Anaconda

Reading Time: 8 minutes

#1
Kapag sila ay nasa wild, ang anaconda ay kayang mabuhay ng 10 taong laman, subalit ang mga anaconda na inaalagaan ay kayang mabuhay ng mahigit 30 taon
Ang mga anaconda na nasa savana o ung parang africa style ay mas maliliit at mas magaan kumpara sa mga anaconda na nakatira malapit sa tubig. Ito ay dahil sa availability ng kanilang pagkain. Ang pagkain sa savanna ay seasonal.
#2
Ang mga bagong anak na anaconda ay mas malaki kumpara sa mga anak ng ibang ahas sa buong mundo. Ang anak ng anaconda ay 1% lamang ng laki ng nanay, kaya kung mas malaki ang nanay, mas malaki din ang anak nito.
#3
Ang green anaconda na lalaki ay may kakayahang mag impok ng kanyang sperm sa maliit na panahon. Ito ay mawawala lamang kapag tapos na ang mating season.
Ang female green anaconda naman, kadalasan, pagkatapos nilang makipagtalik ay kinakain nila ang lalaki at matapos nito kaya nilang mabuhay ng 7 buwan ng walang pagkain.
#4
Ang mga batang anaconda ay aggresibo. Kapag sila ay nakaramdam ng panganib, ipapalupot nila ang sarili nila paikot at pag lumapit na ang biktima ay tutuklawin ito ng paulit ulit.
#5
Merong mga nagkalat na litrato ng giant anaconda na may haba ng 40 hanggang 60 feet. Ito ay isang hoax lamang. Wala pang nakakadiscover ng ganung kalaking anaconda na nabubuhay.
Subalit merong isang klase ng ahas na may haba na 48 feet at may bigat na 1, 135 kilograms. Ang ahas na ito ay mas kilala sa tawag na titanoboa na nabuhay 58 – 60 million years ago. Ang isa pang pinakamalaking ahas ay ang giganthophis na may haba na 35 feet. Kagaya ng titanboa, wala na ito sa mundo ngayon. Ang gigantophis ay nabuhay nuong 40 million years ago.
#6
Mas gusto ng mga anaconda ang tubig, kaya naman madalas silang makikita sa mga swamp, ilog, at sapa. Dahil na din sa laki ng katawan nila, hindi sila ganun kabilis gumapang sa lupa di kagaya ng ibang ahas, subalit mas mabilis sila pag dating sa tubig.
#7
May 4 na klaseng anaconda, nahahati ito sa kanilang kulay. Green, Yellow, Dark Spotted at Bolivian Anaconda.
Ang mga green anaconda ay mga loner, kadalasan meron silang teritoryo at duon namamalagi, hindi katulad ng mga ibang anaconda na hindi nananatili sa isang lugar.
Kagaya ng ibang hayop, nag aadapt din sila sa kanilang kapaligiran, kapag tagtuyot, kadalasan pumupunta sila kung saan malapit ang tubig, o di naman kaya ay nililibing nila ang kanilang sarili sa mga putik.
#8
Kapag nilibing nila ang kanilang sarili, pumapasok sila sa state of dormancy kung saan titigil sila sa pagkilos para mas bumagal ang metabolismo. Hindi din sila maghahanap ng pagkain kapag ginawa nila ito. Kadalasan ang gumagawa nito ay ang mga nakatira sa savanah dahil na din malayo ang tubig kung lalakbayin nila ito.
#9
Ang anaconda ay apex predator, ibig sabihin nasa taas sila ng food chain. Ang natural predator ng anaconda ay tayo, mga tao. Ibig sabihin, walang magtatakang gawin ang isang matandang anaconda na pagkain sa gitna ng kagubatan. Oo ang mga jaguars at Caimans ay pwede ring iconsider na predator ng anaconda pero ang mga ito ay hindi magtatangkang sundan ang mga malalaking anaconda o huntingin. Hindi katulad nating mga tao, mas Malaki mas maganda ang kita sa merkado.
#10
Dahil nga apex predator sila, kadalasan hindi sila hinahunting ng ibang hayop. Kadalasan namamatay lang sila kapag nasugatan dahil sinubukan nilang kainin ang isang jaguar o kaya isang caiman ( ang caiman ay isang uri ng buwaya ) kung saan magkakaroon sila ng injury at mauuwi sa kanilang kamatayan.
#11
Normal sa anaconda ang cannibalism, kapwa anaconda kinakain ang isat isa. Subalit ang gumagawa lang nito ay ang mga babaeng anaconda, kinakain nila ang mga lalaki. Ang mga lalaking anaconda naman ay hindi ito ginagawa.
#12
Ang anaconda ay mga stealth hunters, ibig sabihin hindi sila naghahabol sa kanilang mga pagkain, kadalasan naghihintay lang na lumapit ito sa kanila. Nagbblend sila sa kanilang paligid para di mahalata ng kanilang biktima na andun sila. Ang paboritong hunting grounds ng anaconda ay ang tubig. Dahil nakakatulong ito sa mabilis na pagpatay ng kanilang biktima.
#13
Ang mga anaconda ay nangingitlog, oo nangingitlog talaga sila, subalit hindi ito lumalabas ng kanilang katawan. Ang itlog na ito ay nababasag sa loob mismo ng kanilang katawan at ang nakikita na lang natin ay ang kanilang anak na lumalabas.
Karaniwan ang mga babae ay nanganganak ng humigit kumulang 29 baby anacondas.
#14
Kapag mating season naman, ang mga babaeng anaconda ay naglalabas ng chemical o scent para malaman ng lalaki na ready na sila. Kadalasan ang mga lalaki ang naglalakbay papunta sa babae, ang mga babae nanatili lang sa kanilang pwesto.
#15
Kadalasan ang mga babae ay malapit sa tubig, lalo na pag mating part na, hindi sila lumalayo sa tubig. Kadalasan maraming lalaking nakakaamoy dito at lahat sila lalapit sa babae. ang breeding ball ng anaconda ay kayang tumagal ng 4 na linggo.
#16
Sa apat na klase ng anacond1, ang green anaconda ang pinakamalaki, karinawan sila ay greenish brown, greenish gray o kaya naman ay olive color.
Ang mga anaconda ay mayroong maluwag na balat, ito ang tumutulong sa paghigop nng tubig sa kanilang katawan.
#17
Ang mga anaconda ay talagang malakas pag pumalupot na ito. Dahil na din ito ang kanilang main weapon sa pagtutugis ng kanilang mga pagkain. May misconception ditto mga boss o maling paniniwala. Ang alam nating lahat kahit ako akala ko kapag ang isang hayop o tao ay pinaluputan ng malaking ahas, mahihirapan itong makahinga dahil na din sa higpit nito, pero hindi pala. Ayon sa isang pag-aaral, pag pinaluputan ka ng sawa, ang circulatory system mo ay maooverwhelm, ang dugo hindi na makakadaloy pa sa utak ng biktima at mamatay ito.
#18
Paano na lang kung ang anaconda ay nakipagtalik sa ibang klase ng ahas kagaya ng cobra? Posible bai tong mabuhay? Ito ang Nakita kong tanong nung nagreresearch ako.
Artificially Oo, possible ito. Hindi ito ang unang pagkakataon na artificially bred species, anjan na ang ligers (lion and tiger), jaglions (jaguar and lion) at kung ano ano pa. Kaya hindi ito imposible artificially.
Pero kung naturally magtatalik ang dalawang magkaibang species, imposible ito.
Kung sakali man na artificially nagtagumpay ang pagsasama ng dalawang species, posibleng maging venomous anaconda ito o hindi naman kaya constrictor na cobra.
#19
Sa mga movies at pictures ditto sa internet, nakikita natin na kumakain ang anaconda ng mga napakalaking hayop kagaya ng elepente. Peke yan mga boss. Ang pinakamalaking nakain ng anaconda na nadokumento ay ang impala. Pero sa aking pagreresearch, Nakita ko na sinubukan din nitong kainin ang isang baka!

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pinakamalaking Caldera – Apo Laki

Mga Taong Umakyat sa Bakod ng Zoo