Posible bang mabuhay ng walang hanggan? – Mind Transfer –

Reading Time: 21 minutes

Napanood nyo na ba ung isang movie nakalimutan ko na ung title pero tungkol un sa pagpapasa ng isip ng isang tao. Halimbawa na lamang kapag matanda ka na, ang katawan natin ay hindi na kaya pero ang memorya natin ay patuloy pa rin. Posible kaya na maipasa ang ating memorya sa ibang tao? At ang ating sarili ay patuloy na mabubuhay?

Ayon sa paniniwala ng Raelism kaya itong gawin sa pamamagatan nang isang teknolohiya na mayroong kakayahan na ilagay ang isang utak ng tao sa ibang katawan upang doon ito ay mabuhay. Ang utak ng tao ang isang sa piangtutuunan ng pansin ng mga eksperto, kung paano ito gumana, kung paano ito mag-isip, kung ano ang mga parte nito na nakakatulong sa atin upang makagalaw at mabuhay. Ang utak ng tao ang pinaka mahalagang bahagi ng ating katawan.

Ang utak natin ang humahawak ng lahat ng bagay, sa pagtibok ng ating puso, sa pagdaloy ng dugo sa ating katawan. Ang malaking tanong, paano kung nailipat ito sa isang pang katawan, gagana pa kaya ang bagay na ito?

Memory:

Memory - IResearchNet

Mula sa salitang memoria at memor na ang ibig sabihin ay mindful o hindi naman ay remembering. Nabuo ang salitang memoire o memori mula sa Anglo-french na dahilan upang mabuo ang salitang memorie at dito nabuo ang salitang memory o Etymologically.

Ala-ala, ito ang nagbibigay sa atin ng kakayahan upang malaman kung ano ang nangyari kahapon, noong isang araw, noong isang linggo at ilang pangyayari na nangyari noong ikaw ay bata pa lamang. Dahil dito, kaya natin makakilala, makapagtago at mailabas ang isang memorya kung ito man ay ating kakailanganin. Ang mga naaalala natin ay mga pangyayari na pumapasok sa ating memorya at nagbibigay ng isang malaking parte sa ating ugali na ipinapakita sa mga tao.

Noong 1960’s naniniwala ang mga ekspertong nag-aaral sa utak ng tao na lahat ng cells na makikita sa loob nito ay mayroong kakayahan na mag tabi ng isang ala-ala. Tinawag nila itong cell memory o cellular memory.

Nagkaroon ng isang eksperimento sa isang cannibal flatworms na pinaniniwalaan na nailipat ang memorya nito sa isa pang bagay na kanya ding kauri. Ang nilipatan ng organ o memorya ng nilalang na ito ay nagkaroon ng panibagong ugali. Subalit ang report na ito ay kinikilala na ngayon bilang isang pseudoscientific at hindi na nailabas sa ibang mga science journal.

Ang ating utak ay maaring madaling makalimutan ang isang memorya o hindi naman matagal na maimbak ang isang memorya na magagamit nito sa isang araw o hindi naman kung kakailanganin. Ito ang tinatawag na Short at Long term memory. Ang ilang memorya ay tumatagal lamang ng halos 20 hanggang 30 seconds sa ating utak at hindi mo na ito maalala, ito ang tinatawag na Short term memory na ating lamang naiisip sa kasalukuyan na nangyayari.

Halimbawa na lamang nagtuturo ang iyong guro sa harapan, nasabi na niya ang lahat ng bagay pero pagdating kinabukasn ay wala ka nang maalala at hindi kana makakasagot sa exam. Ang long term memory ay ang mga memorya na tumatagal nang taon, dekada na kahit hindi mo ito isipin ng mabuti maalala mo ito nang madali lamang. Halimbawa na lang nangutang sayo ang kumare o kumpare mo. Panigurado kahit 10 taon pa yan maaalala mo yan. O kaya ung time na iniwan ka ng jowa mo ay wala ka pala nun.

Kung minsan kapag ikaw ay mayroong inaalala, palagi mong nasasabi na “nasa dulo na nang dila ko”. Malamang ay naranasan mo na ito. Ito ang tinatawag na tip-of-the-tongue phenomenon o hindi naman mas kilala bilang Lethologica.

Snail Transfer:

Scientists successfully transfer a memory between snails

Ayon sa ilang pag-aaral, isang nilalang ang nabubuhay sa mundo na may pagkakapareho sa utak ng isang tao. Ang tinatawag na sea snail na mayroong halos 20.000 neruons na matagal nang pinag-aaralan ng mga eksperto. Sa loob ng mahabang panahon, nalaman na nang mga eksperto kung paano natuto ang nilalang na ito.

Ang mga eksperto ay nagtrain ng mga sea snails gamit ang electric shock kung saan makikita ng mga eksperto kung ano ang mga bagay na kanilang magagawa sa tuwing ang shock na ito ay kanilang nararamadaman. Halimbawa, ikaw ay isang tao na nakarinig ng malakas na pagsabog ang mararamdaman ng iyong katawan ay magulat at magising. Matapos ang ilang araw ikaw ay nakarinig ng isang putok ng lobo at nagawa muli ng katawan mo ang parehong reaksyon noong naganap ang malakas na pagsabog.

Sa paulit ulit na pag-eelectrict shock ng isang snail, makakagawa ito ng isang response at ilang behavior na kailangan nilang gawin. Matapos ang behavior training na ito, tinanggal ng mga eksperto ang nervous system ng mga nilalang na ito. Mula sa kanilang nevoous system, kinuha ng mga eksperto ang mismong RNA na nakapaloob dito.

Ang RNA na kanilang nakuha ay nilinisan at nilusaw gamit ang ilang solution. Doon pa lamang itinurok sa batok ng suso upang mapunta ito sa circulatory system ng isa pang suso na hindi dinapuan o nakaranas ng electrick shock. Matapos ang halos bente kwatrong oras, ineksamina nang mga eksperto ang mga snails na kanilang tinurukan, dito nakita at inobserbahan ng mga eksperto ang reflex ng isang normal na snail.

Dito nakita nila na ang mga reflexes ng mga snails na ito ay katulad na nang mga snails na ginamitan nila ng electric shock. Ang mga normal at unang beses pa lang na nakaranas ng isang electrisidad ay nagbibigay ng isang response tulad na lamang ng pagbaluktot ng katawan ngunit ito ay sa loob lamang ng isang segundo. Noong ito ay kanila nang pinaulit-ulit ang mga snails ay natutong bumaluktot sa loob ng halos limampung segundo.

Habang ang ibang mga eksperto naman ay naniniwala na ang ating memorya ay nakalagay sa nuclei na makikita sa neurons. Ayon kay Dr. David Glanzman, ang mga resulta ng mga pag-aaral na kanilang ginawa ay nagsasabing mali ang paniniwala na ang memorya ng isang tao ay naka tago lamang sa synapses ng isang tao.

Ayon din sa doktor na ito, ang resulta ng kanilang eksperimento ay nagpapakita ng dalawang bagay, una hindi maaring mailipat ang isang ala-ala o memorya ng isang tao, papunta sa isang tao. Ang kanilang eksperimento ay nagpapatunay na ang mga synapses ay posibleng mapasa pero ang memorya mismo ay hindi maari.

Gayunpaman maaring ang paraan na ito ay maging bagong gamot upang gamutin ang mga sakit katulad ng Alzheimer’s, at sa mga taong mayroong Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) o maging iba pang memory-related illnesses. Ang kanilang pag-aaral patungkol sa bagay na ito ay maraming pang pagdadaanan. Tandaan, isa lamang itong suso at hindi utak ng isang tao.

Artificial Memory:

Giving artificial intelligence a 'memory' and why that's so remarkable |  Genetic Literacy Project

Tulad nga nang nasabi ko kanina, ang ala-ala natin ay mula sa mga bagay na atin nang pinag-daanan. Ang mga pinagdadaaanan natin sa buhay at ang ating memorya ay hindi maaring mapaghiwalay. Ngunit ang paniniwala na ito ay nabago noong lumabas ang isang report mula sa isa pag-aaral na nagbigay ng ilaw para sa artificial memories.

Gamit ang isang daga, ang mga eksperto ay gumawa ng paraan upang mabago ang natural na memorya ng maliit na nilalang na ito. Hinanap ng mga ito ang pinagmumulan ng brain circuits na pinagmumulan naman ng ala-ala ng isang daga. Matapos nito, naglagay ang mga eksperto ng panibagong memorya. Malamang ang iba sa inyo magtataka, papaanong nakagawa ng panibagong memorya ang isang tao at ilalagay sa daga? Kinontrol lang naman nila ang pattern ng brain cells mula sa tunay na memorya ng isang daga.

Bago nila pag eksperimentuhan ang isang daga, nilagyan muna nila ito ng isang natural memory o ang memorya na nakuha mula mismo sa naranasan nito. Isang amoy ang kanilang naging tanda ngunit ang amoy na ito ay sinamahan ng isang foot shock. Kung pupuntahan ng daga ang amoy na ito, makakaramdam siya ng shock o kuryente. Dahil dito, natuto ang daga na layuan ang amoy at pumunta sa isang kulungan na binuo o nilagyan ng iba pang amoy.

Ang isang amoy na nilalayuan ng daga ay mula sa isang kemikal na tinatawag na acetophenone, samantalang ang isang amoy na mas tanggap sa ilong nito ay mula sa kemikal na carvone. Nalaman ng mga eksperto na ang amoy na nilalayuan ng daga ay nakakapagpagana ng isang uri ng receptor na isang bahagi ng olfactory sensory nerve cell na nakahiwalay mula dito.

Dahil sa ginawa ng mga eksperto, sa tuwing maamoy ng daga ang amoy na nakasama sa isang foot shock, agad niya itong lalyuan upang hindi na maramdaman ang maliit na kuryente. Doon din gumamit ng tinatawag na optogenetics na kung saan gamit upang mapagana ang olfactory nerve cell ng isang daga kahit hindi niya naamoy ang acetophenone.

Para sa mga eksperto hindi pa ito artificial memory dahil sa tunay na naranasan ng daga ang isang electric shock kasama ang amoy. Ito pa lamang ang unang eksperimento, noong naganap ang panglawang eksperimento; nagawa na nang mga ekperto na maglagay ng isang virus sa isang daga upang makapaglagay ng isang light-sensitive proteins sa pathways ng nerve nito.

Pagkatapos nilang gawin ang bagay na ito, kinonktrol nila ang olfactory nerve at ang parte ng utak kung saan sensitive sa isang liwanag gamit ang reverse-engineered pattern. Matapos nilang magawa ang lahat ng ito, nakitaan nila ang daga na nakakaalala ng isang bagay na hindi naman nito nagawa. Ayon sa ilang research, ang eksperimento na ito ay hindi maaring gawin sa isang tao dahil ang tao ay tulad ng isang daga na isang transgenic. Wala rin namang tao ang may kaguistuhan na turukan o lagyan ng maraming kable na nakakabit sa kanyang utak at lagyan ng kung ano anong gamot sa utak nito.

Ngunit kung titignan, kung gugustuhin ng mga eksperto na pag-eksperimentuhan ang isang tao gamit ang kanilang teknolohiya at tamang pag-aaral ang bagay na ito ay hindi na magiging imposible.

Digital Immortality:

Humans Will Achieve Digital Immortality by 2045 and Our Bodies Will Be  Machines Within 90 Years, Says Google Futurist | M A N O X B L O G

Kung napanuod mo Transcendence ay pamilyar ka na dito. Ayon sa palabas na Transcendence, ang protagonist ng palabas ay nagkaroon ng buhay sa loob mismo ng computer at nagkaroon ng access sa lahat ng bagay na ginagamitan ng kuryente at connection sa mundo. Tanggalin na natin ang access sa lahat ng bagay sa buong mundo, at tignan natin kung posible bang mailagay ang buhay ng isang tao sa loob ng isang computer.

Ayon sa ilang research, ang samahan nang National Science Foundation ay nagbighay ng karangalan sa mga unibersidad nang Central Florida Orlando,Illinois sa Chicago. Ang samahan ay nagbigay din ng halos kalahating milyon na dolyar upang mapag-aralan at mapag tuunan nang pansin sa paggamit ng isang artificial intellegence, makapagrecord ng bagay, magawan ng paraan upang magkaroon ng digital version ng isang tunay na tao at maaring pinaka unang hakbang upang maisakatuparan ang virtual immortality.

Lumabas na ang Digital Immortality Institute ay pinag-aaralan ang tatlong bagay na maaring kailanganin upang magawa ang digital immortality. Una na dito ang pagkakaroon ng isang avatar na nangangailangan ng internet access, ang gagawin na avatar ay kailangan lamang ng magmamay-ari nito at ang pinaka huli naman ay kailangan itong mapangalagaan muna bago ibigay sa tunay at kung sino man ang mag-mamay ari nito.

Kailangan muna nilang makapag restore ng mga information at idigitalize ang isang tao. Nangangailangan din nilang gumawa ng isang buhay na avatar. Ayon kina Gordon Bell, Jim Gray kasama na din ang Microsoft Research posible nilang magawan ng paraan na itabi ang mga bagay na pinag-uusapan ng isang tao kasama na din ang mga narinig nito. Pero sympre lahat naman ng ito kailangan ng masstorean o malalagyan diba? Well ito ay nangangailangan lamang ng halos terabyte na storage.

Pero ang pinaka malaking problema ay patungkol sa pagkilala nito sa isang salita at sa isang sulat. Sympre nga naman nilagay ang mga memorya duon pero ung mga bagong memorya kaya ba nito? Ngunit hindi nawawalan ng ideya ang mga taong ito at nakaisip muli ng isa pang paraan. Ito lang naman ang pangongolekta at pag analyze ng social internet upang malaman kung ano ang ugali ng isang tao. Dagdag pa ng mga taong ito, kung iaanalyze ang social media sa loob ng halos 50 years mayroon na itong kakayahang magpakita ng mga kultura, pag-iisip ng isang tao at kung ano ang kagustuhan ng mga tao.

Kung buhay ang avatar na kanilang magagawa, magagawa nitong makipag-usap, makaintindi at maari pa din itong matuto ng ilang bagay sa mga taong makakausap nito.

Ayon sa ilang mga balita, lilipas ang halos 20 hanggang 30 years, ang ideya na ito ay magkakaroon na nang realidad at magagawa na nitong mailagay ang buhay ng isang tao sa loob mismo ng isang digital world.

Terminator apocalypse coming soon.

Mind Messaging:

Sakura Ino Choji Mind Messaging | Daily Anime Art

Hindi ito isang supernatural na kakayahan ngunit nangangailangan ng isang computer upang magawa mo ang bagay na ito. Nagkaroon ng eksperimento noong 2014 kung saan ang kakayahan ang dalawang tao na makapagbigay ng greeting sa isa’t isan nang hindi man lanag nagsasalita.So, nagawa lanag naman nilang makapagbigay ng isang salita na galing sa India at dumatin ito at naitranslate ng maayos ng isang tao na nasa France.

Ang machine mismo ang gumawa ng paraaan upang mas maintindihan ng reciever ang gustong iparating ng nasa kabilang bansa.Ang pag-aaral na ito ay upang makita kung mayroong bang kakayahan ang ginawa nilang machine na magbigay ng isang mensahe ng hindi ito sinasalita o hindi ito tinatype sa keboard ng isang computer o maging anong bagay.

Ayon kay Dr. Alvaro Pascual-Leone na siyang co-author ng pag-aaral na ito
“Could we develop an experiment that would bypass the talking or typing part of [the] Internet and establish direct brain-to-brain communication between subjects located far away from each other, in India and France?”

Nagawan na nila ng kasagutan ang katanungan na gumugulo sa kanya at maging sa kanyang mga kasama. Mula sa Electroencephalogram o EEG recordings kung saan mababasa at makikita ang brain activity na ginagawa ng ating utak, isang cap of electrodes ang ikinabit sa scalp o anit ng dalawang tao at tinignan din ang electrical activity ng malaking bahagi ng brain’s cortex. Ayon sa paunang pag-oobserba, lumabas sa record ng EEG na mula sa pag-iisip ng paggalaw ng kanyang kamay ay trinanslate ito ng computer upang maging output na makakapagpagalaw sa isang robotic exoskeleton .

Ang transcranial magnetic stimulation o TMS ang kumukontrol sa ilang parte ng utak sa paglagay ng maliit na electrical current sa anit nito. Gamit ang EEG at ang TMS at ang apat na boluntaryo nakapagbigay ang sender ng isang mensahe na halos 5,000 miles o 8,000 kilometers ang layo sa isa’t isa.

Nito lamang 2014 nagawa ng Brain net na gawing mas posible ang bagay na ito.Gamit ang EEG at ang TMS at isang computer games,nagawa ng sender na pagalawin ang ang recievers mula sa pag-iimagine lamang nito na pasabugin ang isang bahagi ng laro at doon ay nagawa niya.Ang dalawang tao na ito ay halos mile apart lang naman ang layo sa isa’t isa.

Noong sumunod na pag-eeksperimento ginawa na nila itong tatlong tao. Dalawang sender at isang reciever ang kanilang ginawa. Ayon sa team ng Brain Net
“human communication…has become increasingly dominated by means (such as social media) that allow multiple parties to interact in a network,”

Dito pa lamang ay nakita na natin na mayroong kakayahan na makipagkomunikasyon ang isang tao ng hindi ito gumagalaw o humahawak ng keyboard at maari pa nila itong mapaganda na magagamit na nang maraming tao sa buong mundo.

Pero gaano kabilis nga ba pumapasok sa isipan ng isang tao ang isang idea o impormasyon?
Sa pag-oobserba ang kaisaipan ng isang tao ay aabot sa halos 120 m/s, ngunit ito ay nakikita lamang sa paggalaw ng muscle ng ating katawan at ang feedback ng nerves sa ating utak. Lumabas na ang pagiisip ng isang tao ay mas mabagal pa sa 20 hanggang 30 m/s.

Transplant:

Brain Transplant, by Estatis Inc.

Noong 2016, isang lalaking kinilala bilang Valery Spiridonov ang pumayag upang magpaeksperimento na ilagay ang kanyang ulo sa isang maayos na katawan. Ayon sa ilang report, ang opersasyon ay aabot ng halos 36 na oras at dadaluhan ng halos 150 na medical staff. Well. noong taong 2019 lamang, nagkaroon muli ng report na hindi na itinuloy ni Valery ang operasyon.

Noong 2017, nagkaroon ng isang report na naganap na ang isang successful brain transplant.Kung inaakala mong sa isang hayop nagkakamali ka, Ito ay sa isang tao, totoong tao. Isang Italian surgeon na si Sergio Canavero na nanguna sa operasyon na ito.

Ang ilang mga doktor ay nhirapan kung papaano tatanggalin ang spinal cord, ngunit ayon kay Canavero nakagawa siya ng paraan upang maayos na matanggal ang ulo pati na din ang buto ng isang tao at mapunta sa ibang katawan.
Noong 2017 nagkaroon ng isang operasyon na ginawa sa China at ito ay naging successful. Ayon kay Canavero, ang operasyon na ito aty inabot ng halos 18 na oras ,
“The whole operation process preserves the carotid arteries, jugular veins and vertebral arteries,”

Pero take note, ang transplant na ito ay nangyari sa 2 patay na organ donors. Kung baga tinest nila kapag tinanggal nila ang parte ng tao at maikabit ng maayos sa isang katawan. Gumamit sila ng mga special aparratus para ma simulate ang isang buhay na tao kagaya ng pagpump ng dugo sa mga ugat at sa puso.

Ang totoong goal ni Canavero, ayon sa kanya ay life extension via brain transplant. Kung baga ang utak ng isang tao ay ipapasa sa ibang katawan para maipagpatuloy ang buhay nito. Hopefully hindi magkaroon ng frankenstein dito.

Gayunpaman, walang ebidensya si canavero na napagdugtong nya ang spinal cord sa dalawang magkaibang katawan dahil ito ang isa sa pinakamalaking balakid na nakikita ng mga eksperto. Ang ginawa lang ni Canavero ay pagtagpitagpiin ang mga organs at hindi talaga transplant ang ginawa nito.

Malaki ang pag-asa ni Canavero na magagawa nya ito sa mga tao dahil ilang beses na rin itong nageksperimento sa daga, aso at mga unggoy. Sa katunayan nakapaglagay sya ng isa pang ulo sa isa pang daga at naging successful ito.

Maraming pag-aaral pa ang kailangan bago tuluyang magawa ang gusto ni canavero, kagaya ng immune system, kailagnan tanggapin ito ng donor at sa philosophical naman, masasabi mo bang ikaw ang taong un gayong hindi mo naman katawan ang pinaglalagyan mo?

Well, this whole brain thing at pagiging immortal ay hindi natin alam kung maaring mangyari o hindi. Buhay lang naman ang pinag-uusapan natin dito, ang pag-eeksperimento sa ating utak mismo ay isang napaka delikadong bagay.

Sources

Sources

  • https://human-memory.net/what-is-memory/
  • https://www.verywellmind.com/what-is-memory-2795006
  • https://www.youtube.com/watch?v=h5vmpHXPg4Q
  • https://futurism.com/memory-snail-human-brain
  • https://www.scientificamerican.com/article/a-successful-artificial-memory-has-been-created/
  • https://interestingengineering.com/inception-scientists-have-successfully-implanted-an-artificial-memory
  • https://www.wikiwand.com/en/Digital_immortality
  • https://www.livescience.com/47708-human-brain-link-sends-thoughts.htm
  • lhttps://singularityhub.com/2018/10/09/how-brainnet-enabled-3-people-to-directly-transmit-thoughts/
  • https://www.quora.com/Is-thought-faster-than-light
  • https://nationalpost.com/health/worlds-first-human-head-transplant-successfully-performed-on-a-corpse-scientists-say
  • https://www.youtube.com/watch?v=iGo5UVf_bxE
  • https://www.youtube.com/watch?v=xiHc2E3AR1o

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Philippines Anti Typhoon Rocket

Bakit maraming tao ang takot sa Injection?