Ang Ilog Pasig

Reading Time: 7 minutes

Ang pasig river ang nagkokonekta sa Laguna Bay papuntang Manila bay at ito ay may sukat na 25 kilometers at may laki na nag aaverage ng 91 meters samantalang ang lalim naman nito ay 0.5 hanggang 5.5 meters.

Ang average na lalim nito ay may sukat na 1.3 meters at ang lokasyon ng Guadalupe at c6 Bridge ay may lalim na 4.5 meters.

Ang Pasig river ay dinaraanan ang 5 bayan, Taguig, Pasig, Makita, Mandaluyon at manila, pati na rin ang munisipalidad ng taytay. Samantalang ang ilog ay mayroong 4 major tributaries o yung sanga ng ilog, ito ay ang Marikina, Pateros-Taguig, Naoindan at San Juan at ang 43 minor tributaries naman nito ay kadalasan nasa manila matatagpuan.

Bridges

Alam nyo ba nuong spanish period, meron lamang 3 tulay na nakatayo sa ilog pasig? Ito ay ang Puente Grande o Puente de Espana na syang kumukunekta sa Intramuros at binondo, Puente de Colgante, isang hanging bridge na nagkokonekta sa baybayin sa timog at quiapo at Puente De ayala na nagkokoneta sa San Miguel at ermita.

Sa ngayon meron nang 16 na tulay na nakatayo sa Pasig River, Ito ay Napindan, Arsenio Jimenez, Bambang, C-5 Road Bridge, Guadalupe Bridge, Rockwell Bridge, Makati-Mandaluyong Boundary Bridge, Lambingan Bridge Padre Zamora (Pandacan) Bridge, Mabini Bridge (formerly Nagtahan Bridge), Ayala Bridge, Quezon Bridge (na pumalit sa Puente del Colgante), LRT-1 bridge (mainly part of the raised tracks), MacArthur Bridge, Jones Bridge (na pumalit sa Puente de España), and, huling huli na nagdudugtong sa bibig ng Manila Bay, Roxas Bridge (formerly Del Pan Bridge).

Songs

Ang kantang Mutya ng pasig ay kinompost ni Nicanor Abelardo at ang lyrics naman ay mula kay Deogracias Rosario. Si Ableardo ay nainspire na gumawa ng kanta matapos ang isang carnival sa pasig nuong 1926. Napagdesisyunan nya na gamitan ang isang lumang style na tinatawag na kumintang.

Isang pelikula rin ang nirelease na may parehong title nuong 1950 na sya naman dinerect ng kanyang pinsan na si Richard Abelardo.

Words

Ang salitang taga ilog ay tumutukoy sa mga taong nakatira malapit sa ilog. Mga pilipino na nakatira malapit sa ilog pasig. Mas nakilala ang mga ito sa tawag na tagalog.

Animals

Ang ilog pasig nuon ay pinamumugaran ng mga buwaya, ang iba inakala na kwento kwento lang ito para matakot ang mga bata pero sila ay totoo, sa katunayan, nilathala pa to ni rizel sa kanyang libro.

Mayroon ding isang lugar sa pasig na tinatawag na buwayang bato. Ayon sa alamat, may isa raw napakalaking buwaya na umatake sa isang tsinong kristiano at nang akmang kakainin nya na ito, nagdasal ito at humingi ng tulong kay San Nicolas de tolentino.

Houses

Ang bantog na bahay na malapit sa Pasig river, sympre walang iba kundi ang malacanyang palace. Ang villa ay pagmamay-ari nuon ng isang spanish businessman na si Luis Rocha. Ang villa na ito ay naging summer residence ng governer general of the philippines at naging opisyal nyang tirahan nuong matapos ang isang lindol nuong 1863 na syang sumira sa palacio del gobernador sa intramuros.

Clean

Matapos ang 2nd world war, ang populasyon ng maynila ay lumubo at nagsimula na ang construction ng mga ibat ibang straktura malapit sa ilog pasig. Dito nagsimula ang kontaminasyon. Wala rin mga economic activities nuon, walang maintenance at seguridad. Dahil na din sa maraming isda ang ilog pasig, maraming mga informal settlers o ung mga skwater ang tumira malapit dito. Habang ang mga malalaking factories naman ay diretso sa ilog pasig ang kanilang mga dumi.

Ang paglago ng industriya ang isa sa naging malaking factor sa pagkakapollute ng ilog pasig. Nuon, hindi ito pinansin ng mga tao, kasi nga naman hindi pa nila nararamdaman. Ang iba dito na rin nagtatapon ng mga basura nila. Nuong 1930, ang mga dumadayo mula sa laguna de bay ay paunti ng paunti hanggang sa nakita na nga nila na marumi na ang pasig river.

30 taon matapos nito, huminto na rin ang mga maliliit na bangka na naglalayag dito at hindi na rin naglalaba ang mga tao sa pasig river.

Nuong 1970, dito na nagsimulang bumaho ang pasig river. isang dekada matapos nito, ang pangingisda ay hininto na dahil na din sa polusyon na dala ng pasig river na baka ang mga isdang ito ang maging dahilan pa ng kanilang pagkakasawi.

1990, diniklara na biological dead na ang ilog pasig. Wala ng isda o halamang nabubuhay dito.

Sabi ng mga matatanda nuon daw malinis ang pasig river at naiinom pa ito. Well, medyo may kakaunting pagbabago dito, oo ang pasig river ay medyo malinis, hindi talagang malinis na malinis kasi ang dumi at mga lumot nuon ay inaanod din papunta sa dagat at isa pa ang ilog nuon ay labahan at paliguan din. Nuon bago mainom ang tubig sa ilog pasig, nilalagyan nila ito ng molasses bago ibenta.

Nuong ang 19th Century, ang pilipinas ay naging bukas sa world trade. Ang Pasig river ay ang sentro ng kalakaran ng pilipinas. Sa katunayan nagtayo ng isang customs sa intramuros na pinangalanang aduana at sumunod ay sa san nicolas. Nagtayo din ng isang lighthouse sa bibig ng ilog.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Papaano bang gawin ang Astral Projection?

My way killer song – Urban Legend