Ang kwento ng Pandoras box

Reading Time: 10 minutes

Ang kwento ng pandora ay sinauna pa. Isang babae ang aksidenteng napakawalaan ang kasamaan sa mundo. Pero an nga ba ang lumabas sa pandora’s box, oo alam nating kasamaan pero ano ito exactly? Sino bang nakakaalam sa kung ano ang nasa loob ng pandora’s box? at sino si pandora? isa ba syang babae na nacurious lamang sa ginawa ng diyos?

Ang kwento ni pandora ay paulit ulit na nating narinig, isang moral story kung saan ang pagiging mausisa ay hindi mabuti.

Ayon sa Greek Literature na Bibliotheca at hyginus, si pandora ay nagkaraon ng anak at pinangalanan itong Pyrrha, o fire. Si Pyrrha ang kaunaunahang bata na nagmula sa isang mortal na babae. You see mya boss si Pandora ang first mortal woman ng greek.

History:

Ayon sa kwento, si pandora ang unang babae sa mundo. Nuong ninakaw ni prometheus ang apoy mula sa mga diyos para ibigay sa mga tao, pinarusahan ni zeus si prometheus sa pamamagitan ng pag kadena nito sa isang bato hhabang ang mga ibon ay tinutuka ang kanyang atay, pero hindi pa sapat na parusa yun para kay zeus.

Kaya’t inutusan ni zeus ang isa pang diyos na si Hephaestus na gumawa ng isang babae mula sa putik. Nang magawa na si pandora, ang ibang mga diyos ay binigyan sya ng regalo bago sya ipadala sa lupa para gawin ang kanyang trabaho.

Si pandora ay pinadala sa lupa para maging asawa ni Epimetheus, ang kapatid ni prometheus. Dala dala ni Pandora ang isang bagay nuong bumaba ito mula sa langit, isang garapon na punong puno ng kasamaan ng mundo. May ibang version naman na nagsasabing kinasal muna sila pandora at epimetheus at saka pinadala ni zeus ang pithos o ung pandora’s box bilang wedding figt.

Pero sympre, hindi sinabi ni Zeus kay pandora kung anong nasa loob nito. Basta sinabi lang ni zeus na wag na wag tong bubuksan at ibigay ang susi sa kanyang asawa.

Kung iispin ninyo parang ang labo naman bakit di na lang binigay ni zeus kay epimetheus ang garapon bakit kinakailangan si pandora pa? you see mga boss, hindi lingin sa kaalaman ni epimetheus ang hidwaan ng kanyang kapatid at ni zeus kaya hinding hindi tatanggap ng kahit ano si epimetheus kapag si zeus ang nagbigay.

In fact binalaan sya ni prometheus na wag tatanggap ng kahit anong regalo mula kay zeus. Kaya lang mahina si epimetheus at nabighani sa kagandahan ni pandora. Nabalewala lahat ng bilin ng kanyang kapatid.

Si Epimetheus ang may hawak sa susi ng pandora’s box. Sinubukan itong hingiin ni pandora pero kahit anong pagmamakaawa ni pandora, hindi ito binibigay ni epimetheus. Sympre nacurious ang babae sa kung ano talagang meron sa garapon o box na un, lalo na’t pinagbabawalang buksan. Isang araw, habang natutulog si epimetheus, dahan dahan nitong kinuha ang susi at binuksan ang box o garpon.

Dito na nga kumawala ang kasamaan sa mundo.

Box o Jar:

Ang box ay isang malaking garapon o pithos sa lengwahe ng greek. Kadalasan tong giangamit bilang storage ng wine, oil grain at iba pang mga pagkain. Dito rin nilalagay ang taong namatay bago ilibing.

Ang mistranslation ay nangyari nuong 16th century kung saan si Erasmus, sinulat ang kwento ni pandora sa latin. Subalit isang pagkakamali ang nailathala dahil ang pithos na salita ay napalitan ng pyxis meaning box. Medyo naibi din ang kwento dahil sa storya ni erasmus sa libro nyang adagia, si epimetheus ang nagbukas ng pandora’s box.

Ayan ha, klaro tayo, ang totoong translation ay jar hindi box. Kaya dapat pandora’s jar. Pero kung logically natin iisipin, mas may sense ang box kasi nga naman may susi.

Pandora’s Traits:

Kahit na ginawa sya sa layunin na parusahan ang sangkatauhan, si Pandora ay binigya ng mga magagandang katangian ng mga diyos. Kaya’t ang translation ng kanyang pangalan ay “all-gifts”. Si Aphrodite binigyan sya ng femininity, si athena naman tinuruan syang magcraft habang si Hermes ay tinuruan syang maging matigas ang ulo at maging mausisa.

Sympre alam naman natin kung bakit nilagay ni Hermes ang katangian na yon.

Contents:

Ang kasamaan na ito ay ang mga salot, sakit, pagkainggit, krime to put it simply, lahat ng naiisip mong masama galing sa pandora’s box. Lahat ng yan ay aprang maliliit na insekto na lumipad ng buksan ni pandora ang garapon. Sinubukan ni pandora na isarado ito dahil natakot sya sa biglang naglabasan.

Ayon sa mga ibang versions ng kwento, naiwan ang isa sa pinakamahalaga… ang pag-asa.

Wala pang konkretong eksplenasyon kung bakit nilagay ni zeus ang pagasa o si elpis sa sandamakmak na kasamaan. Isa sa mga paliwanag ay si zeus ay hindi naman masama kaya nilagay nya ang pag-asa dito. Ang isa namang dahilan ay alam ni zeus na isasarado ni pandora ang box kaya’t nilagay nya ang pag-asa dahil alam nyang mahuhuli ito sa paglabas, indikasyon na gustong pahirapan ni zeus ang mga tao at magsilbing tanda na wag syang kakalabanin.

Pero merong ibang version kuing saan ang nakalagay sa loob ng box ay mga blessings at nuong binuksan ito ni pandora, nakawala lahat at ang nahuli lamang nito ay ang hope o pagasa.

Pandora and Eve:

Si Pandora at si Eve ay may pagkakahalintulad. Bawat isa ay ang unang babae sa bawat kwento. At ang kwento ay mula sa masaganang mundo kung saan walang problema, at nuong dumating sila, dito na nagkaroon ng malaking pagbabago.

In fact hindi na iba ang ganitong interpretasyon lalo na nuong renaissance times. Si Jean Cousin the elder ay pinanta ang Eva Prima Pandora o Eve the first pandora nuong 1550. Mkikita na pinagsama ang attributes ni eve at pandora sa painting kung saan ang kanang siko nito ay nakalagay sa isang bungo, indikasyon na ito ay nagdadala ng kamatayan, may hawak hawak din itong sanga ng mansanas, isang attribute ni eve. ang kanyang kaliwang kamay ay mayroong nakapalupot na ahas, isang reference sa temptasyon ni eba at makikita rin dito ang isang Jar, ang reference kay pandora.

Kung parehas man silang gumawa ng pinagbabawal, meron naman silang pagkakaiba. Dahil si Eba ay ginawa ng panginoon para tulungan si adan habang si pandora naman ay ginawa para maging parusa ng sangkatauhan.

Matriarchy to Patriarchy:

Ang kilalang kwento tungkol kay pandora ay ang gawa ni Hesiod. Sa kanyang librong Works and days, binigyan nya ng monicker ang pangalan ni pandora na all gifted.

Subalit, merong mga vase bago pa ilabas ni hesiod ang kanyang literature kung saan pinapakita si pandora.

Si Pandora ay tinawag na Anesidora which means all giving or sender of gifts. Ang anesidora ay tawag sa iba ring diyos kagaya nila Gaea at Demeter so ibig sabihin si Pandora ay isa ring diyos, again ito ay prior sa panahon ni hesiod.

Ayon sa isang vase, dating back 5th century before common era, si Pandora ay isang embodiment of fertility at may kakayahang magbigay ng mga prutas para sa sangkatauhan.

So papaanong ang isang gift giving goddess ay naging mortal woman? Well ayon sa iba, walang ideya si Hesiod sa mythology ni Pandora ng isulat nya ito sa kanyang literature, therefore nagkaroon sya ng sariling interpretasyon sa nasabing diyosa.

Pero may iba naman na naniniwala na aware si hesiod sa kwento ni pandora. Dahil meron itong statemeng kung saan si athena at ang seasons ay nagpadala ng wreaths of grass ito ung mga pabilog na ornament mga boss kasama nito ay mga spring flowers para kay pandora. Indikasyon na si hesiod ay alam ang orihinal na kwento ni pandora.

Isang dahilan kung bakit iniba ni hesiod ang kwento ay dahil sa matriarchy. Ang matriarchy mga boss ay ang mga babae ang mas may kapangyarihan sa isang organisasyon. Kaya’t ang life bringing goddess na si pandora ay naging death bringing human. Para ang female power ay mapalitan ng male dominancy.

Pinapakita rin nito ang paglaglag ng kababaihan sa kapangyarihan.

Feminist interpretation:

Ayon naman sa modern feminist literary, ang pandora’s box ay ang sinapupunan ng mga kababaehan. At ang pandora’s box ang naglalabas ng mga kasamaan dito sa ating mundo. Indikasyon na sila ay hindi palagay sa phallocentric culture na namamayagpag sa iba’t ibang bansa.

Sa panahon natin ngayon pagsinabing pandora’s box, ibig sabihin isa itong metaphor kung saan pag tayo ay tumuloy sa ating pinaplano, hindi natin alam kung anong mangyayari, hindi natin alam sa kung anong posibleng maging katapusan ng ating sinimulan.

Hanggang dito na lang muna mga boss. Sana ay may natutunan kayong bagong impormasyon sa video na ito.

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Venom Types

First Blackhole Image