Ang haponesa na nagligtas ng napakaraming buhay ng pilipino

Tayo ay mayroong ediya kung ano ang nangyari sa mga Pilipino noong nagaganap ang Second World War. Pagpapahirap, pagpatay at kung ano-ano pang pang-aabuso ang ginawa ng mga Hapon sa mga Pilipino noon.

Kung ating babalikan ang nakaraan, marami pa tayong hindi alam. Hindi natin alam kung sino ba talaga ang nagbuwis ng buhay, sino ang nagbigay ng serbisyo. Oo alam natin ang mga kilalang tao pero karamihan sa mga nagbuwis ng buhay ay halos hindi natin kilala. Kung sila man ay nakasulat sa isang aklat, sobrang kakaunting beses lang sinabi ang kanilang pangalan.

Hindi man natin alam at kilala ang lahat ng taong gumawa nito, maari pa din natin alalahanin ang ilan sa kanila. Tulad na lamang ni Masuda Almazan. Ang babaeng siyang kinikilalang nagligtas ng ilang daan buhay ng mga Filipino noong nagaganap ang Second World War.

Masue Masuda Almazan:

The Japanese Woman Who Saved Hundreds of Filipinos During WWII - FilipiKnow

Ayon sa Esquiremag, Kung ang West ay mayroong kinikilalang Chiune Sugihara na isang Japanese diplomat na siyang tumulong sa halos anim na libong Jews upang makatakas sa Europe. Ang East o ang Pilipinas naman ay mayroong kinikilalang Masue “Masay” Masuda-Almazan.

Isang purong hapon na babae na siyang nagligats sa buhay ng napakaraming Pilipinong bihag ng kanyang mga kalahi noong second world war. Ang babaeng ito ay ibinuwis ang kanyang buhay upang matulungan ang mga Pilipino mula sa kamay ng kanyang mga kalahi.

Kung ating kikilalanin si Masay, ito ay anak ng isang tinderong hapon. Dahil sa trabaho ng kanyang mga magulang, ito ay lumaki sa Perth, Autralia at sa Nagasaki, Japan. Bago maganap ang Second World War, mula Japan, ang mag-anak ay lumipat sa Davao, sa Pilipinas at dito nakilala ni Masay ang kanyang asawa na kinilalang si Vicente Almazan. Pinaniniwalaan na ang kanyang asawa ay isang guro na nagtuturo sa local na paaralan.

Ang kaniyang maganda at masayang pamumuhay ay nagwakas noong sinimulang sakupin at sugudin ng mga Hapon ang Pilipinas noong Second World War. Noong nagsimula ang giyera, si Masay kasama ang kanyang asawa at walong anak ay lumipat sa Zambales.

Ngunit sa kasamaang palad, dahil nga ang kanyang pamilya ay kalahating Hapon at ang kanyang asawa naman ay purong Pilipino. Ang kanyang asawa ay nabaril sa pagitan ng mga Guerilla at ng mga Hapon noong 1942. Ayon sa ilang mga historian, kung ang babaeng si Masay ay mahina ang loob at madaling mawalan ng pag-asa, ang kanyang gagawin sa pagkamatay ng kanyang asawa ay ang paghihiganti sa mga Filipino at mga Hapon na nakabaril dito.

Ngunit ang babaeng ito ay gumawa ng isang bagay na hindi inaasahan ng mga Historian.

Helping Filipino:

Japanese Translator Saved Hundreds of Filipino Prisoners in WWII

Ayon sa mga historian, si Masay ay fluent sa pagsasalita ng Ilocano, Ingles at Nihongo, marunong din ito mgasalita ng taglog ngunit kakunti lamang. Dahil dito, kinuha ito ng mga Hapon bilang maging isang interpreter. Ito ay napunta sa San Narciso garrison upang makausap ang mga Filipino.

Dahil nga ang kinikilalang Kempeitai ‘s o ang mga Japanese military police ay mahina at halos walang alam sa ibang lengwahe, ito ang siyang nagbigay ng liwanag kay Masay upang makatulong sa mga bilanggong Pilipino. Si Masay ang siyang kumakausap sa mga bilanggong napaparausahan at pinapahirapan ng mga Hapon, inaasahan ng mga Hapon na malaki ang maitutulong sa kanila ni Masay, ngunit ang hindi nila alam ay sa Filipino ito pumapanig.

Mula sa pagbibigay ng magandang dahilan upang mapakawalan ang mga Filipino. Ang mga Hapon ay kanyang naloko upang mapakawalan ang mga manlalaban na mga Filipino at makauwi sa kanilang mga pamilya.

Ang ilan pa sa natulungan ni Masay ay ang ilang mga miyembro ng Guerilla, tulad na lamang ni Modesto Tadena Ferdivila na dalawamput isang taong gulang na nahuli at nakapila na upang patayin ng mga Hapon. Sa tulong ni Masay, ito ay nakalaya at nakabalik sa mga Guerilla.

Muntikan pa itong mapigil dahil sa kanyang ama na nahuli dahil sa curfew. Noong ito ay nahuli ng kapwa Hapon, nakita sa bulsa nito ang isang sulat na nakalathala sa salitang Ilocano. Doon ay nagsimulang magduda ang mga Hapon sa kanilang pamilya.

Ngunit sa tulong muli ni Masay, ipinaliwang niyang ang sulat ay isa lamang liham ng pag-ibig at ang kanyang ama ay kanyang nailigtas. Dahil sa kanyang katapangan, maraming Filipino ang siyang gumalang sa kanyang ginawa, bukod pa dito ay hindi niya pinabayaan ang kanyang walong anak.

Pinaniniwalaan na noong natalo na nang mga Americano ang mga Hapon, doon nagsimulang bumawi ang taong natulungan ni Masay. Isa na dito si Ricardo Aguirre, na siyang tumulong sa pamilya ni Masay upang makapunta sa barrio ng Sta.Cruzan.

Doon ay nais man niyang hanggang sa huli ay magbigay ng suporta sa kaniyang mga kalahi, pinili nito ang Pilipinas at hindi pina-anyayahan ang imbitasyon na ibinigay ng mga Hapon na magtago sa Olongapo at Subic.

Dahil nga alam nito ang ugali ng kanyang mga kalahi na mga Hapon, mas pipiliin pa nyang mamatay, kesa mabuhay sa kahihiyan mula sa kanilang pagkabilanggo. Noon ngang nanalo na ang mga Americano sa giyera ay ang huling salitang nabanggit ni Masay habang nakikita niyang tumatakas ang kanyang mga kababayan ay

Ay-ay pay daguiti cailiac ken cacabsatco…matay da ngata aminen! Caasiac unay ida!” (My poor, poor brothers and countrymen! They are all going to die! Oh, I pity them!)”

Matapos ng lahat ay nakapamuhay ng magandang buhay ang pamilya ni Masay. Kinilala din itong bilang Nanay Masay ng mga Filipino at ang kanyang buhay ay natapos dahil sa sakit na Tuberculosis noong January ,1953.

Ngayon ay nakilala natin ang isang babaeng naglakas ng loob na ipagtanggol ang bayan na hindi niya kinagisnan, ngunit ang bayan na nagbigay sa kanya ng magandang pamilya at magandang buhay.

Dahil sa kanyang tapang,marami man ang namatay,nakapagligtas pa din ito ng buhay ng daan daang buhay ng mga Filipino.Kahit na kakaunti lamang ang nakakaalala kay Masay,hindi malilimutan ng mga tao noon,mga pamilya,apo at mga kamag-anak ang ginawa ng babaeng si Masay.

Tunay ngang walang sa lahi at pinagmulan ang pagkilala sa tama at mali. Kung nais pumanig ng isang tao sa hindi nya kaparehas, balewala kung anong lahi ang kaniyang tinutulungan. Ang mahalaga ay nakapag ligtas ito ng buhay ng napakaraming tao at nakatulog ito sa bayan na tumanggap sa kaniya.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/3DEH-wC5hb4

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang dahilan kung bakit haunted ang Kings Park Psychiatric Center

Ang mga piloto ng japan na nagbuwis ng buhay