Ang Bigbang ba ang simula ng ating universe?

Reading Time: 14 minutes

Bigbang isa sa pinakakilalang theorya kung papaanong nagexpand ang universe. Ang bigbang ay hindi explosion. Bagkus isa itong expansion, so pagsinabing bigbang hindi sumabog ang universe.

Ito ay dahil kay Sir Fred Hoyle na isang critic ng theorya. Sya ang nagbansag sa model na bigbang bilang pangiinsulto dito. At yun nga ang tumatak sa history.

Darating sa buhay nyo na mapapatingin kayo sa langit kapag gabi at makikita nyo ang mga naggagandahhang bituin, ang mga ilaw nila kumikislap. Bigla mong maiisip, papaano kaya nabuo ang ating universe? Papanong nagkaroon ng bituin sa parteng hilaga o timog?

Ang universe ay maraming misteryo na hindi pa abot ng ating kaisipan. Maraming hindi maipaliwanag na bagay. Kahit nag mga pinakamatatalinong mga tao kagaya nila albert einstein at stephen hawkins ay may mga tanong na hindi pa nasasagot.

Pero sa scientific community, ang bigbang theory ay well accepted na. Pero merong misconception dito. Panigurado ang iba sa inyo, pag sinabing bigbang theory un ang simula ng ating universe hindi ba? No, our universe existed even before the bigbang happens.

Ang theorya ng bigbang ay sinusubukang ipaliwanag sa kung papaano na developed ang ating universe. Kung bakit ganito na sya ngayon. Hindi ito nagpapaliwanag sa simula ng universe bagkus ang pagexpand nito.

Bago tayo mag start, bakit nga ba big bang ang well accepted theory sa kung ano ang universe natin ngayon? It is a proven fact na ang lahat ng nasa universe ay unti unting lumalayo sa isa’t isa, ibig sabihin nageexpand ito, which supports bigbang dahil sa inflation. 2nd is ang radition na nakikita sa space, which also support at some point in time, ang ating universe ay sobrang init at sobrang liit.

Ang topic na ito ay nirequest ni SquadGaming.

Gusto nyo ng science? Tara, tuklasin natin ang bigbang.

Origins:

Nuong 1800’s ang mga astronomers ay nagsimulang magexperimento gaming ang spectroscopes o spectrograph. Ang spectroscope ay kayang gawing wavelength ang liwanag sa pamamagitan ng paghati ng liwanag sa spectrum.

Pinakita nito na ang liwanag mula sa specific material kagaya na lamang ng hydrogen ay naglalabas ng parehas na wavelengths unique sa material na un. Ibig sabihin, kapag tumingin ka sa wavelength distribution sa spectrograph, malalaman mo ang elements ng light source na yon. Given na alam mo ang specific elements ha.

Ngayon pumunta naman tayo sa sound waves. Si Christian Doppler na isang austrian physicist ay nadiskubre na ang frequency ng isang sound wave ay depende sa posisyon kung saan nangagaling ang tunog. Habang papalapit ang maingay na tunog sayo, ito ay nagcocompress.

Nagiiba ang frequency ng tunog habang mas malayo ang source. Nagiiba ito ng pitch at mas nag sstretch ang mga soundwaves. Tinawag itong Doppler Effect.

Nuong 1912, Si Vesto Slipher na isang american astronomer ay sinukan ang spiral nebula gamit ang dopplershift o ung doppler effect.

Dito nya na diskubre na ang spiral nebula ay papalayo sa ating mundo. 10 taon matapos nito, si Alexander Friedman, isang russian cosmologist at mathematician ay ginawa ang Friedman Equations na mula naman sa General Relativity ni Einstein. Dito pinakita nya na ang ating universe ay nageexpand, taliwas sa static universe ni Einstein.

Nuong 1920’s nmana, ang Astronomer na si9 Edwin hubble ay nanakita ng isang napakainteresadong bagay. Nakita nya ang velocity ng isang bituin ay proportional sa distansya mula sa ating mundo. Ibig sabihin, kapag mas malayo ang isang bituin sa ating mundo, mas mabilis itong lumalayo sa atin. Which means, the universe is expanding.

Ayon sa theorya ni Hubble, ang ating universe ay nageexpand habang lumilipas ang oras. Kung susundan natin ang theorya ni Hubble, kagaya ng isang lobo ibig sabihin at one point in time, isa lamang itong maliit na universe, billions of years ago. Kumbaga, reverse engineering ng universe at babagsak nga tayo sa bigbang kung saan nag expand ang universe.

Sympre hindi naman to tinanggap agad ng lahat, sa science community, susubukan nila ang iyong theorya na idisprove base sa kanilang calculations at evidence at ito nga ang ginawa ni einstein.

Dahil ang theorya ni Hubble ay taliwas sa static universe ni einstein, hindi sya agad naniwala dito. Nuong natapos nya ang kanyang theory of relativity, dito nabuksan ang mata ni einstein. Ang kanyang theory of relativity ay sinusuportahan ang isang universe na nageexpand o nagcocontract.

Homogenous and Isotropic:

Base sa theorya ni Hubble, mayroong dalawang prediction sa ating universe. Ito ay ang Homohenous at isotropic. Ibig sabihin, ang universe ay parehas sa mata ng isang observer. Well, alam naman natin na mali ito dahil, ibang iba ang milkyway sa andromeda for example. Pero base sa prediction na ito, millions of light years, ang distribution ng matter sa ating universe ay pare parehas.

Isa pang prediction ay sobrang init daw ng ating universe sa unang mga stages ng bigbang. Ang radiation nito ay sobrang laki at kung ito ay totoo, mayroon pa rin tayong makikitang natitirang radiation mula sa first early stage ng bigbang at dahil nga homogenous at isotropic ang universe, ibig sabihin ang pag distribute ng raditon ay pare parehas.

Well, early 1940’s nadiskubre ng mga eksperto ang evidence ng radiation. Pero hindi pa nila alam na radiation un that time. It took 20 years bago nadiskubre ang tinatawag na Cosmic microwave background radiation o CMB.

Nuong 1989 ang NASA ay nilaunched ang COBE o Cosmic Background Explorer Sattelite. Dito nasukat nila ang temperatura na umaabot ng 2.725 degrees Kelvin (-270.4 degrees Celsius or -454.8 degrees Fahrenheit). Ito ang nagsolidify na ang ating universe ay nageexpand. So ang susunod na tanong, anong nangyari nung mga oras na angexpand ang universe? Still with me? Next slide please.

Timeline:

Lets go back where science can lead us. Ayon sa mga scientist, ang pinaka earliest ay t=1×10-43 seconds. Ibig sabihin ang number 1.0 ay imomove natin sa left ng 43 times. Which means around a fraction of a second to.

Ang ating universe ay nasa tinatawag na planck epoch o singularity epoch. Sa mga panahon na ito, ang temperatura ay sobrang taas kaya’t ang mga subatomic particles ay hindi nabubuo, kahit ang 4 na fundamental forces ng universe ay hindi pa rin nabubuo. Sa pagitan ng 10-43 at 10-36, ang ating universe ay nagsimulang magbago ng temperatura. Dito na nabuo ang mga funamental forces na gumagabay sa ating universe at nagsimula na ring magwatak watak. Ang gravitation force ay humiwalay sa gauge forces.

From 10-36 to 10-32 seconds, matapos ang bigbang, ang temperatura ng ating universe ay unti unti ng bumaba kaya’t ang electromagnetism at weak nuclear forces ay nagiwalay na din.

At around 10-35 seconds, ang matter at energy ay naghiwalay na din. Ang mga cosmologist ay tionatawg itong baryogenesis. Ang Baryogenesis o baryonic matter ay isang klase ng matter na kaya nating obserbahan. Kabaligtaran ito ng dark matter na hindi natin naoobserbahan pero alam natin na meron at nakkaapekto ito sa energy at iba pang matter.

Nuong nagyayari ang baryogenesis, ang ating universe ay napuno ng pantay na dami ng matter at anti matter. Ang mga particles na ito ay naglalaban laban, ang iba ay nawala, ang iba ay nakasurvive at ito nga ang bumuo ng lahat ng matter sa ating universe.

10-11 seconds nangyari ang tinatawag na particle cosmology. Ang phase na ito ay kayang irecreate ng mga scientist sa lab gamit ang particle accelerators.

Over next billion years, ang matter na nadistribute ng universe ay nagkakarooon na ng attraction dahil sa gravity nito. Dahhil dito naging mas dense ang mga ito na syang naging mga giant clouds, stars, galaxies at iba pang astronimcal structures na nakikita natin ngayon. Sa panahong ito, ang universe na kilala natin ngayon ay nagsisimula ng mabuo.

First Star:

Wala pang single star nuong nagsimula ang inflation. It too 180 million years bago nabuo ang kaunaunaang star. Ganuon katagal bago nagmerge ang mga clouds of hydrogen at naging star. Nuong nag ignite na ang kauna unaang bituin sa universe, kasama nito ang isang malkas na pwersa na syang nagtanggal ng electrons sa mga neutral atoms. Ito ay tinawag na reionization.

Nitong February 2018 lamang, ang isang grupo ng australian astronomers, 400 million years matapos ang bigbang, ang unang grupo ng galaxy ay nabuo. Billions of years matapos mabuo at magbunguan ang iba’t ibang galaxies, stars at cluster of galaxies, ang ating milky way ay nabuo.

Age:

Malamang ang naglalaro sa utak nyo, tayong mga tao di nga umaabot ng thousand years old let alone 100, tapos nadiskubre natin ang billions of years? How come baby come?

Well 2 answer lies in stars. May iba’t ibang klase ng pagdetermina ng edad ng ating universe. Bawat version nuon ay unti unti tayong nilalapit sa totoong edad ng ating universe.

Ang isang method ay ang pagoobserba ng pinakamtandang bituin at pinag-aralan ang kanilang life cycle. Ang mga white dwarfs ang isa sa pinakamagandang pag-aralan dahil matapos nilang sunugin ang laat ng nuclear fuel sa kanilang cores, ang mga medium size stars na ito ay maglalabas ng gas sa space hanggang sa ang matira na lamang ay ang maliit na core nito na kasing laki ng ating planeta.

Ang core ay papasok na sa cooling process na mangyayari sa mahabang panahon, which is billions of years. Sa pagsukat ng kanilang temperatura, ang mga astronmers ay nalalaman kung ilang taon na silang lumamig. Base sa pag-aaral na ito, ang pionakamatandang bituin na kanilang nakita ay nagsimulang magpalamig, 12 to 13 billion years ago.

Pero bulalord diba 180 million years na nagsimula ang first star, yes that is correct. Thats million at ang sinukat is million, dahil million aakalain mong malaking numbers diba? Pero hindi. Base sa sukat ng mga eksperto na 13.8 billion ang ating universe, mayroon itong uncertainty ng 120 million years. Ang laki diba? again, we go to million vs billions. If we factor in the billions, nasa 1% lamang ang 120 million. Napakaliit kung tutuusin.

Ganito rin ang resulta ng Hubble telescope key project nuong 2001 kung saan inalam ng mga eksperto kung gaano kabilis ang ating universe na mag expand. Ang mga astronomers ay nagobserba ng 800 pulsating cepheid stars sa 18 malapit na galaxy. Sinukat ng mga ito ang pagtibok ng mga stars o ung pag pulsate ng kanilang liwanag. Base sa bilis ng pagpulsate nito, nalaman ng eksperto ang kanilang totoong liwanag at in turn ang kanilang layo mula sa atin.

Base sa pag-aaral na ito, nasa 10 percent ang expansion rate ng ating universe. Kapag sinama ang density ng universe, lalabas na nasa 13.7 billion years ang edad ng ating universe.

PHabang ang atng solar system naman ay sinukat gamit ang radioactive decay ng certaion isotopes sa rocks at metorites. Ang mga isotopes na to, mostly porassium at uranium ay ginawa kasabay ang ating solar system. Sa pagsukat ng kanilang radioactive decay, dito nalaman ang edad ng ating solar system. Dahil nga ang pinakamatandang bato sa ating mundo ay nasira na ng tectonic plates, ang mga eksperto ay tumitingin sa mga metiorites at ang pinakamatandang metiorite ay nasa 4.5 billion years old.

Before big bang:

Okay okay, sige sabihin na nating isang maliit lamang ang universe then poof it became coco krunch, nag expand sya. What lies before bigbang? We may never know. Yan ang short and precise answer. Sa panahon natin ngayon hindi pa alam ng siyesnya ang sa sagot sa tanong na yan pero couple of 100 years ago hindi rin natin alam ang edad ng universe and look at us now.

What i am saying, ang science, nag eevolved, patuloy na nagaadvance kasabay natin. Who knows, baka sa susunod na next few hundred years, malaman natin na ang nakatago sa likod ng bigbang.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mga nakakakilabot na parasites

Mga Sinumpang Gamit