Ang hapon na sobrang loyal sa bansa nya kahit tapos na ang giyera ay nagtatago pa rin sa mga pinoy

Lahat tayo ay mayroong iba’t ibang pagpapakita ng katapatan sa ating bayan. Ang iba ay nagbubuwis ng buhay, ang iba ay sumusugod at ang iba naman ay katulad ng kinikilalang si Hiroo Onoda. Ang lalaking nagpakita ng kakaibang katapatan sa kanyang bansa at nanatiling buhay sa loob ng kabundukan at nagmamanman lamang sa kanyang paligid.

Halina at ating kilalanin si Hiroo Onoda.

Hiroo Onoda:

Hiroo Onoda - Wikipedia

Si Onoda ay halos dalawampung taon lamang noong ito ay nagtrabaho sa isang trading company mula sa China at doon ay tinawag siya ng kanyang bansa upang sumama sa army. Ito ay ipinanganak sa Kainan Japan taong 1922.

Matapos niyang makapasa sa mga eksaminasyon, agad nitong iniwan ang kanyang trabaho at umuwi sa kanyang bansang sinilanagan noong 1942. Pinaniniwalaan na habang ito ay isang trainee, si Onoda ay napiling maging parte ng Imperial Army intelligence school. Sa eskwelahan na ito, sila ay tuturuan kung paano gawin ang tinatawag na Guerilla warfare.

Iniwan niya ang Japan upang sumama sa Sugi Brigade sa Lubang Island dito sa Pilipinas. Noong ito ay makarating sa Pilipinas, inatasan itong pamunuan at pangunahan ang Lubang Garrison para sa Guerilla warfare. Ang kanilang division commander ay nag-utos na kahit anong mang-yari, huwag tatapusin ang sariling buhay. Kahit na sila ay nahihrapan, kailangan nilang tulungan ang kanilang sarili at magpatuloy sa buhay.

Malakas ang loob ni Onoda na sundin ang utos ng kanilang commander. Umatake ang grupo ni Onoda at plinano nilang sirain ang Lubang airfield, subalit ang kanilang grupo at hukbo ay patuloy na umuunti dahil sa sagupaan na nangyayari. Ang kanilang commander ay iniwan na lamang ang mga Hapon na patuloy na lumalaban. Di kalaunan, ang mga natirang mga Japanese soldier ay naghiwa-hiwalay at bawat isang grupo ay nagtataglay ng apat na kalalakihan.

Ito ay sina Private Yuichi Akatsu na 22 years old, Private Kinshichi Kozuka na 24 years old, at Corporal Shoichi Shimada na isang 30 years old. Nakita ng grupo ang mga leaflets na nagsasabing ang giyera ay tapos na. Ngunit sa takot nilang baka isa lamang itong patibong, ang mga ito ay hindi naniwala sa kanilang nakita.

Sila ay nagtago ng napakatagal na panahon. Lumipas ang ilang taon, ang isa sa kanila ay nagdesisyong lumabas noong 1949 at iniwan ang kanyang mga kasama. Ang dalawa pa nilang kasama na sina Shimada at Kozuka ay namatay naman noong 1954 at 1972.

Hiding in the Woods:

Meet Hiroo Onoda, The Soldier Who Kept Fighting World War II Until 1974

Ang pinaka pormal na pagsuko ng mga Hapon ay nangyari sa Tokyo noong September 2,1945. Ito ay matapos pasabugin ang dalawang atomic bomb sa kanilang bansa at ito ang naging dahilan upang ang mga ito ay sumuko na sa kanilang sinimulan na pagsugod.

Ayon naman sa Emperor noon ng Japan na si Hirohito, tinawag niya ang mga Hapon na “Endure the Endurable”, dahilan upang marami sa kanyang mga tao ang nasa hukay sa pagtatanggol sa kanilang bansa.

Doon nga natapos ang World War II, ngunit ang nag-iisang lieutenant ng Imperial Japanese na si Onoda ay nanatili sa Pilipinas ng halos dalawamput siyam na taon. Ang gobyerno nga ng Japan ay gumastos upang mahanap ang ilang mga taong nasa loob pa ng Pilipinas na silang nagtatago at natatakot lumabas.

Pinaniniwalaan na noong 1974, isang college dropout na kinilalang si Norio Suzuki ang siyang pumunta sa Pilipinas upang hanapin si Onoda. Maging ang kanyang mga pamilya ay gumamit pa ng panawagan at mga dropped leaflets upang maipalaama sa kay Onoda na tapos na ang giyera.

Doon ay natagpuan niya ito at ipinaalam na tapos na ang giyera at kailangan na nilang umuwi. Ngunit si Onoda ay hindi sumunod at nagsabi na siyay uuwi lamang kung ang mismong commander niya ang nagpa-uwi sa kaniya.

Doon ay muling bumalik sa Japan ang binata at kinausap ang commander ni Onoda na si Major Taniguchi na isa nang bookseller noong panahon na iyon. March 29,1974 noong si Taniguchi ay pumunta ng Pilipinas at kinita si Onoda, upang sabihin na ang laban ay tapos na at kailangan na nilang umuwi sa kanilang bansa.

Dito na nga napauwi si Onoda. Suot pa ang kanyang uniforme noong ito ay nakikipaglaban sa mga Americano at mga Pilipino. Doon ay nalaman na nabuhay ito sa pagnanakaw, sa pagtatago, self denial na ang giyer ay hindi pa tapos at ang pagpapatuloy na maging loyal sa kaniyang bansa na tiniis nitong magtago at bantayan ang kalangitan sa mga dadating pang pag-atake na magaganap.

Dito niya ginampanan nya ang kanyang trabaho at pagseserbisyo sa kanyang bansa. Noong ito ay nakalabas na sa kagubatan, dito niya nakilala ang bagong presidente ng America na si Richard M. Nixon.

Pumunta ito sa Manila nuong sya’y limangput dalawa at nakipag kita sa preseidente noon na si Ferdinand Marcos. Dito ay pormal niyang isinauli ang kanyang Samurai sword. Ibinalik ito ni Marcos sa kaniya at pinatawad ito sa lahat ng pagnanakaw at kung ano pa man ang kanyang nagawa. Pinaniniwalaan nga na ito ay nagnanakaw ng mga bigas, saging at mga baka upang mabuhay.

May ilang paniniwala din na ito ay pumapatay ng mga nakikita niyang mga Filipino.

Si onada ay nabubuhay pa din sa nakaraan. Ayon nga sa ilang mga interview sa matanadang si Onoda, ito ay hindi mapakali noong ito ay makauwi sa kaniyang tahanan. Ang kanyang mga magulang nga ay inakala na matagal na itong namatay.

Noong ito ay makabalik sa kanilang bansa, nakatanggap ito ng isang Hero’s welcome. Libo-libong mga onlookers ang siyang sumulubong dito. Maging ang Prime minister ng Japan noon na si Kakuei Tanaka ay nagbigay ng celebratory message kay Onoda,

“The air of a heavenly hero will prove awesome through a thousand autumns.”

Maging ang Japanese ambassador sa Pilipinas ay kinilala ito bilang “paragon of the Japanese soldier” dahil sa kanyang kakaibang katapatan na ipinakita sa kanyang bayan.

Noong ito ay makabalik sa kanyang buhay, sya ay nakapangasawa ng isang 33 year old hostess mula sa Tokyo. Ang dalawa ay nanahan sa isang rancho sa Brazil at bumalik sa Japan noong 1984.

Doon ay nagtayo ng eskwelahan si Onoda upang magturo ng survival skill sa kanyang mga magiging estudyante. Taong 2001 noong ito ay mamatay sa edad na 91.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/E6OqZxhIYHM

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mayroong lost island ang pilipinas? Saan ito matatagpuan?

Leshy