Alam nyo ba ang tungkol sa Cheetah?

Reading Time: 12 minutes

Maiba naman tayo, karamihan puro ancient at prehistoric animals ang ating dinididscuss, idiscuss naman natin ang mga mga hayop na nakikita natin sa mga TV. Ang mga cheetah. Ang chetah ay kasama sa pamilya ng mga bigcats pero hindi sila katulad ng mga leopards, tivgers o lions.  Kahit na mas inferior ang mga ito pagdating sa bigcats, sila pa rin ang may hawak ng pinakamabilis na land mammal na nabuhay sa mundo. Tara mga boss, tuklasin natin ang cheetah.

Name:

Ang cheetah ay kasama sa genus ng Acinonyx, when i say acinonyx mga boss, ito yung mga cheetah like cats. Sadly sa genus na ito ang specie na nabubuhay namang ay ang cheetah. Ang scientific name ng cheetah ay acinonyx jubatus.

Ang cheetah ay mula sa sanskrit word na citra na ang ibig sabihih ay variegated, adorned, painted. Habang ang genus name naman nito  na acinonyx ay mula sa dalawang salita ng greek ang una ay akinitos na ang ibig sabihin ay unmoved, motionless at ang onyx naman ibig sabihin nail, hoof. Kung pagsasamahin ang dalawa, ang ibig sabihin nitoo ay immobile nails, isang reference sa limited ability ng cheetah, ang pagretract ng claws nito. Habang ang jubatus naman ibig sabihin having a mane o crest.

Sa katunayan ang scientific name nito ay Felis Jubatus na ginamit ni Johan Christian Daniel Von Schreber nuong 1777 kung saan binase nya ang pag pangalan sa nilalang na ito base sa description. Nuong dumating ang 1828 si Joshua Brookes ang nagpropose ng acinonyx na syang naging pangalan na nga nito.

Description:

Ang cheetah ay mayroong humigit kumulang 2000 solid black spots. Ang ilalim ng kanilang tyan ay purong puti. Ang cheetah ay mas mataas ng dihamak sa mga leopard pero mas maliit ito kumara sa lions at obviously mas magaan kumapra sa leon.

Ang mga cheetahs ay mayroon ding black pattern mula sa kanilang mata pababa ng kanilang bibig. Hindi pa conclusive kung anong role nito pero pinaniniwalaan na ito ay nagisisilbing kalasag o shield mula sa sun glare which make sense kasi nga ang mga cheetah ay diurnal o active tuwing umaga, kadalasan naghuhunt sa tindi ng sikat ng araw. Ang isang dahilan pa ay para lamang sa facial expression.

Ang bawat cheetah ay may distinctive spots, think of it as a thumb print, bawat cheetah may signature spots at hindi ito identical. Meron ding mga mutation ang mga cheetah kagaya ng melanistic at albinisim. Sa katunayan isang black cheetah ang nakita sa zenya at zambia habang si Philip sclater naman na isang zoologist ay nakakita ng 2 albino specimen sa south africa.

Madalas din mapagkamalan ang cheetah at ang leopard ay iisa. Sa unang tingin mapapagkamalaan mo talaga ito pero kung titingnan mong maigi, ang cheetah ay mayroong round spots na maliliit habang ang leopard naman ay parang rose like.

Ang kanilang mga bungo ay halos kaparehas ng regular na pusa o ung mga pusa na inaalagaan natin. Isa pang katulad ng sa maliliit na pusa ay ang mahaba at flexible nitong spine na kabaligtaran ng mga ibang malalaking pusa kung saan ang mga spine nito ay matitigas. Kapag nagroar ang leon talaga namang nakakatakot ito, sadly ang mga cheetah ay hindi ito kayang gawin, ang kaya lang nila ay mag purr at mag hiss, ung tiping nakikita at naririnig natin sa mga pusa. Ito ay sa kadahilanang merong shar edged vocal fold sa kanilang mga larynx.

Kagaya nga ng sinabi ko kanina, ang mga cheetah ay mga dirunal. Pero ang mga juveniles o ung mga batang cheetah at mga lalaking cheetah ay kadalasan naglilibot din pag gabi. Ang mga cheetah ay malakas ang pakiramdam at laging alerto. Kapag sila ay nasa grupo, karaniwan nagtatake turns sila para ang isa makapagpahinga ang isa naman magiging lookout.

King Cheetah:

Yes you heard me right mga boss. Meron ding king sa mga cheetah. Altho hindi ito totoong hari, ang king cheetah ay isang rare mutation kung saan nagkakaroon ng 3 dark stripes sa likod nito hanggang sa may buntot. Nuong 1926 si Major A. Cooper ay nakabaril ng isang hayop na kaperahs ng isang cheetah pero ayon sa kanya ito ay mayroong makakapal na buhok na parang snow leopard at merong stripes sa likod. dahil dito, inakala na ang nilalang na ito ay crossbreed ng leopard at cheetah.

Sa katunayan nabigyan pa ito ng panibagong species, tinawag itong acinonyx rex, ang rex ay latin for king at kung pagsasamahin ang dalawang salita, ito ay king cheetah. Subalit nuong dumating ang 1939 nalaman na ito ay isa lamang rare mutation ng spotted cheetah. Simula 1927, 5 cheetah na ang nakita sa wild. Parang case ng mga black manthers kung saan ang dahilan ay mga recessive genes. Kung ang dalawang cheetah ay carrier ng recessive gene, ang kanilang offspring ay posibleng maglabas ng king cheetah.

Social:

Katulad ng mga lions, ang mga cheetah din ay mga social animals. Subalit ang ibang mga babaeng chetah ay mga loner. Ayon sa pagaaral, ang mga buntis, nagpapadede at iilang mga cheetah na tumong tong na sa adaloscense ay kadalasang hindi nakikijoin sa mga grupo. Habang ang mga nanay na cheetah na hindi na nagpapadede sa kanilang anak ay kadalasang nagfoform ng grupo kasama ang mga lalaki at mga kapatid ng nanay.

Ang mga lalaki ay kadalasang minamarkahan ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagihi sa mga puno, pagjerbaks o hindi naman kaya pag kalmot sa mga ito. Kadalasan nagkakaroon din ng mga gang wars o territorial clashes. Ang iba dito ay hanggang kamatayan ang labanan at kadalasan nagkakaroon ng cannibalism sa magkabilang side.

Ang mga matatandang lalaki naman ay kadasalang sumasali sa grupo at sinasantabi ang kanilang pagiging territorial. Ang nabuong grupo na ito ay dedepensahan ang kanilang teritoryo. Ang mga babae naman ay hindi territorial at kadalasan hindi sumasali sa grupo at nabubuhay kasama ang kanilang mga anak.

Running:

Ang cheetah ay kayang tumakbo ng 70 miles per hour at take this sa loob ng 3 segundo kaya nitong bumilis mila 0 hanggang 60 miles per hour. Imaginine ninyo kung gaano kabalis yun. Sympre meron ding downfall ang speed nito, yes mabilis sila at pati acceleration nila ay sobrang bilis pero hindi nila un kayang imaintain ng matagal. Kaya nitong tumakbo ng maximum speed sa 100 yards lamang, after ng 100 years ang kanyang katawan ay mag oover heat.

Speaking of overheating, kapag ang cheetah ay tumatakbo at naghahabol ng pagkain, ang temperature ng katawan nito ay umaabot ng 205 degrees fahrenheit o 41 degree celsius.

Hunting:

Ang mga cheetah ay hindi mga stalker, kadalasan nilalapitan nila ito ng dahan dahan hanggang sa sila ay madetect ng kanilang hinahunting at saka nila hahabulin ito ng 20 to 30 seconds. Dahil din sa maliliit nilang pangangatawan, kadalasan ang mga pagkain ay kinakain nila ng mabilisan dahil kung hindi, makikita ito ng leon, hyena at iba pang malalaking carnivores, pag dumating sa puntong ito, ang mga cheetah kadalasan ay umaalis na lang. Sa katunayan ayon sa pagaaral, almost 50% ng kanilang napatay ay nakukuha ng mga bigger carnivores.

Ang nanay na cheetah kadalasan hindi pinapatay ang kanyang biktima, kapag may pagkakataon, hindi nya ito sinasagpang sa leeg, bagkus kinakagat nya ito sa ulo at dadalhin sa kanyang mga anak at saka papakawalan. Dito natuto ang mga anak ng cheetah kung papaano mag hunt, sympre naka abang ang nanay para kung sakaling makatakas sa mga anak ay mabilis nya itong maabutan.

Reproduction:

Walang specific mating season ang mga cheetah, pag nakaramdam sila gagawin nila. Ang gestation period ng mga cheetah ay 3 months at kadalasan 2 hanggang 4 na anak. Ang mga nanay lang ang responsable sa pagpapalaki ngkanilang mga anak. Ang mga nanay kadalasan nagpapalit ng lungga kada 4 na araw. ITo ay para hindi sila masundan ng mga ibang predator katulad ng hyenas at leon. Kadalasan ilang metro ang nilalakbay ng nanay dala dala ang kanyang anak para dalhin sa panibagong lungga.

Gwardyado rin ng nanay ang kanyang lungga, kadalasan iniiwan nya lang ito tuwing umaga para mag hunting at nagpapatrol naman ito sa paligid para macheck kung meron bang nagbabadyang panganib. Sa unang 6 na buwan pagkapanganak ng cheetah, ang mga anak nito ay dependent pa rin sa nanay. Pag tungtong ng 7 to 12 months naman ay tinuturuan na sila ng kanilang nanay na mag hunt ng pagkain pag dating ng almost 1 year kadalasan kasama na ito ng kanilang nanay sa paghuhunting. Pagdating naman ng 1 year and 3 months, kadalasan umaalis na ang mga anak nito sa kanyang puder at ang mga lalaking anak ay bumubuo ng grupo.

Ang kanilang mga anak ay mayroong mahahabang gray na buhok, 2 ang use nito. Ang una ay ang pag blend sa kanilang surroundings, ang pangalawa ay para maintimidate ang ibang predator dahil sa unang tingin, parang honey badgers ang mga ito. Well sa mga hindi nakakaalam ang mga honey badgers ay walang sinasanto.

Ancient History:

Alam nyo ba mga boss na nuon pa man, ang mga cheetah ay ginawa ng alaga ng mga tao? Yes mga boss. Ang mga sumerians, dataing back 3000 BC inaalagaan at tinitrain ang mga cheetah para sa paghuhunting. Sa india, si Mughal Emperor Akbar, nagtrained ng 1000 cheetah na ginamit nya rin sa paghuhunting. Pati ang egyptian di rin nagpatalo dito, ang kibigan ni tutankhamen dating back 1400 BC ay mayroong mga cheetah artifacts. Isang fossil ng higanteng cheetah, posibleng sub species nito ang natagpuan. Ayon sa carbon dating, ang fossil na ito ay 1-2 million years old.

Ayan mga boss ang impormasyon patungkol sa cheetah. Alam kong marami pang info jan, sa mga hindi nabanggit, pwede natin isama yan sa week in review this week. Maraming salamat sa panonood mga boss at sana ay may nakuha kayong bagong impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mga kwento ng time travel Part 1

Ang mga kaso ng Reincarnation ng mga kilalang tao