Ang Kwento ni Vlad Tepes

Reading Time: 13 minutes

Ang kwento ni Dracula ay nuong sinauna pa, panigurado naman pamilyar kayo kay vlad the impaler. Ayon sa mga kwento, sya daw ang kauna unahang bampira.

So Count dracul ay posibleng fictional character lamang na lumalabas madalas kapag papasok na ang halloween. Pero si Vlad Tepes ay totoong tao, although hindi sya katulad ni count dracule albeit mas worst pa si vlad tepes.

Tara mga boss, tuklasin natin ang history ng tinuguriang vlad the impaler.

History:

Si Vlad Tepes ay ang pangalawang anak ni vlad dracul na namuno sa wallachia nuong 1436. Si Vlad Tepes ay pinanganak sa central region ng Romania na kilala na nga natin bilang transylvania. Pero hindi kagaya ng nakagisnan natin na si dracula ay nalilink sa transylvania, bagkus wala syang pag-aari dito. Ang Bran castle ay kadalasang nililink kay tepes pero sa katunayan hindi sya nanirahan dito.

So papaanong nalink ang Bran’s castle? Well, ang kastilyo ay nasa bundok at kadalasan natatakpan ng hamog. Sa unang tingin pa lang nakakatakot na ito, kaya naman nabansagan iuto builang dracula’s castle. Pero hindi nanirahan si Tepes dito let alone nakatapak sa kastilyong ito.

Ang tatay ni Tepes, si Vlad dracul ay residente ng sighisoara sa may transylvania, although residente ang kanyang ama, hindi pa konklusibo kung dito nga niluwal si tepes. Posible ding pinanganak sya sa Targoviste kung saan ang kanyang ama ay namumuno.

At the age of 12, si Tepes at ang kanyang kapatid na lalaki ay nakulong sa turkey. Nagkaroon ng invasion ang ottoman pero hindi sumuporta ang hukbo ni Dracul dito. Pinatawag ng ottoman Sultan si vlad dracul na pumunta sa gallipoli para ipakita ang loyalty nito. Sinamahan naman sya ng kanyang dalawang anak, si tepes at si Radu. Subalit nuong dumating sila sa gallipolli, kinulong silang tatlo.

Pinakawalan ang kanilang ama bago matapos ang taon pero ang dalawa nitong anak ay nanatili sa piitan para masigurado ng sultan na hindi na tataliwas pa si dracul. Pinakawalaan din ang mga bata matapos maging tapat ni Dracul.

Order of the Dragon:

Nuong 1431, si King Sigismund ng hungary, na naging holy roman emperor din kalaunan ay iupinasok ang tatay ni tepes na si Vlad III sa knightly order at ito ang order of the dragon. Dahil dito, nagkaroon sya ng panibagong apelyido. Dracul.

Ang Dracul ay mula sa sinaunang romanian ng salitang dragon, o drac. Ang kanyang anak, si vlad tepes, ay nakilala bilang son of dracul, o sa sinaunang romania Draculea at dito na nga nabuo ang salitang dracula.

Ayon sa librong sinulat ni Elizabeth Miller na Dracula, sense and nonsense. Si Bram Stoker ay nakabasa ng libro tungon sa Wallachia. Naistruck si Stoker sa salitang Dracula at nilagay nya sa kanyang notes na ang ibig sabihin nito ay Devil. Therefore, si SToker ang nagugnay sa salitang dracula at demonyo.

Pero mga boss, hindi alam ni Stoker na si Vlad un ha. Dahil sa librong binasa nya, wala ang pangalan ni Vlad III o Vlad Tepes.

Naiugnay lang ang Dracula at Vlad III nuong 1972 kung saan si Radu Florescu na isang historian ay nagpublish ng librong, in search of dracula. Dito nya pinakilala ang connection ni Vlad III at Dracula.

Teka nawala na taoy sa order of the dragon. Ayun nga ang order of the dragon ay mayroong isang layunin lamang kaya binuo ito. Ito ay talunin ang mga turkish, o ottoman empire.

Prince:

Nuong Si Tepes at ang kanyang kapatid ay nasa Ottoman, ang kanyang ama ay nakikipaglaban bilang hari ng wallachia subalit hindi ito nagwagi. 1447, si Vlad Dracul at ang nakatatandang kapatid ni Tepes ay pinaslang.

Isang taon matapos nito, sinubukang bawiin ni Tepes ang trono mula sa bagong pinuno nito na si Vladislav 2nd. Napasakamay nya naman ang tagumpay sa tulong ng mga ottoman governors at isa pa wala din si vladislav nuon.

Subalit, saglit lamang ang pagkapanalo nit Tepes dahil 2 buwan matapos nito ay bumalik si Vladislav 2nd at kinuha muli ang trono sa tulong ng mga hunyadi.

Simula 1448 habnggang 1456 pinaniniwalaan na si Tepes ay palipat lipat ng panig sa gyera ng ottoman at hungarian.

Nuong dumating ang taong 1453, bumagsak ang constantinople at handa na ang ottoman na sakupin ang buong europa. Sa pagkakataong ito, si Tepes ay nasolidify na ang pagka anti ottoman nya, by the year 1456, ginawa syang military leader ng Wallachia at ang una nyang kautusan ay wag magbayad sa ottoman sultan.

Impaler:

Ang pagkabrutal ni Vlad Tepes ay well documented sa mga historical text. Pero ang madalas hindi makita ay ang kanyang pagiging mautak, kumbaga ginagamit nya ang kanyang pagkabrutal para matakot ang kanyang mga kalaban.

Halimbawa na lang, ang preferred exuction method nya ang impalement. Hindi lang sya saddistic at torture, isa rin itong panakot sa mga kalaban na makakita sa sinapit ng isang tao, sympre nga naman bilang kawal iisipin mo na pag nahuli ka ganun din ang sasapitin mo.

Nuong 1462, ang Sultan ay sinimulang sakupin ang Wallachia. Nuong dumating ang hukbo nito sa Targoviste, wala silang natagpuan kahit isa dito, isang disyertong lungsod ang kanilang nadatnan, walang buhay na tao. Ang naabutan nya lang ay ang mga nabubulok na bangkay ng kanyang mga kawal na nakatusok sa isang sibat. Pero hindi nagpatakot ang emperor dito.

Mautak talaga si Tepes, dahil nuong nagpapahinga ang mga kawal ni mehmet, si Tepes at ang mga kawal nito ay nagsuot ng mga uniporme ng ottoman. Ang kanilang plano ay atakihin ang sultan at patayin habang natutulog. Pero hindi sila nagtagumpay dito. Gayunpaman, gumawa ito ng napakatinding dagok sa mga ottoman, dahil sa ginawa ni tepes at ng mga kawal nito, marami sa kawal ni mehmet ay namatay dahil inatake sila ng kapwa nila ottoman sympre nga naman di nila alam baka traydor din ang kaharap nila.

Ayon sa kwento, Gumawa si tepes ng isang handaan at inimbitahan nito ang mga nobleman para dumalo. Daan daang nobleman ang nagpunta. Hindi alam ng mga bisitang ito na iyon na ang kanilang katapusan dahil agad na pumasok ang mga kawal ni Tepes at inimpale ang mga ito. Ito raw ay dahil sa pagttraydor ng mga ito sa kanyang ama. Pero ang kwentong ito ay walang historical evidence, ito ay mga kwento kwento lamang at least dito sa part ng mga nobleman.

Nuong 1456, maraming inimpale na saxon merchants sa Kronstadt si Tepes. Hindi lang yan, same year, isang grupo ng ottoman ang humingi ng audience kay tepes pero hindi nila tinanggal ang kanilang mga turban dahil ito daw ay sagrado sa kanila. Natuwa naman si tepes sa kanilang debosyon kaya’t sinugrado nito na hindi na mattanggal ang kanilang turban sa kanilang mga ulo. In short mga boss, pinako ni Tepes ang mga turban sa kanilang mga ulo. And yes this is historically acurate.

Cruelty:

Nuong nalalapit na ang pagkatalo ni Tepes, na pwersa itong umatras sa labanan. Lahat ng madadaanan nitong mga baryo na kanyang nasasakupan ay sinusunog nya. Nang sa gayon ang mga Turks ay walang lugar na mapapagpahingahaan at mabilis na mapapagod.

Hindi nya lang sinusunog ang mga baryo, nilalason pa nito ang mga balon para kapag uminom ang mga turks ay unti unti silang mamatay.

Just to be clear mga boss, ang dalawang nabanggit historically acurate, ginawa talaga ito ni tepes. Habang ang mga sumunod ay possibly stories lamang.

Hindi lang naman impalement ang parusa ni Tepes, although yun ang pinakapaborito nya. Meron din syang pinakuluang tao. Yes mga boss, as in niluto talaga. Strikto si Tepes sa kanyang lugar, isang gypsy ang nagnakaw sa lupain ni Tepes nuong naglalakbay ito. Nuong nalaman ito ni Tepes, pinahuli nya ang grupo at ang taong nagnakaw ay pinakuluan nito ng buhay. Matapos kumulo ay pinakain nya ito sa mga kagrupo nito.

But wait there’s more. Hindi na lingid sa atin na nuong panahon, mahirap magamot ang isang maysakit. Para kay tepes, kailangan nyang linisin ang kanyang nasasakupan kaya’t inimbita nya ang mga may sakit at pulubi sa isang salo salo. Naghanda talaga si Tepes ng mga pagkain at nuong matapos ng kumain ang mga dumalo, nagpaalam naman ng maayos si Tepes. Pero paglayo nito sa lugar, agad nya itong pinasilaban.

Takot na takot ang mga tao kay Tepes, ayon pa sa isang kwento. Naglagay daw ito ng isang cup na gawa sa ginto sa gitna ng lungsod. Lahat pwedeng gamitin ito kapag iinom pero hindi ito dapat mawala kung saan ito nilagay. Mayroong humigit kumulang 60,000 katao ang naninirahan sa lungsod at wala ni isang gumalaw sa nasabing cup kahit na ilang libo rito ay puro mahihirap.

Although mga boss, most of these are probably stories, meaning mga kwento kwento lang, walang patunay. In fact he was even hailed as hero nuong 19th century. May mga literature na nagkwkwento ng kanyang heroic fight for freedom laban sa mga turks. Posible na isa syang tyrant pero ang mga ibang kwento kagaya ng sinunog nya ang mga maysakit ay posibleng peke at gawa gawa lang para mas lalong sumama ang kanyang imahe.

Death:

August 1462, Kahit anong talino at brutal nya, hindi nya natakot at natalo ang sultan. Si Tepes ay kinulong ng ilang taon at nagkaroon ng asawa at dalawang anak.

Ang kanyang nakababatang kapatid na si Radu, na umanib sa mga ottoman ay naging pinuno ng Wallachia matapos makulong ni Tepes. 3 taon matapos nito, ang kanyang kapatid ay namatay at ilan sa mga nobleman at mga kilalang mga tao ay gustong ibalik si Tepes sa pamumuno. Sympre, ang mga ottoman ay hindi ito pinayagan.

Nuong nakalaya si Tepes, sinubukan nitong kuhanin ang Wallachia sa tulong ng pinuno ng Moldavia. NAkuha naman nito ang tagumpay pero kagaya ng naunang laban nito, hindi rin nagtagal ang swerte sa kanyang panig dahil nuong nakipaglaban muli ito sa mga ottoman, naambushed sila at ang mga kawal nito at si Vlad ay pinatay.

Although merong version na kesyo bumalikwas daw ang mga kawal nito at binenta sya dahil sa kanyang kasamaan. Ayon pa sa kwento, pinugot ang ulo ni Tepes at dinala sa sultan kung saan tinuhog ito sa isang sibat at nilagay sa labas ng kanyang palasyo.

Ayon sa mga kwento, ang katawan ni Dracula ay nilibing sa Snagov Monastery sa bucharest. May ibang nagsasabi na wala naman daw talaga ang katawan ni Tepes duon nuong kanilang hukayin. Ayon naman sa ibang historian, posibleng ang bangkay ni Tepes ay nasa monasteryo ng comana sa pagitan ng bucharest at danube kung saan mas malapit ito sa lugar kung san namatay si Tepes.

Although si Tepes ay hindi kayang magtransform bilang paniki, talo nya naman si Dracula pag dating sa execution. Ito mga boss ang kwento ni Vlad the impaler.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nanganganak ba ang Kisses

ID2020