Ang ark of covenant nga ba ang trono ng panginoon dito sa mundo?

Reading Time: 11 minutes

Katulad ng nauna nating video tungkol sa ark of covenant, hanggang ngayon wala pa ring konklusibong ebidensya kung nasaan ang ark of covenant. Some say nakatago sa vatican, ang iba naman hawak daw ng gobyerno habang ang iba naniniwalang nasa ethiopian orthodox church. Mga boss i just want to be clear, ang mga maririnig nyo ay theories, when we say theory, it is possible na hindi ito totoo, also possible na totoo, nonetheless kailangan pa ng masusing pag-aaral. So take this video as a grain of salt.

Unknown Cave

2 Maccabees 2:4

“It was also contained in the same writing, that the prophet, being warned of God, commanded the tabernacle and the ark to go with him, as he went forth into the mountain, where Moses climbed up, and saw the heritage of God.”

Para sa mga maghahanap sa bible, wala po yan. Ang maccabees ay isang libro na isinulat ng isang jewish nuong 2nd century BCE. Ang iilan ilang impormasyon sa librong ito ay humahalili sa talata ng bibliya.

Base sa librong maccabees, ang ark of covenant ay nakaligtas sa babylonian siege at ang propetang si Jeremiah ay itinago ang ark kasama ang iba pang mga bagay sa isang kweba sa kabundukan ng jordan bago pa mangyari ang nasabing pananakop. Ito ay para maprotektahan ang holy artifacts.

Dead sea scrolls

Isa sa mga dead sea scrolls na nadiskubre nuong 1940 ang naglalaman ng isang copper scroll.

Nuong rinsnaslate ito, nakita dito ang salitang “treatise of the vessels at ayon dito, ang mga kayamanan ay tinago ng ilan sa mga levites at mga propeta.

Ang ibang mga kayamanan ay tinago sa ibat ibang lokasyon ng israel at babylonia habang ang iba naman ay binigay sa mga anghel na posibleng sina shamshiel, michael, gabriel at sariel.

Ayon sa manunulat, mayroong 77 tables of gold at ang ginto ay mula pa sa pader ng garden of eden na ibinunyag kay solomon. Ang mga ginto ay lumiliwanag na kasing liwanag ng isang araw at buwan.

Ang lokasyon ng mga kayamanan ay nahahati sa 64 lokasyon at isa dito ay posibleng ang lokasyon ng ark of covenant o hindi naman kaya ay nasa anghel ito.

Lemba Tribe

Ang mga miyembro ng african tribe ay mayroong isang sagradong bagay na pinaniniwalaang ark of covenant at ito ay nakadisplay sa harare museum.

Ito mga boss ay tinatawag na ngoma, ang ngoma mga boss ay isang sagradong tambol na gawa sa kahoy. Ayon sa pasalinsalin na salita, ito ay dinala mula sa israel ng mga lemba, ang lemba ay isang south african tribe na pinaniniwalaang nagmula sa mga hudyo ng middle east.

Ayon sa DNA research, ang lemba ay totoong nagsimula sa middle east. at ang kanilang genetic marker ay mula sa cohanim, descendants ng ancient jewish priesthood at sa kanilang tribo naman tinatawag na buba ang mga pari.

Ang Lemba people ay may kaperahas na tradisyon ng mga jewish, kasama na nga dito ang pagtutuli, hindi pagkain ng baboy, pagtanggal ng dugo sa mga hayop bago kainin, at paglalagay sa mga lapida ng bituin ni david.

Ang nakalagay sa harare museum ay replica lamang pero ayon sa mga lemba tribe, ito ay hinubog nila mula sa orihinal na gawa, o sa case na to, ang ark of covenant.

Church of Our Lady Mary of Zion

Na discuss na natin ito sa naunang video. Ayon sa st. Mary of zion, ang ark of covenant ay dinala sa chapel of the tablet, malapit lamang sa lumang simbahan sa kadahilanang ang banal na init na mula sa tablet ng ark of covenant ay nagpacrack sa mga bato na nagtataguyod ng simbahan.

Si Empress Menen ang nagpatay ng bagong chapel para dito.

Ayon sa tradisyon, ang ark ay napasakamay ng ethiopia dahil kay menelik nuong binisita nito si haring solomon.

Kagaya ng nakasaan sa bibliya, delikado ang ark of covenant sa mga tao kaya’t ang monghe lamang na nag ggwardya dito ang pwedeng makita ito.

Bulalord papaano pag namatay ang monghe na nagbabantay ibig sabihin free na kung sinong pwedeng makakita?

Hindi mga boss, katulad na lamang ng mga hari at reyna, bago pa mamatay ang mga ito, nagkakaroon na ng pagpapangalan sa susunod na magbabantay at kung sakali man na namatay sa aksidente ang monghe at hindi naipasa ang tungkulin, ang monasteryo ang pipili ng panibagong gwardya.

Dahil na din sa pagkasikreto nito, nagkaroon ng mga haka haka na hindi naman talaga ito totoo.

Lake Tiberias

Ang ibang mga shiate muslims ay naniniwala na ang ark of covenant ay matatagpuan sa lawa ng tiberias. Ito ay matatagpuan ng mga mahdi sa end of times o apocalypse, o rapture o whatever you call it. Ito ang magiging simbolo ng kapangyarihan dahil ito ay batas ng talut.

Ayon naman sa ibang hadith matatagpuan daw ito sa antioch habang ang isa naamn nagsasabing nasa kabundukan ng sham.

Government Facility

Sympre hindi mawawala ang theory lalo na pagdating sa conspiracy ang gobyerno. May ibang naniuniwala na ang ark of covenant ay natagpuan na at ito ay nakatago sa isang secret wearehouse ng gobyerno, when we say secret, ibig sabihin hindi pa talaga natatagpuan. Although suntok sa buwan ang theory na ito, maraming naniniwala tungkol dito kahit na walang sapat na ebidensya. Well, isama natin ang illuminati, mk ultra, new world order. Ano pa nga bang kulang diba?

Vatican

Nuong middle ages ang harapang pader ng archabasilica ay mayroong nakusalat sa latin na “Sacrosancta Lateranensis ecclesia omnium urbis et orbis ecclesiarum mater et caput” at kapag trinanslate ang ibig sabihin ay “Most Holy Lateran Church, mother and head of all the churches in the city and the world”. Ito ang indikasyon na ang basilica os st.john ay ang pinaka motherchurch ng buong mundo.

Nuong 13th century, ayon sa mga tagapanalig ng simbahan, duon namamalagi ang ark of covenant at iba pang mga banal na gamit ng jerusalem. Kaya’t ang basilica ay tinawag na temple of the new convenant.

Ayon sa roma, mayroon silang dokumento na tinatawag na translatio templi o transfer of the temple na syang nagpapatunay na ang ark ay nasa lateran church.

Order of the Templars

Sino pa nga bang ang number 1 suspect kundi ang mga templars. Nuong 586 BC ang mga babylonians ay winasak ang templo ni solomon. Ang ikawalang templo ay tinayo mula 535 hanggang 515 BCE.

Sa susunod na 470 years, ang persian ang namuna matapos nito, ang greeks at sumunod ay ang mga romano sa pamumuno ni herod the great. Nuong 70 CE ang mga jews ay nagrebelde sa mga romano at si general titus ay sinugod ang lungsod at giniba ang templ.

Taong 691, isang shrine ang itinayo dito at tinawag na dome of the rock. Nuong 1118 naging headquarters ito ng knights templar. Ang mga templar nuon ay naghukay sa ilalim ng templo dahil alam nila na ito ay ang templo ni solomon at hinahanap nila ang pinakamahalagang artipakto. Ang ark of covenant.

Pinaniniwalaan na nakita ng mga templars sa kailalamin ng templo ang ark of convenant at dinala sa chartres cathedral. Isang pooste sa cathedral na tinawag na porlta of initiates ang nagpapakita ng larawan na ang ark of covenant ay nakalagay sa isa ng weehled cart. Isang representasyon na nakita ng mga templars ang kanilang hinahanap at nakuha ito.

Pinaniniwalaan na matapos madiskubre ng mga templars ang ark sa jerusalem, dinila nila ito sa france nuong tinayo ang chartres cathedral. Nuong ang mga templars ay naaresto, ang ark ay nilipat mula france papuntang scotland.

Tutan Khamen

Nuong 1922 sa egyptian valley of the kings, ang libingan ni tutankhamun ay binuksan nila howard carter at lord carnarvon. Ilan sa mga artifacts na kanilang nakita ay isang processional ark.

Matapos ipublish ang litrato, naging sensational ito dahil sa kahalintulad ng ark of covenant.

Subalit ayon naman kay John M. Lundquist na syang sumulat ng The temple of Jerusalem, ay hindi naniniwala dito. Ayon sa kanya, ang nadiskubreng processional ark sa libingan ni king tuts ay isa lamang kapareho nito.

Ayon sa bibliya, ang ark ay gawa mula saacacia, isa rin itong kilalang puno sa egypt bilang tree of life at importante ito sa kanila dahil meron itong medisinang may taglay ng psychoactive alkaloids.

Maraming naniniwala na hindi ito talaga ang ark of covenant pero para sa mga sinaunang ehipto, isa rin itong importanteng bagay para sa kanila.

Hanggang dito na lang muan mga boss, sana ay may natutunan kayong impormasyon sa video na ito.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ang paglamon ng bituin sa kapwa nito

Sino ang gumawa ng pagibig?