Ang babaeng Pilotong nagligtas ng maraming buhay kapalit ng kanyang buhay

Nuong makalumang panahon, maraming naniniwala na ang mga babae ay walang kakayahan na gawin ang ginagawa ng isang lalaki. Kapag sinabing babae, ang maiisip ay malambot, maarte, iniisip lamang ang sarili at higit sa lahat ay duwag.

Ngunit hindi natin alam na mula noon, hanggang ngayon ay maraming babae ang nagiging matapang upang marating ang kanilang nais na maratong sa buhay. Mula noon hanggang ngayon, may mga babaeng kayang ibuwis ang kanilang sariling buhay para sa kapakanan ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Ang isang tanong na mahirap pag desiyunan sa lahat ang iyong buhay at ang buhay ng ibang tao. Ang pangarap, ang plano mo laban sa pangarap at pamilya ng ibang tao. Marahil ay madami ang silang pipili sa kanilang buhay at ililigtas ang kanilang sarili. Ngunit hindi pa din nawawala ang mga taong handang magbuwis ng kanilang sariling buhay mailigtas lamang ang buhay ng nakakarami. Kilalanin natin si Mary Grace Baloyo. Ang babaeng nagligtas sa buhay ng maraming tao sa bingit ng kanilang kamatayan.

The Filipina Pilot:

Mary Grace Baloyo - Alchetron, The Free Social Encyclopedia

Si Mary Grace ay isa sa anim na babaeng combat pilots ng Philippine Air Force. Ito ay nakapagtapos sa St.Scholastica’s Academy o SSA sa Bacolod City. Matapos nito ay nag-aral naman ito sa isang flying school upang maging isang Piloto.

Doon ay nakapagtapos sa Bachelor of Science degree in Airline Management mula sa Technical Institute ng Cebu. Matapos nito ay pumasok na ito bilang trainee ng Air Force Pilot sa isang flying school sa Batangas. Pinaniniwalaan na dito na din niya nakilala ang kaniyang mapapanagsawa.

Ang babaeng ito ay isa sa napiling pilot na kumalaban at umatake sa Camp Abubakar sa Maguindanao. Ang mga Ito nga ay mga rebelde sa ilalim ng Moro Islamic Liberation Front o MNLF.

 

Crashing Plane:

The Filipina Pilot Who Sacrificed Her Life To Save Hundreds of Families

Si Mary Grace ay nagpapa-aral sa kanyang dalawang kapatid, na ilang taon na lamang ay makakapagtapos na sa pag-aaral.Taong 1997 noong nakilala niya ang kanyang nobyo na si Ditto Nestor Dinopol na isang trainee din bilang isang helicopter pilot.

Ang dalawang ito ay nakabuo ng magandang plano para sa kanilang kinabukasan. Mula sa kanilang kasal at maging sa bilang ng kanilang magiging anak. Ayon nga sa kanyang nobyo, nais ni Mary Grace na magkaroon ng dalawang anak na babae at dalawang anak na lalaki.

Ngunit ang lahat ay nawala na lamang ng parang bula noong March 26,2001. Ayon sa report, sa ilalim ng malakas na ulan, sakay ng OV-10 reconnaissance na isa din bomber aircraft, kasama ni Mary Grace ang kanyang co-pilot na kinilalang si Capt.Ben Nasayao. Ang kanilang dalang aircraft ay iniikot nila sa itaas ng Mabalacat Pampanga.

Pinaniniwalaan na ang dalawang piloto ay nagsasagawa ng isang proficiency flight mula sa kanilang home base na nasa Sangley Point mula Cavite hanggang Clark. Ngunit mula sa kanilang pagsasanay, mayroong isang bagay na hindi inaasahan na nangyari.

Ang engine ng kanilang sinasakayan ay nagsimulang magloko, dahilan upang magpadala ng distress call mula sa pinakamalapit na PAF tower mula sa Clark International Airport. Ang kanilang plano ay ibaba ang kanilang sasakayan sa Runway 20 ng Clark, ngunit hindi nila ito nagawa dahil ang kanilang sasakyan ay hindi na makontrol pa.

Doon inutos ng Kapitan na si Nasayao na sila ay umalis na sa kanilang sasakyan at i eject ang kanilang sarili upang sila ay makaligtas pa. Nuong naka-eject na ang kapitan, si Mary Grace ay hindi sumunod sa utos nito.

Kung ang sasakyan nga ay kanilang papabayaan, ito ay tatama at mag ka-crashe sa isang residential subdivision na nasa northwest ng Clark Field. Nakita ni Mary Grace ang kabahayan ng maraming pamilya at gumawa ng desisyon para sa kanyang buhay.

Sa kanyang pananatili sa loob ng sinasakayan na eroplano, nagawa niyang iligtas ang buhay ng halos dalawang daang pamilya na walang kaalam-alam sa nangyayari sa himpapawid. Dahil kay Mary Grace nagawa nitong iliko pa ang eroplano at sa kasamaang palad ay bumagsak ag eroplano sa isang bakanteng lote na may laki na 240 square meter sa Fil homes sa Barangay Mabiga, sa oras na 3:48 ng hapon.

Mabilis na tinupok ng apoy ang eroplano at dahil sa hindi na nakaalis sa kanyang seatbelt ay namatay ang dalaga sa edad na 26.

What Happen Next:

BrujaDeputaAdmlnisTraitor on Twitter: "19) When her plane malfunctioned,  PAF pilot MARY GRACE BALOYO did not eject but maneuvered and crashed the  plane away from a populated area.… https://t.co/mMTPZF2Dsz"

Dahil sa katapangan na ipinamalas ni Mary Grace, ito ay nakatanggap ng tatlong military merit medals, walong Gold Cross medal at dalawang Distinguished Aviation Cross Medals. Ang lahat ng ito ay nakuha ni Mary Grace at tinanggap ng kaniyang pamilya. Si Mary Grace nga ang siyang nakatanggap ng pinaka mataas na parangal sa lahat ng taong nasa Militar noong panahon na iyon.

Ayon nga sa Air Force Chief Lt.General na si Benjamin Defensor, si Mary Grace ang nagpakita sa kanila kung paano ba dapat mamatay ang isang sundalo. Mula naman sa presidente noon na si President Gloria Macapagal-Arroyo, pinarangalan niya si Mary Grace ng Medal of Valor at prinomte ito bilang Captain.

Ang Medal of Valor nga ang siyang pinaka mataas na pagkilala at parangal na makukuha ng isang military officer at halos lahat ay tinanggap na nararapat lamang ang pagkilala na ito para sa isang naging matapat at ibinuwis ang kanyang sariling buhay.

Mula naman sa kanyang paaralan na St. Scholastica, ginawaran nila si Mary Grace ng Millennium Scholastican Award. Kinikilala ng moderators ang kanyang paaralan bilang

“a hero who committed a selfless act for the safety of others.”

Ayon naman sa isang Bishop na si Emeritus Antonio Fortich,

“a great woman, a hero who chose to die to save other lives.”

At ang huling salita mula sa kanyang nobyo na kanyang dapat na mapapanagawa,

“I know there are risks involving our jobs, but it is just so painful to lose someone you love.”

Isinagawa naman sa Bacolod Memorial Park ang pinaka huling military Honors para kay Mary Grace at ito ay inilibing noong 2001. Isang statue din ang itinayo mula sa Bacolod City upang makakapag-paalala sa mga tao sa kanyang katapangan.

Marami man ang nakalimot, ang nagawa ni Mary Grace ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang nailigtas. Ang kanyang katapangan naman ay nagsisilbing insprasyon sa mga taong humahanga sa kanyang nagawa.

Marami man nga ang hindi nakakakilala dito, hindi matatawaran at hindi masasabing hindi lamang mga parangal ang katumbas ng kanyang ibinuwis na buhay.

 

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/qBsZ1Yk1b2k

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang mga piloto ng japan na nagbuwis ng buhay

The Gospel of Satan