Ang Devil’s Triangle ng Pilipinas

Reading Time: 10 minutes

Ang Bermuda triangle ay kilalin sa tawag na devils triangle dahil ang mga ibang dumaraan sa lugar na ito ay bigla na lamang nawawala sa radar at kapag hinanap ito ay wala namang indikasyon na ito ay nagcrash o lumubog. Dahil dito naging popular sa mga naglalayag at mga piloto ang bermuda triangle. Pero hindi yan ang tatalakayin natin ngayon, meron lang kahalintulad. Dahil dito sa atin meron din tayong tinatawag na devils triangle at ito nga ang pamosong romblon triangle.

Lokasyon:.

Ang Romblon triangle ay nasa pagitan ng Mindoro, Dos Hermanas at sibuyan islands sa romblon Province. Tinawag din itong EDSA ng dagat dahil dito kadalasang naglalayag ang mga barko o bangka papunta sa visayas o mindanao.

Ang isla ay pinangalan ding Marble capital of the philippines dahil sa dami mg marmol nito at pati na rin magagandang beach at tanawin.

Nuong World war 2, ang romblon ay naging warzone din. Dito naganap ang Battle of Sibuyan sea nuong October 24 1944. Maraming namatay sa salpukan ng allied at imperial navy at isa na dito ang musashi, isang malaking battleship.

Nagsimula ang kababalaghan nuong 1980 kung saan lumubog ang MV don juan ng gabi ng April 22 1980. Di umano nakakita daw ang kapitan ng isang ghost shop at sinubukang iwasan ito at sumalpok sa maliit na oil tanker.

Urban Legend:

Isang barko ang gawa sa ginto na pagala gala tuwing gabi sa rehiyon ng romblon. Dahil ginto, kapag naliliwanagan ito ng ilaw ng buwan ay talaga namang kumikinang ito. Kahit sa malayo ay kitang kita ang nasabing barko. Ayon sa mga witness, ang nakasakay daw sa barkong ito ay mga mapuputing tao.

Bago pa magsalpukan ang M/V don juan at M/T tacloban, ayon sa mga ilang pasahero, nakita nila ang barko ni lolo amang. Nakita rin ito ng kapitan ng MV don juan kaya sinubukan nya itong iwasan at sa kasamaang palad sumalpok sa MT tacloban.

Ayon sa mga lokal ang isla kung saan naroon ang mt. cayatong ay ang tirahan ni Amang. Pinagbabawalan ng mga matatanda ang mga taong pumupunta dito basta basta. Kailangan muna nilang mag-alay at kailangan tanggapin ito ni lolo amang.

Ayon din sa ibang kwento, ang romblon triangle ay isang sumpang lugar. Sinumpa daw umano ito ng mga sirena. Kaya bago dumaan ang isang barko dito, kailangan nyang mag-alay muna bago maglayag.

True Events:

Battle of Sibuyan:

October 24 1944, around 8 am nuon, ang Japanese center force ng admiral kurita ay nakitang pumasok sa sibuyan sea. Nuong mga oras na yon, mayroon lamang 3 grupo na pwedeng humarang sa center force at ang nasa pinakamagandang posisyon ay ang Gerald F. Bogan;s task group subalit ito ang pinaka mahina sa 3. 10:30 ng umaga, ang mga eroplano ng intrepid at cabot mula sa bogan’s task group ay inatake ang Nagato, Yamato at Musashi. Dahil sa atake, ang Myoko, isa sa mga 10 heavy cruiser ng japan ay tinamaan ng matindi. Matapos nito, umataki ulit ang allied forces, ang tinarget nila ay ang musashi. Matapos ang sunod sunod na atake ay napalubog nila ito.

MV Don Juan:

April 22 1980, mag aalauna ng haponn. Ang mv don juan ay punong puno na ng pasaher. Meron itong 1000 passengers. Alas dos ng hapon umalis ito mula manila north harbor at papunta sanang Bacolod City. Kilala ang MV Don juan dahil sa bilis nito, kaya nitong lakbayin mula manila hanggang bacolod ng 18 hanggang 19 na oras naman hindi katulad ng ibang barko na inaabot ng isang araw.

Normal naman ang lahat masaya, maayos. Nuong dumating 10:30, karamihan sa mga pasahero tulog na samantalang ang iba nanonood ng banda. Biglan narinig nila ang isang malakas na tunog. Isang Oil Tanker ang sumalpok sa kanila. Nagiwan ang MT Tacloban ng isang malaking butas dahilan ng pagkakalubog ng MV Don Juan.

MV Dona Paz:

December 20 1987, ang MV dona paz at ang MT vector ay nagsalpukan sa may tablas, malapit sa marinduke. Nasa 4000 na katao ang namatay sa disgrasya. Dahil sa dami ng nasawi, binansagan itong Asia’s Titanic.

Ang MV Dona ay galing tacloban nuon at papuntang manila habang ang MT vector naman ay mula sa bataan papuntang masbate. Ayon sa mga report, ang Dona Paz aywalang radio nuong araw na yon. Dagdag pa ng isang survivor, tahimik naman ang gabi pero ang alon ay malakas.

Ang MT vector ay madalang 8,800 US barrels of gasoline and other petroleum products kaya naman agad itong umapoy at agad ding kumalat sa mv dona paz. Sa kasamaang palad, ang mga life jackets ng barko ay mga nakalock kaya walang nagawa ang mga pasahero kundi tumalon sa dagat. Hindi lang yan, ang dagat ng tablas ay pinamamahayan din ng mga pating.

Ang Dona paz ay lumubog 2 oras matapos nitong sumalpok habang ang vector naman ay 4 na oras.

MV Princess of the stars:

Ang MV Princessof the stars na pag mamay-ari ng slpicio lines ay umalis sa manila nuong June 20 2008 papuntag cebu. Nuong panahong iyon ay naglandfall na ang bagyong frank sa samar island. Pero dahil malaki naman ang barko, pinayagan itong lumayag.

Subalit nagiba ng direksyon ang bagyo at dahil dito naging mapanganib para sa mga naglalayag. Nuong June 21, ang barko ay nagpadala ng distress signal subalit hindi na ito makontak pa. Ang mayor ng san fernando na si Nanette Tansingco ay nagpadala nuon ng speedboat para kumpirmahin ang lagay ng princess of the stars. Dito napag-alan na ang barko ay may malaking butas at papalubog na. Marami ring natagpuang mga patay na katawan sa paligid.

Ayon sa mga nakasurvive, hindi nag malfunction ang barko. Sadyang hindi lang nito kinaya ang hampas ng malalakas na alon dahil na din sa bagyo. Ang trahedyang ito ay kumital ng 814 na buhay.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Alden Alag, mayroong 40 trahedya ang napapaloob sa loob ng romblon triangle.

Conclusion:

Dito na naman tayo sa parte na ito mga boss. Hindi masamang maniwala na dito sa atin ay meron ding devils triangle pero meron nga ba mga boss?

#1
Pagkumparahin muna natin ang bermuda at romblon, kung tutuusin malayong malayo ito sa bermuda triangle. Sa bermuda triangle, ang mga barko o eroplano, nawawala. Dito sa romblon, hindi sila nawawala, ay…. teka… nawawala pala sila kasi lumulubog na sa kailaliman ng dagat pero nagets nyo na siguro ang point ko.

#2
Pumunta tayo kay lolo amang muna. Gaano katotoo ang istoryang ito? Nagresearch ako, andami kong binuksan na website pero wala akong makitang origins ni lolo amang, kesyo meron daw itong gintong barko. Naiisip ko, teka…. parang katulad ito ng flying dutchman ah.

Sa totoo lang pati ang GMA sinubukan itong tuklasin, nag-antay sila pero walang gintong barkong lumabas. In short, ang istoryang ito ay malaking imahinasyon lamang. Pwede ring gawa-gawa ng ibang tao para meron silang butas kapag sila ay madidisgrasya. Isa pang malaking kwestiyon sa akin ay saan galing ang gintong barko? i mean, siguro mas kapani paniwala pag barko lang pero gintong kulay? parang sobra naman na ata. Napag-alaman ko din na si lolo amang ay kilalang kilala sa romblon, sa katunayan may ibang tao na nanghihingi ng alay para kay lolo amang.

#3
Binansagan itong Edsa, ano bang marami sa edsa? mga sasakyan diba? ganun din dito sa romblon triangle. Kapag maraming sasakyan, hindi maiiwasan ang disgrasya. Hindi porket maraming na disgrasya sa daanan na iyon ay lalapatan na agad ng isang sumpang lugar kuno.

#4
Isa isahin natin ang mga kilalang pangyayaring nabanggit, ang battle of sibuyan, alam natin na walang kakaiba dito, sadyang giyera lang nuon at nagkataon na duon nagtagpo ang magkabilnag panig.

Ang MV don juan, dalawang barko ang nagsalpukan. Maaaring ang isa ay hindi nakita ang nasa harapan nito. Ganun din ang nangyari sa dona paz pero sa dona paz alam natin na wala itong komunikasyon kaya hindi na nakailag pa. Kumbaga, hindi nya alam na merong oil tanker na malapit sa kanya. Ang MV princess of the stars, walang bumunggo dito pero alam natin ang dahilan. Isang bagyo. Hindi nito kinaya ang hagupit ng alon.

Kung titingnan mo, walang kakaiba sa mga disgrasyang ito. Kung hindi malfunction, human error o di naman kaya dahil sa bagyo.

Ayan mga boss ang aking opinyon kung bakit ang urban legend na ito ay isa lamang kwento kwento at hindi dapat paniwalaan. Gusto ko lang ipaalala mga boss, hindi ko pinpilit ang opinyon ko sa inyo, may kanya kanya tayong opinyon. Kayo, naniniwala ba kayo na totoo ang Romblon triangle?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ilang taon na nga ba ang Great Sphinx?

Mermaids