Ang dahilan kung bakit tumatalon ang mga aso sa tulay

Nakarinig kana ba ang isang asong nagpakamatay? well, hindi nagsaksak at uminom ng lason ngunit tumatalon mula sa isang lugar. Ang ilan nga ay naniniwala na maging ang mga hayop ay nadedepress o nalulungkot din at ito ang dahilan ng kanilang pagpapakamatay.

Kung mayroong kinikilalang suicide forest na siyang pinupuntahan ng mga tao sa Japan upang magpakamatay, mayroon din matatawag na Suicide spot for dogs na matatagpuan sa isang lugar.

Ito ang tinatawag na Overtoun Bridge.

Alamin natin kung ano nga ba ang nangyayari sa tulay na ito at kung ano ang dahilan ng mga pagpapakamatay na naganap sa bahagi na ito.

History:

Mystery of Scotland's 'dog suicide' spot - Why 600 dogs have jumped off Overtoun  Bridge - Daily Record

Matatagpuan sa Scottist city ng Glasgow ang isang 19th century castle, kinikilala ito ng mga mamayan na “Overtoun House”. Sa loob ng halos 160 years, ang lugar na ito ay ginawang lugar para sa mga palabas. Ito ay minsang naging maternity hospital at isang lugar kung saan ginagamot ang mga sundalo na lumaban noong Second World War.

Noong una ay isa lamang itong malaking lupa na siyang pagmamay-ari ng Overtoun at kinilala ito bilang Overtoun Farm. Ang farmhouse nga na ito ay makikita ngayon bilang isang formal garden. Taong 1859 noong ang lugar ay napunta sa pangangalaga ng isang lalaking pinangalanang James White.

Noong ang lalaking ito ay nagretire mula sa kanyang legal practice, di kalaunan ay sinamahan niya ang kanyang ama at tito mula sa chemical manufacturing business na mayroon ang mga ito. Makalipas ang tatlong taon, itinayo niya ang ngayon ay tinatawag na Overtoun House.

Taong 1884 noong mamatay si James, doon ay kinuha ng kanyang anak na kinilalang si John White ang isang landscape designer na si Henry Milner. Ang landscaper na ito ang siyang nagdesensyo sa tulay na nagdudugtong sa Overtoun at sa Garshake.

Taong 1885 noong ang tulay na ito ay mabuo. Mula noon ay naging daanan ito ng mga tao at maging mga hayop na nais tumawid mula sa isang lugar papunta sa kabila. Isa lamang itong simpleng tulay na daanan ng mga tao at mga hayop, ngunit nagkaroon ng mga kakaibang pangyayari upang matawag itong suicide spot ng mga aso.

The Suicide:

Home - Viraly

Ayon sa report, nagsimula ang lahat ng pagpapakamatay noong 1950’s. Makalipas ang 60 years, halos 50 aso na nagpakamatay sa tulay na ito. Naitala ang halos 300 hanggang 600 suicide attempt at ang mga asong ito ay nailigatas mula sa kanilang natamong injury, dahil sa kanilang pagkabagsak.

Pinaniniwalaan na ang iba ay tumatakas mismo sa kanilang mga amo at doon ay pupunta sa tulay upang tumalon. Kung sakaling ang mga ito ay hindi namatay sa unang pagkabagsak, ito ay babalik sa taas hanggang sa ito ay mamatay ng tuluyan.

Ang taas lang naman ng tulay na ito ay aabot ng 50ft. Dahil sa pangyayari na ito, pinangalanan itong “Dog Suicide Bridge”. Hindi lamang ito ang kakaiba ngunit ang ipinagtataka ng mga mamayan ay ang mga aso ay tumatalon lamang sa iisang bahagi ng tulay.

May ilang mga report na nakakapagtaka. Ayon sa ilang amo ng mga aso, matapos nilang dumaan sa tulay, ang kanilang aso ay magbabago ng asal at pilit na kakawala sa kanila upang bumalik sa tulay at doon ay tatalon na mga ito.

Ilang mga imbestigasyon na din ang siyang isinagawa sa lugar upang malaman kung ano ang dahilan kung bakit nga ba tumatalon ang mga aso, ngunit hanggang ngayon ay hindi malinaw ang dahilan ng mga ito.

Ang mga kaganapan na ito ay nagbigay takot sa mga mamayan para sa kanilang mga alaga. Naireport nga na ang mga asong madalas na tumatalon sa tulay ay mga long-nosed breeds tulad na lamang ng German Shepard. Ito ang mga aso na malalakas ang pang-amoy at ginagamit sa paghahanap ng kanilang isang bagay kadalasan mga bomba o mga kontrabando. Dahil sa hindi malaman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ba tumatalon ang mga aso na dumadaan sa lugar na ito, maraming mga teorya ang nagsilabasan.

Theories:

How Learning Theories Affect eLearning? - eLearning Industry

Dahil ang mga residente sa lugar na ito ay naniniwala sa mga kababalaghan. Malakas ang kanilang paniniwala na ito ay may kinalaman sa ibang mga nilalang at iba pang mga nilalang.

Pinaniniwalaan nga na isang White lady ang namamalagi sa Overtoun. Ang pinaniniwalaang white lady na ito ay widow ng ex-estate owner ng lugar na si John White. Hanggang ngayon ay pinaniniwalaan na ang kaluluwa nito ay hindi matahimik sa hindi malaman na dahilan. May ilang mga kwento na nagsasabing nakita nila ang babaeng ito, hindi lamang sa tulay maging sa ibaba ng tulay. Ang ilan ay naniniwala pa na ito ang nagpapasunod sa mga aso para ito ay tumalon.

Naikaibit din ang ancient pagans Celts believe patungkol sa tinatawag na “Thin Places”. Ayon nga sa kasabihan mula sa Celtic,

“Heaven and earth are only 3 feet apart, But in thin places that distance is even shorter.”

Naniniwala nga ang mga ito na ang tinatawag na Thin Places ang siyang boundery ng kalangitan at nang ating mundo, maging ang lugar ng mga kakaibang nilalang. Ang ilang paniniwala na maaring ang mga aso ay naattract sa mga ganitong lugar. Ang mga aso ay maaring naakit lamang upang makapunta sa kabilang bahagi ng mundo.

Ayon nga sa isang manunulat na kinilalang si Paul Owen, ito ay naniniwala din sa tinatawag na Thin Places. Ngunit ang hindi ito naniniwala na ang tulay na Overtoun ay kasama sa thin places.

Bukod pa dito, ang pagpapakamatay ay ikinabait din sa isang nakakabahalang pangyayari na naganap noong 1994. Isang lalaking nagngangalang Kevin Moy edad 32, ang pinaniniwalaang itinapon ang kanyang sanggol na anak sa rail ng tulay at ito ay nagpakilala bilang Anti-Christ.

Pinaniniwalaan na ang kanyang dapat na susunod na gagawin ay ang pagtalon at sundan ang kanyang anak. Pero napigilan ito ng kanyang asawa at dinala sa overtoun house. Dito muli nyang sinubukang magpakatay sa pamimigitan ng paglaslas ng pulso. Dahil dito, tinurnover to sa mga pulis para hindi nya na masaktan pa ang ang kanyang sarili. Ayon sa report, ang lalaki na ito ay hindi pinatawan ng parusa, dahil sa ito ay pinaniniwalaang may sakit sa utak at ito ipinasok na lamang sa State Hospital sa Carstairs.

Ang pangyayari na ito ang ikinakabit hindi lamang sa pagpapakamatay ng mga aso, pati na rin sa pagpapakamatay ng mga batang kalalakihan mula sa tulay noong 2006.

Noong 2005, isang canine psychologist ang pumunta sa Dumbarton upang alamin kung ano nga ba ang natatagong misteryo sa tulay ng Overtoun. Ayon kay Dr.David Sands, noong siya ay pumunta at dumaan sa tulay, nakaramadam sya ng kakaibang pakiramdam.

Doon din ay isinama niya ang 19 year old na aso na siyang nailigtas mula sa kanyang pagpapakamatay. Ayon sa kanyang report, noong ang aso ay makapunta sa lugar na ito,napansin ng doktor ang pagbabago o pagiging aktibo na parang mayroon itong gustong puntahan o hanapin.

Naniniwala ang doktor na ang isa sa mga senses ng aso ay gumagana o nagiging active dahilan upang magpumilit itong kumawala at tumalon sa tulay. Inaral ng doktor kung anong parte ng senses ang siyang gumagana at nagiging aktibo upang maging ganito ang gawain ng aso.

Ang sense of sight ay isinantabi na ng doktor dahil kung ito ang titignan tanging mga halaman na nababalutan ng granite mula sa mga rail ang makikita na siyang abot ng paningin ng aso.

Ang paniniwala ng ilang local, maaring isang tunog mula sa malapit na nuclear base sa Faslane ang posibleng dahilan ng pagtalon. Isa sa mga suspetsa ay ang telephone pylons o ilang nga tunog na nanggagaling sa mga kagamitan mula dito ang siyang naglalabas ng kakaibang tunog na labis na nakakaapekto sa pandinig ng mga hayop, lalo na sa isang aso. Inembistigahan din ang side na ito, ngunit lumabas na walang tunog ang umaabot o kahit kakaibang tunog ang kanilang narinig mula sa tulay.

Pinag-aralan naman ng doktor ang sense of smell ng aso. Nalaman at nakita ng doktor ang mga pugad ng mga squirrel ,mga daga at maging mga mink na nakatira sa ilalim lamang ng tulay. Hindi sa ibaba, ngunit sa ilalim na bahagi lamang ng tulay. Pinaniniwalaan na maaring ang amoy ng mga ito ang naamoy ng mga aso lalo na ang mga cannine dogs na siyang nagiging dahilan ng pagtalon.

Nagsagawa ito ng test gamit ang sampong aso na malalakas ang pang-amoy. Lumabas na 70% sa mga aso ay pumunta ng walang alinlangan sa mismong lugar kung saan naroroon ang mga pugad at wala itong iba pang pinutahan na lugar.

Ang teorya na ito ang pinaka tanggap na ideya dahil sa katunayan ang amoy na inilalabas ng mga mink ay labis na malakas at maaring umabot kahit na 20 feet na ang layo sa mismong pinang-gagalingan nito. Ayon pa sa mga report, ang amoy na nagagawa ng isang mink ay labis na nakakatawag sa atesyon ng mga aso, ngunit ang paulit-ulit na pagtalong ng mga aso hanggang sila ay mamatay ay nanatiling misteryo hanggang ngayon.

Pinaniniwalaan din na ang ang panahon kung saan ang amoy ay mas malakas ang panahon na maraming aso ang tumatalon sa tulay. Dagdag pa dito na noong 1950’s ang taon na pinaniniwalaang nakilala ang mink na naamoy at nakikita sa lugar.

Dahil sa patuloy na pagtalon at pagpapakamatay ng mga aso, ang opisyal ng lugar ay naglagay na nang isang babala sa mga taong nagdadala ng aso sa kanilang tulay. Dapat nilang hawakan itong mabuti mula sa pagkakatali, upang maiwasan ang mga aksidente.

Ayon sa pag-aaral ng mga doktor, ang mga aso ay nadedepressed din tulad ng tao, ngunit ang depression na ito ay hindi mapapa-isip na kitilin ang kanilang buhay. Ang utak ng isang aso ay hindi naiintindihan ang konsepto ng buhay at pagkamatay.

Lumabas sa pag-aaral na ang utak ng isang aso ay gumagana tulad lamang ng utak ng isang 2 o 2.5 year old na bata. Ang mga ganitong edad ay wala pang alam patungkol sa pagpapakamatay at walang ebidensiya na nagagawa itong isipin ng isang aso.

Ayon nga sa Psychology Today, ang ideya na kung ang isang aso ay madepressed ay sasadyain nitong tapusin ang kanyang sarili sa isang tulay o sa isang rumaragasang sasakyan ay mahirap tanggapin.

Maaring dahil lugar o maaring dahil sa amoy ang dahilan kung bakit ang mga ito ay tumatalon. Ngunit hindi mo mapipigilan mag-isip pa ng ibang dahilan dahil sa misteryong paulit-ulit na pagtalon ng mga ito hanggang sila ay mamatay at mawalan ng buhay.

Kung sakaling ikaw ay mapunta sa lugar na ito o kung sakali man na bumisita ka sa lugar na ito. Konting paalala na ingatan ang iyong aso, well kung sakaling mayroon kang kasamang aso.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/JT6DwcFatSc

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ito ang dahilan kung bakit nakakatouch ang Ugoy ng duyan na kanta

Dito nagsimula ang Lion Head sa Baguio