Ang dahilan kung bakit haunted ang Kings Park Psychiatric Center

Kung tayo ay pupunta sa Baguio, makikita natin at makikilala ang iba’t ibang lumang ospital, gusali at bahay na magmula pa noong pnahon ng giyera ay gamit na gamit na. Ang mga lumang gusali nga na ito ay kinatatakutan at pinamamahayan ng iba’t ibang nakakatakot na kwento. Madalas ay mga kwento ng mga batang nagtatakbuhan, mga kaluskos, mga pari na pugot ang ulo, mga duguang sundalo at iba pang klase ng multo na hanggang nagyon ay pinaniniwalaan ng mga tao.

Ngunit sa bansang United States, mayroong isang malaking gusali ang siyang nagsisilbing misteryo para sa mga tao. Ang naging tahanan ng mga baliw o mga taong dumanas ng sakit sa utak. Ang pasilidad na ito ay dumanas din sa isang kontrobersyal na mga paraan ng panggagmot.

Ang Kings Park Psychiatric Center. Ano nga ba ang laman ng gusali na ito at ano ito noon.

History:

Quadcopter at Kings Park Psychiatric Center - Abandoned Hudson Valley | Kings  park psychiatric center, Kings park, Pilgrim state hospital

Ayon sa Trip into tha Past, ang isa sa mga lugar kung saan magmula noon at hanggang ngayon ay dumadanas ng mentel illness ang karamihan sa mamayan nito.

Ang kinikilalang Kings County noon na ngayon ay makikilala bilang Brooklyn ay pinaniniwalaang nagdesisyon na magpatayo ng isang institution kung saan ang mga pasyenteng dumaranas ng ganitong sakit ay mayroong matuluyan at sa lugar na ito ay maari pa silang mabigyan ng atensyon.

Taong 1885 nga noong itinayo ang tinawag na Kings County Lunatic Asylum na siyang kadugtong ng Brooklyn County Hospital na makikita sa Suffolk County. Taong 1895 naman noong kailanganin itong ilipat dahil sa pagdami ng mga taong pumapasok dito. Mula Suffolk, inilipat ito sa New York at tinawag na Long Island State Hospital.

Taong 1916 noong pinaniniwalaang ang gusali ay muling pinangalanan bilang Kings Park State Hospital. Noon nga ay makikita lamang ang kapaligiran ng gusali na kakahuyan at walang mga nakatayong kabahayan. Ngunit sa kasalukuyan ay patuloy itong inaayos at pinapaganda.

Ayon sa paninwiala, noong maitayo ang gusali, nagkaroon ng isang maliit na siyudad na nakapaligid dito. Ang mga nakatira nga dito ay ang mga staff ng ospital at maging ilang mga pasyente. Mula mismo sa loob ng siyudad ay nagkaroon ng pagawaan ng damit, pagkain at iba pang mga bagay na kakailanganin ng isang tao.

Ang lugar nga na ito ay pinaniniwalaang nakapagtayo pa ng halos 150 buildings kasama na din ang ilang power plant, railroad, mga coal at ilang mga materyal para sa mga gusali na mula sa Long Island Rail Road.

Magmula noon, ang ospital ay tumaggap na din ng ma pasyenteng dumadanas ng Tuberculosis at gumawa din ng isang parte na para lamang sa mga veteranong lumaban sa giyera. Pinaniniwalaan na ang ospital ay nakapagtala ng halos 2,697 na pasyente at halos 454 hospital staff.

Taong 1954 naman noong mas lalo pang dumami ang pasyente ng ospital na ito at pinaniniwalaang umabot na sa halos 9.303 dahilan upang magsiksikan na ang mga tao sa loob nito.

Dahil na din sa kawalan ng pondo upang patakbuhin ang lumalaking ospital, ipinasara ito ng state ng paunti-unti noong 1970. May ilang paniniwala din na dahil sa pagpasok at pagkadiskubre ng mga bagong medisina upang makapanggamot ng mga mental iil patient ay isa din dahilan kung bakit nagsara ang gusali.

Taong 1975 naman noong ang mga pasyente ay nailipat na sa mga nursing homes, mga private group na kumukupkop ng mga mental ill patient at ang iba naman ay pinauwi na at binigyan ng bagong buhay. Taong 1996 noong tuluyan nang magsara ang gusali. Sa panahon ngayon ay ilang gusali pa din sa lugar ang patuloy na ginagamit.

Nooong taong 2000 naman ay muling biuksan ang pasilidad at pinangalanang Nissequogue River State Park, habang ang ilang mga gusali naman ay giniba upang malinis ang ilang parte ng lugar.

The way of Treatment:

Why haven't we found a better name for electroconvulsive therapy?

Ayon sa AbandonedNYC, kinikilala ang Kings Park para sa kanilang paraan ng panggamot sa kanilang mga pasyente. Ang kanilang mga ginagawa ay pinaniniwalaang nagiging successful ngunit ang kanilang paraan ay hindi tanggap ng ilang mga ospital.

Noong ngang nasa kalagitnaan ng 20th century, nagkaroon ng malaking problema ang psychological community. Ito ay dahil sa pagdami ng mga taong dumadanas ng sakit sa utak na kailangan nilang gamutin at bigyan ng mahalagang pansin.

Pinaniniwalaan na ang tanging treatment na naisasagawa ng mga eksperto ay ang psychotherapy at pagkulong at pag-aalaga sa mga taong ito. Noong 1940’s ay nagkaroon ng pagdevelop ng dalawang paraan upang magamit sa mga mental ill patient.

Ang una ay ang tinatawag na Shock Therapy. Ang therapy na ito ay na develop noong maobserbahan ng mga doktor ang pagbabago ng mood ng isang epileptic patient na dumadanas ng depression matapos nitong makaranas ng seizure. Gamit ang Shock therapy na maaring gamitan ng kuryente at pag inject ng insulin, ang pasyente ay makakaramdam ng siezure kahit na hindi ito inaatake.

Sa panahon ngayon, ang therapy na ito ay kinikilala bilang Electroconvulsive therapy na pinaniniwalaang epektibo pa din hanggang sa panahon ngayon, kahit na madami ang hingi tumatanggap sa paraan na ito.

Taong 1940’s, ang mga pasyenteng dumadaan sa ganitong panggagamot ay itatali ng mahigapipt sa isang hospital bed. Dito ay kukuryentihin ang pasyente o iinject ang insulin, ang pasyente ay makakaranas ng halos 15 minutes na konbulsyon na kung minsan ay dahilan kung bakit nababali ang ilang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon sa mga report, kung ang isang taong may sakit ay papasok sa Kings Park, wala na siyang magagawa kung anong klaseng therapy at kung anong gamot ang ibibgay sa kaniya. Pero sa panahon ngayon ginagamitan na nang anesthesia ang mga pasyente.

Ang sumunod naman ay ang tinatawag na Lobotomy. Ang paraan na ito nga ang pinaniniwalaang pinaka, well ang pinaka kontrobersyall na paraan ng kanilang pag-gagamot. Marami din ang tumataliwas sa gawain na ito, dahil sa dapat pagdaanan ng mga pasyente.

Gamit ang isang metal tool na ipapasok mula sa eye socket ng pasyente, hanggang sa mapunta ito sa skull cavity. Matapos nitong maipasok ay iikot ito upang maikonekta sa pre-fontal cortex.

Sa paraan na ito, pinaniniwalaan na magbabago ng tuluyan ang pasyente at hindi na nito maalala ang kanyang nakaraang sarili. Pinaniniwalaan nga na ang mga pasyenteng dumadaan sa ganitong proseso ay tinatawag na “Second Child”.

Maging ang kanilang pag-uugali ay magbabago, pinaniniwalaan nga na mas madaling makontrol at utusan ang mga pasyente na ito. Kahit na kinikilala itong brutal na gawain, nakatanggap pa din ito ng Novel Prize noong 1949 dahil sa pagkadiskubre sa gawain na ito.

Haunted Building:

Interview: The Haunting: The Labyrinths of Kings Park Psychiatric Center |  HuffPost

Magmula nga noong ito ay ipinasara hanggang sa panahon ngayon, iba’t ibang kwento na nang kababalaghan ang naipapasa ng mga taong pumapasok sa loob nito.

Marami nga ang nagsasabi na sila ay nakakakita ng mga multo at iba ang kanilang pakiramadam kapag sila ay pumasok sa loob ng mismong gusali.

Iba’t ibang mga paranormal activities na din isinagawa ng iba’t ibang tao sa loob ng mental hospital na ito. Marami ding pasyente ang namatay noong nakatayo pa ang ospital at ito ang mga nagpaparamdam sa loob nito. Madalas din itong puntahan ng mga movie maker dahil sa itsura at presensya ng lugar na sadyang nakakatakot.

Hanggang ngayon ang pag-gagamot sa mga taong nakakaranas ng sakit sa utak ay hindi na napapansin ng maraming tao, kadalasan, ang mga ito ay makikitang pagala-gala na lamang at wala na halos gustong kumukupkop sa mga ito.

Ang iba ay napapabalitang sila ay ikinukulong na lamang sa kanilang tahanan,itnatali,at minsan ay hinahayaa na lamang kung saan mapunta.

Kung atin namang titignan ang kaisipan ng isang taong,ang isang matandang gusali na siyang lumang ospital na naabandona na,ay pinamamahayan ng mga multo at iba pang elemento.

Well,ng kasamaan ay sinirisira na ang AKings Park upang tayuan at ams lalo pang pagandahin ang lugar.Di kalaunan ay mawawala na isang husali na magpapaalala sa mga tao ng isang mahirap at brutal na nagawa sa mga pasyente ng mental illness.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/Xudx1Mg8FaY

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ito ang dahilan kung bakit itong tinawag na CORPSE FLOWER

Ang haponesa na nagligtas ng napakaraming buhay ng pilipino