Subliminal Messaging

Reading Time: 22 minutes

Topics

Ang Subliminal message ay ginagamit bilang mind control kung saan ang isang tao ay nakakgawa ng isang bagay ng hindi niya namamalayan. Hindi yung tipong magiging zombie ka dahil na mind control ka, kumbaga mga subtle mind control kung saan hindi mo namamalayan na ginagawa mo na pala ang gustong iparating ng subliminal messaging. Kagaya ng pagbili ng isang produkto. Kaya naman sikat na sikat ang Teknik na ito sa mga advertisers kung saan inimpluwensyahan nila ang mga manonood na bumili ng kanilang produkto.
Pero meron ding mga kakaibang subliminal messaging kung saan nakikita natin sa mga pelikula to be exact sa mga Disney movies. Madalas tayong nakakakita ng mga subtle hints patungkol sa sex. Could it be na pinapakain nila ang mga kabataan na maging mausisa tungkol sa sex? O ito ay aksidente lamang at ang ating isip lamang ang gumagawa ng mga imahinasyon patungkol ditto?

History:

What Does subliminal message Mean? | Pop Culture by Dictionary.com

Ginamit ng mga ancient greeks ang rhetoric upang makapag bigay inpluwensya sa mga tao at ginagnamit na ito magmula noong 5th century BCE. Ang subliminal message ay maaring magamit sa bagay na makikita o maririnig ng isang tao. Sinimulan itong pag-aralan ng mga eksperto noong 1800 at una itong minention noong 1897sa libro ni Dr. E.W. na “The New Psychology” na naglalaman ng mga basic principles sa paggamit ng subliminal nmessage. Noong 1920, ang BBC o British Broadcasting Corporation ang pinaka unang gumamit ng ganitong mensahe upang maimpluwensyahan ang madaming tao.
Dahil inaakala ng mga tao na mayroong sa demonyo ang radyo, gusto ng bbc na ibahin ang paningin karamihan kay anglagay ng mga katagang ” “This is not a noose, no really its not.” Gamit ang backmasking sa kanilang jingle song. Noong 1957, James Vicary na isang market researcher ay naglagay ng mga katagang “Eat Popcorn” and “Drink Coca-Cola” sa isang movie. Sa ginawa niyang ito tumaas ang sale ng coke ng 18.1% at 57.8% sa popcorn. Isa pa sa pinaka kilalang subliminal message ay ang pagpapakamatay ng dalawang lalake dahil sa kantang ““Better By You, Better Than Me” na kanta ng Judas Priests na mayroon daw subliminal message na “Do It” na naguudyok para sa pagpapakamatay ng isang tao.

Noong 1979 isang subliminal anti-theft message ang inilagay sa kanta ng Musak , dahil daw dito bumababa ang kaso ng pagnanakaw ng 37%. Noong 2002, isang eksperimento ang ginawa ng mga taga Princeton University kung saan naglagay sila ng katagang “Thirsty” at naglagay ng imahe ng coca-cola sa 12 frames ng palabas na “The Simpson” sinabi na pagkatapos itong mapanuod ng manunuod , halos 27% ang nauhaw pa lalo pagkatapos ng palabas.

May iba pa din na tumataliwas sa pag gamit ng subliminal message tulad noong 1960’s-1980’s sinabi ng mga eksperto na hindi talaga nakakaapekto sa behavior ng isang tao.Ipinakita sa isang pag-aaral na naglagay ng katagang “Hershey’s Chocolate” sa kanilang slides show lecture at nagresulta sa sampung araw na hindi naimpluwensyahan na bumili ng chocolate ang mga istudyante.

Types:

6 Examples of Subliminal Advertising, from Spooky to NSFW | WordStream

Mayroong tatlong klase ng subliminal-messages.Ang Subvisual messages, Subaudible messages at Backmasking.Ang paraan na pagpapakita ng mabilisan o halos millisecond lamang ang bilis, ito ang madalas gamitin sa mga commercial na nakikita sa t.v kung saan hindi mo namalayan na nakita mo pala at iaabsorb ng subconscious mind , tinatawag itong Subvisual message.Ang mga mahihinang tunog na naririnig natin sa isang kanta o ano mang bagay na pinapakinggan natin at lalo na sa radyo ay nakakapabigay ng hidden message na kahit hindi nila sabihin ng diretso ay makukuha natin ang gusto nilang sabihin tinatawag itong Subaudible messages.Ang pinaka huli ay ang backmasking kung saan kung papakinggan mo ang isang kanta ng pabaliktad ay makukuha ang totoong ibig sabihin neto.Sinabi na ang The Beetle ang nagpasikat ng ganitong paraan noong 1966 sa kanilang album na “Revolver” kung saan ang huling katagang “made by John Lennon” kapag pinatugtog ng pabaliktad ay maiintindihan na ” “turned out nice again”.

How it works:

Do subliminal messages actually work? - Vox

Maaring ikumpara ang utak ng tao sa isang iceberg kung saan ang nasa itaas na bahagi neto ang sinasabing conscious mind at ang nasa ilalim na parte ay ang subconscious mind na kung saan 90% ng mga nararamdaman at iniisip ay nakokontrol ng subconscious mind.Ang conscious mind ng isang tao ang ginagamit niya sa pang araw-araw na kung saan nakakagawa lamang ito ng isang bagay o isang magandang ideya ng isang beses at lahat ng ginagawa natin ay pinapagana na ng Sub conscious mind na naglalaman ng wisdom, memories , at intellegence.Sabihin na natin ang mga hobby mo kung saan lagi mo nang ginagawa at dimo na kailangan pag-isipan.Pinapagana ng subconscious mind ang hindi napapagana basta basta ng conscious mind.Kumbaga ang subconscious mind natin ay isang auto pilot kahit hindi natin ito binigbigyan ng pansin ay ito ay patuloy na gagana.

Inilalagay ito sa isang bagay sa patagong paraan , maaring ang mensahe ay isinusulat pabaliktad o sa isang word na mayroong double meaning , o maaring mailagay sa kanta sa paraan ng pag backmasking na o sa loob ng isang palabas na kung saan hindi agad mapapansin ng conscious mind ng isang tao ngunit naiintindihan ito ng ating subconscious mind.Dahil dito maraming tao ang natatakot na ang mga politician , advertisers ay ginagamit ito upang manipulahin ang ung publiko ng hindi nila namamalayan.

Ginagamit din itong hypnosis na kung saan napapagana nila ang subconscious mind ng isang tao.


Auditory and visual subliminal message:

The Truth About Subliminal Messages [Infographic] | Visual ...

Naapektuhan ng sublimal message ang halos 37 sensory ng isang tao na nakapaloob sa pitong kategorya na sense of touch , hearing , sight, taste,body awareness,smell at balance and movement.

Gamit ang Visual Subliminal message kung saan nga gamit ang ating mata , minsan ay makikita mo ito sa mga advertisement tulad ng dollar bill sa kfc’s burger ad.Ang Gilbe’s Gin kuing saan makikita nag word na “SEX” sa isang adverstisement neto.Minsan ay hindi talaga mapapansin ang mga bagay na ito kung hindi pagtutuunan ng pansin at kung walang magsasabi.Nariyan ang logo ng amazon, kung saan makikita ang guhit mula a to z kung titignan mabuti ay isa itong ngiti.Ang Tostitos na logo ,Spartan Golf Club kung saan makikita ang spartan at ang taong naglalaro ng golf,FedEx kung saan makakkita ka ng arrow sa pagitan ng e at x.

Auditory Subliminal ay ang mga bagay na naririnig natin ngunit maaring hindi natin ito namamalayan , tulad ng sa palabas na alladin kung saan sinabi ni aladdin mismo na ” “Good teenagers take off their clothes:” ang backmasking ay isa din example auditory subliminal kung saan marami na ang lumabas ng kanta na sinasabing nmayroon double meaning.

Effect:

Subliminal Messages Cartoons and Comics - funny pictures from ...

Pinaniniwalaan na maapektuhan ng subliminal-messages ang behavior ng isang tao.Sabi sa pag-aaral ng isang grupo ng researcher sa UCL (University College London) noong 2007 , nakahanap sila ng evidence na ang isang subliminal-messages ay totoong nakukuha ang atensyon ng utak ng isang tao.Ipinagbawal sa United kingdom ang pag gamit neto dahil nag iiwan ito ng marka sa utak ng tao ngunit patuloy pa din itong ginagamit sa USA.

Gamit ang Functional magnetic resonance imaging o (FMRI) ay tinignan kung ang isang bagay na nakita ng hindi namamalayan ay makakapekto sa brain activity sa primary visual cortex o isang parte ng occipital lobe.Lumabas na nagrespond ang utak sa bagay na hindi namalayan na nakita mo pala.

Sinabing ang consciousness ng isang tao at ang atensyon ay hindi connected sa isa’t isa.

Safe?

Science: The Undeniable Power of Subliminal Audio Messages!

Kung gagamitin ng maayos ang Subliminal message ay sinasabing safe ito, kapag ito ay inilagay , ginawa at ginamit ng maayos ay hindi ito magiging delikado.Kung mayroong pagkakamali na ginawa , maaring may bagay na hindi inaasahang mangyari at mangyari ang hindi inaasahang resulta.Dahil nga magkaiba ang pag-gana ng conscious mind at subconscious mind ng isang tao.Kung ang gumawa ng isang hidden message ay hindi alam na ang dalawang bagay na iyon ay magkaiba maaring hindi safe ang mailalagay na message at maaring maging negatibo ang dating sa ibang tao.

Supraliminal:

The Truth About Subliminal Messages [Infographic] | Visual ...

Sa ginawang experiment ng isang british supermarket , dalawang magkaibang wine ( French at German wine) ang idinisplayed na mayroong parehong presyo.Sa unang araw nagpatugtog ang store ng French music at tumaas ang sales ng french wine, sa sumunod na araw ay nagpatugtog naman ng German song ang store at tumaas ang sale ng German wine. Ang Supraliminal message ay ang bagay na mapapansin ng conscious mind natin at mapapansin natin mismo ngunit hindi pa din alam ng isang tao na naapektuhan na neto ang behavior at nagawa mo na ang gusto netong ipagawa sa iyo.Ngunit sa ginawang experiment sa wine , kaunti lamang ang nagsabi na ang nainfluence sila ng kanta sa pagbili.

Other example:

What Are Subliminal Messages And Do They Work?

Sa loob ng madaming panahon , madami na ang gumamit ng subliminal-messages narito ang ilan pa.Ang “The Hidden Persuaders” by Vance Packard kung nakalagay kung paano nagagamit ng iba’t ibang advertisement ang subliminal-messages.Ang librong ito ay nakabenta ng halos isang milyon na kopya.Ang WWAF Chicago na nagbenta ng Sub-audible para sa mga commercial matapos ang itong i test sa paglalagay ng message na “Drink 7 Up” at “Buy Oklahoma Oil.”.Ang Lipton ice tea experiment.

Noong July 2005 , ipinagbawal sa EU ang Tabacco Avertising sa telebisyon , ngunit ang kumpanya ng Malboro ay nakaisip ng ibang paraan ng pag aadvertise.Ang Malboro ay isang sponsor ng Ferrari at naisipan nila ang isang legal na paraan upang patuloy ang pag aadvertise ng kanilang produkto.Dahil bawal ang maglagay ng picture kung saan ng kahit anong sigarilyo , naisip ng malboro na gumamit ng Barcode sa ilang sasakayan, kung titignan ito ay isang weird na ideya ngunit kapag nagsimula nang umandar ang sasakyan sa bilis neto ay makikita ang logo ng Malboro.

Ang isang ad ng Coca-cola na makikita ang isang bote na napapalibutan ng yelo at mayroong nakalagay na “Feel the Curves”.Matagal na panahon bago pa mapansin ang sublimal message na nakalagay dito.Nakita ang natatagong mensahe sa hindi inaasahang paraan , isang driver ang na stuck sa likod ng isang truck ay may nakaprint na coca cola ad.Napansin ng driver na sa yelong nakapalibot sa bote ng coke ay mayroong isang babae gumagawa ng isang “Sex Act”

Ayon sa coca-cola ay hindi nila alam na mayroong imahe ang kanilang ad , at agad nilang kinasuhan ang atrist na gumawa ng desenyo.Di nagtagal ay wala nang tumatanggap sa artist na ito.

Ang magazine na SFX , kilala ang magazine na ito sa paagtatakip ng letrang “F” ng artistang Cover nang magazine.So kung hindi mo alam na SFX ang pangalan nang magazine na ito , kahit ialng beses mong basajhin ang nakasulat sa cover ay “SEX”

Kung titignan natin , ang subliminal-messages ay hindi ginagamitan ng kung anong orasyon ngunit siyensya na kahit gustohin natin tayo lamang ang kokontrol sa sarili nating galaw hindi maipagkakaila na tayo ay nagagamit ng mga malalaking tao ng hindi natin namamalayan.Ngunit huwag matakot , ang subliminal-messages ay hindi ka kayang kontrolin ng buong buo.Sa lahat ng experimento na ginawa , ang resulta na lumalabas ay hindi umaabot sa ekspetasyon ng mga gumagawa neto.Sabihin na nating isa itong “Extra Push” para sa mga nakakararami upang kumita ang isang bagay.

Para tuluyan maapektuhan ng subliminal-messages ang behavior ng isang tao ay kailangang nakaayon din ito sa pangangailangan ng isang tao.Halimbawa nalang kung gutom ang isang tao , at ang subconscious mind neto ay naka kuha ng isang adverstisement sa t.v na pagkain maaring ito ang kanyang bilihin.Kung uhaw ka at nakita mo ang coca-cola commercial ay maaring mag crave ka bigla sa coca-cola.Minsan ay nahahaluan ito ng placebo effect o ang paniniwala ng isang tao na maganda para sa kanya ang bagay na iyon kapag ginawa niya ngunit ang totoo ay wala talaga itong epekto.Tulad nang nangyari sa isang programa na naglagay sila ng subaudible na sinasabing makakatulong sa mga tao upang bumaba ang timbang , tumigil sa paninigarilyo at matulungan ang kanilang memory, gumana naman ito ngunit hindi dahil sa sublimal message kung hindi dahil sa placebo effect.

Disney:

The Subliminal, Multistable Message of Disney's Lion King: Lion or ...

Hindi makakalampas sa mga kontrebesya ang mga pambata na palabas ng Disney.Ayon sa karamihan ay may mga sublimininal message ang kanilang nakita sa maraming palabas ang naglalaman ng iba’t ibang mensahe.

Unahin natin ang “Little Mermaid” , sa eksena kung saan ikakasal na si prince eric ( ang bidang lalaki ) kay ariel ( ang sirena ), makikita may kakaibang nangyari sa maselan na bahagi ng katawan ng Pari.

Ayon sa artist na gumawa sa charater ng pari , ito daw ay tuhod ng pari.”The joke was he’s a little man standing on a box and his robes, his big bishop robes, are draped over everything so they’re covering his whole body. ” walang masamang intensyon ang character maker na ito upang maging ganoon ang interpretasyon ng iba sa kanilang nakita.
“And people are just seeing what they want to see.” ayon pa sa kanya.

Isa pa ang palabas na Aladdin, dito ay maririnig ang pagsasabi ni aladdin ng “Good teenagers take off your clothes.” sa senaryo kung saan itinataboy niya ang alagang tigre ni Jamsme.Sinabi nya nga ba ?

Ayon sa director’s commentary ng palabas ay isa itong ad-lib upang humaba ang scence.Ngunit ito ang gustong iparating , ang totoong sinabi dito ay “Good tiger. Take off. Scat. Go!”.Ayon sa kanila ay isa lamang itong kaso ng misheard word, ang mga animators na nagboses sa sequence ay parehong relihiyoso at imposible na magsabi sila ng malaswang salita.

Ang palabas na “Lion King” , sa eksenang lumabas ang word na “SEX” noong masipa ni simba ang isang alikabok.

Ang animator na gumawa ng palabas na ito sa little mermaid ay iisa.Ayon dito ay hindi ito “SEX” kung SFX” isa lamang itong special effect na ginawa ng animator.

Ang pinaka malaking kontrobesya ay ang palabas na“Who Framed Roger Rabbit,” na kung saan ang bidang babae na si Jessica ay tumalsik sa kanyang sinasakyan na sasakyan at pagkabagsak neto ay nakita ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Halos lahat ng cartoons sa disney ay gawa ng iisang animator na si Sito, ayon sa kanya

You know in pre-video and pre-VHS and VCR and stuff, people used to put little inside jokes in films because things were running at 1/24 of a second,

sa sobrang bilis ng mga scence ay may mga bagay silang nailalagay sa palabas , isang katuwaan para sa kanila, dagdag pa ni Sito “So you say, ‘Well, nobody’s seeing anything.’ … And then so [cartoonists] will do that as a joke. But really since the modern age of playing back stuff and everything, they look at everything now, even the old films. They’ll go frame by frame, and they’ll pull those questionable things out all the time.”

Dahil sa modernong teknolohiya , ang mga kalokohan na kanilang katuwaan ay nakikita na nang walang hirap.Noong tinanong ito patungkol sa sinasabing pagkakita ng maselang bahagi ng babae ay ito lamang ang kanyang sinagot,“Well, if there was, I’m not telling, It gives people something to do on a rainy day.”

so maaring oo , maaring hindi , o siguro.

Sex:

What Does subliminal message Mean? | Pop Culture by Dictionary.com

Ang paglalagay ng subliminal message sa isang bagay o gamit bilang pag advertise dito ay alam na ginagamit bilang strategies ng mga negosyante.Ayon kay James Gallo,isang business director of the Americas for Brand Architecture International sa New York;

“We wanted to do something cool and unique, and we didn’t want it to get in the way of the product,“We were just hoping people would pay attention”.Ang paglalagay ng isang subliminal message sa isang product ay isang paraan upang makuha ang atensyon ng buyer.

Ayon kay Stuart Ewen , isaang professor at chair of the Department of Film and Media Studies sa Hunter College in New York.

“True or not, it’s part of the folklore for consumer capitalism, What’s fascinating about subliminal advertising’s persistence in the imagination of Americans is that it is a popular way of expressing and understanding the kind of world they live in.”

madalas ay dahil sa paraan ng paglalaagay ng subliminal-messages sa isang ad, naeeganyo ang mga tao na bilihin ito.

Mula noong 1950’s , dumami ang mga ad na mayroong lamang kabastusan upang dumami ang kanilang benta.Sa taong din ito , isang sociologist na si Vance Packard ang naglabas ng isang libro na kung saan paano naapektuhan ang consumer sa gamit ang mga manipulative imagenery ad.Dahil dito ay ang ang tao na si Wilson Bryan Key ay naglabas ng madaming libro na nagpapakit ang mga product mula noong 1974 hanggang 1993 na mayroong “Subliminal Seduction” at “Subliminal Ad-Ventures in Erotic Art”; at isa sa mga pinakasikat na pinaratangan ay ang Nabisco na kung saan ang bawat butas na makikita sa Ritz Crackers ay inayos upang ma spell ang word na SEX.

Ang grupo ng American Association of Advertising Agencies ay gumawa ng isang ad upang tumaliwas sa mga paratang ni key’s ayon sa kanila “

“It does not exist, it’s not real, and agencies don’t do it.”

Noong tanungin patungkol sa isang ad ng grapefruit juice na kung saan makikita ng isang sa splash ang isang kurba ng katawan ng babae , ayon sa crative group

“It’s fine if they see a slinky dress,”“It’s fine if they see a slinky dress,” ,

ayon pa sa kanila ay isa lamang itong gawa ng imahinasyon o di kaya sa effect ng camera.

“It’s kind of like the old game when you are sitting with your wife and looking at clouds and you ask each other, ‘Don’t you see it?’ ”

dagdag pa nito.

Sa madaling sabihin , gawa lamang ito ng iyong imahinasyon na minsan ay makikita mo ang gusto mong makita kapag tumingin ka sa mga ulap.

Ayon kay Ewen , iisa lamang ang kanyang pinaniniwalaa

“But limiting the definition to finding a smoking penis or a smoking nude body or whatever on the surface of the Ritz cracker in certain ways ignores the fact that all advertising is subliminal,”

“Advertising itself is about creating associations between a product and a realm of desire. The standard definition of subliminal advertising limits it to conspiratorial visions of images secretly being embedded in advertising images and ignores the fact that advertising by definition, since the 1920s, moved away from talking about products themselves to the power of suggestion. In that sense, subliminal advertising is everywhere.”


Hindi na mapipigilan ang paglalagay ng subliminal-messages sa isang product malaswa man ito o hindi , dahil isa na itong natural na paraan upang bumenta ang isang bagay at upang makilala ito sa kahit anong lugar.

Sources

Sources

  1. https://www.adweek.com/brand-marketing/sex-crackers-and-subliminal-ads-63017/
  2. https://www.huffpost.com/entry/disney-sexual-messages_n_6452666
  3. http://nickkolenda.com/subliminal-messages/
  4. https://www.campaignlive.co.uk/article/marlboro-coke-kfc-used-subliminal-advertising/1383489
  5. https://www.nickkolenda.com/subliminal-messages/
  6. https://www.sciencedaily.com/releases/2007/03/070308121938.htm
  7. https://money.howstuffworks.com/subliminal-messages.htm
  8. https://subliminalmessages4u.com/subliminal-messages-types/
  9. http://www.umich.edu/~onebook/pages/tablepages/history.html
  10. https://thelawofattraction.org/history-of-subliminal-messages/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit umiikot ang aso bago matulog

Bakit kailangan nating Matulog?