Sino ba si Nikola Tesla?

Reading Time: 20 minutes

Topics

Panigurado naman kilalang kilala nyo na ang pamosong si Nikola Tesla. Hindi na lingid sa atin ang mga ginawa at mga inembento nya at ang labanan nilang dalawa ni Edison. Pero sino ba talaga si Nikola Tesla? Ano ano ang kanyang mga nagawa at ano ang kanyang personal na buhay? Halina’t alamin natin.

Nikola:

The Rise and Fall of Nikola Tesla and his Tower | History ...

Bago natin pag-usapan kung ano ba ang mga nagawa nang taong ito, alamin muna natin ang kanyang buhay. Noong July 10, 1856 ipinanganak ang taong ito. Ang kanyang ama ay isang Serbian priest sa isang Orthodox church at ang kanyang ina ang namahala ng sakahan ng kanilang pamilya. Noong 1863, nakitaan nang isang sintomas si Nikola ng trauma, dahil sa pagkamatay nang kanyang kapatid sa isang aksidente; ang pitong taon na si Nikola Tesla ay pinaniniwalaan na nakakakita ng mga pangitain. Noong kabataan din nito ay nakakakita ito nang mga “Flashes of Light”(ito ang mga liwanang na minsan ay nakikita natin kapag pumipikit , o di kaya kapag kinukusot ang mga mata.) Kasunod nito, makakaisip na ito nang mga bagong ideya at minsan ay mga solusyon sa problema na gumugulo sa kanya.

Masasabi na hindi nga normal si Tesla dahil sa kanyang mga gawain na hindi nababago, tulad na lamang ng hindi pagbabago ng lugar kung saan siya naghahapunan at kung saan ang puwesto nito. Si Tesla ay pinaniniwalaan na takot sa dumi, at obsessed sa numero na 3. Noong bata din ito, nagkaroon ito ng kakaibang reaksyon sa tuwing nakakakita ng mga perlas at hindi nito kayang humawak ng buhok.

Ngunit kahit na sa kalagayan na ito, nakapag-aral si Tesla ng mathematics at Physics sa isang Technical University sa Graz at philosophy sa University of Prague. Pinaniniwalaan na habang naglalakad si Tesla noong 1882, nakagawa ito nang pinaka unang sketch ng rotating electromagnetics na kanyang ideya patungkol sa brushless AC motor. Matapos ang taon na iyon, lumipat si Tesla sa Paris at nakakuha nang trabaho sa Continental Edison Company bilang taga-ayos ng direct current nang mga power plants. Matapos ang dalawang taon, lumipat ito sa United States.

Ang paraan nang kanyang pag-imbento sa isang bagay ay kakaiba para sa ibang inventor. Gamit lamang ang kanyang imahinasyon, nakakabuo ito nang mga bagay. Nabubuo na sa kanyang utak kung paano niya magagawa ang isang bagay. Ayon sa research, si Tesla ay istrikto pagdating sa oras. Sa sobrang sipag ay pinaniniwalaan na dalawang oras lamang ang kanyang tulog sa gabi.

Noong 1895, ang lahat nang mga ideya, mahalagang papel at mga mahahalagang bagay ay nawala nang biglaan dahil sa pagkasunog nang kanyang laboratoryo sa New York. Matapos ang pangyayaring ito, lumipat siya sa Colorado springs nang halos dalawang taon at bumalik sa New York sa taon ng 1900. Mula sa kanyang financier na J.P Morgan ay nakapagsimula muli si Tesla ng isang global communications network, na makikita sa gitna nang malaking tower sa Wardenclyffe sa Long Island. Ayon sa research , hindi rin nagtagal ang binuo ni Tesla dahil sa pagka ubos nang pera at inihinto na din ni Morgan ang pagbibigay nang pera dahil sa mga kakaibang nagagawa ni Tesla.

Dahil sa pangyayaring ito, namuhay na lamang si Tesla sa isang hotel sa New York. Ginugol niya ang kanyang buong buhay sa mga pag-iimbento nang mga bagong bagay hanggang sa tumanda at hindi na nakabuo ng bagong ideya. Pinaniniwalaan dahil sa katandaan, ang huling taon ni Tesla ay itinuon niya sa pagpapakain ng mga kalapati na makikita sa siyudad. Ayon pa sa research, noong bago pa ito mamatay noong January 7, 1943; sinabi nito na nakakusap niya ang mga kalapati na kanyang pinapakain.

Nikola Tesla Vs. Thomas Edison:

12 Interesting Facts About Nikola Tesla You Probably Didn't Know ...

Sympre kailangan isama natin si Edison dito sa video na ito although short summary lang ito para kay Edison. Para sa mga taong hindi nakikinig sa science, si Thomas Edison lang naman ang kinikilalang naka imbento ng pinaka unang incandescent light bulb. Ang taong ito ang kinikilang ng America bilang isang Greatest Inventor. Sa mga nagawa niya katulad na lamang ng electric power generation, mass communication at sound recording.
Noong dumating si Tesla sa United states noong 1884, nakilala niya ang sikat na inventor na si Thomas Edison. Mula noon, tumulong si Tesla para sa pagpapaganda ng mga bagay na nagawa ni Thomas. Ayon sa research, naghiwalay ang dalawang ito dahil sa isang hindi pagkakaintindihan.

Si Thomas Edison ang nakagawa ng DC o Direct current na maaring dumaloy sa iisang direksyon. Ayon kay Tesla mahina ang mga nagagawang enerhiya ng Direct Current na ginagamit ni Edison, mas magiging malakas at maganda ito kung gagamitan ng alternating current kung saan kayang mabago ang direksyon ng current kada 50 to 60 times per second. Dahil dito, nakakapag produce nang mas malakas na voltage levels at maaring makabawas sa mababang enerhiya at mapalakas ito.

Ang ideyang ito ay inilahad ni Tesla kay Edison ngunit hindi niya ito pinakinggan at binalewala na lamang. Dahil sa tauhan ni Edison si Tesla, inutusan na lamang niya ito na paggandahin at ayusin pa ng mabuti ang Direct Current. Sumunod naman si Tesla ngunit, hindi nito ikinatuwa ang hindi sapat na pagbabayad ni Edison sa kanyang trabaho. Dahilan upang umalis si Tesla sa ilalim ni Edison.

Nang makaalis ito sa puder ni Edison, nagsimula si Tesla na gawin ang kanyang ideya. Hindi ito naging madali para sa kanya, ngunit hindi nagtagal nakakilala ito ng isang tao na gustong pondohan ang kanyang ideya. Mula sa isang attorney na si Charles Peck at isang superintendent sa Western Union na si Alfred S. Brown. Sa tulong ng dalawang ito, nagkaroon si Tesla ng sarili netong laboratoryo at mula dito, nabuo niya ang “polyphase induction motor”.

Ang bagay na ito ay inilabas at ipinaliwanag ni Tesla noong 1888 sa isang papel na “A New System of Alternating Current Motors and Transformers”. Sa kanyang representasyon, labis na namangha ang isang industrialist at inventor na si George Westinghouse. Binisita niya si Tesla sa kanyang laboratoryo , at dito nakita niya kung paano talaga gumagana ang gawa nito.

Dahil dito, nakipag sosyo o nakipagpartner si Westinghouse kay Tesla para sa kanyang naimbento. Napagkasunduan nila Charles at Alfred na pumayag sa offer ni Westinghouse na magbabayad nang halos 25,000 Dollar in cash at 50,000 dollars para naman sa Horsepower na magagawa nang bagay na ito.

Dahil sa tunlong Westinghouse, nadala niya ang gawa ni Tesla na polyphase alternating current system na maaring gamitin sa isang generators, motors and transformers at mayroong halos 40 basic US patents.

Habang patuloy na umuusbong ang AC motor ni Tesla, Si Edison ay kinakabahan na dahil baka mawala na sa isipan nang malalaking tao ang kanyang Direct Current. Dito nababagay yung meme na kabahan ka na. Dahil ditto, nagsimula ang tinawatawag na “War of Current”. Ayon kay Edison, delikado ang paggamit nang Alternate Current at isinisi dito ang mga kaso ng mga electrocution attempt noong 1890.

Ngunit hindi sila nagtagumpay na masira ang pangalan ni Tesla noong manalo si Westinghouse sa isang paligsahan kung sino ang magpapailaw sa malaking Chicago World’s Fair. Ang kalaban lang naman nang AC ay ang malaking kompanya na hawak ng dalawa pang malaking kompanya na Edison General Electric at Thomson-Houston Electric Company.
Nang gabing iyon, napa-ilaw ng halos 100,000 incandescent lamps gamit lamang ang AC power at dahil dito, maraming namangha.

Pero hindi papayag si Edison ng bumagsak ng ganun ganun na lang. Nag palabas si Edison ng mga campaigns para masabing ang AC current ay delikado para sa tao. Para mapakita ang pinupunto nito, si Edison ay nagexecute o pumatay ng mga aso pusa at kabayo gamit ang AC ni Tesla. To be fair, tama naman si Edison, mas delikado ang AC sa ating mga tao at maging sa mga hayop dahil nga alternating current ito mas marami itong ways na makapasok sa ating katawan.

Gayunpaman, dahil sa nagawa ng AC power, si Tesla ang nagwagi. Happy ending diba? Well sa part ni Tesla oo, pero bakit DC ang ginagamit natin ngayon kung nanalo ang AC I hear you typing sa comments.

Well we used both. Ang AC ay mas malakas kumpara sa DC hence ang DC ang ginagamit natin sa mga maliliit na electronic equipment na nasa bahay kagaya ng tv, charger, LED monitor at iba pa pero kung malalaki na, AC na ang gagamitin nito, ang LCD TV AC din ang ginagamit nito. Ang kuryente na lumalabas sa ating mga outlet AC ito.

Commercial lang, nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa ihit mo na ang bell notification dahil marami pa tayong magagandang topic na tatalakayin.

Theory of gravity:

Einstein's genius changed science's perception of gravity ...

Ayon sa research, noong 82 na taon si Tesla ay nagsulat ito ng ilang pahayag. Ang pahayag na ito patungkol sa Theory ni Albert Einstein patungkol sa Relativity ,

“I have worked out a dynamic theory of gravity in all details and hope to give this to the world very soon. It explains the causes of this force and the motions of heavenly bodies under its influence so satisfactorily that it will put an end to idle speculations and false conceptions, as that of curved space. According to the relativists, space has a tendency to curvature owing to an inherent property or presence of celestial bodies.

“Since action and reaction are coexistent, it follows that the supposed curvature of space is entirely impossible -However, even if it existed it would not explain the motions of the bodies as observed. Only the existence of a field of force can account for them and its assumption dispenses with space curvature. All literature on this subject is futile and destined to oblivion.”

Ayon sa aether based theory ni Tesla, na kung saan ipinaliwanag nito kung paano ang gravity ay direktang nakakabit sa electromagnetic phenomena. Ipinaliwanag din niya kung paanong nakakapag labas ang araw at ang mga bituwin nang tinatawag na “Primary solar rays” na magiging secondary radiations. Ayon kay Tesla ang phenomena na nagagawa nang electromagnetic forces ay ang pinakamahalagang phenomena na nangyayari sa universe.

Ngunit ang teoryang ito ni Tesla ay walang mathematical details magmula nang ito ay lumabas.

Tesla and Aliens:

Nikola Tesla Had Contact With Aliens: Biographer - News Punch

Ayon kay Tesla, noong 1899 nakakausap siya ng mga nilalang na nakatira sa ibang mundo. Ayon sa pagtatanong na ginawa nang Red Cross kay Tesla na ipredict nito kung ano ang magagawang bagay na maiimbento ng tao sa susunod na century. Ayon kay tesla maaring nakatanggap siya ng mensahe mula sa ibang mundo.

“I have observed electrical actions, which have appeared inexplicable. Faint and uncertain though they were, they have given me a deep conviction and foreknowledge, that ere long all human beings on this globe, as one, will turn their eyes to the firmament above, with feelings of love and reverence, thrilled by the glad news: “Brethren! We have a message from another world, unknown and remote. It reads: one… two… three…”

Dagdag nang inventor na ito, maaring walang nakatira sa ibang mundo; ngunit maari din na mayroon. Pinaniniwalaan ni Tesla na ang mga mensahe ay maaring nanggaling sa Mars.

Hidden Files Conspiracy:

Files Folder Stock Photos - Download 11,762 Royalty Free Photos

Ayon sa ilang paniniwala, magmula noong matagpuang patay si Tesla sa kanyang tahanan noong 1943, ang lahat nang mahahalagang papel patungkol sa kanyang imbensyon at ilang mahahalagang papeles ay nakuha nang mga malalaking tao. Ayon sa research, noong matagpuan ang bangkay ni Tesla, sa utos nang FBI kinuha na ng tinatawag na Alien Property Custodian at itinabi sa isang warehouse.

Ang Director nang FBI na si J. Edgar Hoover ay dineklarang “Most Secret” ang mga papel. Ayon sa gobyerno ng United States, mas mabuting nasa pangangalaga nila ang mga papel bago pa mapasakamay ng ibang malalaking tao. Lalo na ang Soviet Union.

Ang isang electrical engineer na si Dr.John G. Trump ang naatasan na basahin at pag-aralan ang mga papel, at ayon sa kanya ang mga papel ay


“not include new sound, workable principles or methods for realizing such results.”

Ngunit ang ilang natitirang pamilya ni Tesla ay gustong makuha ang mga papel. Ang isang pamangkin ni Tesla na nagngangalang Sava Kosanovic, ang nakipaglaban sa FBI upang makuha ang mga papeles. Dahil dito, pinagbintangan ito na ibibigay niya ang mga papel sa mga kalaban na bansa. Ngunit sa matagal na pakikipag-usap at pakikipagtalo, nanalo si Sava Kosanovic upang maging tagapagmana nang mga papel.

Ang lahat nang gamit ni Tesla ay ipinadala sa Belgrade. Ang halos 80 trunks ng lahat nang kagamitan ni Tesla ay 60 na lamang nang dumating sa Belgrade. Hanggang ngayon ay hindi malaman ay hindi alam kung saan napunta ang mga bagay.

Ang pinaka kilalang conspiracy na patungkol kay Tesla ay ang Free Energy, meaning hindi na kailangan ng tao na magbayad nang kuryente sa kahit anong kompanya. Ayon sa paniniwala, ang inbensyon ni Tesla patungkol sa bagay na ito ay isa sa hindi makita na papel na hindi na kailanman dumating sa tahanan ng kanyang pamangkin.

Nazi, Time Travel and Homosexual:

Nikola Tesla: Time Travel Experiments | Nikola tesla, Nicolas ...

Ayon sa paniniwala, ang pagkamatay ni Tesla ay utos ni Hitler sa kanyang personal bodyguard at assassin na si Otto Skorzeny. Ang paniniwalanag ito ay nagmula sa isang tao na nagngangalang Eric Bermen, ayon dito nakita niya ang bodyguard ni Hitler nang mabigyan ito nang bagong pagkatao. Ayon pa kay Eric, napaamin niya ang taong ito sa ginawa niyang pagpatay kay Tesla. Ayon dito, pinatay nito si Tesla noong January 6, 1943. Kasama pa ang isang tao na pinangalanang netong Reinhard Gehlen. Matapos ng pangyayaring iyon, kinuha nila ang lahat nang papeles at ibinigay kay Hitler. Naibalik ito sa americans noong ito ay manalo sa giyera.

Ayon pa kay Eric, inamin daw ni Otto na hindi nagpakamatay si Hitler at tinulungan niya ito upang makatakas at makapunta sa America. Ang ilang patunay na si Hitler ay tumakas papuntang america kailanman ay hindi na nalaman.

Sympre hindi rin mawawala ang time travel ditto. Marami kasing naniniwala na si Tesla ay nakapagtime travel. Ayon sa ilang paniniwala, si Tesla ay gumawa ng ilang eksperimento patungkol sa Time travel. Gamit ang high voltage electricity at magnetic fields, pinaniniwalaan na ang taong ito ay nakita na ang Past, present at Future sa iisang oras. Dahil sa kanyang nagawa ay ilang ulit itong naparalyze. Pero ayon sa mga eksperto ito ay dahil sa kanyang acute senses dahil na din sa sobrang sensitive nito na nakapagcause ng paralysis.

Dahil sa walang babae na nabalitaan na naging karelasyon ni Tesla, lumabas ang iba’t ibang paniniwala na isa itong bakla.

Ang ilan dito ay ang masasabing Conpiracy patungkol kay Tesla, ngunit kung pagsasama-samahin lahat nang kanyang naisip at nagawa, ang nais lamang ng taong ito ay matigil ang giyera laban sa ibang bansa.

“If no country can be attacked successfully, there can be no purpose in war.”


Workaholic si Tesla, hindi porket workaholic eh bakla na. Sadyang wala lang syang time para sa girls pero who knows baka nga we may never know. Pero personally tingin ko talagang busy lang sya sa kanyang mga Gawain isa pa medyo kakaibang tao si tesla kaya din siguro ilag sya sa iba.

Skeptics:

Para sa mga skeptic’s , ang lahat nang papuri paatungkol kay Tesla ay hindi nararapat sa kaniya. Ang lahat nang bagay na pinaniniwalaan na nagawa nang taong ito, para sa skeptics ay hindi makatotohanan.

Ayon sa pinaka una, ang pag-imbento ni Tesla sa AC Power. Ayon sa ilang research, bago pa man ito magawa ni Tesla, nagawa na ito nang dalawang tao na pinangalanang August Haselwander at C.S Bradley. Ang dalawang ito ay trabahador din sa kompanya ni Edison. Noong 188, nabuo nila ang 3 phase AC generators.

Ang pinaniniwalaang polyphase electric motor na naimbento ni Tesla ay nagawa na nang isang tao na nagngangalang Galileo Ferraris. Mula pa noong 1885, ito ay bukambibig na nang isang university professor. Pero walang maipakitang ebedensya na siya ang unang nakaisip ng bagay na ito na ayon sa kanya ay naisip nya na nuong 1882. Ayon sa research, maaring nabasa ni Tesla ang papel patungkol sa bagay na ito at agad na nakabisado.


Ang mga bagay na ito ay ilan lamang sa mga nalaman nang mga skeptic na tao.
Dahil sa kanyang talino at kakaibanng kakayahan. Ang mga bagay na gagawin pa lamang ng ibang inventor ay agad niyang nagagawa.

Ito ang buhay ni Tesla at ang mga tanong na bumabalot sa kanya. Maraming mga conspiracy ang bumabalot sa taong ito at mayroon naman talagang basehan para pagisipan na baka nga, merong kakaibang abilidad si tesla o baka naman sadyang matalino lang sya? Kayo ano sa tingin ninyo?

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.


Bago tayo magtapos, wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. http://edisontechcenter.org/tesladebunked.html
  2. https://www.conspiracies.net/nikola-tesla-conspiracy-theories/
  3. https://interestingengineering.com/the-mysterious-disappearance-of-nikola-teslas-files-after-his-death
  4. https://www.upworthy.com/after-tesla-thought-aliens-contacted-him-he-described-his-encounter-to-the-red-cross
  5. https://science.howstuffworks.com/nikola-tesla3.htm
  6. https://www.teslasociety.com/ac.htm
  7. https://www.history.com/topics/inventions/nikola-tesla
  8. https://www.biography.com/inventor/thomas-edison
  9. https://en.wikipedia.org/wiki/Thomas_Edison
  10. https://www.mentalfloss.com/article/78127/10-electrifying-facts-about-nikola-tesla
  11. https://www.history.com/topics/inventions/nikola-tesla

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Gaano katalas ang paningin at pandinig ng paniki?

Ano nauna itlog o manok?