Tesla Inventions

Reading Time: 14 minutes

Topics

Bukod sa AC motor, madami pang nagawa si Nikola Tesla sa kanyang buhay. Bago pa mabuo ni Tesla ang AC motor nakagawa na ito nang Rotating Magnetic Field. Matapos niyang kausapin ang kanyang professor, patungkol sa paggawa nang isang bagay na maaring makapagbigay nang kuryente gamit ang Alternating Current. Ang Rotating magnetic field ay may kakayahan na makapigay nang kuryente sa AC upang mapagana ang isang engine o isang di kuryenteng bagay, kahit na hindi gagagmitan nang Direct Current.

Ayon sa paniniwala, kay Tesla nagmula ang unang disenyo nang radyo. Mula sa kanyang laboratoryo sa Houston Street sa new york city, nakapaghatid siya nang wireless transmission sa layo nang 25 miles(40km) noong 1897. Ngunit dahil sa nangyaring sunog, nawala lahat nang bagay upang mas lalong maddevelop ang bagay na ito.

Dahil dito, naibigay kay Guglielmo Marconi ang pagkilala bilang “Father of Radio” noong 1943.

Alamin naman natin ang ibang bagay na naisip nang makulay na utak ni Tesla, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya na niya ito nagawa.

Magnifying Transmitter:

Too bad Tesla didn't finish it before he died - Wireless Power ...

Ano ba ang Magnifying Transmitter? Ito lang naman an alternate version nang Tesla Coil. Ayon kay Tesla


“I feel certain that all my inventions, the magnifying Tranmitter will prove most important and valuable to future generations”

Ang ideyang ito ay nabuo ni Tesla noong siya ay nasa New York, taong 1895 hanngang 1898. Ayon sa research, noong 1899, isang malaking magnifier ang binuo ni Tesla sa Colorado Springs. Ginamit niya ang bagay na ito upang makagawa nang unang eksperimentop patungkol sa wireless Telecommunications at sa electrical power transmission. Sa pagsusukat ng halos 51 feet(15.5m), lumabas sa resulta na kaya netong gumana ng halos 3.5 million hanngang 4 million volts at maaring makapag produce nang electrical discharges na lalampas sa 100 feet(30 m) in Length.

Napili niyang lugar ang Colorado Springs dahil naniniwala siya na ito ang pinakamagandang lugar para sa kanyang imbensyon. Dahil sa palaging tinatamaan ng thunderstorm ang lugar na ito at dahil na din sa high altitude na kung saan ang hangin na may mababang pressure na madaling ma ionioze. Naisulat ni Tesla sa kanyang Diary ang mga experimento na kanyang nagawa sa Colorado kung saan halos tumira siya dito ng siyam na buwan.

Wireless Energy:

Making Wireless Energy For The Entire Planet—Nikola Tesla's ...

Ang bagay na ito ay maaring makapagbigay ng enerhiya sa lahat nang bagay na hindi na kaialangan ng kahit anong pagkonekta dito. Mula noong 1891 hanggang 1898, pinagtuunan na ng pansin ni Tesla kung paano mapapasa ang electrisidad nang hindi ito isinaksak sa isang bagay na pinagmumulan ng mismong kuryente.

Noong 1901, sinimulan ni Tesla ang paggawa nito gamit ang large high-voltage wireless energy transmission station na tinatawag na Wardenclyffe Tower. Ayon sa mga report, hindi ito naituloy dahil sa pagtigil nang pagpopondo ng mga investor sa nasabing bagay. Ayon sa research, ang ideyang ito ni Tesla ay napatunayan na maaring magawa ngunit ang mga resulta sa mga nagawa niyang mga eksperimento ay iba ang ipinapakita.

Wala din maipakitang ebidensya si Tesla na maaring makapagbigay ang wireless energy ito ng malakas na enerhiya sa malayong lugar.

Mula noong inilabas ni Tesla ang kanyang ideya patungkol dito, madami na din ang sumubok na gawin ito. Ngunit sa loob ng halos 110 na taon ay hindi nila ito magawa nang perkperkto. Dahil dito, napagkasunduan ng ibang eksperto at siyentipiko na ang bagay na ito ay hindi kailanman magagawa.

Earthquake Machine:

Tesla's oscillator - Wikipedia

Noong 1898, kinuwento ni Tesla ang tungkol sa isang bagay na maaring makagawa ng isang lindol. Ang lindol na naganap sa kalapit na lugar ng kanyang laboratoryo ay galing sa kanyang mechanical oscillator. Naabutan si Tesla ng kapulisan na sisirain ang isang bagay na nakabitin sa isang grider, isang maliit na bagay na pinaniniwalaan ni Tesla na makakagawa nang malaking lindol.

Ayon sa isang New York World-Telegram noong July 11, 1935 na mayroong Headlines na “Nikola Tesla at 79 Uses Earth to Transmit Signals; Expects to have $100,000,000 Within 2 Years”
Ayon sa telegramang ito, ipinaliwanag ni Tesla kung ano ang nangyari.

“I was experimenting with vibrations. I had one of my machines going and I wanted to see if I could get it in tune with the vibration of the building.”

Dahil sa pagdadagdag niya nang boltahe nagsimula siyang makarinig nang kakaibang tunog na nagmumula sa Gusali kung nasaan sila.

“I asked my assistants where did the sound come from. They did not know. I put the machine up a few more notches. There was a louder cracking sound.”

Dahil sa vibration na nagagawa nang bagay na iyon, nakita ni Tesla na ang mga mabibigat na bagay ay lumulutang sa ere.

“I grabbed a hammer and broke the machine.”

Ayon pa sa isang manunulat na kumausap kay Tesla, naitanong nito kung ano ba ang kailangan upang masira ang Empire State Building at ang isinagot ni Tesla ay

“Vibration will do anything. It would only be necessary to step up the vibrations of the machine to fit the natural vibration of the building, and the building would come crashing down.”

Ayon pa sa isang inaterview, pinaniniwalaan na nasabi ni Tesla ang mga katagang

“With this principle, one could split the Earth in half like an apple”.


Nakakatakot. Totoo na ang vibration ang pinakamalakas dahil kaya nitong ibreakdown ang mga molecules ng isang bagay. Hindi kailangan ng sobrang init o sobrang lamig, tunog lang o ung vibration, siguradong tapos na.

Thought Camera:

On Photographing Thought | monsterminions

Ayon sa research , noong 1930’s; nakaisip si Tesla ng isang bagay o machine na para sa kanya ay maaring makapagpakita ng mental image sa totoong buhay at maaring maipakita ang kung ano mang nasa utak ng isang tao.

Gamit ang bagay na ito , kung ang isang tao ay nagkakaroon nang mental image o ang mga bagay na naiisip; ang katawan ay maglalabas din corresponding retinal image na maaring magamit upang mabuo at makita ng kanyang bagay na naisip.Ngunit sa kasamaang bagay , hindi niya ito nagawa.

Death Ray / Death Beam:

Nikola Tesla's Death Ray

Noong 78 year-old si Tesla ay nagsabi na nakabuo ng isang bagay maaring makasira sa halos sampung libong eroplano sa layong 250 miles na walang maiiwan na bakas.

Ayon kay research patungkol sa bagay na ito , sinabi ni Tesla na ito ay ang ika-pitong daan na bagay na kanyang naimbento.Ayon kay Tesla sa isang interview,na perfect na niya ang method at mga apparatus na gagamitin para sa bagay na ito, na maaring gamitin panlaban ng mga sundalo na maaring magpatumba sa mga kaaway nang isang iglap lamang.

“as far as a telescope could see an object on the ground and as far as the curvature of the earth would permit it.”

gamit ang bagay na ito , mabubura sa mundo at walang matitirang bahagi kung sino man ang tatamaan neto.

Ayon pa kay Tesla , kung gagagmitin ang bagay na ito; ang giyera at paglalaban ng mga bansa ay maaring hindi na mangyari.Ang bagay na ito ay maaring maging panangga sa kahit anong kalaban , ngunit ayon kay Tesla hindi ito magagamit upang gamitin sa kalaban.

Hindi mo gets? ang bagay na ito ay gagalaw lamang kung sakaling may madetect na kapahamakan sa layong 250 miles, hindi ito basta basta magagamit nang mga tao para ipanglusob sa iba.

Ang Death Beam ay maari din gamitin sa dagat , ngunit ang epekto na magagawa nito ay hinid kasinglakas kumpara nang nagagawa nito sa himpapawid.

Ang bagay na ito ay magagawa gamit ang apat na method at mga piling apparatus upang makapagproduce ng rays at ibang enerhiya na maaring makuha sa hangin , ang pagtatanggal ng high vacuum upang makabuo nnag rays at Beams.Nanganagilangan din ng malakas na electrical force.

Ang death beam ay nanganagilangan nang boltahe na kasig lakas nang isang kidlat na aabot 50,000,000 volts.

Bago tayo magpatuloy nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa, wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mon a din ang bell notification para lagi kang updated.
Electric-Powered Supersonic Airship:

Ayon sa research , noong bata pa lamang si Tesla; namamangha na ito kung paano nakakalipad ang isang eroplano. Ayon sa isang article sa “Reconstruction Magazine” ipinaliwanag ni Tesla kung paano siya makakagawa nang isang supersonic aircraft na maaring umandar sa himpapawid nang halos eight miles na maaring sa loob nang tatlong oras, ang mga pasahero galing sa New York ay makakarating sa London.

““The transmission of power by wireless will do away with the present necessity for carrying fuel on the airplane or airship. The motors of the plane or airship will be energized by this transmitted power, and there will be no such thing as a limitation on their radius of action, since they can pick up power at any point on the globe.”

Gamit ang wireless electricity galing sa power plants magagawa niya ito.

Artificial Tidal Waves:

Ayon kay Tesla, naniniwala ito na lahat ng kanyang naiimbento ay magagamit upang mapigil ang mga nangyayaring giyera. Noong 1907, pinananiniwalaan na nakabuo nang isang bagay na makakagawa nang malakas na pagsabog dahilan upang makagawa nang Tidal Waves. Gamit ang wireless telegraphy na magiging mitsa nang pagsabog, ang mga barko ay walang laban sa lakas na dulot neto.

Ayon kay Tesla, ang paunang impact na magagawa ng pagsabog ay makakagawa nang pressusre na halos 3tons per square foot. Ang taas lang naman neto ay masasabing 20,000 square feet at mayroong 60,000 tons na halos walong beses na malakas. Dito pa lamang ay wala nang laban kung sino man ang nasa dagat. Sa loob lamang ng sampung segundo, ang mga malalaking barko ay maari nang lumubog at masira. Sa paglubog nito ay hindi na muling lulutang pa.

Tesla Turbine:

How the Tesla Turbine Works | HowStuffWorks

Noong 1913, nakagawa si Tesla ng isang ideya patungkol sa isang bladeless turbine na mas kilala sa tawag na Tesla Turbine. Ayon kay Tesla, ang bagay na ito ay mas magandang gamitin kumpara sa isang normal na turbine at idinagdag pa nito na mas makakamura ang mga gagamit neto sa kanilang kuryente.

Gamit ang Turbine ni Tesla, maari netong baghuhin ang isang kenetic energy ng isang fluid upang makabuo nang bagong enerhiya.

Ngunit ayon sa mga bumili at nagkaroon ng gamit na ito, ang sinasabing 97% efficiencies ng bagay na ito ay masasabing nasa 40% lamang. Ayon sa isang Emeritus professor sa Arizona State University na si Warren Rice; nakakita siya nang ilang problema habang ginagamit ang Turbine ni Tesla. Ayon sa kanya,


“in order to attain high rotor efficiency, the flowrate number must be made small, which means high rotor efficiency is achieved at the expense of using a large number of disks, and hence a physically large rotor.”


Ayon sa mga mag-aaral sa Stanford University noong 2012, nabuo nila ang isang konklusyon patungkol sa bagay na ito. Ayon sa mga mag-aaral na ito, kahit na nakikitaan nang ilang inefficiencies ang turbine na ito ay mayroon pa din itong ilang advantages. Tulad na lamang na mas mura ito kumpara sa normal na turbines , ang disensyo na ginawa ni Tesla ay mas madaling gamitin at intindihin; at maari itong magamit sa iba’t ibang klase nang fluids nang hindi maapektuhana ang disk na mayroon ito.

Sadyang napakaraming nagawa ni Tesla kaya naman hindi maiiwasan na madikit ang kung ano anong conspiracy theories dito, anjan na ang alien daw si tesla, hindi daw patay si tesla at kung ano ano pang mga kwento.


Pero kung nagustuhan ninyo ang video, wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. http://large.stanford.edu/courses/2012/ph240/nam1/
  2. https://teslauniverse.com/nikola-tesla/articles/teslas-tidal-wave-make-war-impossible
  3. https://teslauniverse.com/nikola-tesla/articles/tesla-78-bares-new-death-beam
  4. https://economictimes.indiatimes.com/science-technology/worlds-5-famous-inventors-and-their-flops/nikola-tesla-and-thought-camera/slideshow/54441876.cms
  5. https://www.stealthskater.com/Documents/Tesla_02.pdf
  6. https://sites.suffolk.edu/xenia/2016/02/17/nikola-tesla-and-his-work-in-wireless-energy-and-power-transfer/
  7. https://www.scribd.com/document/124380428/Nikola-Tesla-Sympathetic-Resonance-Magnifying-transmitter-and-the-Wardenclyffe-Tower#download
  8. https://science.howstuffworks.com/innovation/famous-inventors/famous-nikola-tesla-inventions.htm

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Kaya ba nating gawin ang Wandering Earth?

Minokawa