Ang angel ng kamatayan (Jewish Mythology)

Reading Time: 9 minutes

Ang 3 pinakapopular na relihiyon, ang judaism, kristianismo at islamay halos may pare parehas na paniniwala. Ang tatlong relihiyon na ito ay tinatawag na Abrahamic religions at kahit na meron itong iba’t ibang sangay na nagkaroon ng iba’t ibang paniniwala, sa 3 relihiyon na ito, makikita ang isang masamang nilalang, hindi si satanas ang tinutukoy ko mga boss. Ito ay si Samael.

Maraming malalakas na anghel at nakakatakot na demonyo mula sa bibliya. Andyan na si Lucifer, azazel, beelzebub pero iba si samael dahil si samael ay loyal sa panginoon.

Dahil na din sa pagkakaiba iba ng pagtranslate nagkaroon ng iba’t ibang kahulugan at katauhan si archangel samael, kagaya nalamang nuong sinubukan nitong patayin si jacob, o hindi naman kaya ang pagtatanim nito sa puno ng karunungan para tuksuhin si adan at eba na kainin ang prutas nito. Si samael, isa nga ba syang mabuti o masamamang nilalang?

Mga boss i just want to be clear po lalo na sa mga religious viewers, most of the info you will hear comes from jewish mythology. So sa mga ibang religious sect, lalo na ang eastern orthodox, please be advised. Sana po wag na pong magcomment na wala yan sa bibliya, those comments will be deleted po.

Angel of Death:

Sa Judaism, ang mga anghel ay ang mga mensaheryo ng panginoon pero sila ay nahahati sa iba’t ibang rango. Pinaniniwalaan na ang archangel ang pinakamalakas na anghel at ang kanilang rango kay mayroong naming convention, ibig sabihin boss meron silang mga pagkakapareho sa kanilang pangalan. Lahat ng may EL sa kanilang pangalan ay pinaniniwaalaang mga archangels, ito nga ay sila Michael, Gabriel, Uriel, Samael at Razel to name a few.

Ang EL ay nangangahulugan ng “Gods Power”. ibig sabihin ang mga anghel na ito ay may kaparehas na awtoridad at kapangyarihan, para pamunuan ang kanilang nasasakupan na mga lower ranking angels.

Ang kanilang pangalan ang nagsisilbing layunin at kautusan, halimbawa na lang ang pangalan ni Raziel, ang ibig sabihin nito ay “secret of god”. Habang si Samael naman ang ibig sabihin ay “God’s Venom” kaya naman tinatawag din syang Angel of death o si kamatayan.

Pagdating sa anghel ng kamtayan, walang mabait, walang masama. In fact, hindi sya ang nagbibigay ng hatol sa taong mamatay. Ang lahat ay naaayon sa kagustuhan ng panginoon. Kapag ang panginoon ay nagbigay ng hatol, si samael ay sinusunod ito ng walang alinlangan.

Sa oras ng kamatayan ng isang tao, pinaniniwalaan na si samael ay nagpapakita sa taong ito, hawak hawak ang kanyang espada at sa dulo ng espada ay ang “God’s Venom”. Ang kamandag ang totoong pumapatay sa tao.

Seducer:

Si Samael ay hindi lang angel of death, sya din ay kilala bilang accuser at seducer. Si Samael ang arckanghel na nagakusa sa mga israelites ng idolatry at hinatulan ang mga ito ng kamatayan ng umalis sila ng egypt kasama si moses.

Si Samael ay pinaniniwalaang nakiki salamuha din sa mga succubi’s. Although isa syang seducer, ito ay hindi dahil masama sya, bagkus ginagawa nya lang ang kanyang trabaho. Dahil ang layunin ni samael ay subukin ang sangkatauhan at ilabas ang mga makasalanan at mapagpanggap para sa paghahatol ng panginoon.

Ayon sa Book of Baruch, si Samael ay masamang anghel, sya ang nagtanim ng puno ng karunungan at inudyok si adan at eba na magkasala kaya sya pinalayas ng panginoon. Sya rin ang anghel na bumulong kay abraham na isakripisyo ang kanyang anak sa diyos

Subalit ang iba ay naniniwala na alam ito ng panginoon at si samael ay ginagawa lamang ang kanyang trabaho ng sa gayon mas madali ang magiging paghahatol ng panginoon dahil nga napalabas na nito ang totoong kulay ng isang tao.

Dark Figure:

Ang kaballah ay mayroong kakaibang paniniwala na hindi pamilyar para sa atin, lalo na sa ating mga pilipino. Ang kabala ay mula din sa judaism. Ang kabballah ay sinusuportahan ang ideya ng tree of life o mas kilala sa waag nila na sefirot. Hindi yang sephiroth na yan ha, iba yan. Ang sefirot ay mayroong 10 sphere at bawat isa ay nirerepresenta ang liwanag ng panginoon.

Pero merong otherside ang sefirot. Ito ay tinatawag na Qlippoth. Ang qlippoth ay ang lugar kung saan hindi naabot ng iliwang ng panginoon at meron din itong 10 spheres. Dito pinaniniwalaang pinamumunuan ni Samael at Lilith ang qlipoth habang ang ibang translation naman ay sinasabing sya ay prinsipe ng Hod, isa sa mga 10 spheres ng qlippoth.

Dahil nabanggit na natin si Lilith, gumawa po ako ng isa pang video kung saan at papaanong nagsimula si lilith, sa mga hindi pa nakakapanood, try to watch it tapos nito.

Back to the topic, Kung kanina ay tungkol sa kaballah, ngayon pumunta naman tayo sa judaism.

Si Lilith ay pinaniniwalaang isang succubus. Ayon din sa jewish mythology, sya ang unang asawa ni adam subalit iniwan nito si adam dahil ayaw nitong magpagapi dito. Sumama sya kay Samael at nagkaroon sila ng napakaraming anak pero dahil nga hindi na bumalik si Lilith kay adam, pinarusahan sya ng diyos na mamatay ang 100 sa kanyang mga anak araw araw.

Dahil sa paniniwalang ito, si lilith ang naging primary suspect sa mga nakukunan na babae nuon o hindi naman kaya pag labas ng bata patay na.

Adversary:

Ang salitang angel of death at marami ring aliases o ibang pangalan, tinawag din itong destroyer, destroying angel, grim reaper at in one point tinawag ding antichrist.

Pero iba ang kahulugan ng antichrist sa kahulugan na alam natin dahil kapag sinabing antichrist ito yung tumataliwas sa diyos.

Ayon sa bibliya, ang messiah ay magbibigay ng kamatayan sa lahat at lahat ay muling mabubuhay. Pero hindi lang sya basta magbibigay ng buhay dahil sya mismo ang tatapos sa kamatayan at ang konsepto nito. Dahil nga wala ng kamatayan, wala ng silbi ang angel of death at sya mismo ay mawawala. At dahil hinid pa dumadating ang panahon na yon, si Samael ay ang antichrist.

Naguluhan ba kayo? Ang messiah ay tatapusin ang kamatayan sa kanyang pagdating at magkakaroon ng eternal life. Pero dahil nga hindi pa nangyayari un, at si samael ay tagakuha ng buhay, binansagan syang Anti-christ, hindi dahil sa sumusuway sya, kundi ito ay dahil sa kanyang trabaho. Magulo pa rin ba? Last simplification God=Life, Kung against ka sa life which is sa case ni samael angel of death, ibig sabihin anti ka, eh tagakuha ng patay si samael so Anti sya. Gets?

Sympre when we are talking about adversary, sino pa bang counterpart ni Samael kundi ang magiting na si Michael the arch angel. Kung ang layunin ni samael ay subukin ang mga tao, si michael naman ay depensaahan ito. Si Michael din ang nagpalit kay isaac sa isang tupa para iaalay ni abraham sa panginoon.

Mars:

Ilan sa atin ay narinig na ang term na 7 heaven. Ang seven heavens ay makikita sa judaism, gnosticism, Islam, christianity at kahit na sa hinduism. Ang bawat level ng seven heaven ay pinamumunuan ng isang archangel. Base sa paniniwalang ito, si Samael ay pinamumunuan ang Fifth heaven o ang machon, at sa cosmology ito ay ang planetang mars.

Si samael ay pinamumunuan ang 2 milyong anghel, ang mga anghel na ito ay kagaya nya, mga accusers, seducers at destoyers. In short legon ng angels of death.

Mga boss, i just want to reitirate again, ang karamihan sa info na narinig ninyo ay mula sa jewish mythology.

Hanggang dito na lang muna mga boss, sana ay may natutunan kayong bagong impormasyon sa video na ito.

Source 1

Source 2

Source 3

Source 4

Source 5

Source 6

Source 7

Source 8

Source 9

 

 

 

 

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Danag

Cerberus