mangangaso si Snow White at naligaw ito sa kagubatan at nakikilala ang pitong duwende. Dito na papasok ung snow white and the huntsman.

Nalinlang ng mangangaso ang mangkukulam at binigyan niya ito ng puso na kanyang kinuha mula sa isang baboy. Dahil sa hindi naman ganoon katalino ang mangkukulam na ito, naniwala siya sa ibinigay ng mangangaso. Pero nalaman ng mangkukulam na hindi patay si snow white dahil na rin sa tulong ng magic mirror at gumawa ito ng paraan upang ito ay kanyang mapatay. Ang mangkukulam ay nagpalit ng katauhan para mabigyan ng lason na mula sa isang mansanas si Snow White ito naman si snow white uto uto at kinuha ang mansanas at kinagat. Simple days.

Ngunit dahil sa halik ng isang prinsepe, si snow white ay nabuhay at nagbalik sa kaharian. Ayon sa kwentong ipinalabas ng Disney, ang mangkukulam ay namatay noong nakikipag laban sa mga duwende dahil ito ay kanilang nahuli. Ang mangkukulam ay tinamaan ng kidlat at nahulog sa isang bangin. The end.

Pero hindi ganito ang kwento ng original na snow white. Halos ang buong kwento ay pareho naman, at iisa lamang ang ipinaparating na mensahe nito. Ngunit kung babasahin ang tunay na kwento mula sa magkapatid na Grimm, ang mangkukulam ay inuutos sa mangangaso na kunin ang puso at atay ni Snow White at ibigay ito sa kanya. Hindi lamang para maging patunay na patay na ito ngunit, upang kainin ito mismo ng mangkukulam.

Ang mangangaso ay nakapagbigay ng puso at atay na mula sa isang oso. Sa tunay na kwento hindi lamang basta napatay ng mangkukulam si Snow white, madami itong nagawa bago niya ito mapakain ng isang mansanas. Una ang mangkukulam ay nagpanggap na nagbebenta ng isang bodice lace na ginagamit upang itali sa bewang ng isang babae na parte ng kanyang kausuotan. Noong pinagbuksan ito ni Snow white ng pinto, ang bodice lace sa kasuoitan ni Snow White ay kanyang nahatak at ito ay kanyang ipinalupot kay snow white hanggang sa mawalan na ito ng hininga.

Dahil sa dumating ang mga duwende, ang nakapalupot sa tiyan ni Snow white ay natanggal at muli siyang nakahinga. Pangalawa naman ay nagpanggap muli ang mangkukulam at naging isang matanda na nagbebenta ng isang suklay, noon din ay itinusok niya sa ulo ni Snow White ang suklay na mayroong lason hanggang sa bumaon ito sa ulo ng dalaga at nahimatay.

Ngunit noong ang mga duwende ay bumalik sa kanilang pangangaso, nailigtas muli nila ang dalaga sa pagtanggal ng suklay sa buhok nito. Pero sa bandang huli ay napakain na ng mangkukulam ang isang mansanas na mayroong lason at doon hindi na nailigtas pa ng mga duwende ang dalaga. So, ayon sa Disney, si Snow white ay hinalikan ng prinsepe upang mabuhay. Pero ayon sa tunay na kwento, dinala ng prinsepe si Snow white sa kanyang kaharian at doon ay kinupkop ang labi nito. Nakuha sa loob ng lalamunan ni Snow white ang bahagi ng mansanas na kanyang nalunok, noong natanggal ito nagising ang dalaga at muling nabuhay. Amazing diba?

Ayon sa Disney namatay sa isang kidlat at pagkahulog sa bangin ang mangkukulam na step mother ni Snow White. Ayon sa kwento nila Grimms, ang mangkukulam ay inimbitahan sa kasal ni Snow white at nang prinsepe na kanyang mapapangasawa. Noong pumunta ito sa kaharian, hinuli ito at sinuotan ng nang nagbabagang pulang sapatos at doon ay pinasayaw hanggang sa hindi na nito matagalan at ang mangkukulam ay namatay. Gayunpaman, happy ending pa rin naman para kay snow white.

Rapunzel:

Rapunzel by Jacob Grimm

Isang palabas noong 2019, ipinalabas ang kwento patungkol sa isang babae na mahaba ang buhok. Ito ay pinamagatang “Tangled” na ibinase sa isa kwento ng Grimm Brothers. Ayon sa palabas, isang reyna na nagkaroon ng malubhang sakit ang nangailangan ng kakaibang gamot. Ipanakilala sa palabas ang mangkukulam na pinangalanang Mother Gothel na siyang nakakuha ng isang na naging dahilan upang tumubo ang isang bulalak na mayroong kakayahan na magpagaling ng kahit anong sakit. Ang bulalak na ito ay mayroong ding kakayahan na magbigay ng kung anong sakit at kamatayan sa isang tao.

Pero hindi na tayo magdedelve in pa sa kung anong nangyari sa palabas, alamin na natin ang kwento ng grimm brothers. Ayon sa orihinal na kwento, hindi isang hari at reyna ang mga magulang ni Rupunzel. Ang mga ito ay isang normal na tao at naghahangad ng isang anak. Nakatira sila sa isang maliit na bahay at mula doon ay natatanaw nila ang isang malaking bakuran na napapalibutan ng malalaking mga pader, sa likod nito makikita ang mga magagandang halaman at magagandang bulalak.

Ayon nga sa Disney, nagalit ang mangkukulam dahil sa pagkuha ng isang mahiwagang halaman sa kanyang bakuran. Ayon naman kila Grimms, ang mangkukulam ay nagalit dahil sa pag-akyat ng mag-asawa at pagkain ng asawang babae ng isang napakagandang bulalak na rupunzel. Isang araw ay nahuli ng mangkukulam na nagngangalang Frau Gothel ang asawang lalaki sa kanyang ginagawa at dito ay nagalit ito.

Nalaman nga natin na ninakaw ng mangkukulam ang bata mula sa magulang nito sabi ng disney, ngunit ayon sa tunay na kwento; ang mag-asawa ay nakipag sundo sa mangkukulam upang palayain sila at upang mabuhay pa nang matagal. Ang pakikipagsundo ng mangkukulam sa mag-asawa ay mayrong kapalit, ang anak na isisilang ng babae ay kailangan nilang isuko sa mangkukulam.

Nasunod ang kasunduan at ang mangkukulam na mismo ang nagpangalan sa bata at pinangalanan niya itong Rupunzel base sa bulaklak na kinain ng babae.

Nagalit ang mangkukulam dahil sa pagpapa-akyat ni Rupunzel sa prinsepe na kanyang nakilala at sa kagustuhan ni Rupunzel na makatakas sa mataas na tore. Dahil sa kanyang galit, ginupit niya napakagandang buhok ni Rupunzel at ibinaba ito sa tore. Doon ay pinahirapan at tinanggalan ng mata si Rapunzel ng mangkukulam, grabe pala ang kwento nito. Nagpanggap din ang mangkukulam bilang si Rapunzel upang malinlang ang prinsepe sa kanyang pag-akyat, noong nalaman ito ng prinsepe agad itong tumalon sa tore upang makatakas sa mangkukulam.

Ang binagsakan lang naman ng prinsepe ay mga matitinik na halaman na tumusok sa kanyang mga mata dahilan upang ito ay mabuhay din sa kadiliman. Nagpagala-gala sa kagubatan ang prinsipe na ang tanging pagkain ay mga damo at ilang pang halaman na kanyang mahahawakan.

Mapapanuod sa palabas na mayroong kapangyarihan ang buhok ni Rupunzel at maging ang kanyang mga luha, ngunit sa totoong kwento ay isa lamang itong normal na buhok. Ayon din sa tunay na kwento, ang prinsepe at si Rapunzel na parehong nabulag ay nagkatagpo sa loob ng kagubatan at nakilala ang isa’t isa, dahil sa luha na lumabas sa kanilang mga mata, ang mga ito ay nakakita muli. Doon ay bumalik ang dalawa sa kaharian ng lalaki at doon namuhay ng mapayapa kasama ang kambal na inuluwal ni Rupunzel.

Again they live happily ever After.

Cinderella:

Cinderella: A Grimm's Fairy Tale: Grimm, Jacob and Wilhelm ...

Sino naman dito ang hindi nakakakilala sa babaeng nagpauso ng curfew. Joke lang, ang babaeng kailangan umuwi bago mag alas dose ng gabi. Alam mo naman ang kwento patungkol sa babaeng ito. Ito ay isang ulilang babae na naiwan sa kanyang madrasta kasama ang dalawa pa nitong anak na babae.

Ang tatlong babae na ito ay ginawang katulong si Cinderella mula nang mamatay ang tatay nito, at dito ay trinato nila ito bilang alila. Ang buong kwento ay umikot kung paano nakilala ni Cinderalla ang isang Fairy Godmother na nagbigay sa kaniya ng magandang kasuotan at magandang sapatos upang makadalo sa pagtitipon na isinasagawa sa kaharian ng isang prinsipe.

Kung aalamin natin ang tunay na bahagi ng kwento na ito, naipahatid mabuti ng dalawang magkapatid na lahat ay gagawin ng isang tao, makuha lamang ang kagustuhan nito. Tulad na lamang ng dalawang step sister ni Cinderella, na nagawang putulin ang mga daliri sa paa upang masabing kasya sa kanila ang sapatos na inilibot sa buong bayan.

Ang dalawang magkapatid din ay nabulag dahil sa pagtuka ng isang kalapati sa kanilang mata noong naganap ang kasal ni Cinderalla sa prinsepe. Ang dalawang magkapatid ay nabuhay ng bulag habang buhay.

So nasa linya naman ang kwento, walang pinagbago, binawas lang ang medyo brutal na scene. Sino ba naman gustong makakita ng Disney cartoon tapos pinputol ang daliri sap aa diba.

The Sleeping beauty:

Little Briar-Rose - A Sleeping Beauty Story from the Brothers Grimm

Pumunta naman tayo sa isa sa pinaka maraming bersyon na kwento. Ang Sleeping beauty. Ito ay kwento patungkol sa isang dalagang babae na hindi nagigising. Pero paano nga ba nagging ganito si aurora?

Ayon sa kwentong ipinalabas at ipinaalam ng Disney, ang mag-asawang King Stefan at Queen Leah ay nabiyayaan ng isang anak na babae at pinangalanan nila itong Aurora. Dahil sa matagal nilang hinintay ang anak na ito, ang mga ito ay nagsagawa ng isang malaking pagtitipon at nag-imbita ng tatlong fairy. Ngunit dahil sa hindi pag-imbenta sa isa pang fairy na kinilala bilang si Maleficent isinumpa niya ang batang babae.

Isinumpa niya ang sanggol na babae na kung ito ay umabot na sa ika-labing anim na taon at kung ito ay matusok ng isang karayom. Ang batang babae ay hindi naman mamatay ngunit ito ay makakatulog ng matagal na panahon at isang halik lamang na mula sa tunay na pagmamahal ang makakapagpagising sa dalaga. So, lumipas ang matagal na panahon at dumating ang isang prinsepe na nagbigay sa kaniya ng tunay na halik.

Nagising ito, ikinasal and again, they live happily ever after.

Ang kwento na ito ay hango sa kwento ng magkapatid na Grimms na kanilang pinamagatan na “Little Brier-Rose”. Ang kwento na ito ay nagkaroon ng maraming bersyon na mula sa iba’t ibang mga manunulat. Ayon sa kwento na mula sa magkapatid na Grimm, noong nagkaroon ng anak ang hari at ang reyna nagsagawa ito ng pagtitipon.

Hindi ito malaking pagtitipon ngunit pili lamang ang bisita na inimbitahan ng mag-asawa. Mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, ilang kakilala at ang ilang mga wise women o sabihin na nating mga mangkukulam. Ang mga bisita ay binuo ng labin tatlong tao, ngunit dahil sa nakulangan ng isang gintong plato sa kanilang tahanan, kailangan nilang magbawas ng isang bisita.

Katulad na lamang ng nasa palabas, hindi naimbitahan ang isa sa mga babae, dahil dito ay nagalit ang babaeng ito. Isinumpa nito ang sanggol na sa pagdating labin limang taon ng kanyang buhay, matutusok ito ng isang karayom at mamatay. Ang kwento ng Grimm brothers makikitaan ng halos walang pagbabago, ngunit ang kwento na ito ay nagkaron ng mga ilang bahagi na inilabas ng iba pang manunulat. Umabot ng halos 410 na klase nang kwento mayroon ang kwentong ito.

Ayon sa ilang bahagi, ang prinsesa ay pinasamantalahan muna ng hari na liligtas sa kanya. Yes you heard me right. Ni rape si Aurora. Dahil sa pagsasamantala sa dalaga, ito ay nagsilang ng kambal at nagising ito hindi dahil sa halik, ngunit dahil sa pagsipsip ng kanyang isang anak sa kanyang darili. Pero ang hari na ito ay mayroon nang asawa na namumuhay sa kastilyo. Noong nalaman ito ng asawa ng hari, nagsinungaling ang asawang babae kay Aurora na gustong makita ng hari ang kanyang dalawang anak at dalhin ito sa kaharian.

Ngunit hindi alam ni Aurora na nagpaplanong lutuin at patayin ng babae ang kanyang dalawang anak. Pero nalaman ito ng hari at ang asawa niyang nakatira sa kaharian ay kanyang ipinasunog kasama pa ang ibang taong nagtraydor mula sa kanya. Doon ay kinupkop niya si Aurora at nabuhay ng masaya. Well para sa akin hindi ito happy ending. Isa ito sa pinaka masalimuot na fairy tale na na nabasa ko. Imaginine mo pag gising mo may anak ka na tapos kabit ka. Diba?

Bato tayo magpatuloy? Nakasubscribe ka na ba? Kung hind pa magsubscribe ka na at wag mo ring kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga videos.

Princess and the frog:

Paul Friedrich Meyerheim | The Frog Prince (Brothers Grimm) | The ...

Malamang ay alam nyo na ang plot ng Disney film na ito, ang paghalik ng isang prinsesa sa isang palaka upang ito ay maging tao muli. Ang kwento na ito ay hango sa “The Frog King or Iron Heinrich” na isinulat ng Grimm Brothers.

Nabasa na natin ang mga patayan, at madugong katotohan ng ilan sa kwento ng Grimms Brothers, pumunta naman tayo sa isang kwento na hindi naman gaano kabrutal. Ayon sa tunay na kwento, isang malditang prinsesa ang nakakita sa isang palaka, ang palaka na ito ay tumulong sa kaniya upang makuha ang isang mahalagang bagay na lumubog sa lawa.

Ang palaka ay nakipag kasundo sa prinsesa na kung kukunin niya ang bagay na iyon, ito ay magiging asawa niya at dadalhin ito sa kaharian. Dahil sa hindi naman talaga kagustuhan ng prinsesa na mahalin at maging asawa ang isang palaka, tumakbo ito ng mabilis upang makatas sa maliit na nilalang na ito. Ngunit hindi nagtagal, nagbalik sa pagiging tao ang palaka na ito at nagging asawa ito ng prinsesa.

Noon din ay sinundo siya ng kanyang tapat na tagapaglingkod na kinilala bilang si Heinrich, ang puso nito ay balot ng tatlong bakal na siyang inilagay ni Heinrich dahil sa lubos na kalulngkutan. Untii -unti itong nasisira at natatanggal dahil sa kasiyahan. Ang kwento na ito ang isa sa pinaka maayos na istorya na maaring ikuwento sa isang normal na bata.

Kung nasira ko man ang inyong pananaw sa mga Disney princess pasensya na pero ito ay historical truth. Hindi ito kwentong barbero. Although mas maganda pa rin ang kwento ng Disney para sa mga bata.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://germanstories.vcu.edu/grimm/frog.html
  2. http://www.pitt.edu/~dash/grimm.html
  3. https://en.wikipedia.org/wiki/Sleeping_Beauty#Grimm_Brothers’_version
  4. http://www.pitt.edu/~dash/grimm050.html
  5. https://en.wikipedia.org/wiki/Sleeping_Beauty_(1959_film)#Plot
  6. http://www.pitt.edu/~dash/grimm021.html
  7. https://en.wikipedia.org/wiki/Tangled
  8. http://www.pitt.edu/~dash/grimm053.html
  9. https://en.wikipedia.org/wiki/Snow_White_and_the_Seven_Dwarfs_(1937_film)#Plot
  10. https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Disney_animated_films_based_on_fairy_tales
  11. https://disney.fandom.com/wiki/The_Brothers_Grimm
  12. http://www.pitt.edu/~dash/grimm.html
  13. http://mural.uv.es/anllori/grimmbrothers.htm

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit pag umiinom tayo ng alcoholic beverages o alak panay ang pag-ihi?

Bakit asul ang dagat?