Ang Demonyong Popobawa

Reading Time: 6 minutes

Ang popobawa ay isang demonyo na kilalang kilala sa zanzibar. Isa ito sa mga traydor na nilalang na naglalakad sa mundong ibabaw. Subalit, wala naman nakakaalam dito maliban sa tanzania. Sa totoo lang, ngayon ko lang din ito narinig.

Ayon sa alamat, ang hindi maniwala sa popobawa ay makakaranas ng nakakilabot na kapalaran. Ang mga lokal ay naniniwala dito at ikwinento ang kanilang mga paniniwala tungkol sa nilalang na ito.

Ang popobawa ay ang nagiisang cryptid na umaatake sa mga hindi naniniwala dito. Kapag nalaman ng popobawa na hindi ito naniniwala sa kanya, ang popobawa ay papasok sa bahay ng nasabing biktima at gagawa ng karumaldumal na gawain.

Ang popobawa ay di umano ang dahilan ng mass hysteria na kumalat mula sa pemba hangang sa unguja nuong 1995. Lahat ng nasa zanzibar ay apektado nuong umatakake ang shapeshifting bat creature na umaatake sa mga lalaki. Isa-isa, inatake nito ang mga lokal at lahat sila isa lang ang sinasabi, inatake sila ng misteryosong nilalang sa kanilang panaginip.

Di nagtagal ang mga mamayan ay natulog sa labas para maiwasan ang pagatake ng nasabing nilalang. Dahil dito nagkaroon ng mass hysteria at pinaniniwalaan na isang batang lalaki na may sakit ang nagtatago sa nasabing demonyo. Matapos bawian ng buhay ang bata, ang panic ng mga tao ay unti unting nawala.

Ang pagkalat ng balita nuon tungkol sa popobawa ay nataon pa ng eleksyon. Ang eleksyon nuong 1995. Ayon kay Ben Rawlence, isang author at researcher ng human rights watch. Anu’t ano pa man ang nangyari nuon, ang kinalabasan ng eleksyon ay pagdedebatihan.

Nuong 2000, ang eleksyon ay parang isang bangungot. Kaya naman ito ay kinansel, inulot at binoycott ng kabilang panig. Habang ang popobawa naman ay nabibigay ng presensy sa eleksyon na ito. Kung sabagay, ang demonyo ay nagpapakita kapag ang mga tao ay nagkakagulo.

Sa lengwahe ng swahili, ang ibig sabihin ng popobawa ay bat wing. Ayon sa mga report ang popobawa daw ay isang napakalaking paniki pero hindi ibig sabihin na ito lang ang kanyang anyo. Ang popobawa ay isang demonic shapeshifter, kaya nitong magbagong anyo mapa tao o hayop. Gayunpaman, mas gusto nitong manirahan sa hindi nakikita ng mga tao.

Dahil na rin sa pabagobago ng anyo, hindi mo malalaman kung ang popobawa ba ay sinusundan ka na. Pero merong isang way para malaman ito. Ayon sa mga report ang demonyong ito ay nagdadala ng sulfuric odor at kadalasan sinusundan ng usok kapag nagpapakita.

Hindi naman ganito lagi. Pero kapag nakaamoy ka ng sulfur sa loob ng iyong bahay mas magandang umalis ka nalang muna at matulog sa ibang lugar.

Ang popobawa ay umaatake tuwing gabi, minsan nagsisimula ito sa simpleng pag-atake sa gabi na maaaring lumabas sa karaniwang pag-uugali ng poltergeist. Gayunpaman, ang pinakamasaklap na atake nito ay ang pinapalobo nito ang ari ng lalaki o babae na kanyang inatake. Pag gising ng biktima, makakaramdam ito ng sobrang sakit.

Ayon sa paniniwala, ang popobawa ay umaatake lamang sa loob ng bahay. Kaya kapag natulog ka sa labas, hindi ka nito maatake.

Hindi lang naman sa gabi nagpapakita ang popobawa pero kadalasan ng atake nito ay tuwing gabi habang ang biktima ay natutulog. Kadalasan ding inaatake nito ay ang mga lalaki pero may mga report din na inatake nito ang mga babae at mga bata. Pinaniniwalaan din na lahat ng nasa bahay ay inaatake nito kahit na isang tao lang ang hindi naniniwala dito.

Kapag bumisita ka sa zanzibar at natulog sa loob ng iyong kwarto, posibleng atakihin ka ng nasabing demonyo. Kadalasan ang popobawa ay uupo sa iyong dibdib, katulad ng mga shadow people, pipigilan ka nitong mkatayo. Pero hindi lang basta basta uupo ito at titigan ka na lang, ang demonyong ito ay uupo sayo pabigat ng pabigat hanggang sa madurog ang iyong katawan.

Ang mga taong naatake ng popobawa ay nagsabi na nahihirapan silang huminga at naramdaman nila na para bang nabali ang buto ng ribs nila nuong umupo ito sa kanilang dibdib.

Pinaniniwalaan ng mga lokal na kapag inatake ka ng popobawa, dapat mo itong ikwento sa mga kakilala mo. Dahil ayon sa kanila, kapag ikwinento mo ito, ang pagkakahawak sayo ng popobawa ay unti unting bibitaw.

Sa mundo ng mga demonyo, ang popobawa ay bago lang sa mundo ng supernatuiral. Ang nakapagpakilala dito ay nuong 1995. Pero ang pinakaunang kwento na naglathala ukol sa popobawa ay nuong 70’s. Pinaniniwalaan ng mga tao na ang popobawa ay isang jinn na pinakawalan ng isang pinuno ng isang tribo para maghiganti sa karatig tribu nito.

Katulad ng mga ibang storya, ang sheikh o ung pinunon ng tribo ay nawalan ng kontrol sa jinn at nakalaya dito. Ang kwentong ito ay umaayon sa mga reports na di umano ang popobawa ay may dalang garapon na puno umano ng medisinang may mahika.

Sa mga mata ng taong hindi naniniwala, ang popobawa ay katulad lang ng mga shadowmen na inaatake ang mga tao sa pamamagitan ng sleep paralysis at ang matandang mangkukulam ng scandinavian folklore.

Ayon sa isang report ng mass attack ng popobawa nuong 1995, nangyari ito sa kanyang panaginip. Ayon sa kanya, hindi nya alam ang nangyayari sa kanya, gusto nyang sumigaw pero walang boses na lumalabas.

Ang pangyayaring ito ay isang indikasyon ng sleep paralysis.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mga Taong Umakyat sa Bakod ng Zoo

Nakakasama ba talaga ang vape?