Shroud of turin

Reading Time: 26 minutes

Topics

Shroud of turin

Matthew 27:58-59

“Going to Pilate, he asked for Jesus’ body, and Pilate ordered that it be given to him. Joseph took the body, wrapped it in a clean linen cloth”

Kung tayo ay magbabasa ng bibliya, malalaman natin kung paano namatay ang kinikilala nating Diyos na si Jesus. Ayon sa Matthew 27:58-59; si Jesus ay ibinalot sa isang tela at iniwan ang kanyang katawan sa loob ng isang maliit na kweba.

Ayon sa paniniwala, ang telang pinagbalutan ng katawan ni Jesus, hanggang ngayo’y buhay pa. Ito ang tinatawag na “Shourd of Turin”.

Maraming mga theorya ang bumabalot sa tela na ito. May mga nagsasabing peke daw ito habang ang iba naniniwala na ang taong binalot ditto ay talagang pinahirapan ng maigi. Para sa mga close minded, bago kayo mag react please, panuorin nyo muna lahat o pag may narinig kayong hindi maganda at nagpantig ang tenga ninyo, please, pakinggan nyo ulit baka may namiss out lang kayong data.

Bago tayo magsimula sa isa na namang mahabang discussion, nakasubscribe ka na ba? Kasi kung hindi pa, ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na. Maraming mga magagandang topic na punong puno ng impormasyon at isa pa mayroon tayong live chat para sa mga video na mahahaba kagaya nito kaya wag mong kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated.

Simulan na natin.

History:

Shroud of Turin - Facts & History Everyone Should Know

Ayon sa research, ang telang ito ay natagpuan sa France noong 13th century. Magmula noon, pinaninwalaan na ang bagay na ito ay ang telang ginamit upang ibalot kay Jesus. Ang telang ito ay unang ipinakita sa madla, sa bayan ng Troyes. Ngunit ayon naman sa kinikilalang bishop noon na si Peirre d’Arcis, ang bagay na ito ay peke. Ayon sa bishop, ang pintor na gumawa ng imahe ay umamin sa kanyang ginawang kalokohan. Tumaliwas naman sa paniniwala ang isang obispo Noong 1390 na si Antipoe Clemkent VII, ang tela ay kanyang sinuri; at kinompirmang ito ay maaring gamitin upang sambahin ng mga kristyano para sa kanilang panalangin. Ayon sa kanya, walang matibay na patunay kung ito ba ay hindi totoo dahil hindi pinangalanan ni bishop Peirre ang pintor. Pinagtatalunan kung sino ba talaga ang may ari ng telang ito. Ayon sa iilan, ang pangangalaga ng telang ito ay nasa kamay dapat ng mga Eastern Orthodox chruch.

Ayon sa research, ang mga imahae ay unang nakita sa bayan ng Edessa sa bansang Turkey (Modern Urfa) at naipasa sa Constantinople (Modern Istanbul), ang kinikilalang archdeacon ng Hagis Sophia noon sa bayan na si Gregosry Reeferendarius ang pinaka unang pari na gumagawa ng sermon patungkol dito. Mula noon ay napasa kamay neto ang pangangalaga ng shroud. Noong taong 1205, nagkaroon ng malakihang pagnanakaw mula sa bayan ng Constantinople; ang mga mahahalagang bagay mula sa kanilang simbahan, kasama na dito ang telang kanilang pinapangalagaan ay ninakaw.

Ang telang ito ay mayroong sukat na  4.4 x 1.1m. Ayon sa paglalarawan sa imahe na nakita sa tela, makikita ang isang mukha ng isang mabalbas at mabigoteng lalaki. Ang buhok nito ay aabot hanggang balikat, pinaniniwalaan na ito ay mayroong maayos at matikas na pangangatawan at may tangkad na aabot sa 5’7. Ang mga nakitang iilang mantsa sa tela ay pinaniniwalaang dugo ni Jesus. Ang iba’t ibang sugat ay makikita din sa tela, mula ulo, tuhod kamay at paa.

Magmula noong 1578, ang bagay na ito ay nakatabi at inaalagaan sa isang cathedral na makikita sa bayan ng Turin sa bansang Italy; ang Cathedral of St. John the Baptist. Dahil dito, tinawag itong “Shourd of Turin”. Lumipas ang ilang pang matagal na taon; noong Mayo 28, 1898, isang Italian lawyer at amateur photographer ang unang taong kumuha ng litrato sa bagay na ito. Ito ay si Secondo Pia, ang taong ito din ang nakadiskubre sa kakaibang imahe na mayroon ang telang ito.

Noong 1931 ang tela ay ipinakita sa mga tao noong ipinakasal ang isang prinsepe na si Umberto. Ang mga larawan naman mula sa tela ay pinag-aralan ng mga eksperto noong 1970’s, Ngunit ang mga lumabas sa kanilang ginawa ay walang kasiguraduhan. Noong 1978, naganap ang tinatawag na Five-day Shroud of Turin Research Project (STURP) kung saan hindi lamang ang mga nakakataas ang maaring makakikta neto kundi kahit sino.

Ayon sa isang miyembro ng STURP na si Walter McCrone, ang ilang sample na nakuha niyang mga mantsa sa tela ay hindi dugo at ginawa lamang mula sa isang pinta. Dahil ang kanyang nalalaman ay ipinagsabi niya sa mga tao, tinanggalan siya ng karapatan upang maging miyembro ng STURP at pinalitan ito ng bagong tao. Noong 1988, tatlong laboratoryo ang nagsagawa ng pag-aaral mula sa bagay na ito. Ayon sa radio-carbon testing na kanilang ginawa, ang bagay na ito ay nagawa sa pagitan ng taon mula 1260 hanggang 1390. Tinanggap ng bawat simbahan at mga kaparian ang kanilang pananaw, ngunit hindi nito napigilan ang pag-gamit sa tela. Ipinagpatuloy pa din ng mga ito ang pag-gamit sa tela upang sambahin ng mga tao. Magmula noon, nakilala ang tela bilang “Medieval Fraud”

Matapos ang matagal na taon, nagkaroon ng malakihang sunog kung saan nakalagay ang telang ito. Noong 1997, muntikan na itong maging abo ngunit naisalba ng isang bombero. Noong taon din na iyon, lumabas ang dalawang Israeli scientist at nagsabing ang telang kanilang kinikilalang banal ay hindi totoo. Ayon sa dalawang Israeli, ang isang bagay na mayroong tanda na halos dalawang libong taon ay hindi maaring maging maayos. Dahil ang tela ay nasa maayos pa na kalagayan at hindi talaga mukhang luma ibig sabihin hindi ito ganuon katanda.

Ayon kay Pope John Paul II noong 1998, ang mga paratang na ibinibintang sa bagay na ito ay kanila na lamang ipagsasawalang bahala at hayaan na ang mga eksperto na pag-aralan at imbestigahan ang mga bagay patungkol sa tela. Ang tela ay muling ipinakita sa madla noong taong 2000. Noong taong ding yun, lumabas din ang balitang nakita ng ilang archeologist sa isang libingan sa Jerusalem ang ilang piraso ng tela. Ayon din sa ginawa nitong pag-aaral; ang tanda ng bagay na ito ay mula pa noong 1st century. Noong 2002, ang Shourd of Turin ay ipinadala na sa Vatican upang ipasa sa kanila ang pangangalaga sa bagay na ito.

The Blood:

Shroud of Turin - Facts & History Everyone Should Know

Ayon nga kay Walter McCrone na dting miyembro ng STURP, ang mga mantsa ay mga pinta lamang. Ngunit ayon sa mga tumingin sa kanyang sinabing pag-aaral, ang mga ginamit niyang paraan ay hindi kayang makakilala ng isang dugo.

Isa sa mga gumawa ng pag-aaral patungkol sa mga mantsa ay ang isang chemist na si Dr.Alan Adler. Ang chemist na ito ay nagpakadalubahasa sa pagkilala sa mga porphyrins o ang mga maliit na mantsa na makikita sa mga bagay. Ayon kay Dr.Alan,ang mantsa ay mga dugo at ito ay type AB.

Marami ang naniniwala na ang mga mantsa na makikita sa tela ay isa ngang dugo, mula sa mga sugat na natamo ni Kristo sa ginawang pagpapahirap dito. Ayon sa research, ang isang normal na blood stains ay madaling kumupas at mapupunta sa kulay na medyo maitim o di kaya’y kayumanggi. Ngunit kung pinaniniwalaan na ang tela ay mula pa noong unang panahon, nakakapagtakang ang kulay ng mga dugo ay makikita pa din bilang isang kulay pula. Hindi ito kumupas man lang o kahit ano. Pero  ang mga taga suporta ng telang ito ay hindi nagpatalo at nagsabing  ang mga dugo na mula sa tela ay hindi nanggaling sa mismong tulo ng dugo ngunit mula sa mga namuong dugo mula sa sugat. Ang ilang dugo na namuo ay nahaluan ng mga bilibrum at oxidized hemoglobin kung kaya nanatili ang pulang kulay neto.

Ayon pa sa ibang mga eksperto at ilang researcher, sila ay nakakita ng ilang maliiit na tinik na galing sa tela. Ayon sa ilang Israeli researcher, nakakita din ang mga ito ang ilang linya at guhit na pinaniniwalaan nilang mula sa mga maliit na bulalak. Ito ay nakita nila sa bandang ulo ng tela, ayon sa pag-aaral; ang mga bulalak na kanilang nakita ay mula pa sa mga bulalak na tumubo noong panahon ni Kristo.

Isang tela na nasa pangangalaga ng isang Cathedral na makikita sa bayan ng Oviedo sa bansang Spain. Ang tela na ito ay pinaniniwalaan nilang isinuot sa ulo ni Kristo matapos netong ibaba sa pagkakapako sa Krus. Ayon nga sa John 20:7

“as well as the cloth that had been wrapped around Jesus’ head. The cloth was still lying in its place, separate from the linen.”

So kahit na ito ay ipinatong sa ulo at mukha ni Kristo, walang mukha ang makikita sa telang ito.Noong pinag-aralan ang mga dugo mula sa tela, lumabas na mula ito sa isang lalaki at mayroong type AB na dugo.

Dahil sa mga ganitong resulta at mga pag-aaral na ginawa ng mga eksperto, mas lalong tumibay ang paniniwala na ito nga ang telang ginamit na pambalot kay Kristo. Tumibay na din ang paniniwala na ang imahe na makikita dito ay ang mukha ni Kristo.

Religious View:

Giving One's Life for One's Friends: A Secular or Religious Value ...

Hindi lamang ang “Shroud of Turin” ang kinikilalang bahagi ng tela na ginamit sa katawan ni Kristo. Ang ilang bahagi neto ay nasa iilang simbahan na makikita sa France at mga simbahan sa Italy. Ngunit ayon sa research, kung kasikatan ang pag-uusapan, pinaka kilala at pinagtutuunan ng pansin ang “Shroud of Turin”.

Iba’t ibang mga relihiyon ang naniniwala at sumasamba sa bagay na ito, nangunguna na ang mga catholics, sumunod ang mga babptist , lutherans , methodist at mga Orthodox. Ang ilan naman ay gumawa pa ng replica upang ito ang kanilang sasambahin. Ilang mga gawain ang ginagawa upang samabahin ang bagay na ito. Kahit kalat na ang balitang ang bagay na ito ay maaring peke at walang katotohonan, hindi nila ito pinapansin.

Ang telang ito ay maingat na pinangangalagaan, nakalagay ito sa isang laminated bulletproof glass. Hindi lamang ito basta basta salamin, ang hangin na nasa loob ng case na ito ay binabalot ng 99.5 percent na argon at 0.5 percent na oxygen. Ginagamitan nila ito ng ganitong hangin upang hindi na masira at mabago ang itsura.

Dahil sa telang ito nalaman ng mga tao at pinaniniwalaan na ito nga ang mukha ni Kristo, magmula noon umusbong na ang ilang balita na sila ay nakakakita ng aparisyon. Ang mga imahe na bigla na lamang lumalabas sa mga dingding, puno o sa kahit saan. Dito ay nakikita nila ang imahe ni kristo at magsisimula silang mag-isip na isanag banal na lugar ito o bagay.

Nagustuhan mo ba ang topic?  nakasubscribe ka na ba? kasi kung hindi pa, magsubscribe ka na. total gusto mo naman ang topic. Madaming topics tayong ididiscuss at punong puno ito ng impormasyon.

Scientific analysis:

Scientific Response and Analysis — FBI

Sa lahat ng bagay kadalasan mayroong sagot ang siyensya patungkol dito. Ngunit hindi ito naging madali para sa kanila. Ang pag-aaral patungkol sa bagay na ito ay nagsimula lamang noong 20th century. Ayon sa isang French  professor ng comparative anatomy na si Yves Delage, ang bagay na ito ay hindi niya nalapitan at nahawakan.Nakita niya lamang ito mula sa mga litrato. Ayon kay Delage, ang mga nakaguhit dito ay isang perpektong pagkakaguhit ng katawan, sugat at mga mga dugo. Maaring ang mga mantsa at guhit ay mula talaga sa katawan ng isang tao o di kaya’y ginawa ng isang tao. Ang ilang mga eksperto ay umayon din sa propesor na ito.

Ayon sa ilang research, nagkaroon lamang ng actual na pag-oobserba ang mga eksperto noong taong 1969 hanggang 1973. Tumulong ang mga ito upang mapreserve ang mga nakaukit sa tela. Noong taong 1973, nagkaroon ng pagkakataon upang makakuha ng ilang sample na kinuha mismo sa tela.

Noong 1976, nabuo ang isang samahan at tinawag itong Shroud of Turin Research Project o STURP. Pinangunahan ito ng isang physicist na si John P. Jackson, thermodynamicist na si Eric Jumper at ang  photographer na si William Mottern. Noong 1978, ang tatlong ito kasama pa ang halos tatlongpu na scientist ay nabigyan ng prebilihiyo na malapitan at tignan ng walang hadlang ang nasabing tela. Mula noon, naglabasan na ang mga ebedensya na masyado itong bata upang paniwalaang nagamit noong unang panahon.

Hanggang ngayon ay hindi pa din matapos mga pagtatalo patungkol sa totoong katauhan ng bagay na ito. Dahil sa mga moderno at mas maayos na kagamitang nagawa ng mga matatalinong tao, nakagawa muli ng isang pag-aaral gamit ang mga ito.Ang pinagtuunan ng pansin ng mga eksperto ay kung saan makikita ang dugo na nasa tela.

Ayon sa mga ito, malalaman nila kung ang taong nakikita na mayroong sugat sa kanyang katawan ay nagtataglay ng mga sugat na natamo ni Kristo. Gamit ang isang buhay na tao, isang tela at ang isang bibliya, titignan ng mga eksperto kung paano dadaloy ang dulo mula sa mga sabing sugat ni Kristo.

Ayon sa John 19:33

“But when they came to Jesus and found that he was already dead, they did not break his legs. 34 Instead, one of the soldiers pierced Jesus’ side with a spear, bringing a sudden flow of blood and water.”

Ginawan nila ito ng isang reneactment, gamit ang isang dummy na nilagyan ng sponge na binasa mula sa isang dugo at idinikit sa katawan ng manika.

Dito ay isinabit at tinusok ang bahagi na pinaglagyan at nakita nila kung saang direksyon napunta ang dugo. Mula sa mga pattern na galing sa tela, at telang kanilang ginamit. Ayon sa isang interview na ginawa ng live science mula sa isang miyembro ng eksperimento na si Matteo Borrini

“you realize these cannot be real bloodstains from a person who was crucified and then put into a grave, but actually handmade by the artist that created the shroud,”

Dahil nga si Kristo ay ipinako sa Krus, ang mga dugo na nakita sa likod ng kamay mula sa tela ay maari dahil sa pagkakapako. Ngunit ang mga dugo na nasa balikat ay hindi makatotohan. Upang dumaloy ang dugo papunta sa mga posiyon na iyon, kailangang itaas ang kamay. Ang ilang lugar na napuntahan ng dugo ay hindi maihanhantulad ng mga dugo na nakita sa tela.

Ayon kay Borrini

“If you look at the bloodstains as a whole, just as you would when working at a crime scene, you realize they contradict each other,””That points to the artificial origin of these stains.”.

Dito ay naniniwala ang team ni Borrini, na ang taong ito ay hindi si Kristo.

The Idea of the Bible:

Nephilim in the Bible - Olive Tree Blog

Kahit na sikat ang bagay na ito para sa mga Kristyano, may iilang kristyano na hindi nagpapaniwala sa sinasabi ng nakararami. Ang maling pagtingin na ito ay matagal na din nilang tinutuligsa. Gamit ang Bibliya, malalaman kung ito ba talaga ay totoo.

Ayon sa John19:39-40

“He was accompanied by Nicodemus, the man who earlier had visited Jesus at night. Nicodemus brought a mixture of myrrh and aloes, about seventy-five pounds.Taking Jesus’ body,the two of them wrapped it, with the spices, in strips of linen. This was in accordance with Jewish burial customs.”

Dito pa lamang ay mababasa natin na ang katawan ni Kristo ay hindi lamang basta basta ibinalot sa tela. Ang ilang tagpi tagping tela ay ibinalot sa katawan ni Kristo upang matakpan ang kanyang mga sugat.

Ayon naman sa John 20:3-7.

“So Peter and the other disciple started for the tomb. Both were running, but the other disciple outran Peter and reached the tomb first. He bent over and looked in at the strips of linen lying there but did not go in. Then Simon Peter came along behind him and went straight into the tomb. He saw the strips of linen lying there, as well as the cloth that had been wrapped around Jesus’ head. The cloth was still lying in its place, separate from the linen.”

Dito pa lamang ay taliwas na sa mga paniniwala na mayroon ang tela ng Turin. Ang telang inilagay sa mukha ni Kristo ay nakahiwalay mula sa ibinalot sa kaniya. Ngunit ang buong imahe na nakuha sa Shroud of Turin ay buong buo mula ulo hanggang paa.

Ayon sa John 19:1-2

“Then Pilate took Jesus and had him flogged.The soldiers twisted together a crown of thorns and put it on his head. They clothed him in a purple robe “

Sa verse na ito, malalaman na maging ang mukha ni Kristo ay nasugatan at nagkaroon din dugo, ngunit ang ipinapakita ng Tela mula sa Turin ay isang mukha na madaling makilala at buong buo ang imahe.

Theory of the Shroud:

The Shroud of Turin: Problems of the Turin Shroud forgery theory ...

Dahil nga ang bagay na ito ay hindi talaga kapani-paniwala sa iilan, nagkaroon ng madaming teorya kung paano ito nabuo at nagsimula. Nariyan ang kinikilang teorya patungkol sa  “medieval forgery”, patungkol lang naman ito sa isang tao. Ayon sa teoryang ito, isang napakatalino, at isang talented na tao ang gumawa neto. Ito ay mabuti niyang pinag-isipan at pinag-planuhan. Mula sa 3D drawing ng isang lalaking dumaan sa hirap at kahit anong pasakit at hindi pag-iiwan ng kahit anong pagkakamali noong ito ay ginawa niya.

Ang isa pa ay ang sulat na nakita na mula sa isang nakawan na naganap. Kung paano napunta ang telang ito sa Turkin. Kung iisipin, ang taong ito ay ginamit lahat ng kanyang maaring gamitin upang maloko ang tao noon magpasa hanggang ngayon.

Ayon sa isang libro na isinulat ni Lynn Picknett, ang shroud ay gawa ni Leonardo da Vinci. Ayon sa teorya ng manunulat na ito, gumamit ng totoong bangkay ng tao si Leonardo at sinimulan ang kanyang gawain. Nilagyan ng kung ano anong kemikal upang ang buong itsura at katawan nito ay madikit sa telang ginamit. Again ito po ay theorya. Wala pong kasiguraduhan ni Leonardo davinci ang may gawa nito.

Kung iisipin, ang ganitong teorya patungkol sa isang tao ay nakakatakot. Para lamang makapangloko ay gagamitin ang isang totoong bangkay. Ngunit ang paniniwala ni Lynn ay tinaliwas ni John Jackson, dahil kung ganito nga ang ginawa ay maari itong makita sa iilang pag-aaral.

Ayon naman sa dalawang eksperto na sina Emily Craig at Randall Bresee, ang paraan na ginawa sa Shroud ay matatawag na “Dust-transfer Technique” na maaring magawa gamit ang ilang kagamitan noong nakaraang panahon kung kailan ito nakilala. Paano ito gawin? Ang una ay gagawa muna ng isang imahe gamit ang carbon dust na tinatawag na collagen dust; gamit ang isang wood pulp paper na ginagamit na noong 13th hanggang 14th century. Mula dito, ididikit ang imaheng nabuo sa tela, konting bigat lamang ang kailangan upang makuha ang lahat ng imahe. Matapos na magawa ito, makakabuo na nang mga mapula pula at mga kayumanggi na imahahe sa tela. Ngunit ang teoryang ito ay hindi din tinanggap.

Ang isa pang teorya ay ang “Bas-relief sculpture”. Ayon sa researcher na si Jacques di Costanzo, maaring hindi ito ginamitan ng kahit anong pinta. Maaring ang imahe na nakuha ay binuo at inukit mula sa isang kahoy, matapos itong mai-ukit ay ibinalot na sa tela at doon nakabuo ng distorted image. Gamit ang life size sculpture at ang basang tela na mayroong ferric oxide at gelatine; makakabuo ng isang imahe na kgayang kagaya ng nasa tela ng Turin. Para naman sa edad at kulay ng tela, gagamit lamang ng mga kakaibang kemikal.

Ayon naman sa isang English Teacher na si Nathan Wilson, kahit siya ay walang alam sa science at hindi maalam sa kahit ano patungkol sa siyensya., Malakas ang paninindigan ng taong ito na peke ang Shroud of turin; ayon sa kanya mula lamang ito sa ilang magandang pinta at isang napaka lumang tela. Ayon sa taong ito, mula sa isang pininitang imahe na iginuhit sa pane glass, ibinalot ng tela, ibinabad at pinatuyuan ng ilang linggo sa init ng araw.

Dahil ang kanyang teorya ay isinulat niya sa isang libro, madami ang nakabasa at umani ito ng iba’t ibang reaksyon. Ang ilang tao na nakabasa neto at isang debotong krisyano ay nagagalit ang mga ito kay Wilson. Ngunit ayon kay Wilson

“A lot of religious people are upset, I’m a Bible-believing Christian who believes in the Resurrection completely without a doubt”.

Ang kanyang teorya ay sinagot ng isang eksperto na si Dan porter, kinilala ito ni Porter bilang “ingenious”.

Well, ayon lang naman kay porter, ang imaheng nakaukit sa tela ng Turin ay hindi basta-basta mauukit gamit ang sinabing paggawa ni Wilson.

Ayon kay Porter

“A problem with Wilson’s hypothesis is that sun bleaching merely accelerates bleaching that will occur naturally as the material is exposed to light, Eventually, Wilson’s sun bleach shroud image will fade into the background as exposure equalizes the bleaching.”

Bukod pa dito, kwestyonado pa din ang salamin na kailangang gamitin sa teorya ni Wilson. Ayon sa mga mambabasa ni Wilson, wala pang mataas na klase ng salamin ang nagagamit noong 13th century. Ngunit ang lahat ng ito ay binalewala ni Wilson.

Ayon sa English Teacher na ito, nais niya pang gumawa ng isang libro patungkol sa taong gumawa ng imahe sa tela. Ayon sa Nbc News, ang isa pang pananaw ni Wilson ay nag-nakaw ng isang bangkay ang taong gumawa neto, nilagyan ng sariling sugat at dito nabuo ang mga sugat na sinabi sa bibliya.

Mula sa isang salita ng isang pari noong 13th century na si Peirre, sinabi niyang hindi ito totoo at gawa lamang ng isang tao. Ngunit ang naiwan niyang tanong na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang sagot, sino ang gumawa neto? Gamit naman ang Radiocarbon tests  nalaman natin kung gaano katanda ang bagay na ito.

Kung siyensya ang tatanungin, hindi totoo at walang katotohanan ang lahat patungkol sa bagay na ito. Ngunit hindi lubos na mapatunayan dahil walang sapat na ebidensya.

Mahalaga ba sa kanila ang katotohan? Ang isang Pari noong 13th century na si Antipoe Clemkent VII, para sa kanya, hindi mahalaga kung totoo o peke ang bagay na ito  bastat matibay ang paniniwala ng mga tao na ito ay ginamit ng Diyos sapat nay un para sambahin o tratuhin ito bilang holy relic.

Ayon nga kay Pope Francis

“The Shroud, attracts people to the face and tortured body of Jesus and, at the same time, urges us on toward every person who is suffering and unjustly persecuted. It urges us on in the same direction as Jesus’ gift of love.”

Ang video na ito ay pure research. Alam ko maraming magdidisagree dahil tayo ay Christian country at by no means binabago ko ang inyong pananaw. Ito ay nirequest lamang ng isang kagaya mo na viewer at sinunonod lang naming ang request at ito nga ang prinesent naming sa inyo.

As you can see, there is two sides of story. One devoted, and one skeptic. Nasa sayo kung nasan ka sa dalawang yan. Regardless, its your opinion, its your right walang makakakuha nyan sayo.

Anyway, kung nagustuhan mo ang topic, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood.

Sources

Sources

  1. https://www.nationalreview.com/2016/04/shroud-turin-jesus-christ-blood-relic-sudarium-oviedo/
  2. https://www.scribd.com/document/126689265/Shroud-of-Turin-Basics
  3. https://www.ranker.com/list/new-evidence-turin-shroud-jesus/kellie-kreiss?ref=search
  4. https://www.livescience.com/63093-shroud-of-turin-is-fake-bloodstains.html
  5. http://www.nbcnews.com/id/7287936/ns/technology_and_science-science/t/shroud-turin-theory-has-believers-abuzz/#.Xhg0HMgzaUk
  6. https://www.scribd.com/document/252812372/Shroud-of-Turin

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Lahat ba ng kalawang nakamamatay

9 ba talaga ang buhay ng pusa?