Philhealth Tech Billion Scam

Reading Time: 19 minutes

Kung noon, ang Pilipinas ang siyang pinaka walang kaso ng sakit na Covid-19. Ngayo’y isa na tayo sa pinaka maraming positive cases ng virus na ito. Noong una nga ay panatag pa ang loob ng mga Filipino na hindi dadami ang mga positive cases sa ating bansa, ngunit ang lahat ay biglang nagbago at ang ating bansa ay namomroblema sa patuloy na pagtaas ng mga positive cases.

Ngunit sa lahat ng ito, umiingay din ang pangalan ng Philippine Health Insurance Corporation o mas kilala bilang Philhealth. Ano nga ba ang anumalyang nagaganap sa korporasyon na ito at ano nga ba ang katotohanan sa likod nito.

Ricardo Morales:

Retired Brigadier General is PhilHealth's New President and CEO | PhilHealth

Si Ricardo C. Morales ay isang retired member ng Armed Forces of the Philippines at miyembro ng Philhealth. Kanyang nirerepresenta ang mga indirect contributors sector at ang president at Chief Executive officer.

Ayon sa philhealth.gov. sinimulan ni Morales ang kanyang military career bilang isang infantry platoon leader sa Philippine Army na nasa Sulu. Sumabak ito sa iba’t ibang mga military assignments, maging sa lugar ng Basilan at sa pinaka mainland ng Mindanao. Si Morales ay naging miyembro ng RAM o Reform Armed Forces Movement na siyang grupo ng mga rebellious military officers na nais mapaalis ang kinikilalang diktador na si Marcos. Ito ang nagsilbing espiya sa loob ng malacanyang at naging dahilan upang malagay ito sa mapanganib na sitwasyon.

Taong 1995 hanggang 1998 naman, si Morales ay nagtrabaho bilang Executive officer sa office of the Deputy Chief of Staff of Plans sa Camp Aguinaldo. Noong 2009, kinilala naman ito bilang Commanding General of the Headquarters and Headquarters Support Group ng Philippine Army Headquarters, sa Fort Andres Bonifacio sa Taguig City.

Si Morales ay nakakuha ng Bachelor of Science degree mula sa Philippine Military academy. Bukod pa dito, si Morales ay mayroon ding Post graduate Degree sa Conflict Studies na kanyang nakuha mula sa Naval Postgraduate School sa Monterey,California.

Kinikilala din si Morales bilang isang fellow ng isang Institute para sa mga Corporate Directors at siyang humahawak din ng certificates mula sa strategic plannings, defense resource economics at project management. Noong ito ay nagretired sa kanyang serbisyong militar, pumasok naman ito sa AFP General Insurance Corporation at naging presidente at CEO ng AFP Mutual Benifit Association Inc. magmula noong 2011 hanggang 2013.

Bago pa man ito maupo sa Philhealth, ito ay nabigay serbiso din bilang Administrator sa Metropolitan Waterworks at mula sa isang Sewerage System. Ipinahayag nga ni Morales na ang kanyang pagkaupo bilang presidente at Chief Executive officer ng Philhealth ay isang pagsubok at isang karanagalan. Ipinangako nga nito na kanyang aayusin ang organisasyon at tatanggalin ang lahat ng nagaganap na korupsyon sa loob nito.

Ngunit mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa din ang mga anumalya na ibinabato sa Philhealth. Iba’t ibang mga kontrobesya na kanilang kinakaharap. Ang Anti-Fraud legal officer na si Thorrsson Montes Keith ay bumaba sa kanyang pwesto kasama ang kanyang paniniwala na mayroong nagaganap na malakihang corruption sa loob ng Philhealth. Dagdag pa ni Keith, ang kanyang sahod ay palaging nahuhuli at hindi dumadating sa oras magmula noong simulan niyang imbestigahan ang mga officers sa Philhealth.

Ngunit bago natin pag-usapan ito, alamin muna natin ang mga nakaraang kontrobersya na kinaharap ng Philhealth.

Cataract Surgery Scam:

PhilHealth scam: Eye doctors deny fraud allegations

Ayon sa report, Taong 2015 noong ang organisasyon ay nakadiskubre ng anim na pasilidad na pinaniniwalaang ginamit ng ilang miyembro ng philhealth. Ang mga pasilidad na ito ay naging lugar upang isagawa ang mga cataract surgery na hindi dumaan sa ilang mga consent galing sa mga propesyonal.

Dito ay kinilala ang dalawang eye doctors mula sa Pacific eye Institute na sina Dr Christopher Barasi at Dr Bryan Bernard Ong Kian Koc. Ang dalawang ito tinanggi ang mga fraud allegation na ibinibintang sa kanila ng Philhealth.

Sampong surgical centers ang pinaiimbestigahan ng Philhealth kasama na ang Pacific Eye. Dito ay kanilang ipinaparating na ang mga procedure ng mga surgery ay hindi katanggap-tanggap at maraming reklamo ang kanilang natatanggap mula sa mga pasyente.

Nakita mula sa audit fundings na si Barasi ay nagsagawa ng isang cataract surgery mula sa isang pasente kahit na ang suspended ang kanang accreditation sa Philhealth. Pinaniniwalaan din na ang kanyang co-surgeon na si Ong ang siyang pumirma sa claim forms ng mga pasyente.

Ayon sa naganap na Senate hearing, ipinahayag ng may-ari ng Pacific Eye na si Dr.David Gosiengfiao na hinayaan ng Philhealth at binigyan nito ng permiso na magsagawa ng operasyon, kung ito ay sasamahan ng kanyang co-surgeon na si Ong.

Ngunit ayon naman sa presidente noon ng Philhealth na si Alex Padilla, hindi totoo ang paratang na ito. Ayon naman kay Gosiengfiao, ang permiso ay ibinigay gamit ang salita at hindi gamit ang isang pirmadong papel. Kumbaga walang law bindings o hindi katanggap tanggap sa korte kasi nga word of mouth lamang.

Makikita sa ibinigay na affidavit ng pasyente, hindi nabigyan ng impormasyon ng Pacific Eye ang pasyente patungkol sa accreditation ni Barasi noong panahon na iyon. Dagdag pa na hindi niya nakita si Ong mula sa operasyon habang nagaganap ang kanyang surgery.

Pero ayon naman sa panayam mismo kay Barasi, hindi siya nagsagawa ng kahit anong opersyon ng hindi kasama si Ong. Si Ong ay ginisa din ng senado dahil sa pinaniniwalaang pagsasagawa ng halos 3,023 na operasyon sa loob ng dalawang taon bilang isang PhilHealth-accredited doctor. Pinaniniwalaan din na halos 39 million Pesos ang kanyang kinita mula sa mga ito.

Ngunit ang mga ito ay itinanggi ni Ong at kanyang itinama ang paratang ng Philhealth sa kanyang kinita sa pag-oopera. Dahil sa pinaniniwalaang scam na ito, ipinatupad ng Philhealth na ang kanilang mga accredited doktor ay magsasagawa lamang ng sampong operasyon kada araw at halos 50 na pasente sa loob ng isang buwan.

Excessive travel allowance for PhilHealth interim chief:

Allegations of excessive travel expenses 'not true' – PhilHealth's De la  Serna

Pinaratangan din ang former PhilHealth interim president na si Celestina Ma.Jude de la Serna na gumastos ng halos kalahating milyong piso mula sa hotel na kanyang tinuluyan at gastos sa kanyang pagbyahe byahe mula sa kanyang tinitirahan sa Bohol hanggang sa kanyang opisina na nasa Pasig City.

Ayon sa inireport ng Rappler, makikita sa Commission on Audit documents ang halos P627,293.04 na mula sa government funds na ginastos lamang para sa mga flights, accomodations at mga terminal fees. Ang malaking halaga na ito ay nalaman dahil sa narecord na malaking perang nawala na halos P8.92 billion noong taong 2017. Maging ang mga State auditor ay kwnestyon si De la Serna kung saan napunta ang malaking halaga.

Ngunit ang lahat ng ito ay itinatanngi ni Serna at kanyang sinabi na ang pananatili niya sa hotel ay dahil sa walang service apartment ang PhilHealth at ang kanyang nagastos ay kanyang ginamit dahil sa kanyang trabaho. Dagdag pa ni Serna, hindi nagrerenta ng lugar ang PhilHealth para sa kanilang mga officers dahil hindi naman ito magagamit palagi.

Ayon naman mismo sa PhilHealth, sila ay kumukontrata ng mga condo upang magamit ng kanilang officers. May mga pagkakataon naman na ang kanilang officer mismo ang maghahanap ng lugar na sasakto lamang sa kanilang ibinigay na housing allowance.

Pinaniniwalaan din na nagpakita ng dokumento ang PhilHealth na isang lease of contract mula sa Lorenzoland na nagmamay-ari ng isang condominium sa Kapitolyo. Ito nga ay nagkakahalag ng halos P10,640 kada buwan.

Pero doon nga ay pinaniniwalaan na sa loob lamang ng dalawang linngo ay nakagastos ng halos P51,991.72 dahil lamang sa kanyang pagbyahe at pananatili sa isang hotel. Dadag pa ni Serna na pirmado at alam ni Francisco Duque III na siyang PhilHealth chairman secretary ang kanang pagbyahe byahe.

Nag order ng probe o pag iimbestiga sa issue na kinakaharap ni Serna.

Kidney treatments of ‘ghost patients’:

PhilHealth confirms paying for ghost kidney treatments | Philstar.com

Ayon sa report ng Eleven Media Group, bilang member ng Philhealth ay nabibigyan ng 90 free dialysis sessions kada taon. Ito ang dahilan upang ang kinilalang si Maria ay makatanggap ng free dialysis treatment sa Quezon City Center.

Ayon sa report noong 2019. Si Maria ay namatay noong March 2016, pero patuloy pa din ang PhilHealth sa pagbabayad sa kanyang dialysis na nagkakahalaga ng P2,600 kada session.

Nalaman ng WellMed Dialysis and Laboratory Center Corp. sa Quirino Highway Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City na patuloy ang pag-file ng claim para sa sessions ng pasyente kahit na ito ay namatay na. Ayon sa kinilalang si Edwin Roberto na siyang former employee ng nasabing center, patuloy na nagbabayad ang PhilHealth kahit na hindi nila sigurado kung valid ba ang mga claims na ito. Si Roberto nga ay kinilala bilang assistant manager sa WellMed.

Ang ghost dialysis nga na ito ang siyang ginagawa ng WellMed upang makakuhua ng pera mula sa gobyerno. Doon ay kinilala naman ang lawyer na si Harry Roque na naging lawyer ni roberto at nang isa pa niyang kasamahan na kinilala namang si Liezel Santos na nagtrabaho bilang PhilHealth officer.

Ayon kay Roque, nais niyang hawakan ang kaso upang maayos na ang mga anumalaya at mga maling ginagawa ng PhilHealth at maging ang kanilang ipinapatupad na Universal health Care o UHC act. Doon nga ay ipinahayag ni Roque na hindi nito nais magamit ang UHC upang maging kuhanan ng pera ng ilang taong nakaupo sa gobyerno.

Ayon sa inilabas na affidavit ni Roberto, kanyang ilalabas ang iba pang mga ilegal na aktibidad ng kanyang former employer na hindi kasama at tumataliwas sa mga polisiya na kailangan nilang sundin.

Ang lahat ay nagsimula noong 2016 na utos mismo ng may-ari ng WellMed. Kanyang ipinahayag na gamitin ang pangalan ng namatay na PhilHealth member upang mabayaran ang hindi na nagaganap na dialysis. Ipinaliwanag ni Roberto na inihanda mismo ng owner ang mga claims at iniutos sa mga employee na gayahin ang pirma ng pasyente, mula sa medical records at pagkatapos ay ipadala ito sa PhilHealth.

Umamin si Roberto na siya mismo ang magchecheck ng pangalan na gagamitin at titignan kung ito ay eligible pa ba sa dialysis sessions. Kung ang pangalan na ito ay eligible pa. Agad siyang gagawa ng eligibility form at ilalagay sa isang claim form at gagawa ng kopya ng PhilHealth payment reciept o isang certicate ng contribution saka pa lamang niya ito ipapadala para makuha ang pera.

Ang kanilang ginagamit na pangalan ay pangalan ng mga buhay na tao na hindi pa nagagamit ang kanilang 90 sessions sa taon na iyon. Pinaniniwalaan na kung ang pasyente ay magkakaroon ng dalawang session sa loob ng isang linggo, kanila itong dadagan ng isang session na hindi naman mangyayari.

Dagdag pa ni roberto, alam ng may-ari na babayaran ito ng PhilHealth at hindi nila malalaman na hindi totoo ang isa sa mga sessions na ito. Ayon naman kay Santos, hindi titingnan ng PhilHealth ang dialysis charges, maliban na lamang kung mayroong magtanong at magrequest na makita ito.

Kanila din isinumbong ang mga pang haharass na kanilang natatanggap mula sa WellMed, dahil sa kanilang ginawa. Ngunit ayon naman sa senior manager ng PhilHealth’s Fact Finding Investigation and Enforcement Department na si Ernerto Barbado Jr. .Ang PhilHealth ay hindi makikisali sa mga nangyayari sa kanila at walang pake ang mga ito sa kung ano man ang mangayari sa kanila.

To be fair ang philhealth ay nagamit lang din sa 2 kaso na nabanggit ko pero still hindi ito sapat na dahilan dahil sila ay gobyerno, dapat hindi sila naloloko ng ganito.

Overprice Tech budget:

Overpriced' items in PhilHealth's ₱2.1 billion IT project | NoypiGeeks

Nito lamang July 2020. Inireport na ilang araw pa lamang ang lumipas noong bumaba sa pwesto ang PhilHealth Anti-Fraud officer na si Thorrsson Montes Keith .Ang Commission on Audit o COA ay nadiskubre ang proposal na 2.1 billion pesos na information technology (IT) project ng PhilHealth ay overpriced.

Ayon nga sa report, ang ilang parte ng proyekto na naglalaman ng planong pagbili ng mga equipment na nagkakahalagang P734 million ay hindi kasama sa orihinal na budget proposal. Pinaniniwalaan na lumabas sa audit noong buwan ng Mayo na nadiskubre ng COA ang budget para sa limang “ICT (information and communications technology) resources” na sobrang overpriced dahil nagkakahalaga ito ng 98 million Pesos. Pinaniniwalaan na base sa kanilang report, ang presyo para sa mga application server at maging sa mga lisensya ay tumalon ng halos 40 million pesos na dati ay nasa 25 million lamang.

Ang ipinagtataka pa ng COA ay ang presyo ng Adobe Software na ginagamit para sa pag-gawa ng grapics design, mga videos at mga FXs a nagkakahalaga ng halos 168,000 pesos kada unit.

Ayon sa ilang internal auditors, mayroong sindikatong nagagawang patakbuhin ang government-owned agency at pinaniniwalaan din na mayroong isang mafia group na kinabibilangan ng mga senior officials ang nag-uutos sa mga government insurer na siguraduhin na walang makakaalam at titingin sa mga rates at mga overpayments na kanilang ginagawa. Pero sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag lalo na kung involve ang pera.

PhilHealth and the 15 Billion Pesos:

Whistleblower claims ₱15 billion stolen by PhilHealth execs in fraud schemes

Nito lamang August 5,2020, inireport na ang ilang officials ng PhilHealth ay nagbulsa ng halos 15 billion pesos mula sa kanilang funds na kanilang idinaan sa ilang mga kakaibang transaksyon.

Ito nga ang dahilan kung bakit bumababa sa pwesto si Keith at kanyang ipinahayag na hindi niya kaya ang mga korupsyon na nagaganap sa PhilHealth. Ayon sa pahayag ni Keith naniniwala siyang ang perang nabanggit ay ninakaw at nagamit na nang mga kumuha nito.

Sa gitna nang mga nangyayari, ipinahayag naman ng acting senior vice president na si Nerissa Santiago na ang insurance agency ay maaring mabankcrupt sa susunod na taon. Ayon sa pahayag ni Santiago sa senate committee, ang buong agency na halos 221 billion na lamang ang pondo ay hindi na makakatakbo sa kanilang mga operation dahil sa pagbaba ng mga koleksyon nito at ang pagtaas ng payouts para sa mga health expenses ng mga member dahil nga sa covid-19. Pero wag masyadong mag-alala dahil hindi naman mababankrupt ang philhealth dahil sasaluhin ito ng gobyerno natin at least ito ang kanilang statement ngayon.

Dagdag pa ni Santiago, ang actuarial life ng PhilHealth fund ay sampong taon, ngunit dahil sa pagtama ng covid at lalong pagdami ng mga nagpapositive, ito ay bumaba. Ipinahayag nito na halos 90 billion na ang nailalabas ng PhilHealth dahil sa virus at kung ito ay magpapatuloy hanggang sa susunod na taon maaring umabaot na ito sa halos 147 billion pesos at ito ang magiging dahilan upang maubos at bumagsak ang agency.

Kung wala pa ding vaccine hanggang sa lalong madaling panahon, ang kanilang agency ay hindi makakagalaw depende na lamang kung aakuin ng gobyerno ang kanilang mga obligasyon. Parte nga ng imbestigasyon ay ang pinaniniwalaang favoritism ng PhilHealth sa pagpapatupad ng Interim Reimburesment Mechanism sa mga ospital para sa tulong sa covid cases.

Ayon kay Drilon, ang agency ay naglabas ng 15 billion pesos para sa mga ospital. Doon ay pinaninwialaang nangolekta ng halos 70 billion ang PhilHealth mula sa kanilang members at employers at nakakuha pa ng 71 billion mula sa General Appropriations Act ngayong taon mula sa mga sin taxes na ipinatupad na UHC law.

Ipinahayag nga ni Drilon na ang Pilipinas ay nasa ganitong kalagayan dahil sa magulong pagpapatakbo ng PhilHealth. Naniniwala si Drilon na ang lahat ng problema na nangyayari sa bansa ay dahil sa hindi nasunod ng mabuti ang pangangalaga sa public funds ng Pilipinas.

Kinuwestyon din ng Senador na si Grace Poe ang ilang mga ospital sa Bicol at Visayas region na nabigyan ng ilang daang milyon kahit na ang karamihan sa mga ito ay hindi accredited ng PhilHealth at walang kaso ng Covid-19.

Ayon naman kay Sen.Francis Pangilinan ang 15 billion corruption scandal mula sa PhilHealth ang dagdag rason kung bakit kailangan patalsikin sa pwesto ang Health secretary na si Francisco Duque III. Maging ang Senate president na si Vicente Sotto III ay nanawagan na pababain sa pwesto si Duque. Gayunpaman, hindi ito tinangkilik ng ating pangulo dahil sa kilala nya si duque at may tiwala sya dito. Who knows baka wala talagang alam si duque at ang mga nasa ilalim nito ang may sila at nadadamay lang sya.

 

Hanggang ngayon nga ay patuloy pa din ang imbestigasyon at silang mga pagtatalo kung ano ang silang kakaharapin ng mga nakaupo sa pwesto sa PhilHealth.

Dito ay ating makikita na ang ating bansa ay hindi lamang naghihirap dahil sa virus, ngunit naghihirap na din ito dahil sa mga taong nais lamang makakuha ng pera sa gitna ng pandemya na kinakaharap ng bawat Pilipino.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/QIFxi8-AFsc
  • Sources at the end of the video

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nagteleport sa manila hanggang mexico sa isang kisap mata

Ano ang isang Blackhole?