Alam nyo ba kung saan nagsimula ang bigfoot?

Reading Time: 9 minutes

Pag sinabing cryptids, ang unang papasok sa ilan sating mga pinoy ay ang bigfoot. I can’t blame you mga boss. Bigfoot is really famous. Kahit nga dito sa atin may nakakita na ng bigfoot. Don’t believe me? It’s not bigfoot per se, pero more closely resembled ang itsura nito. Ito mga boss ang Amongmongo.

Description:

Maraming pangalan ang bigfoot, tinatawag din itong yeti o the abominable snowman, tinatawag din itong sasquatch. Ang sasquatch mga boss ay mula sa salita ng native american salish na se’sxac na abg ibig sabihin ay wild men. Ang sasquatch ay karaniwang makikita sa pacific northwest ng US at southern canada habang ang abominable snowman o yeti ay sa himalayan mountains.

Maraming nakakita ng nilalang na ito, in terms of nakakita, kwento kwento. Ayon sa report, isa itong matangkad na primate, nasa 7 hanggang 15 talampakan ang taas at ito ay bipedal o naglalakad sa gamit ang dalawang paa. Hindi kagaya ng ibang primates.

Ang mukha nito ay pinagsamang mukha ng tao at gorilla. Meron itong mabalahibong mukha na brown to reddish ang kulay. May ibang nagsasabi din na nakakaamoy sila ng malakas at masangsang na amoy pero ayon naman sa ibang reports, wala naman silang naamoy.

May mga iilang accounts din na nagsasabing ang nilalang na ito ay gumagawa ng grunting, gurgling o howing sounds. Maraming reports ang hindi nakita ang bigfoot pero narinig nila ang mga kakaibang tunog na hindi mula sa ano mang hayop.

Ayon pa sa mga eyewitness ang mga bigfoot ay ilag satao pero curious ito at tinitingnan ang ating mga ginagawa. Habang ang ibang reports naman nagsasabing hindi naman takot ang nilalang na ito. Which is very, very confusing, considering na isa itong primate at iba ang ugali ng mga unggot espeialy ang mga gorillas.

Base naman sa alamt ng nativer american tribes pati na rin ang mga tribo sa himalayas, ang nilalang na ito ay peacheful naman. Isa rin itong kakaibang nilalang na matalino at may espiritwal na kapangyarihan.

Maraming reports ang nakakita ng nilalang na ito na nasa malayong lugar. Hindi nila alam ang intelligence capacity nito pero ang mga ibang reports nakakita ng higit sa isang bigfoot at naguusap ang mga ito sa malayo pero mas maraming report ang nakakita na isang bigfoot lang at kadalasan naglalakad sa gitna ng kagubatan.

Origins:

Papaano nga ba ito nagsimula lahat? Sino ang taong responsable sa pagpapakalat ng impormasyon na ito. Ang pangalang bigfoot ay hindi pa kilala nuon, yes ang abonimable snowman ay kilala na bago pa makilala ang bigfoot pero kung tutuusin mas popular ang bigfoot. Pero again, papaano ito nagsimula?

We go back mga boss, 1958. Ang journalist na si Andrew Genzoli ba bagttrabaho sa Humboldt times ay hinighlight ang isang sulat mula sa mga loggers ng norther california kung saan nadiskubre nila ang isang malaking footprint ng isang nilalang. At dito nga sinulat ni Genzoli na baka merong kamag-anak ang abominable snowman sa himalayas.

Para kay genzoli isa lamang itong normal na komentaryo pero nakakuha ito ng atensyon sa mga bumabasa ng kanyang artikulo. Dahil sa mainit na pagtanggap nito, nagkaroon ng follow up article at dito pinangalanan ng mga mangagaso ang nilalang na ito bilang¬† “Big Foot” at dito na nga nagsimula ang alamat.

Napagalaman nito lamang 2002 na ang footprant ay gawa gawa lanag ng Mangangaso na si Ray L. wallace. Mga boss just to be clear po ha, ito ang origins kung papaano ito nalapatan ng pangalan na bigfoot.

Rise to Fame:

Naging matunog ang kwento ng bigfoot sa mainstream media. Sa katunayan ang TV show na Truth or Consequnces ay nag offer ng 1,000 dolyares kung sino man ang makakapagpatunay na totoo ang bigfoot.

Dahil na din sa kasikatan nito, nagkaroon ng mga nobela tungkol sa kanya at dito na nestablish na ang bigfoot ay isang lalaki. Isang nakakatakot na nilalang na angtatago sa kagubatan. At nuong 1970 nagkaroon ng pseudo documentary patungkol sa existence na nilalang na ito at ang may mga pelikula din na lumabas kung saan naging isang sexual predator ang bigfoot.

Dumating ang 1980’s, Nagbago ang pananaw kay bigfoot. Naiuugnay sya sa environmentalism at isang simbolo ng wilderness na kailangan nating pangalagaan.

Orangutan:

Marami ng reported sightings ng Bigfoot pero wala pa rin itong conclusive evidence kaya’t magpasa hanggang ngayon hindi pa rin natin alam kung ito nga bay totoo o hindi.

Pero let us consider science. Ang unang tanong, saan ang ancestry nito? Kung kasama pa rin natin ang bigfoot, anong hayop ang ninuno nito. Well mga boss, fossil evidence shows na posible na mayroong bigfoot, again posible, hindi ko sinasabing meron. How? Isang kaperhas na nilalang ang nabuhay millions of years ago. Ang gigantopithecus.

Ito ang posibleng dahilan ng mga yeti at bigfoot. Altho walang ebidensya na nagevolve ang primates sa america kaya posible na ang mga ito ay nakapunta sa america gamit ang isang icy bridge.

Now we go to the topic of gigantopithecus, dahil nga sa wala na ito ngayon. Kakaunti lang ang alam natin dito at base lang ito sa fossil studies. Ang closest living relative nito ay ang mga orangutan. At base sa mga eyewitness reports, ang big foot ay halos kaparehas ng isang urangutan kung saan nababalot ito ng mahahaba at kulay reddish brown na buhok. Matatalino din ang mga orangutan at may kaparehas na curiousity kagaya nating mga tao.

Ang mga orangutan ay ibang iba sa mga kamag-anak nitong primates. Madalas itong manirahan ng magisa at nakikisalamuha lang sa ibang mga orangutan kapag mating season. Ito rin ang nakikitang dahilan kung bakit walang narerecover na mga buto ng bigfoot. Dahil ang mga ito ay kadalasan nag tatago sa mga liblib na lugar na malayong malayo sa sibilisasyon o tao.

Isa pa mabilis ding mabulok ang buto, nasa mga 5-10 years lang at mawawasak na ito at sasama sa lupa.

FBI:

Sa panahon natin ngayon, marami sa atin ang naniniwala na isa itong prank na nakilala at hindi ito totoo pero ibang iba ito mga boss nuong 1970’s dahil kasikatan nuon ng bigfoot at kahit ang FBI ay napasama sa pagiimbestiga nito.

Nuong 1976 inimbestigahan ito ng FBI. Nagpadala si Peter Byrne na director ng bigfoot information center and exhibition sa dallas ng 15 maliliit na buhok na nakalaga sa piraso ng isang balat. Ayon kay Peter, hindi maidentify ng kanilang organisasyon kung saan mula ang kapirasong buhok at humihingi sya ng tulong sa FBI para maanalisa ito.

Ayon sa assistant director ng FBI na si Jay cochran Jr. Kadalasan ang inaanalisa lang nila ay tungkol sa ebidensya ng krimen. Pero sa pagkakataong ito, magbibigay sila ng exception. Nilinaw din ni Jay na hindi ibig sabihin na ang FBI ay naniniwala sa bigfoot kaya nila tinanggap ang request ni Peter, sadyang pinagbigyan lang nila ng pabor si Peter Bryne.

Isang taon matapos nito, pinadala ng FBI pabalik ang resulta at dito sinabi ng FBI na hindi ito mula sa bigfoot. Bagkus ang kanilang natagpuan ay isang buhok ng usa.

Ito nalang muna sa ngayon mga boss, Next video natin ang mga theorya tungkol sa bigfoot. Sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Walang stars sa picture? Bakit nga ba? -Moon Landing Conspiracy-

Fermi Paradox