Philidelphia Expirement

Reading Time: 19 minutes

Topics

Ayon sa ilang paniniwala , ang mga militar ng US ay gumawa ng isang bagay na maaring bumago sa pamumuhay ng mga tao. Noong lumabas ang usapin na ito ay nagkaroon na nang iba’t ibang haka-haka kung ano nga ba ang tunay na nangyari. Isa itong sa pinaka infamous World War II conspiracy.

Pag-usapan natin kung ano ba talaga ang nangyari sa isang eksperimento na ito. Ang topic na ito ay nirequest nila Erick Khan, Melvin Barga at Rhose Navacilla.

History:

Philadelphia Experiment - Wikipedia

Ayon sa ilang mga kwento at paniniwala sa pangyayaring ito, ang eksperimento na nangyari sa Philadelphia ay pinaniniwalaan na isinagawa ng US Navy mula sa Philadelphia Naval Shipyard sa Philadelphia, Pennsylvania noong taong 1943.

Ang kwento na ito ay mas nakilala noong 1955 noong isang sulat ang dumating sa isang astronomer na pinaniniwalaan na si Mossier k. Jessup. Ayon sa sulat, nakagawa ng US navy ng isang bagay na magagawang makapagwala sa lahat ng bagay na nasa mundo.

Noong 1955 ay nakatanggap si Mossier ng dalawang sulat mula sa isang tao na kanyang pinangalanan na si Carlos Miguel Allende. Ayon sa sulat na ipinadala kay Jessup, nakita ni Allende ang isang eksperimento na nangyari noong World War II na isinagawa sa Philadelphia Naval Shipyard. Ipinaliwanag ni Allende sa kanyang sulat kung paano niya nasaksihan ang pagkawala ng USS Eldridge at naipadala ito sa New York ng hindi idinadaan sa karagatan. Kung baga nag teleport ang isang napakalaking barko.

Ayon sa sulat ni Allende, ang malaking barko na ito ay napunta sa New York, at muling lumipat sa ibang lugar na hindi sa ating mundo o ibang dimension to be exact. Matapos nilang makapunta sa ibang dimensyon, ang mga ito ay nagteleport pa through time. Sympre dahil sa umaandar ang oras sa ibang way sa dimension na napuntahan nila, pagbalik nila dito iba rin ang way of time kung kaya’t lahat ng stress ay bumalik sa kanila dahilan upang mamatay ang ilang crew ng barko. Ang iba pa ay pinaniwawalaan ni Allende dahil sa pag teleport ng mga ito sa oras ay nagkaroon ng isang masamang epekto at ang ibang mga crew ay nakapasok sa loob mismo ng mga pader na makikita sa barko.

Noong taong 1957, ang manunulat na si Jessup ay ipinatawag mula sa opisina ng Naval Research. Ang Naval research na ito na matatagpuan sa Washington D.C at nakatanggap ng isang padala mula sa hindi kilalang tao. Ang laman ng padala ay ang libro na ginawa ni Jessup na patungkol sa mga UFO.

Noong buksan at basahin ang libro na ipinadala sa Naval reseach, nakita sa mga pahina nito ang ilang pagpapaliwanag kung saan nakasulat sa tatalong shades ng kulay na rosas o pink. Pinaniwalaan ng mga taga Navy na ang mga sulat na ito ay mula sa tatlong tao na gustong magbigay ng kanilang pananaw sa libro na kanilang binasa.

Mula pa sa ibang umobserba sa libro, nalaman nilang magkakaiba lamang ang ginamit na panulat ngunit iisa lamang ang taong nagsulat. Ang opisina ng Naval reseach sa Washinton ay pinondohan ang libro na kung saan nalagyan ng mga anotasyon at ang mga ito ay nakapaglabas ng halos isang daan na libro.

Mula sa Texas-based Varo Manufacturing Company, nailabas ang libro na di kalaaunan ay nakilala bilang Varo annotations.

Hindi lamang ang libro na ito ang naglabas ng kwento patungkol sa Philadelphia. Noong taong 1963, isang manunulat na kinilala bilang si Vincent Gaddis ang naglabas ng libro na pinamagatang “Invisible Horizons: True Mysteries of the Sea” mula sa libro na ito, isinama niya ang istorya patungkol sa eksperimento na kinuha niya sa libro na Varo annotations.

Noong taong 1978 at 1979 naglabas ng ilan pang mga libro ang ilang manunulat. Ang mga libro na pinamagatang Thin Air na isinulat ni George E. Simpson; The Philadelphia Experiment: Project Invisibility na isinulat naman nila Charles Berlitz at William L. Moore. Ang libro na patungkol sa pinaniniwalaan na pangyayari ay sinamahan pa ng ilang mga kakaibang pangyayari at ilang mga theories na mula mismo kay Albert Einstein.

Mababasa din sa ilang libro kung paano itinago ng gobyerno ang mga pangyayari na ito sa mga tao. Mula noong ay naging usapan na kung totoo ba ang mga ito o isa lamang gawa ng isip na mula sa taong hanggang ngayon ay hindi kilala kung sino ba.

The Project Rainbow:

Project Rainbow – OBSCURE HAPPENINGS

Ang tinatawag na Project Rainbow ay ang kinikilala din bilang Philadelphia Experiment. Ang proyekto na ito ay sinubukan mula sa isang maliit na destroyer escort ship noong panahon ng World War II. Ang eksperimento na ito ay isinagawa sa lugar ng Naval Yard at sa mismong karagatan.

Ang pinaka layunin ng eksperimento ay ang mapawala ang isang bagay mula sa paningin ng isang tao. Hindi lamang basta mawala pati ang presensya nito sa radar ng kalaban ay kanila ding inaasahan na mawawala sa gagawin na eksperimento. Ang uri ng mekanismo na gagamitin para dito ay ang pagbibigay ng malakas na magnetic field na babalot sa malaking sasakyang pandagat.

Iniisip ng mga eksperto na sa ganitong paraan ay magagawa nilang mabaluktot ang liwanag o ang radar waves na nakapalibot sa buong barko. Ayon nga sa naipadalang sulat ng Allende na nagpapakilala bilang isang normal na tao at hindi dikit sa gobyerno ang nakakita mismo na nagawa ito ng mga eksperto.

Ayon na din sa paniniwala ng mga tao patungkol sa eksperimento na ito, ang nais ng mga eksperto ay maipawala lamang sa paningin ng tao ang malaking barko ngunit nagkaroon ng ilang problema at nagawa nilang maipateleport ang sasakyan na ito.Lumabas din sa ilang paniniwala ang eksperimento na ito ay upang maibestigahan din ang isang teorya ni Einstein na kanyang tinawag na “Unified Field Theory for Gravitation and Electricity”.

Ayon sa pag-aaral patungkol sa teoryang ito na ginawa ni Einstein, gamit ang malakas na electromagnetic field, magagawa nitong maprotektahan ang barko mula sa mga kaaway nito. Tulad nga nang nasabi ko kanina na pinaniniwalaan na isinama din ang teorya na ito sa isinagawang eksperimento.

Ayon sa ilang mga paniniwala sa naganap na eksperimento, noong binuksan na ang makina na magbibigay ng magnetic field sa malaking sasakyang pandagat, hindi inasahan ng mga eksperto na maglalabas ito ng napakalakas na electromagnetic field. Habang unti-unti nangyayari ang pagbalot ng electromagnetic sa barko ay binalot din ito ng isang kulay berde na usok at doon din ay nawala sa kanilang paningin ang barko.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay muling nagpakita ang barko. Noong ang mga tao na nasa loob ng barko ay kanilang nakausap, ang mga ito ay nagsabi na sila ay nahihilo at medyo naguguluhan. Ang huling pagsubok ay naganap noong oktubre 1943, at dito na nga nagkaroon ng mas malalang resulta.
Noong nagsimula muling mawala ang buong barko sa karagatan, makalipas ang ilang minuto ay namataan ito sa ibang lugar kung saan milya ang layo mula mismo sa kinalalagyan nito. Makalipas naman ang ilang minuto, nawala ito sa napuntahan nitong lugar at muling bumalik sa naunag pwesto ng barko.

Noong kamustahin ang mga taong nasa loob ng barko, nakita ng mga eksperto na ang iba ay nawawala, ang iba ay nagkaroon ng napakasamang pakiramdam at ang iba ay nasabing nabaliw. Hindi lamang ito ang inabutan ng mga eksperto, ngunit noong pinasok nila ang barko ay nakita nila ang halos limang lalaki na nakapaloob mismo sa mga pader at iba pang lugar na makikita sa barko.

Ito ang mga pangyayari na pinaniniwalaan ng ilang mga tao.Naniniwala din ang mga ito na ang ilang mga nakaligatas ay hindi na muli ngakroon pa muli ng magandang buhay dahil ang taong ito ay nagkaroon ng sakit sa isipan.

Pero just to be clear ito ay conspiracy theory lamang, walang kasiguraduhan kung ito ay nangyari talaga o hindi. Totoo na may project rainbow pero hindi kasama ang pagpapawala ng barko at mapunta sa ibang dimension pero who knows baka nga isa to sa mga tinatago ng estados unidos.

Nikola Tesla and the Philadelphia Experiment:

Creating Tesla's Dream: The Artist

Si Nikola Tesla ay kilala bilang mayroong isang malawak na kaisipan patungkol sa mga bagay bagay. Alam mo naman na noong namatay ang taong ito, maraming tao ang naniniwala na ang lahat ng papel o journal patungkol sa kanyang imbensyon ay kinuha ng gobyerno. Ang lahat ng mga ideya ni Tesla sa iba pang bagay na hindi niya kailanman naipakilala sa mundo at pinaniniwalaan na hawak ng matataas na tao, at ito ay kanilang pinag-aaralan ng mabuti upang magawa at magamit.

Naniniwala ang ilan na kasama si Tesla sa mga eksperto upang mapag-aralan ang teleportation machine. Dahil nga pinaniniwalaan na namatay noong 1943 si Tesla, naniniwala ang ilang mga conspirastors na ito ang dahilan kung bakit namatay si Tesla. Ang desinsyo na naisip ni Tesla ay ang paglalagay ng malaking Tesla Coil o electromagnets na ilalagay sa magkabilang gilid ng barko. Ang paniniwala na mula sa mga coil ay makakagawa ng isang napakalakas na magnetic force na magagawang mapabaluktot ang gravity.

Ayon sa ilan, hindi sapat ang dalawang Tesla Coil upang makagawa ng napakalakas na magnetic force. Naniniwala ang ilan na kailangan ng apat na nakapalibot sa bawat side ng barko. Ang apat na coil na ito ay papaganahin ng dalawang malaking Generator. Ngunit ang mga bagay na ito ay walang sapat na patunay, kung kaya’t nanatiling isa sa mga kaisipan ang teorya patungkol sa paggamit ng Tesla Coil.

The Montauk Project:

The Montauk Project : Preston B Nichols, : 9780963188908 : Blackwell's

Hindi lamang natapos sa Project Rainbow o Philadelphia Experiment ang eksperimento ng mga eksperto, well ito ang paniniwala ng ilang tao. Lumabas muli ang isang kwento patungkol sa nabuong proyekto na kasunod lamang ng Philadelphia Experiment.

Ang tinatawag na Montauk Project. Ito ay isang proyekto patungkol sa mga sikretong gawain ng United States Government na isinagawa sa Camp Hero o Montauk Air Force Station sa Montauk, Long Island.

Ang proyekto at ang lugar kung saan isinasagawa ang iba’t ibang eksperimento at nag-aaral patungkol sa ilang psychological warfare techniques at ilang mga exotic research kasama na din ang pag time travel ng mga tao. Ayon sa paniniwala, ang ganitong gawain ay pinondohan upang pag-aralan din ang paggawa ng isang black hole at mapag-aralan din ang weather controlling.

Pinaniniwalaan na ginamit ng gobyerno ang Brookhaven Institute upang maging front o upang maging harang nang hindi malaman ang kanilang ginagawang mga eksperimento. Kung bibisitahin ang website ng Brookhaven Institute makikita ang kanilang pinag-aaralan. Ito ay ang mga nuclear at ilang high energy physics, superconducting magnets at condensed matter physics.

Nakilala ang kompanya bilang isang successful company dahil sa mga bagay na kanilang nadiskubre, ngunit puno din ng iba’t ibang kasong ipinapatong ng ilang tao sa kanilang kompanya. Dahil sa ilang radiation contamination na tumatama sa kanilang mga trabahador at maging sa mga tao na nakatira lamang malapit sa kanilang pasilidad.

Noong taong 1980’s, isang lalaki ang lumabas na nagpakilala bilang si Preston Nicholas. Ang lalaking ito ay nagtrabaho sa Brookhaven Institute noong nagaganap ang pag-eeksperimento. Ayon mismo kay Preston, noong siya ay nagtatrabaho sa instusyon, naganap ang malakihang pag-aaral patungkol sa psychic realm.

May mga nagsasabing mayroong psychic minds at kasama na din ang pag-eeksperimento sa ilang mga bata ang ginawa sa pasilidad na ito. Idinagdag pa ni Preston na nakamit ng mga eksperto ang kanilang hangarin, mula sa mga taong kanilang pinag-eksperimentuhan. Hindi lang yan, ang mga ito ay nakagawa ng isang black hole, ang ilan ay nagawang magteleport at ang iba naman at nagawang makapaglabas ng biglaan ng isang bagay.

Doon ay nagpakilala din ang isang tao, si Duncan Cameron na isang self proclaimed na isa sa mga pinag eksperimentuhan. Ayon mismo kay Cameron, isa siyang reincarnation ng isang taong nakaligtas mula sa Philadelphia Experiment na kinilala niyang si Al Bielek at muli nanamanang napasama sa isang kakaibang eksperimento.

Ayon sa kwento ni Cameron, siya ay dumaan sa iba’t ibang mga test na mula sa tinatawag na Montauk Chair. So, ano ang Montauk Chair? I hear you asked. Isa itong consciousness amplification device na mayroong kakayahan na makagawa ng isang time loop na mula sa Montauk project ay mapupunta siya sa Philadelphia Experiment.

Sounds like like a science fiction right? hindi pa dyan natatapos, ayon naman kay Preston, ginamit ni Cameron ang kanyang psychic capabilities upang magamit naman ang isa pang proyekto na tinawag namang The seeing eye. Mula sa isang hibla ng buhok ng isang tao, magagawa ni Cameron na maimpluwensyahan ang utak at isipan na mayroon ang isang tao. Sa madaling salita, sa isang hibla ng buhok ay magagawa niyang makontrol ang utak ng isang tao.

Dahil na din sa kakayahan ni Cameron ay ipinatgil ang nasabing proyekto. Dahil sa sa psychic power na mayroon si Cameron, nakapagpakawala ito ng isang halimaw na pinaninwalaan naman na siyang sumira sa ilang mahahalagang bagay na makikita sa pasilidad.Dahil sa sira na ang mga kagamitan, pinatigil na din ang nasabing paroyekto.

Deconstruct:

Noong isulat pa lamang ni Jessup ang kwento patungkol sa kanyang natanggap na sulat mula kay Allende, sinasabi na niyang isa lang itong kalokohan at walang katunyan. Karamihan na din sa mga taong nakakaalam sa ganitong kwento ay pinaniniwalaan na hindi ito totoo. Ayon na din sa US Navy, walang naganap na eksperimento patungkol sa kahit anong proyekto na pinaniniwalaan ng mga tao.

Noong taong 1994, isang report ang lumabas na pinamagatang “Anatomy of a Hoax: The Philadelphia Experiment Fifty Years Later.” Isinulat ito ng isang French-born astrophysicist na isa ding ufologistn a si Jacques F. Vallee. Kasama sa kanyang inilabas na report ang pagtawag sa ilang taong mayroong ilang hawak na mahalagang impormasyon patungkol sa nasabing eksperimento.

Noon din ay nakatanggap ng isang sulat mula sa taong nagpakilala bilang si Edward Dudgeon. Ayon sa sulat na dumating kay Jacques, si Dudgeon ay isang US Navy na nag serve noong taong 1942 hanggang 1945 sa USS Engstrom. Ang barko na ito ay kanilang idinaong sa Philadelphia Naval Yard noong taong 1943.

Ayon pa sa pagpapakilala ni Dudgeon, isa siyang electrician at malaki ang kaalaman patungkol sa mga makina at ilang mga devices na ginagamit sa mga malalaking barko at sa iba pang bagay. Noong taon na iyon ay kanyang pinatunayan na naroon nga ang Eldridge at ito ay tanaw na tanaw lamang nila.

Ayon sa pagpapaliwanag ini Dudgeon, hindi ito tulad ng pinaniniwalaan ng mga tao kung bakit nakakapagtago sa isang radar ang Eldridge. Ayon sa sulat, ang Eldridge ay gumagamit ng isang technique na matatawag na “Degaussing”. Mula sa mga nakapalibot na malalaking kable na nagtataglay din ng matataas na boltahe, ito ang paraan upang maipakalat ang magnetic structure ng Eldridge.

Gamit ang Degaussing, hindi makakpagtago sa radar ang Eldridge, ngunit hindi ito madedetect ng isang U-boats magnetic toperdoes. Dagdag pa ni Dudgeon, ang kulay berde na usok na sakaling nakita ng ilang mga tao ay hindi galing sa isang makina. Ang usok na ito ay mula sa electric storm o isang St.Elmo’s Fire.

Papaano namang mapapaliwanag ang nagteleport daw na barko? Ipinaliwanag ni Dudgeon na ang Navy ay gumagamit ng inland canals upang makapunta ng mabilis sa ilang lugar. Imbis na dalawang araw ang kailangan gugululin upang makapunta sa isang lugar ay maaring makarating dito sa loob ng anim na oras.

Ilang mga balita naman na mula sa Philadelphia Inquirer noong 1999 ang lumbas tungkol sa mga manlalayag na kasama ng USS Eldridge ay nagkaroon ng reunion o muling pagsasama-sama sa Atlantic City. Ayon sa report, hindi tumigil sa Philadelphia ang kanilang barko ngunit ang Eldridge ay nasa Brooklyn noong araw na pinaniniwalaan na ito ay nawala.

Ipinakita ang log ng barko at maging ang kapitan nito ay nagsabing walang eksperimento na naganap at kailanman ay walang nangyaring teleportation. Ayon naman pala, so wala naman pala talagang teleportation na nangyari. Ang log at ang balita ang nagpapatunay na ang barko ay dumaong muna sa brooklyn.

So, kahit na mayroong mga ganitong ebidensya, ang ilang tao ay matibay pa din ang paniniwala sa kanilang mga iniisip.
Dahil sa malawak na kaisipan ng mga tao, ang mga nakakmanghang kaisipan ay kanila nang naiisama sa mga makatotohanang bagay. Tulad ng lagi kong sinasabi, ikaw na ang bahala kung maniniwala ka or hindi.

Sources

Sources

  1. https://people.howstuffworks.com/philadelphia-experiment2.htm
  2. https://www.gaia.com/article/has-the-government-already-achieved-time-travel
  3. https://www.crystalinks.com/montauk.html
  4. https://www.scribd.com/document/2382441/Nikola-Tesla-The-Philadelphia-Experiment
  5. https://teslauniverse.com/nikola-tesla/books/nikola-tesla-and-secrets-philadelphia-experiment
  6. https://www.de173.com/
  7. https://www.wikiwand.com/en/Philadelphia_Experiment#/Origins_of_the_story

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Gaano kahalaga ang mathematics sa buhay ng tao?

Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip natin?