Ang halimaw na kumain kay odin – FENRIR

Reading Time: 10 minutes

, ang ating ididscuss ngayon ay ang pamosong lobo. Ang tanging halimaw na nakatalo kay odin. Walang iba kundi si Fenrir. Malamang iilan sa inyo narinig na ang halimaw na ito ang iba naman nakita na sa mga video games pero kakaunti lang ang nakakaalam ng kanyang istorya.

 

Parents / Siblings:

 

Bago natin idiscuss ang istorya ni Fenrir alamin muna natin ang kanyang mga magulang. Marami sa atin kilala na kung sino ang tatay ni Fenrir pero sa mga ibang hindi pa nakakaalam, ito  si loki. Habang ang kanyang nanay naman ay si Angbroda. Quick overview lang . Si Angrboda ay ang nanay ng mga wolves, sya rin ang leader ng wolfclan ng Iron Wood at karmihan sa mga anak niyo ay mga werewolf giants.

Pero iba ang anak nito kay loki, mas malakas, mas malaki at mas wild kumpara sa iba nitong anak.

Si Fenrir ay mayroong 2 kapatid at sya ang pinakapanganay, si Hel na isang babae na pinamamahalaan ang lugar ng mga patay at ang lalaki nyang kapatid na pinangalanang Jörmungandr ay kilala sa tawag na midgar serpent na pinadalasa ilalim ng tubig at mananatili dito hanggang sa katapusan.

Pinaniniwalaan na ang 3 anak ni loki ay ang evil forces ng norse mythology pero iba si Fenrir. Yes , hindi sya talagang masama, well ieexplain ko yan later on.

 

Story:

 

Alam ni Odin na ang mga anak ni Loki ay mapanganib kaya naman lagi nya itong pinababantayan. Binigay nya ang trabahong ito sa kanyang 2 uwak na sina Huginn at Muninn. Ang dalawang uwak na ito ay laging bumabalik kay odin tuwing kakain na ng hapunan sa valhalla kaya nalalaman ni Odin ang nangyayari sa mga anak ni Loki.

Hindi nila matanggap na wala silang kontrol sa mga ito dahil na din sa delikado sila. Ang mga diyos ng norse nuon ay gustong patayin ang tatlo dahil ito ang pinaka best way para mawala ang mga ito. Ayaw ng mga diyos nuon na malasok ang asgard dahil sa mga anak ni Loki subalit wala silang magawa dahil ang pagpatay ay pinagbabawal sa asgard. Kaya wala silang ibang choice kundi ibind o icontain ang nasabing tatlong nilalang.

Kaya nagdesisyon si odin na si Hel ay ipadala sa niflheim habang si Kormungand naman ay itapon sa kailaliman ng dagat at dahil nga si fenrir ay pinakadelikado sa lahat dinala ito ni Odin sa Asgard para lagi itong nababataya dahil natatakot ang mga diyos nuon na kapag lumaki ito magiging threat ito sa asgard.

At nangyari na nga angkinatatakutan nila. Si Fenrir ay lumaki ng lumaki at naging jotunn na. Pause po muna, para po sa mga hindi pamilyar, ang jotunn po ay synonym sa higante.

Dahil nga lumalaki na ito at an alarming rate, para maprotektahan ang Asgard ay kailangan nilang icontain si Fenrir. 3 beses sinubukan icontain si fenrir. Ang unang una ay ang leyding, sinabi ng mga ito na subukan ni fenrir ang kanyang lakas. Clearly sinusubukan nilang itrick si fenrir dahil na din takot sila dito. Tiningnan ito ni Fenrir at alam nyang kayang kaya nya itong wasakin kaya pumayag sya sa gusto ng mga ito. Isang sipa lang ni Fenrir ay natanggal kaagad ang pagkakatali. Ang mga diyos gumawa ng pangalawang binding at pinangalananan itong Dromi. Katulad ng dati kinausap nila si fenrir na subukan ang lakas nito laban sa dromi at kapag nasira ito ni fenrir makikilala ang kanyang kalakasan sa buong asgard. Tiningnan ni Fenrir ang dromi, alam nyang malakas ito pero alam nya rin sa sarili nya na lumakas sya simula nuong unang attempt kaya pinayagan nya muli ang mga ito na ilagay ang dromi.

Subalit ito ay nawasak muli ni fenrir. Pero medyo nahirapan ng kakaunti si fenrir dito dahil kailangan nyang ipagpag ang sarili nya at sipain ng malakas ang dromi para mawasak, sa sobrang lakas ng sipa nito, ang dromi ay tumalsik ng malayo. Si Fenrir ay napakalakas pero meron pang isang alas ang mga diyos ng asgard, ang huling baraha nila para mabind si fenrir. Ang mga dwarves.

Si Odin pinadala ang alalay ni frey na si Skirnir sa lugar ng mga dwarfs. Dito binagay ng mga dwarves ang Gleipnir. Ito ang huling attempt ng mga diyos ng asgard para ibind si fenrir. Ang Gleipnir ay gawa mula sa mga pinakamatigas at pinakamahirap hanapin na materyales kahit sa mundo ng asgard, ito ay ang mga tunog ng pusang naglalakad, ang ugat ng kabundukan, ang balbas ng babae, ang litid ng oso, ang hininga ng isda, at ang laway ng ibon.

Ang Gleipnir ay malambot, madulas at magaan na parang isang ribbon. Nagsumamo muli sila kay fenrir at ipinakita ang gleipner. Hindi lang malakas si fenrir, mautak din ito. Tiningnan nya ang gleipner at sinabi nyang hindi sya magkakaroon ng mataas na reputasyon kung sisirain nya ang manipis na tali at kung ito naman ay gawa sa mahika, hindi nya papahintulutan itali ito sa kanyang mga paa.

Ayaw ni fenrir na makipagdeal sa mga diyos ng asgard subalit para hinid makwestyon ang kanyang tapang, papayag sya, sa isang kundisyon. Kailangan isa sa kanila ang maglagay ng kanyang kamay sa bibig ni fenrir. Lahat ng mga nanduon ay takot na ilagay ang kanilang kamay sa halimaw na si fenrir subalit ang diyos ng law and justice na si Tyr ay walang takot na nilagay ang kanyang kanang kamay sa bibig ni fenrir. Napapayag na nila si fenrir at nuong sinubukan nitong magpipiglas para makatakas sa gleipner, hindi ito nasira, bagkus para itong ahas na kapag mas lalong nagpupumiglas, mas lalong tumitigas ang tali.

Nuong nakita na nila na si fenrir ay hindi na makatakas, nilagay ng mga ito ang tali sa isang stone slab at binaon sa ilalim ng lupa. Si fenrir nagalit at nagwala, sinubukan nyang sagpangin ang mga diyos pero dahil nga sya ay binded, ang mga ito ay madaling nasaksak ang isang espada sa kanyang bibig. Umalulong si fenrir at ang mga laway ay nagkalat sa kanyang bibig. Ang laway ni fenrir ang naging ilong ng Van. Hindi pinatay si fenrir ng mga diyos dahil ayaw nilang mabahiran ng dugo ng lobo ang kanilang lugar kahit na si fenrir ay kasama sa prophecy na papatay kay odin.

 

Fullfilling the Propecy:

 

Hindi naman habang buhay ang pagkakabind ni fenrir dahil sya nga ang papatay kay odin. Ayon sa mythology ang mga anak ni fenrir ang tumulong sa kanyang makalaya, nuong kinain ng mga ito ang buwan ar araw, ang mga bituin ay nawala sa alapaap, ang mundo ay aalog ng sobrang lakas, ang mga puno ay magsisibungkal, ang mga bundok ay magsisitumba at lahat ng mga tali ay mawawasak. Dito makakatakas si Fenrir at lalabanan si Odin. Hinarap ni Odin si Fenrir at dahil na din sa galit at paghihiganti, kinain ni Fenrir ng buo si Odin. Habang ang anak nitong si vidarr ang nagpatulot ng laban ng kanyang tatay, Sinipa nya ang bibig ni fenrir at hinawakan ng ang bibig nito at sabay pinilas.

 

Meaning:

 

Ayan  ang istorya ni Fenrir, pero wala ba kayong napapansin? Siguro kung naabsorb ninyo ang istorya ni Fenrir, magtataka kayo, wala namang ginagawa si Fenrir na masama in fact cooperative pa sya. Kinuha sya nuong bata pa lamang sya at nilayo sa kanyang mga kamag-anak para bantayan at palakihin, ang masaklap dito, hindi sya tinurin na kaparehas ng mga diyos duon bagkus tinurin syang isang nagbabadyang panganib.

Dahil lang sa proepsiya kaya natatakot si odin at ginawa nya ang tama para sa kanya pero  posible din na kaya nagkatotoo ang propesiya ay dahil sa ginawa ni Odin dahil malamang kung hindi nya binind is Fenrir ay hindi ito magagalit at maghihimagsik sa mga diyos ng asgard.

Isa pa , si fenrir ay isang wolf, ano ba ang nature ng wolf hindi ba nasa wild sila? Hindi lahat ng nasa nature ay masaya kagaya ng mga iniisip ng iba sa atin. Nakakatakot ang kalikasan kung tutuusin, anjan na ang predator at prey ang mga patayan para makasurvive. Let’s consider the life of a wolf, sure masasama ang mga ito sa paningin ng ibang mga magsasaka lalo na sa US dahil kinakain nito ang mga tupa at iba pang mga alaga ng mga tao pati na rin ang kanilang mga anak ay delakado din. Pero kasalanan ba talaga ito ng mga wolf? Hindi ba ginagawa lang nila ang kanilang makakaya para mabuhay? What i am pointing at? si Fenrir ay isang wolf at nasa mindset na ng mga tao na ang wolf ay masasama at delikado kapag nakatagpo sila nito.

Para sa akin , si Fenrir ay hindi masama sadyang hindi lang sya binigyan ng pagkakataon na maramdaman ang pagmamahal ng mga diyos ng asgard, bagkus ang pinaramdam sa kanya ay takot at paghihiganti.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Area 51 – The History

Rattlesnake