Totoo ba na nilalason tayo ng chemtrail?

Reading Time: 22 minutes

Sa sobrang dami ng mga conspiracy na lumalabas sa panahon ngayon hindi na natin alam kung mayroon bang katotohanan ang mga ito. Nakita nyo ba ung parang puting usok na naiiwan ng mga jets? Sa normal na tao i mean ung walang idea sa conspiracy, para sa kanila normal lamang na usok ito. Pero para sa mga conspiracists, ito ay isang chemtrail. Ano nga ba ang chemtrail?
Ang topic na ito ay nirequest nila Pau Hub, Jade 777 at Kristie Santiago.

History:

Chemtrail conspiracy theory - Wikipedia

Nagsimula ito noong naglabas ng isang report patungkol sa weather modification ang United States Air Force o USAF noong 1996. Bago pa ang report na ito, noong taong 1990 ay naakusahan ang USAF na ang mga ito ay nagpapakalat ng misteryosong substance na kanilang inilalabas mismo sa America. Gamit ang isang sasakyang pamhimpapawid nagawa nila itong ipasama mismo sa hangin na nilalanghap ng kanilang mamamayan.

Ito ay ipinost nila Richard Finke at William Thomas sa isang forum na makikita sa internet. Mas lalo pang lumaganap ang conspiracy theory na ito noong taong 1999 dahil sa isang radio late night host na kinilala bilang si Art Bell.

Magmula noong kumalat na ito sa madla, iba’t ibang mga sulat at mga tawag ang natanggap ng mga federal officials. Noong 2000 ay naglabas ng report ang iba’t ibang agency mula sa Environmental Protection Agency (EPA), ang Federal Aviation Administration (FAA), National Aeronautics and Space Administration (NASA) at maging National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA).

Ang mga ito ay naglabas ng pahayag upang maisapagwalang bahala at upang sabihin sa mga mamayan na hindi ito totoo, ngunit karamihan sa mga chemtrails believers ay kinilala ang mga pahayag na ito bilang ebidensya na pinipilit ng gibyerno at iba pang matataas na tao na takpan ang kanilang ginagawa.

Noong 2000 naglabas ng isang undated o isang papel na walang nakalagay na date na nagsasabing ang conspiracy na kanilang pinaniniwalaan ay walang katotohanan. Ang kanilang pinaniniwalaan ay maaring nagsimula sa strategy paper noong 1996. Ang strategy paper na ito ay isang draft mula sa Air University na pinamagatang Weather as a Force Multiplier: Owning the Weather in 2025.

Ang papel na ito ay inilabas upang maging tugon sa ginawang outline ng mga militar patungkol sa panghinaharap na estratehiya na weather modification system.

Weather modification meaning pagkontrol sa klima at panahon, ayon sa mga militar ang paggawa ng weather modification ay makakatulong upang manatili ang pangunguna ng United States’ military hanggang sa dumating ang taong 2025.Ang report na inilabas noon ng USAF ay kinilala lamang bilang isang fictional representations na maaring kaharapin sa hinaharap.

Noong 2005 ay nagsalita muli ang USAF at nagbigay ng pahayag patungkol sa kanilang nagawang report na ang bagay na ito ay hindi kayang gawin ng militar at kung kaya man nila ay hindi nila ito isinasagawa.

Klinaro nila na walang plano ang USAF na gumawa ng isang eksperimento patungkol sa paggamit ng weather modification at kahit kailan ay hindi nila ito gagawin. Idinagdag pa ng USAF na ang conspiracy patungkol sa Chemtrail ay isa lamang kalokohan at maging ang ibang mga samahan, mga unibersidad, mga scientific organizations ay ipinagsawalang bahala na lamang ang conspiracy theory na ito.

Ang conspiracy theory na ito ay malimit imention ng ilang mainstream media na sa tuwing inilalabas nila ang topic na ito, ang mga ito ay nagiging halimbawa ng mga anti-government paranoia o ang mga taong walang tiwala at nag-iisip ng kung ano-ano patungkol sa sarili nilang gobyerno.

Noon lamang 2013, nagkaroon ng isang publication ang CIA, NASA at ang NOAA na nagpaplano na magbigay ng pondo na kanilang ibibigay sa National Academy of Sciences. Ang pondo na ito ay upang mapag-aralan kung ano ang magagawa ng geoengineering sa global warming na nararamdaman ng buong mundo. Isang article mula sa International Business Times, na nagsasabing ang ideya na ang ilang agency na hawak mismo ng gobyerno ay naghahanap ng paraan upang makontrol at manipulahin ang klima ay maaring pagsimulan ng takot ng ilang mga mamamayan, at maari din pagsimulan ng kung ano-anong conspiracy katulad na lamang ng chemtrail theory.

What really is Chemtrail:

What Are Chemtrails Made Of? - Scientific American

Ayon sa ilang mga “consiprator” , ang isang chemtrail ay isang masamang substance na iispray sa kalangitan. Pinaniniwalaan na ito ay isang eksperimento upang makita ang maaring epekto nito sa mga tao, o hindi naman ay paraan ito upang madaling mamatay ang mga taong mahina ang katawan at maging ang mga matatanda. Ayon naman sa iba pang mga taong naniniwala sa ideyang ito, maaring isa itong paraan upang makontrol ng gobyerno ang utak ng mga tao o hindi naman ay malinis ang utak ng mga tao. Ang ilang mga paniniwala na maaring ang gobyerno ay nagtatapon ng mga barium salt aerosol sa lupa upang maging gabay sa radar na kanilang ginagamit upang malaman kung mayroon mang paparating na kalaban.

Ang ilang teorya patungkol sa chemtrail ay upang malabanan ng gobyerno ang global warming. Ang pagpaplabas ng mga particles na ito sa atmosphere ng mundo ay isang paraan upang maitaboy ang radiation na mula mismo sa araw. Ang bagay na ito ay matatawag na Albedo modification na kung saan ang mga light radiation na ito ay naiibalik sa labas ng kalawakan.

Ngunit ang bagay na ito ay pinag-aaralan pa hanggang ngayon ay hindi ito lingid sa kaalaman ng iba.

The Whistle blower:

Pros and Cons of Whistleblowing in the Workplace

Ang bagay na ito ay hindi bibigyan ng mahalagang atensyon kung wala ang ilang sapat na dahilan upang mapanghawakan ang paniniwala. Noong lumabas ang conspiracy na ito, ilang mga tao na din ang nagsilabas upang magbigay ng kanilang testimonya na totoo nga ang isang chemtrail.

Nariyan ang isang pahayag ng isang engineer para sa aerospace technology na nagpakilala bilang si Jens. Ayon sa naging pahayag nito sa publiko noong May 12, 2014, siya ay nagkaroon ng pagkakataon upang makapagtrabaho sa isang military airbase na mula sa Oberpfaffenhofen. Siya at kasama na din ang kanyang mga katrabaho ay naglagay ng isang spraying device na kanilang ikinabit sa isang eroplano.

Ang eroplano na kanilang ginamit ay mayroong sariling tangke na nakakonekta ang ilang kable at ilang linya kasama na ang spraying device. Noong matapos ang kanilang gawain ay sinabihan ang mga ito na ang eksperimento na gagawin ng militar ay ipinatupad ng German aeronautics and space administration.

Mula sa eroplano na kanilang nilagyan ng device, mayroon pa itong kasunod na eroplano kung saan nilagyan din nila ng isang measuring devices na sumusukat sa nagagawa ng nangungunang eroplano. Noong maikabit na nila ang mga devices na ito, ang mga nagpapalakad ng eksperimento ay inutusan sila na magsuot ng gear dahil ang tangke na nasa loob ng unang eroplano ay lalagyan na nang laman.

Ayon pa kay Jens ang laman ng tangke ay mga aluminum sulfides o hindi naman ay isang barium oxides na mayroong nakakalasong nano size particle polymers.

Ang inilalagay sa loob ng sprayer na kanilang ikinabit ay isang toxic substance na kung saan ipinapalabas sa himpapawid. Dahil sa kanyang nalaman ay nagpunta ito sa isang local Green Party representative sa nasa kanilang lugar. Dala ang mga kopya ng ilang pinaniniwalaan na ebidensya patungkol sa bagay na ito, nagsumbong ang lalaking ito at handang humarap sa mga malalaking tao upang malaman ng publiko ang kanilang ginagawa.

Kinabukasan din mula noong ito ay magsumbong sa mga taong ito, ito ay pinuntahan mismo ng kanyang boss at nagsabi na siya ay tatanggalin mula sa kanyang trabaho. Mula noon ay hindi na ito tinanggap ng kahit anong trabaho mula sa kahit anong aerospace business.

Hindi lamang nag-iisa si Jens na naging matapang upang magbigay ng ebidensya patungkol sa chemtrail na ginagawa ng gobyerno. Noong January 18, 2014 lumabas ang isang former Air Force Bio-Environmental Engineer na nagpakilala bilang Kristern Meghan.

Ang babaeng ito ay nasaksihan ang isang pangyayari kung saan ang paglalagay ng isang powdered aluminum at barium na ipinadala sa U.S Air force bases upang ilagay sa isang jets. Ang aluminum at ang barium na ito ay isang metal na makikita sa lupa, sa tubig, sa ulan, sa alikabok at ilang blood sample. Ang mga bagay na ito na ipanapakalat sa kalangitan ay ginagamit upang ipang geoengineering ng mga eksperto. Dahil sa dito, nagkakaroon ng chemtrail sa kalangitan.

Ang pinaka kilalang whistleblower sa chemtrail ay ang isang FBI Special Agent in charge at ang head ng Los Angeles FBI na si Ted Gunderson. Ang taong ito ay kinikilala din bilang taga dala ng ilang government corruption, ilang case ng satanic ritual abuse, human slave trade at ilang mga government-sponsored terrorism.

Naglabas ng pahayag si Ted noong January 12,2011 at kinumpirma na isamg chemical aerosol ang ini-spray mula sa e United States, England, Scotland, Ireland, at Northern Europe.

Ang mga chemtrail na ito ang pumapatay sa libo-libong isda sa karagatan at ilan pang nilalang dahil sa lason na mayroon ito. Nanawagan ang tatlong ito na tigilan ng gobyerno at maging ilang eksperto ang paggawa ng bagay na ito.

Legal Matters:

Technical Support related to Legal Matters

Pinaniniwalaan na nakatulong ito sa maraming tao ng Queensland, South Australia, Western Australia at Victoria. Isang virus ang kumalat sa lugar na ito na kumalat na din sa mga tao.

Noong taong 2006, isang article na mula sa Yale School of Public Health na isinulat ni Michael Greenwood na pinamagatang “Aerial Spraying Effectively Reduces Incidence of West Nile Virus (WNV) in Humans.” Dahil nga sa WNV ay kanilang imunagkahi na magspray mismo sa kalangitan upang mapatay ang mga lamok na pinagmumulan ng virus.

Ang aerial vaccine na kinilala bilang DNA vaccine ay pinag-aralan ng mga eksperto upang malaman kung ano ba ang magiging apekto nito sa mga tao. Ayon sa ilang mga resulta, nagkaroon ito ng masamang epekto. Ang mga pasyenteng tinamaan ng aerial vaccine na ito ay maaring makaranas pa ng mas malubhang pakiramdam sa kanilang katawan.

Noong 2009 sinimulan ang gawain na ito na kung saan isang 50 years old na babae ang naexpose sa malaking amount ng vaccine na inilabas sa kalangitan. Noong nalanghap niya ang vaccine na ito, nakaramdam ito ng pagkahilo, pagsakit ng mga muscle at pananakit ng kanyang likod. Noong tinest ang matanda ay nalaman na nalanghap nito ang DNA vaccine at ito ang naging dahilan ng kanyang mga naramdaman.

Ayon sa ilang paniniwala, ang mga militar ay isinasama ang maliit na nanobots sa isang chemtrail. Naniniwala ang ilang theorist na gamit ang nanobot, magagawang kontrolin ng mga militar at ng gobyerno kung sino man ang makalanghap nito.

Ang isang nanobot ay microscopic at ang mga ito ay radio controlled mula sa isang mono atomic gold particles. Kung sakaling ang bagay na ito ay ipaulan kasama ng mga nakakalasong chemical ay maaring makapatay sa mga tao.

Pinanininwalaan na kapag ito ay nasinghot ng isang indibidwal, maari itong dumeretso sa kanyang utak at mula duon ay makokontrol na nito ang isang indibidwal ng hindi nya namamalayan.

NASA and the Fake Clouds:

No, NASA doesn't have a cloud generation machine — it has rocket engines -  The Verge

Noong taong 2017, nagkaroon ng report patungkol sa plinaplanong gawin ng NASA. Ang paggawa ng kulay berde at kulay pulang ulap sa kalangitan na maaring makita ng mga taga New York hanggang North Carolina. Ayon sa report, isa itong eksperimento upang mapag-aralan ang bagong sistema na makakatulong sa mga eksperto upang mapag-aralan pa lalo ang aurora borealis at ang ionosphere.

Ang sub-orbital rocket ay magagamit upang makapaglabas sa kalangitan ng ilang soda-sized canisters. Ang mga canisters na ito na mula mismo sa isang vapor tracers na kanilang ilalagay sa upper atmosphere upang makagawa ng isang makulay na ulap. Ang mga tracers na ito ay mula sa isang lithuim barium at tri-methyl aluminum na kapag napasama sa iba pang element sa atmosphere ay makakagawa ng ilang maliwanag na kulay. Ngunit ito ay hindi pa din nagagawa ng NASA dahil ang mga ito ay hindi pa makahanap ng isang magandang panahon upang masimulan ang eksperimento.

Chemtrail and The Contrails:

Why Do People Believe in Chemtrails? | KCET

Ang usok na nakikita ng mga tao na lumalabas sa isang jets ay matatawag na contrails. Ito ay isang condensation trails na naiiwan ng mga condensed water vapor mula sa hangin na mula mismo sa eroplano o hindi naman sa mga rocket na nasa mataas na altitudes.

Sa tuwing umiinit ang fossil fuel, nakakapaglabas ito ng carbon dioxide at mga water vapor at dahil nga ang hangin ay malamig sa high altitude, ito ay hahalo sa mainit na hangin na mula naman sa nailalabas ng engine ng sasakayang pamhimpapawid. Kumbaga nagkakaroon ng chemical reaction. Dahil sa pangyayari na ito, ang water vapor ay matutunaw hanggang sa maging ice crystal na magiging dahilan upang makita ang ilang ulap.

Ang pagpapakita ng ganitong bagay ay nababase din sa kung anong klaseng panahon ang nililiparan ng isang sasakyan. Kung ang atmosphere ay basa, ang contrail ay makikita lamang ng minsanan. Kung ang atmosphere naman ay tuyo, makikita ang contrail ngunit ito ay mawawala ng paunti-unti.

Ang contrails ay maaring magtagal sa kalangitian ng halos isang oras at natural lamang na ang mga ito ay lumatag na para bang naghihiwa-hiwalay. Ito na mismo ang nakikita ng mga chemtrails conspiracy at pinaniniwalaan na ang chemical na ito ay kumakalat na sa kalangitan. Ayon sa pag-aaral, ang iba’t ibang laki ng mga ice crystals na makikita sa contrail ay mawawala sa magkakaibang paraan. Ang bilis din ng hangin sa itaas ay nagiging dahilan upang ito ay unti-unti ding mawawala.

Ang ganitong klaseng bagay na nagagawa contrail ay makikitang kaparehong proseso ng pagbuo ng isang cirrus uncinus clouds. Ang mga contrails na nasa 25,000 hanggang 40,000 feet ay madalas na makisama sa ilang mga hati-hating ulap. Ang isang contrails ay maari ding kumalat sideways na kung saan aabot ito hanggang ilang kilometro.

Ang mag kakaibang bagay na nagagawa ng contrails ay ikinakabit mismo sa chemtrails. Isang papel patungkol sa pag-aaral mismo sa chemtrail ay ipinabasa sa halos 77 atmospheric chemists at ilang mga geochemists. Ang dalawang grupo na ito ay pinag-aralan ang mga ebidensya na kanilang nakita.

Halos isa lamang sa mga eksperto na ito ang naniwala sa mga papel, samantalang ang natirang 76 na eksperto ay hindi naniwala sa mga ebidensya na kanilang nakita. Ang mga papel ay pinaniniwalaan na hindi sapat upang dumating sa isang solusyon na lason nga ang nakikitang ulap na nagagawa ng mga jets sa himpapawid.

Ang ilang area na nakitaan na nasa ilalim ng pinaniniwalaang pagkalat ng chemtrail ay kanila ding pinag-aralan, ngunit ang mga eksperto ay walang nakitang kahit anong bakas ng lason at masamang chemical sa lugar na kanilang inobsebahan.

Chemtrails in the Philippines:

Atmospheric science experts agree 'chemtrails' is a fantasy | Science | AAAS

Isang anonymous comment sn lumabas noong April 29th 2012 na nagsasabing ang ang pinaka unang chemtrail sa Pilipinas ay makikita sa Cebu. Ayon sa isang sa nasabing comment

“Chemtrails were laid over central Cebu all Sunday afternoon, April 29, 2012. The first I’ve seen here. The sunrise this morning painted the fake clouds with rainbow colors. Since this was likely done by US military planes could this be related to the military buildup?”

Ngunit ang bagay na ito ay hindi naman lumabas sa kahit anong balita sa Pilipinas at hindi napatunayan na ito nga ay isang chemtrail na mula sa ibang bansa. Ayon sa Tap news wire na nakapanayam ang taong napost ng komento na ito, ito ay anim na taong nang naninirahan sa Cebu, madalas itong nakakakita ng ilang contrail na mula sa kalangitan at ito ay mawawala lamang ng ilang oras.

Naniniwala siya na ang nakita niyang pagkalat ng ulap na mula sa kalangitan ay isang chemtrail.

Social media influence:

Digital Journalism: The influence of Social Media | by Rebecca Baez |  Journalism and Society | Medium

Ang social media na mismo naging dahilan upang ang consipiracy na ito ay kumalat at malaman ng maraming tao. Well hindi naman masama na malaman ito ng iba’t ibang tao sa mundo. Sa dumaan na dekada ang paksa patungkol sa solar geoengineering ay matagal nang pinag-uusapan ng mga tao. Ngunit mas madaming tao ang nagkaroon ng atensyon sa Chemtrail conpiracy.

Ayon sa ilang mga pag-aaral na halos 30 hanggang 40 percent ng mga mamayan na gumagamit ng social media ay naniniwala sa chemtrail at madalas itong napag-uusapan sa twitter. Hanggang ngayon ay kalat pa din ang teorya na ito at patuloy na hinahanapan pa ng mga matibay na ebidensya ng mga taong naniniwala dito.

Pero kadalasan ang social media din ang pinagsisimulan ng maling balita, madali lamang maglagay ng pahayag at ilang sandali lamang ay kakalat na ito. Hindi naman sa huwag mong paniwalaan ang mga nakalagay sa internet, ngunit tulad nga nang sinasabi ko find sources upang ikaw mismo sa sarili mo ang magdedesisyon kung totoo ba ito o hindi.

Chemtrails and the Scientist:

The Public's Trust in Scientists Rises, Pew Poll Shows | The Scientist  Magazine®

Hindi naman sa hindi naniniwala ang mga eksperto patungkol sa nakakalasong kemikal na maaring maidala ng chemtrail, ngunit ang ilan sa mga ito ay pinag-aaralan din kung ano ba ang mga maaring mangyari kung sakakling mangyari ang bagay na ito.

Ayon sa isang Neurosurgeon na si Dr. Russell Blaylock, kung sakaling malanghap ng tao ang kemikal na ito, malaki ang magagawa nito sa utak ng isang tao.

Dahil nga pinaniniwalaan na ang mga nanosized aluminum ay iniispray sa kalangitan, kung ito man ay malanghap ng tao, maapektuhan nito ang utak at ang spinal cord at maaring pagsimulan ng mga neurodegenerative diseases. Tulad na lamang ng mga Alzheimer’s, dementia, Parkinson’s disease at Lou Gehrig’s disease o ALS na kung saan ang mga ito ay related sa pagkaexpose ng tao sa environmental aluminum.

Maari nitong maari itong makaapekto sa lahat ng tao sa kahit anong edad na mayroon ito at masasabing sobrang delikado nito para sa mga tao.

Is it possible:

Check out this stunning Australian cloud phenomenon that has conspiracy  theorists going crazy | Business Insider

Dahil sa pabago bago na klima ng mundo, ang mga eksperto ay nakaisip ng mga paraan upang maisibsan ang mga bagay na ito.Isa na dito ang matatawag na geoengineering na kung saan kokontrol sa klima ng mundo.Ang mga eksperto ay patuloy na pinag-aaralan ang ilang bagay na magagamit upang maisakuktapran ang bagay na ito.

Ayon kay Dr. Gernot Wagner na taga Harvard University, maaring magawa ito at hindi ito mangangailangan ng malaking pondo upang maisakutapran. Ngunit kailangan ng mga bagong aircraft na gagamitin ng mga eksperto para sa proyekto na ito. Ito ang problema ng mga eksperto dahil ayon kay Wake Smith
“No existing aircraft has the combination of altitude and payload capabilities required.”

Ngunit ayon sa ilang mga eksperto, ang geoengineering na binubuio ng ilang mga eksperto ay maaring makatulong ngunit mas malaki ng maidadala nitong panaganib hindi lamang sa tao ngunit maging sa lahat ng nilalang sa mundo. Maraming mga eksperto ang hindi pabor sa kaisipan na ito dahil sa isang maling kalkulasyon at formula, maaring magdala ito ng kakaibang bagay sa ating mundo.


Kung ikaw man ay makakita ng jet na lumilipad at nagpapausaok sa ating bansa, huwag matakot pero kapag nakaramdam ka nang panghihina o kakaibang pakiramdam maaring magpaospital kaagad upang malaman kaagad kung bakit mo ito nararamdaman.
Ano bang malay natin na isa lamang itong natural na usok na lumabas sa isang jet.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/hcH2f8IGyUE

Sources at the end of the video.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang isang Blackhole?

Ganito ang mangyayari sa mundo kapag umikot ng pabalik