Third Eye

Reading Time: 19 minutes

Topic requested by the following:

Topics

Kapag sinabi nating third eye o ang pangatlong mata ng isang tao, ang maiisip natin ay si Vincent na kilalang kilala natin sa anime na Ghost fighters. Naaalala ko pa ung pagbukas ng mata ni vincent, naiisip ko tuloy ganun ang mga may third eye.

Ang pangatlong mata ay pinaniniwalaan na nagbibigay ng kakaibang kakayahan sa isang tao. Hindi ito isang literal na mata bagkus isang matatawag na spirit eye if you will na matatagpuan sa noo natin. Sa tinagal-tagal ng panahon ay madami na din ang mga pinaniniwalaang gawain or dare I say, pinagbabawal na teknik kung paano magamit, mapalabas at maisara ang bagay na ito.

May iba na papatingnan ang isang litrato tapos voila makakakita ka na daw ng ibang mga nilalang, mga espiritu, ang iba dinadasalan. Hindi pa ako nakarinig ng pinapainom ng kung ano pero baka meron ding ganitong teknik.

Ang nagrequest ng topic na ito ay sina Arvin Berino, Jhay Ar Domningo, Shin Chan at Gary.

Pineal Gland:

Pineal Gland - Definition, Function and Location | Biology Dictionary

Panigurado para sa mga 3rd eye enthusiast alam na alam na ang pineal gland. Ang Pineal Gland ay isang small gland na bahagi ng ating utak. Kung minsan ay ito na ang tinatawag ng iilan na isang Third Eye. Ang gland na ito ay makikita sa pinaka gitna, ngunit sa pinka ilalim na bahagi ng ating utak. Dahil na din sa hugis na mayroon ito, binigyan ito ng alayas na Pinecone.

Ito ay naglalabas ng melatonin na siyang dahilan upang kumuntrol sa internal clock ng ating katawan. Alam nyo ba na ang gland na ito ang pinaka huling nadiskubre na bahagi ng utak ng isang tao? Mula noong madiskubre ito ng mga eksperto, laman na ito ng ilang mga pag-aaral at paniniwala.

Noong taong 17th century, pinaniniwalaan ng isang philosper na kinilala bilang si Rene Descartes na ang Pineal Gland ay ang lalagyan mismo ng kaluluwa ng isang tao.

History:

Pineal Gland - A Thorough Explanation

Noong taong 1224 BC, ang ilang egyptian staffs ng Osiris ay gumawa ng isang larawan kung saan makikita ang dalawang ahas na nasa utak ng tao at ito ay umakyat hanggang sa ito ay makapunta at magkita sa pinecone ng utak ng isang tao.

Para sa ilang mga modern scholar at ilang mga philosopher, ang mga ahas na nakita ng mga Egyptian staff ay kanilang inihambing sa kilalang “Kundalini” ng India. Si Kundalini ay isang spritual energy na kung saan inilarawan bilang isang coiled serpent na umaakyat hanggang sa makapunta ito sa Pineal gland ng utak ng isang tao. Parang katulad ng nasa egypt.

Sa sandaling makapunta na ito sa kanyang patutunguhan, magbibigay ito ng enlightenment o kaliwanagan sa utak ng tao. Sa tuwing ang serpent na ito ay magising, ang pagtatagpo ng mga chakras ay paraan upang makuha ang tinatawag na Divine wisdom na makakapagbigay ng kakaibang kasiyahan, karunungan at makakapag paramdam sa isang tao ng pure love.

Ayon sa ilang mga research, noong taong 713 hanggang 716 BCE sa lugar ng Ancient Assyrian, nakagawa ng isang ukit na inilarawan nito ang isang four winged God na may hawak na pinecones. Gamit ang isang pincone ay naniniwala ang mga sinaunang diyos na sila ay makakagawa ng tinatawag na tree of life.

Para sa Hindu mythology, ang third eye naman ay inilalarawan nila bilang isang malaking mata na makikita sa noo ng isang tao. Sa pagkakataon na ito ay mabuksan ng isang tao, maari niyang makuha ang higher realms ng existence. Naniniwala ang ilang Hindu na ang koneksyon ng pineal gland ng utak at third eye ay isang simbolo na ang mata mismo na ito ang pshysical presence nito sa katawan ng isang tao.

The Chakra of the Body:

7 chakras of human body - TemplePurohit - Medium

Nagsimula ang pagaaral sa chakra ng katawan ng isang tao noong 1500 at 500 BCE noon sa India. Ito ay makikita sa pinaka matandang teksto ng India na pinamagatang Vedas. Ang chakra ay isang salita na ang ibig sabihin ay spinning disk o spinning wheel. Lumalabas na mayroong halos pitong chakra na mayroon ang katawan ng tao ngunit ayon naman sa iba ay mayroong halos 114 na chakra na umiikot sa spine sa loob ng katawan ng tao.

Kung may pitong chakra, ano ano ito? Panigurado ang alam mong chakra ay yung ginagamit ni naruto at sasuke. Oo nga pala, ang ginagamit nila gon at killua ay hindi chakra, iba un. Well anyway lumalayo na tayo. Mabalik tayo sa chakra, Nariyan ang tinatawag na Root Chakra o Muladhara na nag re-represent sa foundation ng isang tao. Ang chakra na ito ay pinaniniwalaan na nakaupo o nakalagay sa spine ng katawan ng tao, at nagbibihigay ng pakiramdam na ang tao ay balanse.

Pinaniniwalaan na sa tuwing ito ay nabubuksan, makakaramdam tayo ng kalakasan sa ating mga ginagawa. Nagkakaroon ng confidence ang isang tao sa kakaharapin na mga pagsubok. Sa sandaling ito ay maharangan, makakaramdam ang isang tao ng parang siya ay nasa kapahamakan.

Ang sumunod na chakra ay ang Sacral Chakra o ang Swadhisthana. Ang chakra na ito ay tumutulong sa isang tao upang maintindihan nito ang ilang emosyon na kanyang nararamdaman. Hindi lamang ang pagkaintindi sa kanyang nararamdaman, ngunit pati na din sa nararamdaman ng iba. Sa tuwing ito naman ay nabo-blocked, pinaniniwalaan na maaring makaramdam ng lack of control sa kanilang buhay.

Pangtalo ay ang Solar Plexus Chakra o ang Manipura. Ito ang chakra na nakikipag-usap sa iyong mga abilidad na maging malakas at huwag mahiya. Sa tuwing ang tao ay nakakaramdam ng nagliliparang paro-paro sa kanilang tiyan- wait hindi literal na paro-paro ah. Ang ibig sabihin nito ay ang pagkaramdam ng kaba na pinaniniwalaan naman na gawa ng Manipura. Sa tuwing ito ay nabo-blocked o nahaharangan, makakaramdam ang isang tao ng matinding hiya at pagaalinlangan sa kanyang sarili.

Ang pang-apat na chakra naman ay makikilala bilang Heart Chakra o Anahata. Ang chakra na ito ay matatagpuan sa pinaka gitnang bahagi ng dibdib, sa itaas lamang ng puso ng isang tao. Ang nagagawa ng Anahata ay makapag bigay at makakuha ng pagmamahal mula sa sarili at maging sa iba pang tao. Sa tuwing ang Anahata ay nahaharangan, ito ay mahihirapan na makapag open o makahingi ng tulong sa ibang tao.

Ang panglima ay matatawag na Throat Chakra o Vishuddha, sa pangalan pa lamang ay malalaman mo na ang lokasyon nit, sa throat o sa lalamunan. Ito ang chakra na tumutulong sa Anahata na masabi ang mga bagay na gusto nitong sabihin at masabi na din ang mga bagay na gustong sabihin ng ating sarili. Kung ang chakra na ito ay gumagana at nagagamit ng maayos, magagawa ng tao na sabihin ng maayos ang lahat ng kanyang saloobin.

Ang pang-anim ay ang Third-Eye Chakra o Ajna. ang Ajna ay ang chakra na makikita sa noo sa bandang pagitan ng mata ng tao. Pinaniniwalaan na ito ang nagbibigay ng kakayahan sa mga tao na makita ang ilang bagay na hindi nakikita ng natural na mata. Ang ilang mga pangyayari, mangyayari, at ilang mga kakayahan na hindi normal. Pinaniniwalaan na ito ang mata ng mismong kaluluwa ng tao, dahil dito ay malalaman nito ang ilang mga impormasyon na mahirap malaman ng normal na tao.

Ang pinaka huli naman sa mga Chakra ay ang tinatawag na Crown Chakra o Samsara na tinatawag ding Sahasrara. Ito na mismo ang pinaka mataas na chakra na mayroon ang isang tao. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng ulo na kung saan pinaniniwalaan na kung ito ay mabubuksan, maaring magawa ng tao na magkaroon ng access sa higher consciousness..

Ito ang mga chakra na pinaniniwalaan na nakakapagbigay ng tulong sa isang tao. Mula sa pagtingin niya sa buhay at maging sa mga gawain na kanyang ginagawa araw-araw.

How to open the Third Eye:

5 Simple Techniques To Open Your Third Eye

FYI lang, by all means ito ay mga tips and tricks lamang hindi nito 100% mabubuksan ang third eye ng isang tao lalo na kung hindi ito naniniwala dito.

Ayon sa ilang pag-aaral, sa tuwing ang Ajna o ang third eye ay natatakpan, maari itong mapunta sa pagkalito ng isang tao, pagkawala ng tiwala , pagiging seloso o selosa at pagtingin ng negatibo sa lahat ng bagay. Minsan nang naisasama ang third eye sa mga pangyayari kagaya ng lucid dreaming, astral projection, pagpapalawak ng imahinasyon at pagtingin ng aura ng isang tao.

Sa dami ng tao na nais makamtam ang mga kakaibang kakayahan na ito, gumagawa ito ng paraan upang makamtam ang kanilang kagustuhan. Ayon sa ilang mga research, mayroong mga bagay na kailangan gawin upang mabuksan ang parte na ito ng ating katawan. Una na dito ang pag-iwas sa mga flouride.

Ayon kasi sa paniniwala, kailangan uminom ng malinis na tubig na hindi galing sa gripo. Maaring iwasan na din paggamit ng ilang flouride toothpaste na pinaniniwalaan na makakatulong upang mabuksan ang third eye. In short gumamit ka ng asin. Be natural kumbaga.

Pangalawa ay ang pag-inom ng ilang mga supplement na mayroong ingredients na cacao, goji ;berries; garlic, lemons, watermelon, bananas, honey, coconut oil, hemp seeds, cilantro, seaweed, honey, chlorella, spirulina, blue-green algae, raw apple cider vinegar, zeolite, ginseng, borax, Vitamin D3, bentonite clay at chlorophyll na makakatulong upang malinis ang pineal gland ng utak.

Ang paggamit ng essential oil ay sinasabi na makakatulong din. Ang mga langis na ito ay magagawang kontrolin ang pineal gland upang matulungan ang spiritual awareness. Ang mga langis ay maaring amuyin, ilagay sa katawan o hindi naman ay ilagay sa apoy upang malangahap ang amoy nito.

Ang araw ay pinaniniwalaan makakatulong din upang mapalabas ang thrid eye ng isang tao. Ang ilang minuto na pagbabad sa liwanag ng araw ay maaring mapalakas ang pineal gland ng utak. Ang pagme-meditate at ilang mga pagbanggit ng chant ay makakatulong din. Ayon sa paniniwala, ang pagmemeditate ay isang paraan upang mapagana ng pineal gland.

Ang pag chant ng “Om” ng halos 108 times a day ay makakatulong upang ang tetrahedron bone na nasa ilong ay makagawa ng isang vibrating sound na dahilan upang ang pineal gland ay ma stimulate. Isipin mo na lang mag chant kang Om tapos marinig ka ng nanay mo panigurado tatawag agad un ng albularyo akala sinasapian ka na.

Ang ilang mga pagagamit ng crystal ay pinaniniwalaan na makakatulong din upang mabuksan ang third eye. Pagkain ng mga masusustansyang pagkain, paglilimita sa pagkain ng mga processed food at pagtingin sa mga malalalim na paniniwala ay ilan sa mga tips na makakatulong upang mabuksan ang pangatlong mata ng isang tao.

Sa pagkakataon na mabuksan na ng tao ang kanyang third eye, magsisimula na itong makakuha ng ilang mga pangitain at mga mensahe patungkol sa hinaharap.

What happen next :

How to Open and Activate Your Third Eye - Forever Conscious

Kung sakaling ito ay tuluyan nang magbukas. Makakaramdam ng ilang buzzing at kiliti sa iyong noo. Makakaramdam din ng palagiang pagsakit ng ulo at nang mata dahil pinaniniwalaan na nag aadjust ang third eye sa bagong mundo.

Magkakakroon ng ilang extrasensory sa tuwing ang tao ay nagmemeditate. Pagkakaroon ng labis na pagkaintindi sa ilang issue na kinakahrap sa buhay. Hindi din maiiwasan ang ilang mystical experience, pagkakaroon ng malakas na koneksyon sa ilang bagay sa iyong utak at ang pagdagdag ng kakayahan na isipin ang sarili.

Ngunit ganito man ang nagagawa nito ay naniniwala na mayroon pa din ang iba na masama kapag nabuksan ang third eye ng tao. Nariyan na ang pagkakaroon ng malinaw na panaginip na hindi mo alam kung totoo o hindi. Dahil sa pabalik balik na panaginip at hindi na maalis sa isipan ng tao ang bagay na kanyang napanigipan ay maaring makasama na ito sa kanyang kalusugan.

Dahil ang taong ito ay mayroon na ngang kakayan na makita ang hinaharap, hindi lamang magagandang bagay ang palagi niyang makikita. Kasama na dito ang mga masasamang pangitain na hindi mo ginustong makita, ngunit wala kang magagawa dahil isa na ito sa iyong kakayahan. Sabi nga ng ibang tao sa ilang palabas

” you think it’s good to see the future , it’s not”.

Prone din sa astral projection ang isang taong bukas ang third eye. Ang pag astral projection ay isang pangyayari na kung saan ang ang kaluluwa ay umaalis sa katawan at gumagala. Mahihirapan ka nang pigilan ang mga impormasyon na pumapasok at ipinapakita sa iyo ng iyong pangatlong mata at hindi mo na alam kung paano ito pigilan.

Dahil sa ganitong dahilan, hindi mo na mapapansin na nagbabago na ang iyong ugali at nahihirapan ka nang makisalamuha sa iba pang mga tao.

Now all of these are on the realm outside of science. Kumbaga ang diniscuss natin ay mga mystical mga paranormal. Now we go to the science. Sympre hindi mawawala yan sa video dahil ito ang backbone ng channel na ito. SCIENCE!!!!

Science:

Third Eye Science – Blurring the lines between science and ...

Ayon sa pag-aaral, bukod sa kidney, ang parte na ito ng ating utak ang nakakatanggap ng mas maraming dugo kumpara sa iba pang bahagi ng ating katawan.

Dahil nga ang isang French Philosoher na si Rene Descartes ay naniniwala na ang gland na ito ay ang nagkokonekta sa katawan at sa intelekwal ng ating utak. Naniniwala si Rene na ang pineal gland mismo ay ang parte ng ating katawan o utak na ginagamit ng kaluluwa upang gawin ang mga nakatagong kakayahan nito.

Naniniwala din si Rene na ang pineal ay ang pinaka lugar ng ating kaluluwa upang makuha ang lahat ng kaisipan na nabubuo sa ating isipan. Dahil nga din sa lahat ng parte ng ating utak ay mayroong dalawang bahagi, ang pineal gland ay naiiba. Iisa lamang ang pineal gland ng ating utak at dahil dito matibay ang paniniwala ni Rene na kailangan ng dalawang mata na siyang nakakakita at ng dalawang tenga na siya namang nakakarinig na makipag ugnayan sa nag-iisang parte na mayroon tayo sa ating utak bago ito umabot sa mismong kaluluwa natin.

Ayon sa pag-aaral ng ilang mga eksperto, ang mga ito ay nagkaroon na din ng isang kaisipan na ang pineal ay isang phylogenic relic o isang bahagi na matagal nang wala sa ating utak. Ang ilang eksperto ay naniniwala na ang pineal gland ay isang bagay na naiwan ng ating third eye. Kumbaga ang pineal gland ay minsan naging parte ng ating katawan at may use ito pero dahil nga nageevolve ang tao, unti unti naring nawawala ang pineal gland. Posibleng ito rin ang nagbigay buhay sa ibang gland na ginagamit natin ngayon.

Ang retina na nasa ating mata at ang pineal gland na nasa ating utak ay ang dalawang bagay na responsable sa pagkilala at pag-intindi sa mga liwanag na nakikita sa labas ng mata. Dagdag pa ng mga eksoperto na ang dalawang ito ay mayroong maliit na pagkakatulad.

Ayon sa ilang pag-aaral mula sa ilang mga researcher, lumabas na ang pineal gland ay ang precursor o ang pinagmulan ng mga mata na ating nagagamit ngayon. Nalaman sa pag-aaral ng mga eksperto na ang melatonin na inilalabas ng pineal gland ay makikita din sa retina ng mata. Isang eksperimento naman ang lumabas mula sa Experimental Eye Research at natuklasan nila na ang proteins na nakikita sa pineal gland ay nakakaapekto sa light sensing ng retina ng mata.

Ang ganitong resulta ay nagbigay sa kanila ng kaisipan na mataas ang posinilidad na ang isang photic events ay nararanasan ng mammalian pineal gland. Ito ang malaking tanong dahil ang pineal gland ay malaki ang pagkakapareho sa mata na ating ginagamit. So kung may mata na tayo sa labas, anong silbi ng mata sa loob ng ating utak? Gayunpaman, hindi pa rin kumbinsido ang ilang mga eksperto sa mga kaisipan na nagagawa ng “Third eye”, isa pa din misteryo para sa kanila ang ilang kakayahan na mayroon ang pineal gland.

Hanggang ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ang parte na ito upang malaman pa ang ilang mga impormasyon ma mayroon ito.Ang ilang mga panininiwala sa third eye ay maaring totoo o hindi. Ngunit kung iisipin, mas nakakatakot kung nakikita ng isang tao ang malagim na hinaharap dahil kung minsan ay wala naman siyang magagawa upang mapigilan ito. But who knows kung nakakasama nga ba ito o nakakabuti.

Totoo na may mga pangyayari na hindi pa naipapaliwaang ng siyensya maaaring ang mga pangyayaring ito ay wala naman talagang sapat na paliwanag o hindi naman kaya hindi pa abot ng ating kaisipan. Totoo man o hinndi ang third eye o pineal gland, maraming nagpapatunay na nakakakita sila ng multo at iba pang nilalang na hindi rin maipaliwanag ng siyensya. Para sa mga mystical at paranormal ito ang third eye ay totoo, para sa mga science peeps, well isa lamang itong parte ng ating utak. There you have it, the two sides of the coin. Nasa sa iyo kung anong pipiliin mo.

sources

Sources

  • https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/could-the-pineal-gland-really-be-a-third-eye/
  • https://www.thelawofattraction.com/dangers-opening-third-eye/
  • https://lonerwolf.com/how-to-open-your-third-eye/
  • https://lonerwolf.com/how-to-open-your-third-eye/
  • https://www.gaia.com/article/how-to-awaken-your-third-eye
  • https://www.mindbodygreen.com/0-91/The-7-Chakras-for-Beginners.html
  • https://indigomassagetherapy.com/uncategorized/what-is-the-origin-of-the-chakra-system/
  • https://www.thevintagenews.com/2019/01/24/pineal-gland/
  • https://thirdeyepinecones.com/pages/history-and-symbolism
  • https://www.medicalnewstoday.com/articles/319882

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo binabangungot?

Paano nabuo ang atmosphere?