Alam nyo ba ang iba’t ibang klase ng mangkukulam

Kapag sinabi nating Witchcraft, ito ay isa lamang katawagan patungkol sa pag-gamit ng mahika at kakaibang kapangyarihan. Karamihan ay inaakala na ang lahat ng witch o mangkukulam ay iisa lamang ang kanilang ginagawa.

Well, may mga pagkakaiba iba din sila. Ang pag-gamit ng mahika ay mayroong iba’t ibang uri. Alamin natin kung ano nga ba ang kanilang pagkakaiba-iba.

Witches:

Women as witches: past, present and future

Ayon sa thought catalog, mayroong iba’t ibang uri ng mangkukulam at pangkukulam. Nariyan na nga ang nangungunang Traditonal Witch na silang mayroong kaalaman patungkol sa sinaunang mahika at sa pinagmulan ng mga ito. Ang mga mangkukulam na ito ay pinaniniwalaang ang mahika na kanilang ginagamit at maging ang mga paraan na kanilang ginagamit ay mula pa noong unang panahon.

Ang mga paraan na kanilang ginagamit ay kanilang napag-aralan mula pa sa kanilang mga ninuno at sa iba pang mangkukulam. Mas nakatuon nga ang atensyon ng mga ganitong uri ng mangkukulam sa mga pinagmulan ng mga bagay at maging mga ispirito.

Ang pangalawa naman ay ang tinatawag na Gardnerian Witch. Ayon sa Spell8.com, ang pinaniniwalaang ama ng Wicca na si Gerald Gardner ang siyang nagpasimula ng ganitong gawain sa Britain noong mid-20th century. Mula sa kanyang orihinal na coven na Bricket Wood, ipinasa niya ang kanyang kaalaman.

Pinaniniwalaan na ang pagpasa ng ganitong uri ng witchcraft ay para lamang sa mga tinatawag na Gardnerian. Ito ay upang malaman kung kaninong pamilya nakabilang ang gumagawa nito mula pa noong maibento ito.

Ang mga gumagawa ng practice na ito ay malakas ang kapit sa kalikasan, madalas kinakalaban ang societal norms at ang kanilang mga mahika ay ginagamitan ng napakaraming ritwal. Ang ritwal na kanilang ginagamit ay highly elaborated at maraming mga orthodox coven ang patuloy na gumagamit nito. Ang kanilang samahan ay mahirap hanapan ng impormasyon dahil sa sobrang tago at sa sobrang higpit ng pagiging sikreto nito.

Sumununod naman ang tinatawag na Alexandrian Witch. Ang ganitong uri ng witchcraft ay nagmula kina Alex at Maxine Sanders noong 1960’s. Ang ganitong uri ng witchcraft ay masasabing may pagkakatulad sa Gardnerian witchcraft, ngunit ang kanilang pagkakatulad ay kakaunti lamang.

Kung ikukumpara sa Gardnerian, ang Alexandrian ay ginagamitan ng iba’t ibang elemento ng magic at maging ang tinatawag na Qabalah o isa din uri ng white magic. Kung ang Gardnerian ay mabusisi ang pagtuturo at pag-gamit ng kanilang mahika, ang mga Alexandrian ay mayroong kasabihan na kung ang kanilang mahika ay gagana, maari nila itong gamitin. Ang mga taong nais maging Alexandrian witch ay dadaan muna sa isang high Priestess at ang lahat ng miyembro ng kanilang samahan ay nagtitipon-tipon tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan, new moons at maging Sabbath Festival.

Sumunod naman ang kinikilalang Correlian Witchcraft. Ang Correlian ay mula kay Caroline High Correll noong 20th century. Siya ay nagmula sa pamilya ng mga witchcraft, isang psychic at isang spiritual healer. Maging ang kanyang pag-gamit ng witchcraft ay ginagamit para sa mga pang-gagamot at pag-gamit din ng halamang gamot. Pinaniniwalaan din na si Caroline ay nagsilbing head ng isang simbahan hanggang sa ito ay mamatay noong 1940’s.A ng ganitong uri ng Witchcraft ang pinaka kilala at pinaka ginagamit ng ilang mga tao ngayon. Kung ating titignan, ang mga albularyo na ating kilala ngayon ay gumagamit ng tinatawag na Correlian Witchcraft. Kagaya ng isang correlian witchcraft, ang mga albularyo ay dinadasalan din ang isang halaman para ito ay maging mabisa.

Sumunod naman naman ang Sea Witchcraft. Makikita naman sa katawagan na ito ay nakakabit sa tubig at maging sa karagatan. Ang kinikilalang Sea at ocean magic na madalas ay ginagamitan ng mga buhangin na mula dito, mga shells at iba pang mga elemento na nagmula sa tubig. Ang mga kinikilala ngang sea witches ay malakas ang kapit at malapit sa karagatan at maging sa mga pinaniniwalaang sirena.

Ang sumunod naman ay ang tinatawag na Hedge witches o mas kilala din bialng Hedge Jumping witches. Ang mga witches na ito ay may kakayahang pumunta sa underworld upang kumausap ng mga kaluluwa. Mayroon silang kakayan makipag usap mula sa ating mundo hanggang sa kabilang mundo. Ang mga ito ay gumagamit ng mga mga halamang gamot upang magawa ang astral projection. Sila nga ay kilalang kilala sa kanilang mga nagagawang pagpapabalik balik sa kabilang mundo. Minsan ay napagkakamalan silang mga witch na nakasakay sa isang broomstick o walis at pinaniniwalaan ito ang kanilang ginagamit upang makapaglakbay sa ibang mundo.

Sumunod naman ang tinatawag na Dianic Witch. Ang mga witches na ito ay mga taga sunod ng kulto ni Diana. Pinaniniwalaan na ito ang grupo ng mga mangkukulam kung saan tanging babae lamang ang tinatanggap nilang maging miyemro. Kanila ngang sinasamba ang ugali ng kinikilalang Diyosa na si Diana, mula sa kanyang pagiging Maiden, Morher at Crone. Ang kanilang mga ginagawang ritual ay pinaniwalaang pangkababaihan.

Ang susunod naman ay ang kinikilalang Elemental Witch. Ang mahika na ginagamit ng witch na ito ay mula sa apat na elemento sa ating mundo. Mula tubig, apoy, hangin at lupa. Kung ang mga ito nga ay iyong sasambahain, pinaniniwalaan na mas magiging malakas ito at magiging mas epektibo. Ang ganitong klase ng Witch ay nagtataglay ng tig isang lamesa na para lamang sa bawat elemento. Sa tuwing sil ay gagamit ng kapangyarihan o hindi naman ay gagawa ng isang ritual, sila ay tumatawag at nanlangin sa mga elementong ito.

Ang sumunod naman ay ang tinatawag na Ceremonial Witch. Ang witch na ito ay nagsasagawa ng iba’t ibang mga mahika, ngunit ang kanilang especialty ay ang pag-gawa ng mga seremonya at paggamit ng mga ritwal. Dinadasalan nila ang mga ilang kakaibang nilalang upang sila ay mabigyan ng kapangyarihan at magawa ang kanilang nilalayon.

Mayroon din kinikilalang Norse Witch na silang kumikilala sa mga lumang gawain at mga ritwal sa Scandinavia. Hindi tulad ng ibang mga witches group, ang ganitong uri ng Witchcraft ay hindi na kailangan pang dumaan sa mga initiation rites upang maging isa sa kanila.

Mayroon din kinikilalang Cosmic Witch kung saan ginagamitan ito ng mga bituin, mga cosmos astrology at maging mga celestial energy upang sa kanila ay makatulong na magamit ang kanilang kakayahan.

Ang tinatawag na Heriditary Witchcraft ay ang mga tao na lumaki sa pamilya ng mga mangkukulam, kumbaga minana. Hindi na matatanggal sa kanilang pamilya ang ganitong gawain ,mula pa sa kanilang kanunuuan. Mula noon ay ipinasa at ipapasa sa mga susunod na henerasyon ng kanilang pamilya ang kaalaman patungkol sa gawain na ito. Kung sakaling ang isang anak sa pamilya ay tinalikuran ang mga ganitong gawain, maari itong mabuhay ng mapayapa at hindi ito matatawag na heriditary witch.

Sunod naman ang Tinatawag na Secular Witch. Ang mga ganitong uri ng witch ay pinaniniwalaang hindi sumasamba sa kahit anong kakaibang nilalang, ngunit purong dasal lamang ang kanilang ginagamit. Kahit na sila ay hindi sumasamba sa mga kakaibang nilalang at mga elemento, sila ay gumagamit pa din ng mga spells, mga crystal, herbs, oils at maging kandila.

Sumunod naman ang tinatawag na Solitary Witch. Ang mga ito ay mga witch na masasabi nating introvert. Dahil ang mga ito ay mas gugustuhing mag-isa lamang keysa makisama sa mga coven at sa iba pang mga grupo. May paniniwala na ang mga witch na ito ang mga reincarnation ng mga sinaunang witches na siyang magaling sa larangan na ito. Masasabi nating natural witch ang mga ito dahil sa kanilang mga karunungan na kusang lumalabas pagdating ng kanilang tamang edad.

Nariyan din ang tinatawag na Ecletic Witch na gumagamit ng iba’t ibang teknik, relihiyon at tradisyon mula sa kanilang mga ritwal. Dahil sa ganitong gawain, ang mga witch na ito ang silang naglalagay ng sariling babala at mga dapat gawin sa kanilang mga mahika.

Ang pinaka huli naman ay ang tinatawag na Green Witch. Teka, hindi ito ang mga witch na nagmamasa at gumagawa ng pizza ha iba un. Ang mga witch na ito ay gumagamit ng mga halaman, herbs at maging mga bulalak upang tumalab ang kanilang mahika. Tinawag nga silang Green Witch dahil ang kanilang enerhiya ay nanggaling sa kalikasan at mga halaman na mayroon ang mundo.

Madalas ay makikita itong nasa hardin at mga makakahoy na lugar kung saan dito nila ginagawa ang kanilang mga ritwal.

Ito ang mga iba’t ibang klase ng mga mangkukulam. Ngunit para sa ating bansa, ang pinaka kilalang mahika nga ay ang mga barang at kulam na gumagamit ng mga manika at mga insekto sa kanilang mga nabibiktima.

Ang pag-gamit ng mga ganitong kaalaman ay mula pa nga noong unang panahon na hanggang ngayon ay ginagawa ng ilang mga kulto at ng ilang mga indibidwal. Nakilala na natin ang iba’t ibang klase ng mga mangkukulam, mayroon ka bang kilala na gumagawa o naninwiala sa mga ito?

Maari mong malaman kung anong klase sila ng mangkukulam base sa kanilang ginagawa at kung paano nila nakukuha ang kanilanhg enerhiya. Well, as i always say. Totoo man ito o hindi, ang pag-gawa sa ganitong mga gawain ay delikado dahil hindi mo alam kung sino ba ang iyong sinasamba at kung sino ang nagbibigay sa iyo ng kapangyarihan.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/jylZQXpniUI

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang Merlion (Ultramar) ng Pinas

Ito ang totoong dahilan bakit nabuo ang halo halo