Pulsars and Quasars

Reading Time: 15 minutes

Topics

Kung ikaw ay isang taong mahilig tumingin ng bituin sa kalagitnaan ng gabi, iba’t ibang mga bituin ang iyong makikita. Kung minsan ay makikita mo ang isang napakalaki at napakaliwanag na bituin, kung minsan naman ay makikita mo ang isang bituin na inaakala mong isang sasakyan ng ufo kasi pakiramdam mo gumagalaw ito.

Sa paniniwala ng ilan, basta nagliliwanag na ilaw sa kalangitan, well bituin yan, pwera na lang kung gumagalaw, either ufo, eroplano o bulalakaw yan. Pero para sa mga science peeps alam nila ang iba’t ibang klase ng liwanag sa kalangitan, para sa iba, well kaya andito ang mga gabitong videos.

Ang topic na ito ay nirequest nila Trevor Reyes at Dan Edriel Ronabio.

The Flickering light:

Flickering light effect - YouTube

Ano nga ba ang kumukutikutitap na liwanag sa itaas ng kalangitan? Ito ay tinatawag na “Pulsars”. Ito ay maari din tumulong para sa mga sciencetist upang makapaghanap ng gravitational waves na magagamit naman upang makahanap ng ilang mga energetic cosmic events na mula sa pagbubunguan ng dalawang malaking black hole.

Ang liwanag na nagmumula sa pulsars ay hindi naman talaga nagpapatay-sindi at ang bagay na ito ay hindi din isang bituin. Ang pulsars ay isang patay na bituin, kung kaya’t hindi na ito matuturing na bituin. Ang pulsar ay isang bagay na nakapabilang sa tinatawag na neutrons stars na kung saan nabubuo sa tuwing ang isang malaking bituin ay nawalan ng enerhiya dahilan upang ito ay mawasak na lamang ng tuluyan o ang pangyayari na supernova.

Ang mga neutron star na ito na lamang ang matitira sa pagsabog. Ang pulsar ay naglalabas ng dalawang steady light sa magkabilang dulo nito. Pero bakit nakikita natin ito bilang nagpapatay sindi sa kalangitan? Ang dahilan ay ang pag-ikot ng bagay na ito, tulad na lamang ng nagagawa ng ilaw na mula sa isang lighthouse na dahilan upang makita sa malayo ang patay sindi na ilaw nito.

Ang ilaw na mula sa pulsar ay umiikot tulad na lamang ng lighthouse ay dahil hindi nakaalign ng maayos sa axis na iniikutan ng pulsar. Dahil sa naibibigay na liwanag ng isang pulsar, nalalaman ng mga eksperto ang pulse rate ng bagay na ito. Dagdag pa ng mga eksperto, mayroong halos dalawang libong pulsar ang umiikot sa kalawakan.

Pulsar’s History:

NASA Continues to Study Pulsars, 50 Years After Their Chance ...

Naobserbahan ng isang astrophysicist na si Jocelyn Bell Burnell at ang British radio astronomer na si Antony Hewish ang pinaka unang pulsar noong November 28,1967. Inobserbahan ng dalawa ang pulso ng bagay na ito sa magkahiwalay na oras. Ayon sa pag-oobserba, nalaman nilang ang pulso na mayroon ito ay naglalabas ng isang astrophysical sources of radiation tulad na lamang ng isang bituin.

Ang akala ng dalawang ito na isang kakaibang bagay ang kanilang nadiskubre at maaring ibang nilalang na mula sa iba ng planeta. In short alien. Ngunit ang sarili nilang iniisip ay kanilang ding hindi pinaniwalaan dahil wala silang tiyak na ebidensya. Gayunpaman, pinangalanan nila na LGM-1 o “little green men”

Ang ibang eksperto ay nakakita ng panibagong bagay sa ibang parte ng kalangitan, ito ay kanilang inobserbahan at ang ideya na mula kila Burnell at Hewish ay naisapang walang bahala na lamang. Ang pulsar na nakita ng mga eksperto ay kinilala na bilang CP 1919 at mas kilala na ngayon sa mga numerong PSR 1919+21 at PSR J1921+2153.

Ayon sa mga eksperto, ang CP 1919 ay naglalabas ng isang radio wavelenght, nalaman din ng mga eksperto na ito ay naglalabas ng isang visible light na x-ray at gamma ray. Ang pagkilala sa isang neutron star ay unang iminungkahi ng isang German astronomer na si Walter Baade at isang Swiss astronomer na si Fritz Zwicky noong 1934. Ang dalawang itoay nagtalo patungkol sa isang maliit at makapal na bituin na binubuo ng neutrons na mula sa isang supernova.

Ayon naman sa isa pang astronomer na kinilala bilang si Lodewijk Woltjer ang isang neutron star ay maaring nagtataglay ng magnetic field na ang laki ay halos 1014 hanggang 1016 G.

Nong 1967 naman, isang Italian astrophysicist na si Franco Pacini ang nagsabi na ang isang umiikot na neutron star na nagtataglay ng magnetic field ay maari din maglabas ng isang radiation. Ayon kay Pacini, ang ganitong enerhiya na tinataglay ng pulsar ay maaring nanggaling sa isang tira tirang bagay na mula sa isang supernova. Ayon naman sa isang astrophysicist na isa ding professor na si Thomas Gold, maaring ang bagay na imimungkahi ni Pacini ay ang makakapagpaliwanag sa nakitang bagay nina Burnell at Hewish.
Noong 1968, nadiskubre ng mga eksperto ang tinawag nilang Crab pulsar na kung saan ang bagay na ito ang kumonpirma sa imimungkahi ng mga eksperto na isang paikot-ikot na neutron stars na modelo ng isang pulsar.

Ang Crab pulsar ay mayroong 33 millisecond ng pulse period na kung saan mas maikli sa modelong nasabi ng isang pulsar. Ngunit kahit na magkaiba ang pulso ng mga bagay na kanilang nagawa, ang Crab pulsar ay makikita sa pinaka gitna ng Crab nebula na katulad naman ng paglalarwan nila Baade at Zwicky noong 1933.

Ayon sa patuloy na pag-aaral patungkol sa isang pulsar, ang bagay na ito ay mayroong dalawang uri. Ang una ay ang mga pulsar na umiikot ng halos millisecond ay tinatawag na millisecond pulsar. Ang pangalawa ang ang ordinaryo at mabilis na umiikot na tinawag ng mga eksperto bilang Ordinary pulsar.

The Double Pulsar:

Einstein@Home Finds a Double Neutron Star

Kung mababasa mo, double ibig sabihin ay dalawa. Tama, dalawang magkasamang pulsar na sabay umiikot sa iisang orbit. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong bagay ay hindi basta-basta makikita at isang beses pa lamang ito nakita ng mga eksperto. Sobrang rare nito. Ito ay tinawag ng mga eksperto bilang PSR J0737−3039 na kung saan binubuo ng dalawang neutron stars na naglalabas din ng electromagnetic waves.

Ito ay nadiskubre noong 2003 ng isang international team na pinangunahan ng isang radio astronomer na si Marta Burgay sa Australia’s Parkes Observator. Ayon sa mga eksperto, ang dalawang pulsar na ito ay makakatulong upang maintindihan ang isang malaking pangayayri na nangyayri sa labas ng kalawakan.

Spinning

Second fastest-spinning pulsar discovered |

So, bakit nga ba umiikot ang pulsars?

Ang pinaka mabagal na pulsar na nakita ng mga eksperto ay umiikot ng halos kada isang segundo at ito na din ang kinilala bilang pinaka mabagal.Samantalang ang pinaka mabilis na pulsar na nakita ng mga eksperto ay ang pulsar na nakakaikot ng halos isang daang beses sa loob ng isang segundo.

Ayon sa mga eksperto, umiikot ang isang pulsar dahil ang pinanggalingan nitong bituin ay umiikot din. Dahil sa nasira ang bituin na minsan ay naging buo nitong bahagi, ito ang dahilan upang ang rotation speed ng pulsar ay bumilis. Ayon sa ilang mga pag-aaral, naniniwala ang mga eksperto na ang mga millisecond pulsars ay nabuo upang kumuha ng enerhiya mula sa iba nitong kasama sa kalawakan.

Sa patuloy na pagkuha ng enerhiya ng pulsar sa mga kasama nitong mga bituin, ang spin rate nito ay tumataas o bumibilis. Ang ganitong pangyayari ay maganda para sa isang pulsar ngunit hindi para sa mga bituin na hinihigupan nito ng enerhiya. Ito na marahil ang dahilan kung bakit walang nakikitang katabing bituin ang isang millisecond pulsar.

Ang ilang mga eksperto ay tinatawag itong black widow o hindi naman ay redback stars kung saan ipinagalan sa dalawang pinaka mapanaganib na gagamba.

Gayunpaman, ito ay maari ding mamatay. Tulad na lamang ng isang bituin, habang ito ay pabagal ng pabagal sa pag-ikot, ito ay unti-unti ding mamatay. Ayon sa mga eksperto, ito ay maaring may kinalaman sa ilang cosmic rays na dumadaan sa mundo. Ngunit hindi naman ito makakapagbigay ng isang malaking pinsala sa isang tao o sa ating mundo.

What causes a pulsar to emit radio-frequent pulses:

What produces the radio waves from a pulsar, and why do they form ...

Nalaman na natin kung bakit umiikot ang isang pulsar pero bakit ito naglalabas ng freuquency? Ang pulsars ay nakakapaglabas ng mga multiple wavelengths mula sa paglalabas nito ng liwanag mula sa isang radio wave hanggang sa isang gamma ray.

Ang umiikot na magnetic field ng isang pulsar ang nagiging generator na nagpapagana sa mga energetic charge particles na sya namang dumadaloy sa field lines ng pulsar. Ang magnetic field ng isang pulsar ay parang isang tipikal na bar magnet lamang.

Ang mga particles na napapagana ng pulsar ay dumadaloy mula sa mga open field lines at ang particles na ito ay naglalabas ng radiation na gumagawa naman ng dagdag na particles na nagpapaliwanag din. Dahil ang mga particles na ito ay gumagalaw ng mabilis na katulad ng bilis ng isang liwanag o speed of light, ang radiation ng mga bagay na ito ay naibibigay din sa kanilang nadadaaanan.

Ang paglalabas ng radio-frequent pulses ng isang pulsar, hanggang ngayon ay hindi pa masyadong naiintindihan ng mga eksperto. Ngunit ayon sa ilang mga pag-aaral, ang ganitong bagay ay maaring mula sa malaking magnetic field na makikita sa surface ng isang neutron star; o sa madaling salita, sa ibabaw na bahagi ng isang pulsar.

Ang radio pulses ay makikitang nagmumula sa pinaka mataas na bahagi o sa polar cap ng magnetic field at ito ay lumalabas na parang isang ilaw na mula sa isang lighthouse. Sa tuwing ang beam ay dumadaan sa mga bagay na ginagamit ng mga eksperto, dito nila nakikita ang pulse na mayroon ang pulsar.

What is Quasars:

Quasar - Wikipedia

Kakaunti lamang ang impormasyon tungkol sa quasars kaya isisingit na lang natin ito sa video na ito. Noong nadiskubre ang radio telescope noong 1940’s, iba’t ibang mga radio frequency na ang nakikita sa iba’t ibang mga lugar. Mula dito sa mundo at maging sa kalangitan. Ayon sa ilang mga research, maraming bagay ang natagpuan ng mga eksperto, ngunit ang mga ito ay hindi nakatagpo ng ibang nilalang.

Ang ilang mga bagay na maliit at maliwanag lamang na ating nakikita sa tuwing gabi ay ibang-iba sa labas ng kalawakan. Gamit ang Hubble Telescope, ang maliliit at makikinang na bagay na ito ay naoobserbahan at napag-aaralan ng mga eksperto. Dito na din nadiskubre ng mga eksperto ang pinaka maliwanag na bituin sa kalangitan.

Ang mga eksperto ay nakilala ang nagliliwanag na bagay sa gitna ng kalawakan at ito ay tinawag nila bilang “Quasar” o Quasi-Stellar Radio Source. Malamang ay nakakita kana din ng isang napakaliwanag na bituin sa tuwing ikaw ay tumitingala sa kalangitan. Ayon sa paniniwala ng mga eksperto, ang bagay na ito ay pinapaliwanag ng isang malaking black hole.

Halos ilang libong Quasar na ang nakita ng mga eksperto mula sa kalangitan. Ang bawat quasar ay mas maliwanag kumpara sa halos dalawang bilyon na bituin na makikita sa kalawakan. Dagdag pa ng mga eksperto, dahil sa laki at liwanag na naipapakita ng isang quasar, ang enerhiya nito ay posibleng hindi masusukat at least sa panahon ngayon.

Kahit na ang mga ito ay pinangalanan bilang isang radio source, halos sampong porsyento lamang ng populasyon ng quasar ang nakukuhanan ng mga radio waves.

Hindi mapag-aralan ng mabuti ng mga eksperto ang bagay na ito, dahilan upang hindi din nila malaman kung paano ba talaga nabubo ang isang quasar. Ayon sa ilang mga teorya ng mga eksperto, maaring nabubuo ang bagay na ito, kung paano nabubo ang isang galaxy. Ang pinaka malapit na quasar sa ating mundo halos 800 million light years ang layo sa mundo, at ang pinaka bata naman ay 800 million din ang tanda na kung saan hindi na ito nasundan.

Ngunit ang teorya ng mga eksperto, mayroon pa din gumugulo sa kanilang mga isipan katulad na lamang na ilan lamang sa mga malalaking galaxies ang nagsasama.So, ang bagay na ito ay patuloy pa din na pinag-aaralan ng mga eksperto, hanggang sa panahon ngayon.

The Pulsar and Quasar:

Black Holes, Pulsars, Quasars, and Neutron Stars – How the ...

Ayon sa mga eksperto, ang dalawang bagay na ito ay magkaiba sa mga bagay.Kung paano ito nakakakuha ng enerhiya, kung paano ito nabuo at maging sa iba pang bagay.Ngunit ayon sa mga eksperto, maaring pulsar at ang quasar ay mayroong nabuong relasyon ang dalawang bagay na ito.

Dahil ang isang pulsar ay isang neutron star na kung saan malapit na itonmg maging isang black hole, at ang isang malaking black hole naman ay pinaniniwalaan na nagbibigay ng enerhiya sa quasar.Maaring ang structure at ang pag-ikot ng magnectic field na mula sa pag-ikot ng isang black hole na nasa gita ng isang quasar ay katulad ng umiikot na katabi ng isang pulsar.

Dahil sa ganitong kalagayan, maaring ang pulsar ay pinaniniwalaan na may kinalaman sa ilang pangyayari na nagagawa ng isang quasar.Ngunit ang mga ito ay hindi pa nabibigyan ng patunay ng mga eksperto, at kanila pa din patuloy na pinag-aaralan.

Sources

Sources

  1. https://www1.phys.vt.edu/~jhs/faq/pulsars.html
  2. https://futurism.com/whats-the-difference-between-pulsars-quasars-and-magnetars
  3. https://history.amazingspace.org/resources/explorations/groundup/lesson/glossary/term-full.php?t=quasarh
  4. ttps://astronomy.com/magazine/ask-astro/2018/06/radio-waves-from-pulsars
  5. https://www1.phys.vt.edu/~jhs/faq/pulsars.html
  6. http://www.seasky.org/celestial-objects/pulsars.html
  7. https://www.space.com/32661-pulsars.html
  8. https://www1.phys.vt.edu/~jhs/faq/pulsars.html
  9. https://en.wikipedia.org/wiki/PSR_J0737%E2%88%923039
  10. https://science.howstuffworks.com/double-pulsar.htm
  11. https://www.wikiwand.com/en/Pulsar#/Discovery
  12. https://www.atnf.csiro.au/outreach/education/everyone/pulsars/index.html
  13. https://www.space.com/32661-pulsars.html

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Paano at bakit tayo nagugulat?

Gaano kahalaga ang mathematics sa buhay ng tao?